Mga Uri ng Dula ..... PDF

Title Mga Uri ng Dula .....
Author Anonymous User
Course BSED Filipino
Institution Sto. Nino Catholic Schopl
Pages 3
File Size 140.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 39
Total Views 178

Summary

Ipinapakita nito anf ibat ibang uri ng dula...


Description

Mga Uri ng Dula Komedya •Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

Trahedya •Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.

Melodrama o Soap Opera •Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.

Tragikomedya •Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

Sangkap ng dula:

1. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula 2. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula 3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula 4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning

nararanasan

5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula

6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian 7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian 8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula: 1. Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip 2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula 2. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase 3. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip 4. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

Eksena at tagpo: Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.

Ang Pelikula o kilala din bilang sine at pinilakang tabing, • Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan • Gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan • Kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. • Isang anyo ito ng sining

• Tanyag na anyo ng mga libangan, at negosyo. • Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao • Bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera o sa pamamagitan ng kartun...


Similar Free PDFs