Uri ng Pananaliksik at ang Pagkakaiba-iba ng mga ito- Studocu PDF

Title Uri ng Pananaliksik at ang Pagkakaiba-iba ng mga ito- Studocu
Course Practical Research
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 10
File Size 139.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 83
Total Views 588

Summary

Uri ng Pananaliksik at ang Pagkakaiba-iba ng mga itoPangkalahatang Uri ng PananaliksikBasic Research o theoretical research Ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ayon kina Graziano at Raulin (2000), ito ay nadisenyo upang madagdagan ang pag-unawa sa mga dating kaalaman ngun...


Description

PANANALIKSIK

Uri ng Pananaliksik at ang Pagkakaiba-iba ng mga ito Pangkalahatang Uri ng Pananaliksik Basic Research o theoretical research Ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ayon kina Graziano at Raulin (2000), ito ay nadisenyo upang madagdagan ang pag-unawa sa mga dating kaalaman ngunit walang partikular at may layong praktikal. Dagdag naman ni Fox (1969), ang isang pangunahing layunin ng basic research ay para masubok o makabuo ng teorya na ang adhikain ay makapagtatag ng prinsipyong pangkalahatan. Kung gayon, anumang kaalamang nakakalap ay walang intensyong praktikal na layunin tulad ng intensyong makatulong sa pagsasaayos ng pamumuhay na mahihirap o paglutas ng problema ng lipunan. Samakatuwid, ito ay paghahanap ng mga kaalaman para sa pangkaalaman lamang. Para saan pa kung gayon ang pananaliksik na ito? Ang mga kaalamang ito ay maaring walang aplikasyong sosyal sa kasalukuyan, ngunit maari namang magamit sa hinaharap. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ito ay pananaliksik para malinang ang mga teorya at prinsipyo. Ang layuinin ng pananaliksik na ito ay para makasiyasat o makalibot, upang makabuo ng mga prinsipyong magsilbing basehan sa pagpapaunlad ng kaalaman at pagbabago. Marami ring pagkakataong kailangan natin ang mga ganitong uri ng pananaliksik upang magkaroon tayo ng pundasyog kaalaman sa maraming bagay sa ating kapaligiran. Hindi man agad na nakikita ang gamit o praktikalidad nito, magiging batayan natin ang mga kaalamang ito sa mga suliraning ating kakaharapin. Applied research o Practical research Ang layunin nito ay hindi lamang makakalap ng kaalaman, kundi magkaroon ng aplikasyon ng mga kaalaman o aplikasyon ng pure research. Tumutulong ang pananaliksik na ito sa paglutas ng mga mabibigat na isyu o suliranin sa lipunan at maisaayos ang mga di kasiya-siyang kondisyon. Maaari rin naming kasiya-siya ngunit may mga pagkakataong nagiging lalong maisasaayos pa ang kondisyong ito. Ayon kay Gay (1976), layunin nitong maisagawa, masubukan, at mabigyan ng ebalwasyon ang paggamit ng teorya o kaalamang nabuo para sa paglutas ng problema. Halimbawa, ay ang pag-aaral kung

PANANALIKSIK paano makontrol ang populasyon. Kadalasan nakikita agad sa uring ito ang aplikasyon ng natamong resulta sa pang-araw-araw na buhay o di kaya’y natatamasa mo bilang isang mananaliksik ang epekto ng ginawa mong pananaliksik. Aksiyong pananaliksik o action research Ito ay uri ng pananaliksik na may mabilisang solusyon ng problema. Dito, hindi naman kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon. Sa edukasyon, ang aksiyong pananaliksik ay kadalasang ginagamit upang remedyuhan ang mga problemang pagtuturo-pagkatuto. Ginagamit ang mga hakbangin pang-agham na paraan tungkol sa mga suliranin sa loob ng silid-aralan. Ito ang pananaliksik upang agad na mabigyan ng solusyon ang mga suliranin sa klasrum. Ano ang pinakamainam na pananaliksik? Walang superior o inferior sa mga uri ng pananaliksik. Sa bawat uri ay may gampaning kailangang tuparin dahil ang mga ito ay makatutulong sa lahat. Totoong kahali-halina ang applied at action research, ngunit hindi maikakailang napakalaki ang maibibigay ng tulong ng basic research. Halimbawa ay ang pananaliksik ni B.F. Skinner tungkol sa operant conditioning na nadiskubre noong 1930. Malaki ang tulong nito sa kasalukuyang pag-aaral sa ilalim ng sikolohiya tungkol sa mga gawi ng tao. Hanggang sa ngayon, ito ang nagiging batayan sa pag-aaral ng sikolohiya pati sa pagkatutong aspekto ng mga mag-aaral. Kung ganoon, maaaring hindi nagagamit sa kasalukuyan ang resulta ng basic research, ngunit may malaking ambag o kontribusyon ito sa hinaharap. Pakatandaan lamang na ang kontribusyon sa pag-unlad at pagsulong ng kaalaman ay dapat na pahalagahan, ito man ay basic, applied, o aksiyong pananaliksik. Mga Uri Ng Pananaliksik Napag-aralan mo na ang tatlong pangunahin o pangkalahatang uri ng pananaliksik na maari mong gamitin. Sa mga susunod na talakayan, masusuri at masisiyasat mo naman ang iba’t ibang tiyak na uri ng pananaliksik na lalo pang magbibigay-linaw sa iyo upang makapili ka ng angkop na gagamitin mong pananaliksik ayon sa larangan o interes na iyong kinabibilangan. Pansinin mo ang pagkakaiba-iba ng mga ito.

PANANALIKSIK Palarawan o descriptive Sa uri ng pananaliksik na ito, binibigyang-pansin ang pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan, kalagayan. Nilalayon ng mga datos na ilarawan kung ano ang kasalukuyang nagaganap sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa kanlang paligid. Halimbawa: Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral na naninirahan sa mga boarding houses at ang nagiging epekto nit sa kanilang pag-aaral. Eksperimental Binibigyang-diin sa uring ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari. Nagsasagawa tayo ng isang pananaliksik dahil gusto nating maitala ang bisa ng isang bagay o kaisipang maari nating gamitin sa ating panghinaharap na buhay. Halimbawa: Eksperimentong gagawin ng isang guro upang malaman niya kung anong paraan ng pagtuturo ang kaniyang gagamitin upang madaling matuto ang kaniyang mga mag-aaral. Susubok siya ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo. Pangkasaysayan o historical Mula sa termino, mapapansin nating sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas. Sinusuri rito ang mga pangyayari, ang pag-unlad, ang mga dahilan ng mga bagay-bagay at sanhi at bunga. Sa pananaliksik na ito, tinitingnan natin bilang isang mananaliksik ang pinagmulan, mga dahilan, pinag-ugatan ng mga pangyayaring maaari nating iugnay sa mga kasalukuyang nagaganap. Mula sa kasalukuyan, inuukilkil natin ang mga nakalipas nang pangyayari upang mailatag natin ang mga naging dahilan o ugat nito. Halimbawa: Pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating Pambansang Wika. Pag-aaral sa isang kaso o Case Study Ito ay isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin, o kaso sa hukuman, o kaya ay isang mabigat na suliranin. Sa uri ng pananaliksik na ito, kakaunti lamang ang sangkot na respondente kung ihahambing natin sa iba pang uri ng pananaliksik. Ngunit ang pinakalamahalagang bahagi nito ay ang malalim na pagsusuri sa isang kaso. Lahat ng mga anggulo sa nasabing kaso ay sinusuri upang malaman ang ugat ng suliranin, o upang malapatan ng solusyon kung kinakailangan. Halimbawa: Pag-aaral ukol sa isang kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na naging dahilan ng pagpasok niya sa Rehabilitation center. Genetic study

PANANALIKSIK May kaugnayan ito sa agham at kaugaliang pantao dahil sinusuri ang ugnayan ng genes sa pag-unlad ng isang tao. Tinitimbang o sinusuri ang mga epekto ng mga X at Y chromosomes sa paglaki o gawi ng isang tao. Pinag-aaralan nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa. Halimbawa: Pag-aaral sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ng isang tao. Pamamaraang nababatay sa pamantayan o Normative Madaling makilala ang uri na ng pananaliksik na ito dahil laging may pinaghahambingang batayan o norm sa mga resulta ng isinasagawang pag-aaral. Kadalasan, sinusuri kung ang datos ay nakahihigit o kaya’y hindi napantayan ang pangkalahatang pamantayan. Dito ay inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na pamantayan. Halimbawa: Paghahambing ng nagampanan sa Ingles ng ikatlong baitang sa elementarya sa isang dibisyon sa Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa Ikatlong Baitang. Kambingang pamamaraan o comparative study Sa uring ito, bagamat may paghahambing na magaganap, ang paghahambing sa mga resulta ay hindi sa isang pamantayan o norm kung hindi sa iba pang resulta ng isinasagawang pag-aaral. Maaari ring may dalawa o higit pang pinaghahambing, at sinusuri kung ano ang pagkakaiba ng mga resulta ng mga ito. Kadalasan ay ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos. Halimbawa: Ang pag-aaral sa bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng paaralang publiko at paaralang pribado. Behavioral Research May kaugnayan ito sa pag-aaral sa gawi o pag-uugali ng isang tao. Batay ito sa pag-aaral sa paniniwala na ang mga layuning pangkaalaman nito ay nakukuha sa pamamagitan ng maingat at sistematikong pagsukat at obserbasyon ng mga ginagawa ng mga tao. Ito ay inaasahan sa operasyong pumapaloob ang transpormasyon o pagbabago ng mga konseptong abstrakto sa mga gawing maaring maliwanagan. Ang layunin nito ay masubukan ang mga batas na maaaring maipaliwanag, mahulaan, o mabigyan ng prediksyong patungo sa kontrol o gawi. Halimbawa: Ang pag-aaral tungkol sa gawi ng mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Filipino na nasa unang baitang ng tersyaryo. Phenomenological Research

PANANALIKSIK Ito ay pananaliksik batay sa mga paniniwala ng mga tao at ginagawa nila ayon sa kanilang iniisip. Ang pokus nito ay sa internal, sikolohikal na kahulugan bilang gabay sa kanilang gawi na naglalarawan kung paano ang pag-unawa sa buhay at karanasan. Tinatawag din itong theory-generated dahil sa paglinang ng mga teorya. Tinitingnan dito ang mga nangyayari sa mga phenomenon o mga pangyayaring may kaugnayan sa paligid. Halimbawa: Ang pag-aaral tungkol sa kulturang Ibaloi. Communication Research Isa itong uri ng pananaliksik na nakapokus sa pag-iimbestiga sa limang elemento ng komunikasyon. Ang mga elementong ito ay ang mga sumusunod: 1) Control analysis (source) na tungkol sa pagganap ng tagapagsalita. Pinag-aaralan ang mga salik na nakakaapekto sa kanyang pagganap ayon sa kredibilidad, kapabilidad, pagiging bihasa, pangangailangan at suliranin: 2) Content analysis (message) na tungkol sa katangian ng mensahe, manipestasyon ng lawak ng paksa, pananaw at gamit ng teksto: 3) Media analysis (channel) na tungkol naman sa bentahe ng media at pinansyal na aspeto; 4) Audience analysis (receiver) na tungkol sa gawi ng mga tagapakinig, lebel ng mga tagapakinig, interes nila, opinyon at ang feedback na manggagaling sa kanila; at 5) Impact analysis (effect) na tungkol naman sa kasalukuyang tungkulin ng media sa komunidad, sistema ng agbibigay impormasyon, epekto ng telebisyon sa mga bata, motibo ng media, gamit ng media, at iba pa. Marami ka nang nalaman hinggil sa iba’t ibang tiyak na uri ng pananaliksik. Maaaring siyasatin mo ang iyong sarili kung alin sa mga nabanggit na uri ang iyong interes o kayang gawin. Mga ilan pang uri ng pananaliksik at klasipikasyon ng mga ito ayon sa partikular na layunin. Maiuuri ang pananaliksik ayon sa layuning nais makamit (Calderon at Gonzales, 1993). 1. Prediktibo o prognostic Layunin nitong makita ang operasyon sa hinaharap ng mga baryabol sa ilalim ng imbestigasyon para sa mas maayos na direksiyon. Ito ay para ibigay ang mga resulta mula sa isang tiyak na direksiyon. Ito ay para ibigay ang mga resulta mula sa isang tiyak na edukasyonal na pagsasanay o padron at makapagpatatag

PANANALIKSIK ng estadistikal na koneksiyon sa pagitan ng mga katangian ng mga mag-aaral at prediksyon ng pag-aaral. 2. Direktiba Isinasaad dito kung ano ang dapat gawin base sa mga resulta ng pag-aaral. Ito ay pagbibigay ng remedyo sa isang hindi kasiya-siyang kondisyon, kung mayroon man. 3. Iluminatibo Ito ay patungkol sa interaksiyon ng mga bumubuo ng mga baryabol na padron o organisasyon. Ayon sa malawakang layon. Ito naman ang mga uri ng pananaliksik sa mas malawakang layunin o pangkalahatang layuining nais makamit. Nasa ibaba ang iba’t ibang uri nito: 1. Basic o pure research. Ginagamit ang pananaliksik na ito sa sikolohikal at sosyolohikal na aspekto. 2. Applied research. Ito ay aplikasyon ng teorya o prinsipyong nabuo. Halimbawa nito ang pagsubok sa prinsipyong “ang pagpupuri ay makatutulong sa pagkatuto”. Para malaman kung ito ay totoo, magsasagawa ng eksperimento sa dalawang grupo na nasa parehong lebel. Ginagamitan ang unang grupo ng papuri at ang ikalawang grupo ay hindi. Pagkatapos ay bibigyan sila ng parehong pagsusulit. Kung ang unang grupo na ginamitan ng papuri bilang repwerso ay mas mataas ang nakuhang mga puntos kaysa sa hindi ginamitan ng papuri, samakatwid ang prinsipyo ay totoo.

Ayon sa lebel o antas ng imbestigasyon. Binibigyang-diin sa uring ito ang antas o lebel ng pag-iimbestiga ng mga datos. Tinitingnan din dito ang paraan ng pag-iimbestiga ng mga datos na nakakalap. Pansinin mo ang mga uri nito: 1. Eksploratori. Pinag-aaralan ng mananaliksik ang mga baryabol na may tuwirang kaugnayan sa isang tiyak na sitwasyon. 2. Deskriptib. Pinag-aaralan ng mananaliksik ang relasyon ng mga baryabol. 3. Eksperimental. Pinag-aaralan ng mananaliksik ang epekto ng mga baryabol sa bawat isa. Ayon sa pagpili ng mga kasagutan sa problema. Sa uri ng pananaliksik na ito, binibigyang pansin ang paraan ng pagsagot ng mga suliraning pananaliksik, o kung paano sasagutin ng mga datos ang mga suliraning nais bigyan ng kasagutan.

PANANALIKSIK 1. Ebalwasyon. Ito ang mga posibleng aksiyon sa pag-aaral na kung saan pinipili ng manaliksik ang pinakamahusay at mabisang aksiyon sa pag-aaral ng paksa. 2. Debelopmental. Ang tuon ng pansin ay sa mga resulta at nililinang ang pinakamainam na instrument o proseso sa pagsagot ng mga katanungan. Ayon sa nilalaman ng estadistika. Dahil mahalaga rin ang estadistika sa pagsusuri ng mga datos, mabuti ring suriin ang uri ng pananaliksik sa aspektong ito. 1. Kuwantitatibong pananaliksik (quantitative research) Ito ay ginagamitan ng inferential na estadistika tulad ng chisquare at analysis of variance upang masubukan ang haypotesis. Isinasama rito an gang komparatibong pag-aaral at relasyong sanhi at bunga base sa mga pag-aaral. 2. Non-quantitative research Ito ay hindi na ginagamitan ng estadistika o quantity na walang kantitado o zero. Kadalasang nakikita ito sa alternatibong pananaliksik tulad ng pag-aaral sa antropolohiyang etno-kultural, indigenous, at partisipasyon ng mananaliksik. Kadalasan ding ginagamitan ito ng paglalarawan sa mga datos na nakokolekta. Ayon sa inilaang oras. Mauuri ang pananaliksik na ito sa aspektong pampanahon kung anong panahon ang pokus ng iyong gagawing pananaliksik. 1. Historikal Inilalarawan at binabakas nito ang nakaraang pangyayari o datos upang makita ang unayan ng mga nakaraang pangyayari sa kasalukyan. 2. Deskriptib Inilalarawan ang “ano”, o kaya’y nagbibigay ng kasalukuyang kalagayan ng datos na ginagawan ng pananaliksik. 3. Eksperimentib Inilalarawan ang hinaharap o kung ano ang mangyayari. Ginagawa ang pananaliksik na ito para sa panghinaharap na katuparan o kaya’y kapakinabangan ng mga datos. Ayon sa uri ng pagsusuri o analisis. Ang uri ng pananaliksik na ito ay nakaugnay sa paraan ng pag-atake sa pagsusuri ng mga datos sa pananaliksik, o kung paano niya tatalakayin ang mga nakalap na datos upang magkaroon ng mabuting kinalabasan.

PANANALIKSIK 1. Analitikong dulog o analytical approach. Sinusubukang tukuyin at ihiwalay ng mananaliksik ang mga component o bumubuo ng sitwasyon ng pananaliksik. 2. Dulog na holistik o holistic approach. Inuumpisahan sa kabuuan ang sitwasyon at binibigyang pansin ang sistema muna pagkatapos ay ang relasyong internal. Ayon sa lawak o sakop. Sa uring ito, binibigyang pansin ang lawak ng ng paksang nais gawan ng pananaliksik. 1. Aksyong pananaliksik Ginagawa ang aksiyong pananaliksik sa isang maliit na lamang na aspekto nito dahil nais mabigyan ng agarang solusyon ang kasalukuyang kalagayan o sitwasyon. Pananaliksik ito sa mabilisang solusyon ng problema na hindi naman kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon sa problema. Sa edukasyon, ang aksyong pananaliksik ay kadalasang ginagamit para mabigyan ng remedyo ang mga problemang pagkatuto-pagtuturo. Ginagamit ang mga hakbanging pang-agham na paraan tungkol sa mga suliranin sa loob ng silid-aralan. Ayon kay Geoffrey E. Mills (2003), ito ay anumang sistematikong pagsisiyasat o pag-uusisa na pinapangasiwaan ng mga gurong mananaliksik, punongguro, mga tagapayo o school counselors o mga namumuhunan para sa paaralan o stakeholders. Gumagawa ng pagsisiyasat tungkol sa kapaligiran ng pagtuturo o pagkatuto upang makakalap ng mga impormasyon kung paano pinamamahalaan ang isang paaralan, kung paano magturo ang guro at kung gaano natututo ng husto ang mag-aaral. Ang mga impormasyong nakukuha o nakakalap ay sinasamahan ng mga layuning madadagdagan ang kamalayan at makapagpapalawak sa pag-unawa, malilinang ang repleksyon sa mga paraan at gawain ng paaralan, magkaroon ng positibong pagbabago sa kalagayan ng paaralan maging sa kabuuan sa larangan ng edukasyon , mapabuti ang magiging kahihinatnan ng mga mag-aaral, at mapabuti rin ang mga buhay ng mga may kinalaman sa pagtataguyod ng paaralang pinaglilingkuran. Ginagawa ng mga guro ang action research nang kusa, at hindi ito pinipilit ng sinuman. May apat na hakbang na sinusunod ang guro sa paggawa ng action research. Una. Kilalanin ang pangunahing pokus ng pag-aaral; pangalawa mangalap ng mga datos; pangatlo, magkaroon ng analisis at interpretasyon sa mga datos; at pang-apat, paunlarin ang action plan.

PANANALIKSIK Ang action research din ay isinasagawa ng isa o higit pang indibidwal at grupo para sa layuning masolusyunan ang isang suliranin. Layon nitong makakuha ng mga impormasyon para sa bentahe ng mga lokal na gawain o local practice. Karaniwang ninanais ng mga kasangkot sa action research na mabigyan ng solusyon ang pangaraw-araw na suliraning tuwirang nakikita at nararanasan. Halimawa, ang nakikitang mga problema ng mga guro ay kung paano mababawasan ang bilang ng mga estudyanteng lumiliban sa klase, bandalismo, tamang paggamit ng teknolohiya para malinang ang kakayahan sa pagtuturo ng Filipino at iba pa. May mga katanungang maaring gamiting gabay para sa ganitong pananaliksik tulad ng: Ano ang pinakamainam na gamiting metodo para sa partikular na estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na mabibigyang pansin o konsiderasyon ang edad, kasarian at pangkat etnikong kinabibilangan?; Paano mahihikayat ng mga guo ang mga mag-aaral na bigyang-pansin ang mga pangyayari sa kanyang kaaligiran? Ang ganitong pag-aaral na ginagawa ng isang indibidwal ay nagkakaroon ng limitasyon para sa tinatawag na generalizability o pagbibigay ng kalahatan. Ngunit kapag ang pag-aaral ay ginawa ng iba pang mga guro sa iba’t ibang paaralan gamit ang parehong katanungan para maimbestigahan ang nasabing tanong sa klase (iyan ay inuulit ang parehong katanungan ng kanilang kasamahan) at anumang resultang lumabas, makalilikha sila ng natayang ideya na nakapagbibigay ng pangkalahatang patakaran o tunguhin. Sa action research, hindi kailangan ang kadalubhasaan sa lahat ng uri ng pananaliksik, ang dapat tandaan amang sa ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagpapahalaga sa ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagpapahalaga sa interes at pangangailangan ng mga praktisiyoner. Narito ang iba’t ibang uri ng action research: Praktikal Layunin nitong tukuyin ang mga tiyak na suliranin sa silid-aralan, paaralan, o sa komunidad. Puwede itong gawin sa larangan ng edukasyon, serbisyong panlipunan at kalakalan. Ninanais din nitong mapabuti o maisaayos ang pagsasagawa o pagsasakatuparan ng hangarin sa mas maikling panahon at magbigay ng impormasyon tungkol sa mas malaking isyu; puwedeng gawin ang isang indibidwal o pangkat. Ang resulta ng ganitong uri ng pananaliksik ay ang pagbuo ng isang action plan na kadalasan ay ipinatutupad at higit pang matatasa. Participatory

PANANALIKSIK Kilala rin itong collaborative research na tumutukoy sa pananaliksik na naglalayong mabigyan ang mga tao ng mga paraang gumagamit ng sistematikong aksiyon at mapagsikapang mabigyang solusyon ang isang tiyak na suliranin. Humihikayat ito ng lahat ng mga kasangkot na magkasundo, maging malaya at makisangkot upang maging masigasig sa pag-iimbestiga hinggil sa isang suliraning nakaaapekto sa kanila. Kaya nasasabing ang mga kasangkot sa pananaliksik na ito ay nabibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ng kanilang kalagayan at makalinang ng isang plano na maaaring makapagbigay ng solusyon sa nasabing suliranin. Ano ang ipinagkaiba nito sa praktikal na action reseach? Masasabing walang gaanong ipinagkaiba ito sa practical research, bukod sa ito ay may dalawang karagdagang layunin. Una mabigyan ng kakayahan ang isang indibidwal at grupo upang maisaayos ang kanilang pamumuhay; at ikalawa, magdala ng pagbabagong panlipunan sa paaralan o sa lipunang kinabibilangan. Sa pananaliksik na participatory kadalasang ang mga kasangkot ay nasa malaking grupo ng mga tao na may iba’t ibang karanasan at may iba’t ibang karanasan ...


Similar Free PDFs