Ano ang kahulugan ng Filipinolohiya at bakit ito mahalaga? PDF

Title Ano ang kahulugan ng Filipinolohiya at bakit ito mahalaga?
Author Chrischan Estrella
Course Filipino 2
Institution STI College
Pages 5
File Size 77.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 229
Total Views 484

Summary

Ano ang kahulugan ngFilipinolohiya at bakit itomahalagaLatin language Polytechnic University of the Philippines 4 pag.Document shared on docsity Ano ang kahulugan ng Filipinolohiya? Ang Filipinolohiya ay disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugna...


Description

Ano ang kahulugan ng Filipinolohiya at bakit ito mahalaga Latin language Polytechnic University of the Philippines 4 pag.

Document shared on www.docsity.com Downloaded by: chrishan16 ([email protected])

1. Ano ang kahulugan ng Filipinolohiya? Ang Filipinolohiya ay disiplina ng karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan. Ang Filipinolohiya ay ang pagaaral ng ating kasaysayan at pinagmulan sa ating sariling pananaw at kaisipan. Mula kay Apigo, M.V (2001) batay sa panayam kay Prop. Gandhi G. Cardenas. 2. Kahalagahan ng Filipinolohiya Mahalaga ang pag-aaral sa Filipinolohiya dahil tumutulong ito upang maunawaan, suriin at magbigay halaga sa kasaysayan ng Pilipinas, mga napapanahong isyu sa lipunan at sa sangkatauhan na binubuo gaya na lamang ng musika, sayaw, at sining ng bansa. Ang Filipinolohiya ang nagbibigay kaalaman sa mga magaaral ukol sa ating wika at panitikan. Bukod dito, ay nalilinang din sa mga magaaral ang kaisipang makabayan. Kaugnay ng pagaaral ng panitikan, napagaaralan din ng mga magaaral ang kasaysayan ng Pilipinas. Lubos na mahalaga ang Filipinolohiya upang maintindihang mabuti ng mga bagong henerasyon hindi lamang ang ating wika pati na rin ang bansang kanilang sinilangan. Ang wika ay bahagi na ng kultura ng isang bayan. Sa pag-aaral nito ay napapanatili ang ating pagkakakilanlan at naipapasa ito sa iba’t iabng henerasyon upang hindi ito mamatay mawala. Sinusulong din nito ang ating pag-unlad bilang isang mamamayan ng bansa at pag-ulan ng ating ekonomiya. Kung mawawala ito, maaaring bumagsak an gating ekonomiya. Maaari ding magdulot ito ng di pagkakaunawaan dahil sa kakulangan sa kaalaman. Kahit na minsan ay nagkakaintindihan ng mga tao dahil parehas ito ng wika at pananaw, nagkakaroon pa rin ng problema dahil hindi iisa o nagkakaisa ang kanilang mga pananaw. Paano na lamang kung magkaiba pa ang wika? Tiyak na mas lalong mahihirapan magkaintindihan at maibigay ang gustong iparating sa ibang tao. Mula sa Philippine Humanities, Announcement of Courses, Philippine Studies, ccsf.edu. 3. Ano ang kahulugan ng Pilipinohiya ayon sa UP? Ang Pilipinolohiya ayon sa UP, Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya, bilang isang eskuwela ng kaisipan at programang doktoradong nagpunyaging bumalikwas mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan, at metodolohiya ng noo’y “maka-Amerikanong Philippine Studies”. Pilipinolohiya ang tinitingnang disiplinang bubuo ng isang pantayong pananaw o pambansang diskursong pangkabihasnan para sa mga Pilipino. Ang Pilipinolohiya ay ang pagkakaroon ng sariling kaisipan at pananaw na sariling atin at walang halong ideya o pananaw mula sa ibang bansa. Mahihinuha mula sa nabanggit sa kanina, na dati ay ang pag-aaral sa Pilipino ay “maka-Amerikano” na ang ibig sabihin ay ang pag-aaral natin ay base sa isipan o pananaw ng mga amerikano. Ang Pilipinolohiya ay itinatag ng UP upang magkaroon at magsumila ang ating bansa na mamulat sa mga dapat nating malaman at sa mga nagaganap sa bansa sa paraang walang kaisipan na nang galing sa ibang bansa. Mga kaisipan o pananaw na ibinigay sa atin ng ibang bansa noong tayo’y nasakop. Mula kay Rodriguez-Tatel, M. (n.d.). Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Waking Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino (Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya in Filipino: Redefining Context and Concept within the Filipino.) 4. Ano ang kahulugan ng Filipinolohiya ayon sa PUP? Ang Filipinolohiya ayon sa PUP, ay ang programa na sinasaklaw ang wika, komunikasyon, panitikan at kultura o pambansang kabihasnan sa pangkalahatan. Pinapanday nito ang mga potensyal at talino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga karunungang

Document shared on www.docsity.com Downloaded by: chrishan16 (christian estrella@pasay-edsa sti edu ph)

makakamit sa FIlipinologhiya. Nakatuon sa pagiging malikhain at sikhayanang lalim at lawak sa pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon. Ang Filipinolohiya ang tumutulong sa mga kabataan na mapalawak ang kanilang kaalaman sa sariling bansa sa pmamagitan nang pag-aaral ng sariling wika, kultura, panitikan at mga napapahanong isyu sa bansa. Sa pag-aaral ng Filipinolohiya marami pang bagay ang natutuhan at nakukuhang kaalaman sa iba pang bagay na maaaring magamit sa hinaharap. Mula sa pup.edu.ph 5. Propesor Kubar – Pambansang Kaunlaran Pantayong Pananaw Ayon kay Salazar, ang pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan -- kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan. Isang reyalidad ito sa loob ng alin mang grupong etnolingguwistikong may kabuuan at kakanyahan, sa atin at sa ibang dako man ng mundo. Si Prospero Covar ay nakikiisa kay Salazar sa pagsusulong ng Pantayong Pananaw bilang perspektiba ng Pilipinolohiya. Ideolohiko din ito para sa kaniya. Aniya, ...ang pananaw na pantayo na nakasanib sa Pilipinolohiya ang siyang magbibigay ng kaganapan sa kabihasnang Pilipino. Ito ang magpapalaya sa ating mga Pilipino. Ayon sa kanya, mayroong pang “tayo”, “kami”, at “sila”. Ang pang “tayo” na pananaw ay ang pananaw na kasama ang sarili at iba pa sa grupo. Halimbawa ay “tayo ay kilala bilang masisipag na tao. Kapag sinabi namang “kami” ito ay ang pananaw na exklusibo lamang sa sarili at sa mga kasama pa sa grupo hindi kasama ang taong pinapahatiran ng iyong pananaw. Kung sasabihin naming “sila” ito ay ang pananaw na galing sa sarili at hindi galing sa tao o grupo na inilalarawan. Ayon kay Prospero Covar sa putik nagmula ang banga. Sa kabilang banda, ang tao ay sa putik din naman nagmula. Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas, loob, at ilalim. Gayundin naman ang kaluluwa ng isang tao. Ang laman nito ay kaluluwa. Sa ilalim nananahan ang kaluluwa kasama ang budhi. Ayon sa kanya, kung may loob ay may labas at kung may kaluluwa ay may budhi. Ayon din sa kanya, sa mukha nasasalamin ang samu’t saring karanasan. Sinasalamin ng mukha ang damdamin at kalooban ng pagkataong hinulma ng kulturang karanasan. Maaaring mahinuha sa kaisipan niyang ito na kung ang isang tao ay sa puso’t isipan ay makabayan at isinasabuhay ang kulturang Pilipino ay makikita rin ito sa labas. Kung ang isang tao ay di nakikitaan ng pagmamahal sa kanyang bansa, maaaring sabihin natin na iba ang nasa kanyang looban. Ang bawat bahagi ng katawan ay may kaniyakaniyang kakayahan at gamit. Sa mukha ang noo, kilay, mata, bibig, at iba pa ay may iba’t ibang gamit. Maaari nating sabihin na ang isang tao ay galit kapag ang kilay nito ay magkasalubong. Sinasabi naman na matalino ang isang tao kapag ang noo nito ay malapad. Ang iba’t ibang klase ng pagtingin ay may iba’t ibang kahulugan naman. Masasabi natin na ang mukhang Pilipino ay mukhang nangungusap ng sariling pagkatao ayon sa kapahayagan ng iba’t ibang bahagi ng mukha. Ang mukha ay katambal ang isipan. Ang isipan ay nakaugnay sa utak. Sa isip nagmumula ang kamalayan, diwa, talino at iba pa. Sa pag-iisip din nakasalalay ang ating pang-unawa. Ang pag-iisip ay hindi lamang nagpapahayag ng ating intensyon kundi pati na rin ng ating pagkilos at paggawa. Ang kapahayagan ng ating pagkatao ay masasabi ayon sa ating kilos gaya na lamang ng magaspang, makatao maka-Diyos at makabayan.

Document shared on www.docsity.com Downloaded by: chrishan16 (christian estrella@pasay-edsa sti edu ph)

Mula kay Rodriguez-Tatel, M. (n.d.). Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya sa Wikang Filipino: Pagpopook at Pagdadalumat sa Loob ng Kapantasang Pilipino (Philippine Studies/Araling Pilipino/ Pilipinolohiya in Filipino: Redefining Context and Concept within the Filipino.) 6. Konsepto ng Pambansang Kaunlaran Sinasabing maunlad ang isang bansa kung ang mga mamamayan nito ay nakararanas ng pagbabago mula sa mababa patungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Ang mga mamamayan ay mahalagang sangkap sa isang maunlad at matatag na ekonomiya dahil sila ang pinanggagalingan ng lakas, enerhiya, kaalaman, at kakayahan para makamit ang kasiglahan ng ekonomiya at kaunlaran ng bansa. Isang halimbawa ng palatandaan ng kaunlaran ay ang edukasyon. Ang bilang ng mga mag-aaral na nakapagtatapos sa pagaaral at marunong bumasa at sumulat ay isa sa sukatan ng kaunlaran ng bansa. Ang pambansang kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan, tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at iba serbisyong panlipunan. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbuti ng antas o lebel ng pamumuhay sa lipunan, at pagbabago ng pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya. Sa ekonomiya ng isang bansa may mga maituturing tayong iba't ibang sektor pang ekonomiya na sasagot nitong pagsulong tungo sa kaunlaran o pag-unlad. Ang mga sektor na ito ay ang sektor ng agrikultura, sektor ng industriya at sektor ng paglilingkod. Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman. Ito ay binubuo ng apat na subsectors tulad ng paghahalaman, paggugubat, pangingisda, at paghahayupan. Ito ay mahalaga dahil ito ay pinagmumulan ng mga hilaw na materyales, pinanggagalingan ng dolyar, nagkakaloob ng hanapbuhay at tagabili ng mga produkto ng industriya. Samantala, ang industriya ay ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya. Ito ay nahahati sa subsektor ng pagmimina, konstruksyon, pagmamanupaktura at elektrisidad at gas. Ito ay mahalaga dahil sa kontribusyon ng dolyar, nagkakaloob ng lakas paggawa at iba pa. Ang sektor ng paglilingkod naman ay isang sektor na nagbibigay ng iba'tibang serbisyo sa mga negosyo at mga konsyumer. Ang serbisyo ay maaring pagdadala, pamamahagi o pagbebenta sa konsyumer. 7. Gampanin ng Filipinolohiya sa Pambansang Kaunlaran Hindi uunlad ang bansa kung hindi magtutulungan ang mga mamamayan. Sa tulong ng Filipinolohiya, naipapalaganap nito ang karunungan sa mga mamamayan upang maimulat sila sa mga bagay na hindi pa nila alam at kung paano nga ba makatutulong sa pag-unlad ng bansa. Hindi lamang sa paraan nang paggawa pati na rin sa paraan nang pag-iisip tungo sa kaunlaran. Maliban sa komunikasyon, marami rin ang naitulong ng wika ng bansa. Isa na dito ang pagbibigay ng pagkakaisa sa bawat Pilipino at ang pagkamulat ng damdaming makabayan sa bawat isa. Dahil din dito, mapauunlad din natin ang ating sariling bansa. Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Samakatuwid, ang sariling wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Dahil din sa paggamit ng ating sariling wika sa mga

Document shared on www.docsity.com Downloaded by: chrishan16 (christian estrella@pasay-edsa sti edu ph)

transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. Ang Filipinolohiya ay may malaking epekto sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ekonomiya sa isang bansa. Ang wika ay isang instrumentong ginagamit sa ugnayan at transaksiyon ng bawat tao sa isang ekonomiya. Kung wala nito, makakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaring humantong pa sa pagbagsak ng ekonomiya ng ating bansa. Bilang isang Pilipino, dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas magiging mabilis at maayos ang pag-aangat ng estado ng lipunan dito sa bansa kung iisa lamang ang wika at lahat ay magkakaroon ng pagkakaintindihan sa lahat ng ating gagawin. Hindi magiging mahirap ang pag-angat ng estado ng ekonomiya kung gagamitin, pahahalagahan, at ipagmamalaki natin ang ating wika.

Document shared on www.docsity.com Downloaded by: chrishan16 (christian estrella@pasay-edsa sti edu ph)...


Similar Free PDFs