Kahulugan ng Wika DOCX

Title Kahulugan ng Wika
Author Dianne Ishmael
Pages 4
File Size 21.1 KB
File Type DOCX
Total Downloads 157
Total Views 771

Summary

Kahulugan ng Wika  Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. (teksbok.blogspot.com...


Description

Kahulugan ng Wika Ang wika ay bahagi ng atng kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktbong kaban ng karanasan ng tao sa tyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki. (teksbok.blogspot.com) Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa sa iba't ibang aspeto ng buhay. (teksbok.blogspot.com) Ang wika ay isang sistematkong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason) Itnuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot- kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle) Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantno at Galileo afra) Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt naanyo ng simbolikong gawaing pantao. (Archibald Hill,What is language) Ang wika ay isang masistemang balangkas ngsinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraangarbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang saisang kultura. (Henry Gleason) Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon. (Wikipedia) Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay "dila", kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita. Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika ay kasangkapang ating pulitikaat ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan. Ayon kay Randy S.David sa kombesyon ng Sangfl na nalathala sa Daluyan, Tomo VII – Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kalian man ay di magiging nyutral o inosenteng larangan ang wika. Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang Wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugaliang palagay ng lahing lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at kanyang katauhan. Sa depinisyon ni Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas. Lahatng wika ay nakabatay sa tunog na kung tawagin ay ponema, na ang maagham na pag-aaral nito ay tinatawag naponolohiya. Kapag ang ponema ay pinagsama-sama maaaring makabuo ng maliliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. Sintaksis ang tawag sa makaagham na...


Similar Free PDFs