Wika: Simbolo ng Ating Bansa PDF

Title Wika: Simbolo ng Ating Bansa
Course Komunikasyon At Pananaliksik Sa Wika At Kulturang Pilipino
Institution Malayan Colleges Mindanao
Pages 1
File Size 35.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 40
Total Views 153

Summary

Isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng wika sa ating mga Pilipino....


Description

“Wika: Simbolo ng Ating Bansa” Kapag sinasabi nating wika, isa sa mga unang pumapasok sa isip natin ay komunikasyon. Ang wika ang siyang tulay upang may pagkakaunawaan sa pagitan ng nagsasalita at nakikinig. Ngunit hindi lang ito tulay, ayon nina Cruz at Bias noong 1998 na ang wika rin ay mga simbolong salita na kumakatawan sa mga bagay. Ang wika ay mayroong mga dalang simbolo ng ating kultura o maging ang ating kasaysayan, at dahil dito, ito rin ay nagpapahayag ng ating mga damdamin na maiintindihan lamang ng mga taong nakatira sa parehong lugar o rehiyon. Nagagamit natin ang wika sa araw-araw na komunikasyon kasama ang ating mga pamilya o mga kaibigan. Nailalahad natin ang ating mga saloobin at naiipahayag ang ating mga nararamdaman gamit ang wika. Samakatuwid, masasabi nating natatangi ang wika. Ang ating pagiging Pilipino ay maaari nating ipakita sa paggamit ng ating wika kahit saan man tayo nakatira. Ito ang siyang simbolo ng panitikan, kasaysayan, kultura at tradisyon ng bansang ating pinagmulan, minamahal at pinangangalagaan....


Similar Free PDFs