Intelektwalisasyon NG WIKA PDF

Title Intelektwalisasyon NG WIKA
Author Nica R
Course Bachelor of Science in Psychology
Institution Cebu Normal University
Pages 3
File Size 74.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 547
Total Views 775

Summary

INTELEKTWALISASYON NG WIKAIto ang paglulunsad ng proseso ng pagtaas ng wika mula sa mababang kalagayan nito. Isang proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado nang ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayoy mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan.Ma...


Description

INTELEKTWALISASYON NG WIKA Ito ang paglulunsad ng proseso ng pagtaas ng wika mula sa mababang kalagayan nito. Isang proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado nang ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayoy mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Mabisa ang wikang intelektwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya at ng iba pang teknikal at mataas na antas ng karunungan. Isa itong pagunlad na vertical ng wika. Tulad ng paggamit ng hiram na salita. Intelektwalisasyon ay pag-unlad na vertical ng wika  Ang mabisang paggamit ng wika sa mga sopistikadong lawak ng katunungan tulad ng agham, teknolohiya, at iba pang taknikal at mataas na antas ng karunungan.  Hindi ito basta-basta na lamang mapapawi o mawawalang wika bagkus ay siyang sinusunod at ginagamit ng spoistikadong balana batay sa mataas niyang antas ng karunungan alinsunod sa mga tuntunin ng pagiging intelektwalisado nito. Modernisasyon ay pag-unlad na horizontal ng wika  Mga pagbabago ng wika na tanggap at ginagamit sa anumang larangan o genre  Mga wikang modernisado na mabisang ginagamit sa mataas na antas ng karunungan at iba pang paksang teknikal, siyentifik, agham, vokasyunal at marami pa. Pwedeng tumawid ito sa pamamagitan ng gamitin ito sa iba pang asignatura o genre o iba pang laranga na wikang nakasanayan tulad ng Lingua Franca MODERNISASYON ito ay may pagkahawig ang modernisasyon at intelektwalisasyon gayunman magkaiba sila sa tinutuon nito.  Ito ang paglulunsad sa proseso ng pagsasanayang-bago ng wika, pag-unlad ng horizaontal ng wika. Tulad na lamang ng kapag ang isang wika ay nagawang modernisado upang mabisang magamit sa mataas na antas ng karunungan at iba pang paksang teknikal, masasabing ito’y modernisado na rin.  Mayroon din tayong modernisadong paggamit ng wika na nasa antas pabalbal na nagging palasak gamitin ng balana pwera na lamang iyong pabalbal na nasa mababang antas tulad ng mga green



jokes. Tulag ng salitang gwapings, macho, gegemon, at marami pa. Ngunit ating pakatandaan na ito nga’y modernisadong wika ngunit madali lamang namamatay dahil nga pabalbal lamang kung anong nauso na wika kinagat ng marami lalo na ang mga kabataang mahilig sumabay sa uso.

Intellectually Modernized Language Hawig ito sa modernisadong wika kaya lang piling-pili ang mga salitang ito sa ginagamit ng mga sopistikadong tao. May paggamit ng mga makabagong pananalita na kanilang ibinabagay ayon sa estado ng kanilang kalagayang sosyal at intelektwal sa lipunan. Ang mga taong gumamit nito ay walang puwang ang mga pablbal na pananalita.

Popularly Modernized Language Ito iyong mga modernisadong wikang ginagamit na pasalita ng tanggap ng nang marami. Kapag tanggap na nang marami, nakagawian at nakasanayan na ay di naalintana nito ang istruktura at sintaks ng pahayag ang mahalaga, malinaw, at nauunawaan nila ito ay posibleng nakasanayan na nilang magagamit araw-araw. At dahil ditto, maaaring ang kolokyal, pabalbal at lalawiganing wika: malokal, nasyunal o international man ang siyang magiging mga halimbawa dito. ISTANDARDISASYON Nakatuon ito sa uniformidad sa Sistema ng pagkasulat ng Filipino, ang pambansang wika. Sa yugto ng development at istandardisasyon ng wika, kailangang-kailangan ang uniformidad o kodifikasyon. Dinidivelop ang mga norm or pamantayan sa iba’t ibang linggwistikong component, mapaptatag ang pagbigkas, vokabularyo at panggramatikang istraktura ng wika.  Kung kayawa ang “Mga Tuntunin at Patnubay sa Paggamit ng walong Bagong Letra ng Alfabetong Filipino” na napapaloob sa Binagong Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino ay kinikilalang mahalagang panukala para sa pagrereporma sa ispeling para paunlarin ang sistema ng pagsulat upang matamo ang malawakang layunin ng istandisasyon at intelektwalisasyon ng Filipino. Lumabas ang repormang ito dahil may makapangyarihang impluwensiya ang paglilippat ng oral na wika patungo sa anyong nakasulat sa pagkakaroon ng uniformidad ng wika.



Halimbawa na lanag ang paggamit ng walong banyagang titik – C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z.

ORTOGRAPIYANG FILIPINO 2013 | Pagbaybay na Pasulat “Kung ano ang bigkas, siya ang sulat” - Sa pangkalahatan natutupad ito ngunit mayroon itong mga limitasyon kagaya ng o Hindi ito nasusunod sa mga, ng, nang 4.1 Gamit ng Walong Bagong Titik Ang paggamit ng walong dagdag na titik sa modernisadong alpabeto C,F,J,Ñ,Q,V,Z,X. - Pangunahing gamit ng mga ito ang pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong wika ng Filipinas o Ang F,J,V at Z ay napakaimportante upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. (hal: Ifugaw, Ivatan) 4.2 Bagong Hiram na Salita Gamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles at ibang wikang banyaga. - Hindi kailangan ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada. (Hal: hindi na dapat ibalik sa orihinal na anyo ang porma sa forma) 4.3 Lumang Salitang Espanyol Ang mga lumang salita ay nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw at sa Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban - Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mula Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga at ang pagbaluktot sa anyo ng orihinal na salita. (Hal: bakasyon-vacacion) 4.4 Di Binabagong Bagong Hiram Pigilan ang pagbaybay paabakada sa mga idinagdag ngayong salita mula Espanyol. - Bagong hiram ang mga salita kapag wala ito sa 2 diksyunaryo sa 4.3 Hal: futbol, fertile, fosil Maraming salita mula Ingles ang maaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbabago sa ispeling Hal: fern, folder, jam, level 4.5 Problema sa C, Ñ, Q, X May problema ang mga titik na ito dahil may iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik. May

kaparehang tunog ang mga bagong titik na ito sa paraang pagbigkas. - Sa C maari itong katawanin ng K o S (hal: coche- kotse) - Sa S naman, ang C (hal: ciudad – siyudad) - Sa Ñ ay limitado ang mga salitang katutubo na nagtataglay nito dahil kasagaran ay Espanyol at matatapatan ito ng NY (hal: doña – donya) - Sa Q magiging KW o KY - Sa X magiging KS - Ang Q at X ay ginagamit lamang sa mga katawagang teknikal at pang-agham 4.6 Panghihiram Gamit ang 8 Bagong Titik 1. Sa mga pangngalang pantangi na hiram sa wikang banyaga (hal: Charles, Fidel, Beijing) 2. Sa mga katawagang siyentipiko at teknikal (hal: carbon dioxide, jus sanguinis, quo warranto) 3. Sa mga salita na mahirap dagliang ireispel (Hal: cauliflower, jaywalking) 4.7 Eksperimento sa Ingles Ipinahihintulot ang pagsasa-Filipino ng ispeling nga mga bagong hiram sa Ingles at iba pang wikang banyaga Hal: istambay, rises, bilding, iskul, gradweyt Ngunit hindi maaraing ireispel kung 1. Ito ay nagiging katawatawa 2. Higit pang mahirap basahin ang bagong anyo 3. Nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, pampolitika 4. Higit nang popular ang anyo sa orihinal 5. Lumilikha ng kaguluhan ang bagyong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino 4.8 Espanyol muna bago Ingles Unang piliin ang singkahulugang salita mula sa Espanyol dahil higit na umaalinsunod ang wikang Espanyol sa pagbigkas at pagbabay na Filipino kaysa Ingles. Hal: Estandardisasyon(estandardizacion) 4.9 Ingat sa Siyokoy Ang salitang siyokoy ni Virgilio S. Almario ay nga salitang hindi Espanyol at hindi rin Ingles ang anyo. Ito ay bunga ng kamangmangan. Hal: Rod Navarro: konsernado Huwag ikahiya ang paggamit ng terminong Ingles kung ayon ang higit na alam. Maaring higit na maintindihan ng madla kung ang katapat na saltia sa Filipino ang gagamitin bb 4.10 Eksperimento sa Espanyol

Neolohismo o ang pagbuo ng salitang paEspanyol. Nagaganap ito sa pamamagitan ng paglalagay ng hulaping pangkatawagan – ismo, -astra, -era, -ica, -ia, -ga. Hal: kritisismo, sikolohista, siyentista -

-

Sinasadya ang naturang neolohismo at may dahilan ang paglihis sa anyo ng orihinal sa wikang hiniraman. Kaiba ito sa siyokoy na bunga ng maling akala o kamangmangan. Kailangan isaloob ang paggamit ng angkop na salita mulang ibang katutubong wika upang maitumbas sa isinasalin na konseptong banyaga.

4.11 Gamit ng Espanyol na Y Ang gamit ng Y – na binibigkas bilang ‘I’ at - Una upang isulat nang buo ang pangalan ng lalaki kasama ang apelyido ng ina - Ikalawa, sa pagbilang sa Espanyol at binabaybay o Nawawala ang Y kapag nagtatapas sa E ang unang bilang 4.12 Kaso ng Binibigkas ng H sa Hiram sa Espanyol 4.13 Gamit ng J...


Similar Free PDFs