Kahulugan, Karanasan, at Proseso ng Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino PDF

Title Kahulugan, Karanasan, at Proseso ng Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
Author Althea Capuchino
Course Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 9
File Size 312.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 697
Total Views 1,002

Summary

Download Kahulugan, Karanasan, at Proseso ng Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino PDF


Description

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus YUNIT 1

KAHULUGAN, KARANASAN, AT PROSESO NG INTELEKTWALISASYON NG FILIPINO

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------PANGKALAHATANG IDEYA: Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mgamamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa, kaya’t mahalagang maintindihan at mabatid ang kahulugan, kabuluhan, at proseso ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino na mahalaga sa pagsusulong ng kaalamang higit na maka-Filipino at ang karanasan ng iba pang karatig bansa sa Intelektuwalisasyon ng kanikanilang Wikang Pambansa. INAASAHANG MATUTUHAN: Sa pagtatapos ng paksang ito, inaasahan na: 1. Nauunawaan ang kahulugan, kabuluhan, at proseso ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino na mahalaga sa pagsusulong ng kaalamang higit na maka-Filipino at ang karanasan ng iba pang karatig bansa sa Intelektuwalisasyon ng kani-kanilang Wikang Pambansa. Kagamitan ng Kurso:

Kahulugan at Kabuluhan ng Intelektwalisasyon ng Wika KAHULUGAN NG INTELEKTWALISASYON Sa paliwanag nina Espiritu at Catacataca (2005), ito ay pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon, estandardisasyon, diseminasyon at kultibasyon. Sa kultibasyon papasok ang konsepto ng intelektwalisasyon. Ani Neustupny (1970), ang kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at elaborasyon nito. Sa paglinang ng wikang pambansa ng Pilipinas, marami nang naisagawa at at isinagawa simula pa noong 1937 na ideklara ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa hanggang sa pagkodifika ng wika na inihudyat ng paglabas ng Balarila ng Wikang Pambansa noong 1940 at pagsisimula ng pagtuturo ng wikang pambansa nang mga taon ding iyon hanggang sa pana-panahong rekodifikasyon.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus Tulad ng nabanggit na, ang pinakamahalagang adyendang kailangan matamo ay ang intelektwalisasyon ng wika na bahagi ng dimensyong kultibasyon. Ang kultibasyon ng wika ay kinapapalooban ng pagbuo ng mga rejister sa wikang iyon para sa iba’t ibang intelektwal na disiplina o lawak ng ispesyalisasyon para magamit ang wika sa pagkatuto at maging tagapagdaloy ng karunungan. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga tungkulin sa mga gumagamit nito. ANG INTELEKTWALISADONG WIKA May apat na katangian ang isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa, ang wika ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad at tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin ay nagagamit ito sa iba’t ibang larangan o bahaginglarangan. Mahalaga ito sa konsepto ng intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng gamit ng wika. Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan (sa Francisco, 2010) ang mga tiyak na referensiya upang masubok kung intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino. 1. Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing wika ng instruksyon mula sa kindergarten hanggang level pampamantasan? 2. Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang gamit? 3. Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-ekonomiko at intelektwal na pag-unlad? Ayon kay Sibayan (sa Francisco, 2010), mahirap makamit ito subalit ito ang mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay kinakaharap ang napakaraming problema, kung kaya, hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Ilan sa mga problema ay ang mga sumusunod:

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus 1. Kulang ang “political will” sa pag-iintelektwalays nito. 2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. 3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba’t ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na treyning. 4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa apektong pagdevelop ng mga libro na naka-Filipino. 5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na nagnanais na ibalik ang Ingles bilang pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng Ingles. Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Isang nakalulungkot na pangyayari dahil hindi masalamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika na siyang makapagbubuklod at magbibigkis sa isang kulturang maka-Pilipino na kakikitaan sana ng ating identidad. Tinalakay rin sa sanaysay “Pilipino Para Sa Mga Intelektwal,” ni Rolando S. Tinio ang dalawa sa maraming mga hadlang na kinahaharap ng wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon nito. Una, ipinalalagay ng mgaPilipino na walang kakayahan ang kanilang wika bilang wikang intelektwal. Atikalawa, nangangamba ang mga Pilipino na maiwan sa kaunlarang pag-iisipkung tumiwalag tayo sa wikang Ingles Bilang pangwakas, isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino partikular na sa mga guro kung paano ba magiging intelektwalisado ang wikang Filipino. Nagbigay rin ng mga mungkahi si Sibayan kaugnay rito: 1. Kinakailangan ng mga tagatangkilik at tagapagpaunlad nito. 2. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo gayundin sa pagkatuto. 3. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba pang disiplina. 4. Kinakailangan ng mga pablisher na handang maglathala ng mga publikasyon sa Filipino. 5. Kinakailangan din ng mga taong handang ponduhan ang programang pangintelektwalisasyon.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus 6. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa erya ng kontroling na domeyn ng wika. 7. Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang Filipino ang hindi magiging ganap na intelektwalisado sa madaling panahon. 8. Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o materyal na nakasulat sa Filipino. Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino. Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon ng ating wika – ang wikang magsisilbing tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang ito tungo sa iisang mithiin makabansa.

INTELEKTWALISASYON NG WIKA Ito ang paglulunsad ng proseso ng pagtaas ng wika mula sa mababang kalagayan nito. Isang proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado nang ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayoy mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan. Mabisa ang wikang intelektwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya at ng iba pang teknikal at mataas na antas ng karunungan. Isa itong pagunlad na vertical ng wika. Tulad ng paggamit ng hiram na salita. Intelektwalisasyon ay pag-unlad na vertical ng wika  Ang mabisang paggamit ng wika sa mga sopistikadong lawak ng katunungan tulad ng agham, eknolohiya, at iba pang taknikal at mataas na antas ng karunungan.  Hindi ito basta-basta na lamang mapapawi o mawawalang wika bagkus ay siyang sinusunod at ginagamit ng spoistikadong balana batay sa mataas niyang antas ng karunungan alinsunod sa mga tuntunin ng pagiging intelektwalisado nito. Modernisasyon ay pag-unlad na horizontal ng wika  Mga pagbabago ng wika na tanggap at ginagamit sa anumang larangan o genre

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus  Mga wikang modernisado na mabisang ginagamit sa mataas na antas ng karunungan at iba pang paksang teknikal, siyentifik, agham, vokasyunal at marami pa. Pwedeng tumawid ito sa pamamagitan ng gamitin ito sa iba pang asignatura o genre o iba pang laranga na wikang nakasanayan tulad ng Lingua Franca MODERNISASYON ito ay may pagkahawig ang modernisasyon at intelektwalisasyon gayunman magkaiba sila sa tinutuon nito.  Ito ang paglulunsad sa proseso ng pagsasanayang-bago ng wika, pag-unlad ng horizaontal ng wika. Tulad na lamang ng kapag ang isang wika ay nagawang modernisado upang mabisang magamit sa mataas na antas ng karunungan at iba pang paksang teknikal, masasabing ito’y modernisado na rin.  Mayroon din tayong modernisadong paggamit ng wika na nasa antas pabalbal na nagging palasak gamitin ng balana pwera na lamang iyong pabalbal na nasa mababang antas tulad ng mga green jokes. Tulad ng salitang gwapings, macho, gegemon, at marami pa.  Ngunit ating pakatandaan na ito nga’y modernisadong wika ngunit madali lamang namamatay dahil nga pabalbal lamang kung anong nauso na wika kinagat ng marami lalo na ang mga kabataang mahilig sumabay sa uso.

Intellectually Modernized Language Hawig ito sa modernisadong wika kaya lang piling-pili ang mga salitang ito sa ginagamit ng mga sopistikadong tao. May paggamit ng mga makabagong pananalita na kanilang ibinabagay ayon sa estado ng kanilang kalagayang sosyal at intelektwal sa lipunan. Ang mga taong gumamit nito ay walang puwang ang mga pablbal na pananalita. Popularly Modernized Language Ito iyong mga modernisadong wikang ginagamit na pasalita ng tanggap ng nang marami. Kapag tanggap na nang marami, nakagawian at nakasanayan na ay di naalintana nito ang istruktura at sintaks ng pahayag ang mahalaga, malinaw, at nauunawaan nila ito ay posibleng nakasanayan na nilang magagamit araw-araw. At dahil dito, maaaring ang kolokyal, pabalbal at lalawiganing wika: malokal, nasyunal o international man ang siyang magiging mga halimbawa dito.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus

ISTANDARDISASYON Nakatuon ito sa uniformidad sa Sistema ng pagkasulat ng Filipino, ang pambansang wika. Sa yugto ng development at istandardisasyon ng wika, kailangang-kailangan ang uniformidad o kodifikasyon. Dinidivelop ang mga norm or pamantayan sa iba’t ibang linggwistikong component, mapaptatag ang pagbigkas, vokabularyo at panggramatikang istraktura ng wika.  Kung kayawa ang “Mga Tuntunin at Patnubay sa Paggamit ng walong Bagong Letra ng Alfabetong Filipino” na napapaloob sa Binagong Revisyo ng Alfabeto at Patnubay sa Ispelling ng Wikang Filipino ay kinikilalang mahalagang panukala para sa pagrereporma sa ispeling para paunlarin ang sistema ng pagsulat upang matamo ang malawakang layunin ng istandisasyon at intelektwalisasyon ng Filipino. Lumabas ang repormang ito dahil may makapangyarihang impluwensiya ang paglilippat ng oral na wika patungo sa anyong nakasulat sa pagkakaroon ng uniformidad ng wika.  Halimbawa na lanag ang paggamit ng walong banyagang titik – C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Proseso ng Intelektwalisasyon Ipinahayag ni Santiago (1990) Na ang intelektwalisasyon ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan Intelektwalisadong Filipino Ay ang varayti ng Filipino na magagamit sa pagtuturo sa mga Pilipino sa lahat halos ng larangan ng karunungan mula sa antas primary hanggang sa pamantasan, kabilang na ang pagaaralang gradwado. Dapat na isagawa sa pamamagitan ng batas, ng sapilitang pagpapagamit ng Filipino sa lahat ng lawak at antas ng karunungan sapagkat ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng aktwal na paggamit ng wika. Fishman (1984) Simula ang intelektwalisasyon sa mga lawak na ang gamit ng wika ay masasabing intelektwalisado na.

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus

Pangalan: _____________________________ Taon at Seksyon: _______________________ Gawain 1 Panuto: Basahin ang nilalaman ng mga sumusunod na mga akda. Sagutan ang mga tanong na may kinaman sa mga nasabing babasahin.  Mga Suliranin sa Intelektuwalisasyon ng Filipino” ni Pamela C. Constantino  “The Intellectualization of Filipino” ni Bonifacio P. Sibayan  “Intelektuwalismo at Wika” ni Renato Constantino

 “Ang Wikang Filipino Tungo sa Intelektuwalisasyon” Florentino H. Hornedo 1. Papaano at kalian nga ba masasabing intelektwalisado na ang wikang wikang Filipino? 2. Sa iyong palagay intelektwalisado na ba ang ating wika, ang wikang Filipino?

3. Ano-anong mga suliranin sa intelektwalisasyon ng Filipino ang tinalakay ni Pamela Contantino sa kanyang sinulat? Bakit? 4. Papaano ang pagbubuo ng mga salita o leksikal na elaborasyon ng wika na isang mahalagang elemento ng intelektwalisasyon?

5. Isa-isahin ang mga mahahalagang puntos na tinalakay sa mga nasabing babasahin? 6. Bakit kinakailangan na maging intelektwalisado ang isang wika? 7. Ano-ano ang bumubuo sa paglinang ng wika ayon kina Einar Haugen at Charles Ferguson? Ipaliwanag ang bawat isa at magbigay ng halimbawa sa mga ito.

8. Paano ang pagpapayabong at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino ayon sa pag-aaral ni Bro. Andrew Gonzales

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus 9. Ano ang balakid sa pagkakaroon ng maayos at intelektwalisadong pambansang wika? 10. Ano ang tinatawag na imperyalismong tagalog? Ipaliwag ito sa papagitan ng bagbibigay ng halimbawa. Aktibiti 1 Pangalan __________________________ Propesor

Petsa: _________

__________________________

Taon

at

Pangkat

_______ Marka _________ Paglilita ng mga terminoilohiya at paraan ng panghihiram Maglista ng mga terminolohiyang ginagamit sa iba’t ibang larangan o displina. Tukuyin din paano hihiramin ang bawat isa sa Filipino at kung anong uri ng panghihiram (salin, lubusang hiram, o transliterasyon) ang bawa isa.

ORIHINAL NA TERMINILOHIYA

LARANGAN/ DISIPLINA

HIRAM SA FILIPINO

URI NG PANGHIHIRAM

Sanggunian: “Mga Suliranin sa Intelektuwalisasyon ng Filipino” ni Pamela C. Constantino na nasa:

Republika ng Pilipinas POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Kolehiyo ng Artes at Literatura KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA Santa Rosa Campus http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/ translation_project/Artikulo%20 Tungkol%20sa%20Lingua/wika.htm “The Intellectualization of Filipino” ni Bonifacio P. Sibayan na nasa: http://ncca.gov.ph/subcommissions/ subcommission-on-cultural-disseminationscd/languageand-translation/the-intellectualization-of-filipino/ “Intelektuwalismo at Wika” ni Renato Constantino na nasa: http://journals.upd.edu.ph/index.ph p/djwf/article/viewFile/4939/4451 “Ang Wikang Filipino Tungo sa Intelektuwalisasyon” Florentino H. Hornedo na nasa: Santos, Benilda S. (Ed.) “Likha” Lungsod ng Quezon: Ateneo de Manila University Office of Research and Publications, 2006....


Similar Free PDFs