Paghahambing ng Wikang Waray at Wikang Filipino PDF

Title Paghahambing ng Wikang Waray at Wikang Filipino
Author Kenneth James
Course Pahambing na Pag-aaral sa mga Pangunahing Wika sa Pilipinas
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 9
File Size 292.8 KB
File Type PDF
Total Downloads 96
Total Views 721

Summary

Warning: TT: undefined function: 32POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINASSta. Mesa, MaynilaPaaralang GradwadoMaster ng Artes sa FilipinoPaghahambing ng Wikang Waray at Wikang Filipinosa Piling Tula ni Jerry GracioKenneth James A. Valiente2018 -16106-MN-MAF 613 – Pahambing na Pag-aaral ng Wika sa Pil...


Description

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS Sta. Mesa, Maynila Paaralang Gradwado Master ng Artes sa Filipino

Paghahambing ng Wikang Waray at Wikang Filipino sa Piling Tula ni Jerry Gracio

Kenneth James A. Valiente 2018-16106-MN-0

MAF 613 – Pahambing na Pag-aaral ng Wika sa Pilipinas Tungo sa Pagpapaunlad ng Filipino Prop. Pedro Jun Cruz

I.

INTRODUKSYON Batay sa pag-aaral, ang Waray-waray o Waray ay madalas na binabaybay na Waray na tinatawag

ding Winaray o Lineyte-Samarnon na siyang wikang ginagamit sa probinsya ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte at Biliran sa Pilipinas. Lahat ng mga diyalekto sa Wikang Waray ay mabibilang sa mga Wika sa Bisayas at may pagkakahawig sa mga wika sa Gitnang Bisayas tulad ng Sorsogon. Bikol, Hiligaynon, at Rombloanon. Iba pang kahawig na wika nito sa wika sa Bisayas ay Tausug, Cebuano, Banton, Aklanon, Kinaray-a at Kuyonon ngunit ang wikang Waray ay ginagamit ng marami sa Leyte at Samar. Sa kasaysayan, ang unang pakikihalubilo ng mga Waray sa mga Kanluranin ay noong ika-31 ng Marso, 1521 kung kailan natagpuan ni Magella ang Leyte. Gayunpaman, kaunti lang ang pag-aaral hinggil sa Pre-Hispanic na kasaysayan ng Waray ngunit mayroong lingguwistiko, etnograpiko at arkeolohikal na ebidensya upang makategorya ang mga wika sa Waray. Maraming naging hakbangin ang mga paham sa pagsasagawa ng pag-aaral ng Wikang Waray magmula pa noong itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa, bilang pagtugon sa pangangailangan ng pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas. Nagkaroon din ng mas matibay at mahusay na pagpapayabong ang wikang Waray noong sinimulan ang Mother Tongue-Based Multilingual Education kung saan ang mga katutubong wika ang ginagamit sa paaralan sang-ayon sa pag-aaral ni Demeterio (2017). Isang paraan sa pagpapayabong ng wika at pagpapayaman nito ay ang paggamit nito sa panitikan (Bernales, et al., 2016) na siya ring ginawang batayan o pamantayan sa pagpili ng magiging pambansang wika. Dahil layunin ng papel na ito na paghambingin ang Wikang Waray at Wikang Filipino, gumamit ang mananaliksik ng lunsaran na tulang isinulat ng isa sa mga nag-aaral at Komisyoner sa Wikang Waray sa Komisyon sa Wikang Filipino na si Jerry Gracio. Isang mahalagang kaalaman na dapat maipakita sa papel na ito ay ang kahusayan ni Jerry Gracio sa pagpapalaganap ng wika dahil makikita sa kanyang mga tulang ginamit sa pagsusuri sa papel na ito na ang Filipino o pambansang wika niya ay ang wikang ginagamit hindi ng mga konserbatibong guro ng wika kundi ng mga karaniwang Pilipino na naririnig sa mga sulok ng lipunan. Bilang pagpapakilala kay Jerry Gracio, ilan sa mga naisulat niya ay ang mga sumusunod 1. Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig, Ateneo de Naga University Press 2. Minsan Lang Sila Normal (ed), Philippine Normal University Press, 2012 3. Aves, University of the Philippines Press, 2009 4. Apokripos, University of the Philippines Press, 2006 5. Byahe, Mga Impresyon at Tala (anthology), Oraciones Printworks, 1996 Pinili ng mananaliksik ang Waray Hiunong sa Gugma / Walang Tungkol sa Pag-ibig dahil marami pa ang mga bookstore na naglalabas ng libro nito. Sa librong ito pinili ng mananaliksik ang mga sumusunod na tula sapagkat ito ang nagpakita ng ilan sa mga katangiang hinahanap ng mananaliksik sa paghahambing sa dalawang wika: Abugho, Huba, An Ariyos, An Bayot, An Martir, An Aswang, Lamiraw, Siya an ak’ Ubay , Sarayaw, Daligmata, at An Katsapa.

Naging pokus ng mananaliksik ang paghahambing ng wikang Filipino at Wikang Waray sa aspektong lingguwistiko kaya ang makikitang datos na inilahad ay hinggil sa mga lingguwistikong kayarian ng Wikang Filipino at Wikang Waray. Nagdagdag din ang mananaliksik ng pagsaliksik hinggil sa etimolohiya ng ilang mga salita sa Waray.

II.

MGA NATUKLASAN Ipinapakita sa bahaging ito ang mga natuklasan ng mananaliksik, hinati ito sa ilang pangkat o klaster upang mas maging organisado ang presentasyon ng datos. Nandito ang pagpapalitan ng /r/ at /l/, malayang pagpapalitan ng mga patinig sa dalawang wika, mag salitang hawig sa Wikang Hiligaynon at Wikang Waray, mga salitang kinaltasan ng tunog sa wikang Waray, mga pagkakaltas at pagpapalit ng katinig, at ang mga piling salita na binigyan ng etimolohiya.

a. Pagpapalitan ng /r/ at /l/. Makikita sa mga sumusunod na salita ang malayang pagpapalitan ng letrang /r/ at /l/ sa Wikang Waray at Wikang Filipino. Filipino

Waray

1. to sleep

makatulog

makaturog

2. missing

nawawala

nawawara

3. writing

pagsulat

pagsurat

4. carrying

dala-dala

dara-dara

5. trousers

saluwal

saruwal

haligi

harigi

6. rank

“Makaturog kam’ bisan waray kaon.” – Makatulog kami kahit walang kain “Nga maiha na nawawara—” - Na matagal nang nawawala “ha papel bisan itum an tinta nga imo gingamit ha pagsurat” – Sa papel kahit itim ang tinta na ginagamit sa pagsulat “Mauli ak’, daradara” – Uuwi na dala-dala “Nga tshirt, briefs, saruwal” – Na mga tshirt, briefs, saluwal Nagsuru-salabid an mga kahoy sa mga harigi – Nagbuhol-buhol ang mga kahoy sa haligi -

Hango sa aklat na “Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig”, Ateneo de Naga University Press

Ipinapakita lamang ng mga datos na ang wikang Filipino at Wikang Waray, katulad ng iba pang wikang umiiral sa bansa ay malaya ring nagpapalitan ng ponema, makikita rito na ang madalas na nagpapalitan ay ang tunog ng /r/ at /l/. May mga pag-aaral na naisagawa rito nang matagal na tulad noong pag-aaral sa RGH Law o batas ng RGH ni Carlos Everett Conant.

b. Pagpapalitan ng mga patinig Sa mga salitang ito mapapansin na nagpapalitan ang patinig ngunit hindi nababago ang kahulugan ng salita sa dalawang wika. Madalas na nagaganap ang pagpapalitan ng /i/ sa /o/ at /u/.

Filipino

Waray

1. like

liyag

kaluyag

2. posture

tindig

matindog

3. splendor

kisig

kusog

4. rice

bigas

bugas

5. none

wala

waray

“Ngan mamimiling ka hin mananambal kay karuyag mo” – At naghahanap ka ng manggagamot sa gusto mo “Matindog sin bablay nga harani sa dagat”- Magtayo ng bahay malapit sa dagat “Inabot an mas kusog nga uran katima sa turo-tariti” – Dumating ang malakas na ulan matapos ang ambon “Mahal an bugas, Mamay” – Mahal ang bigas, nanay “Minatay nga waray pa iglulubong” – Mga patay na hindi pa naililibing -

Hango sa aklat na “Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig”, Ateneo de Naga University Press

Ipinapakita ng datos na ito na ang /i/ sa wikang Filipino ay napapalitan lamang ng /o/ o /u/ sa wikang Waray ngunit nananatili ang kahulugan nito, isinasaad lamang ng datos na nasusunod ng mga ito ang katangian ng wikang Filipino na may malayang pagpapalitan ng ponema nang hindi nababago ang kahulugan.

c. Pagkakatulad ng salita at gamit sa wikang Hiligaynon Makikita sa mga sumusunod na salita na may pagkakahawig ang wikang Waray sa Wikang Hiligaynon. Batay sa mga datos, mapapansin din na malayang nagpapalitan ang letrang /r/ at /l/ maging sa wikang Hiligaynon at Waray. Hiligaynon

Waray

Sululaton

sururaton

2. malalaman

mahihibaluan

mahihibaruan

3. nakakatakot

Haladlok

makaharadok

4. ambon

tulo-talithi

turo-tariti

5. ilibing

Ilubong

iglulubong

6. sabi

Siling

siring

7. buhangin

balas

baras

1. susulat

“Mga sururaton nga waray pa katitima” – Mga susulating hindi pa natatapos “Ngan mahihibaruan mo” – At malalaman mo “Makaharadok an uran” – Nakakatakot ang ulan “Inabot an mas kusog nga uran katima sa turo-tariti” – Dumating ang malakas na ulan matapos ang ambon “Minatay nga waray pa iglulubong” – Mga patay na hindi pa naililibing “An siring mo, higdan ngun-a” – Ang sabi mo, higa muna “Pero naiimod ko an baras” – Pero nakikita ko ang buhangin -

Hango sa aklat na “Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig”, Ateneo de Naga University Press

Mapapansin na sa talahanayang ito, pinaghahambing ang Wikang Hiligaynon at Wikang Waray na una nang nasabi na magkahawig ang dalawang w ika sa isa’t isa. Makikita rin na ang pagkakatulad ng dalawang wika ay ang malayang pagpapalitan ng /l/ at /r/ na siyang makikita rin sa wikang Filipino.

d. Pagkakaltas ng Katinig Mapapansin sa bahaging ito na may pagtatanggal ng isang katinig sa salitang Filipino ang ilan sa salitang Waray.

Filipino

Waray

1. wear

suot

nasul-ot

2. way

daan

dalan

3. first

unang-una

huna-huna

4. ear

tainga

talinga

5. naked

hubad

huba

6. worm

inuod

ginaulod

7. person

Tao

tawo

“Waray masul-ot sa iya ariyos” – walang nagsuot ng kanyang hikaw “Nga natitirok sa dalan” – Mga naiipon sa daan “Sa huna-huna, sa bug-os nga lawas” – Sa unang-una, kumpleto ang katawan “Adi an iya bahandi sa ak’ talinga yana” – Ito ang kanyang yaman sa aking tainga ngayon “Kay makarigo, naghuba siya sin bado” – Dahil maliligo, naghubad siya ng kanyang baro “Burarat nga mata san mago, ginaulod” – Malalaki ang mga mata ng mago, inuuod “Puno-puno an simbahan sa mga tawo” – Punong-puno ang simbahan ng mga tao -

Hango sa aklat na “Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig”, Ateneo de Naga University Press

Ang mga datos na ito naman ay nagpapakita ng Pagkakaltas bilang isa sa mga paraan ng adaptasyon ng isang wika sa isang wika. Ipinakita nito na ang pagkakaltas ay bahagi pa rin ng proseso ng

pagbabagong morpoponemiko kung saan nananatili ang salitang-ugat at ang kahulugan nito kahit na mayroong titik o tunog na binawas o tinanggal sa salita.

e. Hawig sa Wikang Filipino Halimbawa naman ito ng mga salitang Waray na malapit na malapit sa wikang Filipino.

Filipino

Waray

1. beauty

maganda

mahusay

2. rumpled

makusot

makunot

3. melted

nagpawis

gihuhulasi

4. sweet

matamis

matam-is

5. living

buhay

kinabuhi

6. night

gabi

gab-i

habilin

nahibilin

7.will

“Matam-is nga malí kakukuha la sa sanggutan” “Mainop hin kahimyang nga nahibilin ha bungto nga imo ginbayaan - mananaginip ng himbing na naiwan sa lungsod na iyong nilisan. “Sin lapok nga tikang sa iyo nga yaon kinabuhi” – Ng putik na mula sa inyong mayroong buhay Naubay sa katre kun gab-i, pero diri Igpalaypay anay, bangin di makunot” – Isampay mo para hindi makusot “An nakikita ko nga gihuhulasi – Ang napapansin kong tigmak na ng pawis -

Hango sa aklat na “Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig”, Ateneo de Naga University Press

Nagpapakita ang datos na ito ng mga salitang nasa wikang Waray ngunti hawig na hawig ang kahulugan at kayarian sa wikang Filipino. Ipinapakita lamang nito na ang wikang Waray ay maaaring dumaan sa proseso ng pag-aambag sa wikang Filipino dahil sa mga salitang alam na ang kahulugan sa wikang Filipino para matupad ang layunin ng pambansang wika tulad nga ng pinag-aralan ni Apigo (n.d) na hindi suliranin sa pagkatuto ang maraming wika. Adbentahe para sa panig ng isang tao na marami siyang alam na wika, katutubo man o yung sa banyaga. Nagiging kompetitibo sa internasyonal na lebel ang isang taong kahit hindi gaanong bihasa ay may kaalaman sa wikang internasyonal gaya ng wikang English. Ngunit dapat ay maging kompetitibo rin naman sa lokal na lebel ang isang taong kabilang sa isang lipunang multilingual. Ibig sabihin ay kundi man bihasa ay may alam at naiintindihan niya hindi man lahat ay halos lahat ng wika sa kanyang bansa.

f.

Pagpapalit ng Katinig

Mapapansin sa mga salita sa Waray ay may pagkakatulad sa wikang Filipino sa kahulugan kahit may isang katinig ang napalitan ng tunog. Filipino

Waray

uwi

mauli

2. house

bahay

balay

3. walk

lakad

lakat

4. mother

nanay

mamay

1. go home

“Mauli ka ha balay kay kinahanglan” - Uuwi ka sa bahay sapagkat kailangan Nga sige an lakat, sige an kiswag Layâ nga dahon san tuog, An kabuka sa ariyos ni Mamay – ang isang pares ng hikaw ni nanay -

Hango sa aklat na “Waray Hiunong sa Gugma/Walang Tungkol sa Pag-ibig”, Ateneo de Naga University Press

May mga salita na rito ang alam na ng maraming mga Pilipino kaya tanggap na ng marami. Ipinakikita lamang sa mga datos na ito na ang katinig ay maaari ring mapalitan sa wikang Filipino at Waray at maaari pa ring manatili ang kahulugan. Pinatutunayan lamang nito na ang pagpapalita ng ponema ay hindi lamang sa pagitan ng /r/ at /l/ o /i/, /o/ at /u/. kundi maging ang iba pang mga katinig.

g. Etimolohiya ng Piling mga Salita. Ang mga susunod na mga salita ay mga salitang Waray na ginamit sa tula ni Jerry Gracio na nagpapakita ng impluwensya ng ibang mga wika partikular ang wika ng dayuhang Kastila.

1. ABRIHI (v.)

“An kasingkasing mo, abrihi”

Spanish word: abrir

Buksan ang puso mo

Meaning: to open, buksan

- mula sa tulang “An Katsapa”

2. ABUGHO (n.)

“Nahimo sin mga istorya hiunong sa agbuho”

Spanish word: celos

Lumilikha ng mga istorya ukol sa panibugho

Meaning: jealousy

- mula sa tulang “Abugho”

3. ARIYOS (n.)

“An kabuka sa ariyos ni Mamay”

Spanish word: arreos

Ang isang pares ng hikaw ni nanay

Meaning: harness, adornos

- mula sa tulang “An Ariyos”

4. ASUKAR (n.)

“Nga asukar, an balud nga namulay”

Spanish word: azukar

Na asukal, ang alon na naglalaro

Meaning: a sweet crystalline substance

- mula sa tulang “Lamiraw”

5. PAGPININSAR (v.)

“Malilipong ka pagpininsar”

Spanish word: pensar

Nahihilo ka sa pag-iisip

Meaning: to think, mag-isip

- mula sa tulang “Abugho”

6. ADLAW (n.)

“Nagsudang katima an sayo ka adlaw nga uran

Arabic word: aldaw

Sumikat ang araw matapos ang ulan

Meaning: day, light

- mula sa tulang “

7. GINHUHUYOP (v.)

“An kurtina, ginhuhuyop sa hangin”

Malay and Indonesian word: meniup

Hinihipan ng hangin ang kurtina

Meaning: to blow, blow

- mula sa tulang “Huba”

8. PORTAHAN (n.)

“Diri sasadhan an portahan”

Italian and Portuguese word: porta

Hindi sasarhan ang pintuan

Meaning: door

- Mula sa tulang “An Martir”

9. ABREDO (v.)

“An bintana, pirmi la abredo”

Galician and Spanish word: abredo/abrir

Ang bintana, iiwanang bukas.

Meaning: open, bukas, buksan

- mula sa Tulang “An Martir”

10. TUKAR (v.)

“Sa butnga san tukar nga gilalaksihi”

Spanish word: tocar

Sa gitna ng tugtog na kay bilis-bilis

Meaning: play, ring, perform, touch

- mula sa tulang “Sarayaw”

11. BALSE (n.)

“Labi na kun balse an sunod nga tukar”

Portuguese word: valsa

Lalo na’t ang tugtog na sunod ay balse

Meaning: waltz

- mula sa tulang “Sarayaw”

12. EREDENSIYA (n.)

“Iton na an imo eredensiya”

Spanish word: herencia

Iyan na ang iyong pamana

Meaning: heritage, inheritance

- mula sa tulang “An Ariyos”

Tulad ng alam na ng nakararami, dahil malaki ang impluwensya ng wikang Espanyol sa wikang Filipino maging sa mga wikang umiiral sa Pilipinas, makikita sa mga datos na ito na naimpluwensyahan din ang wikang Waray ng Wikang Espanyol dahil isa ito sa mga lugar o probinsyong unang nabisita ng mga Kastila kaya maaaring nagkaroon talaga ng pagtatalaga ng mga salitang kaparehong-kapareho at hawig na hawig sa wikang Espanyol. Bahagi ng kasaysayan ang ebidensya sa datos na ito kaya naman mapatutunayang maraming mga salita ang galing sa wikang Espanyol.

III.

KONKLUSYON Bilang pagtatapos, masasabing ang wikang Filipino at Wikang Waray, marahil kaunti lang ang mga datos, ay masasabing magkatulad at nagtutulungan ang dalawang wika sa pagpapaunlad nito. Tulad ng prosesong pinagdadaanan ng wikang Filipino na amalgamasyon, tungkulin ng wikang Waray na makapag-ambag ng mga salita sa pambansang wika para magampanan ng wikang Filipino ang tungkulin nitong maging pambansang wika. Masasabi rin mula sa pag-aaral na ang wikang Waray ay naimpluwensyahan ng wikang Indonesian, Malay, Arabic at higit lalo ng Espanyol. Batay sa mga datos na ipinakita, ang lingguwistikong pagkakahawig ng dalawang wika ay nagpapatunay na ang wikang Waray ay kasama at kaagapay sa patuloy na pag-unlad ng wikang pambansa.

Sanggunian:

Apigo, Marivic. (n.d). Maraming wika: Sandigan ng Wikang Filipino Tungo sa Pag-unlad ng bansa. Demeterio Iii, F. P.. (2010). Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon Bilang 74, Serye 2009: Isang Pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang Wika (MLE) ng Filipinas. MALAY, 23(1). Retrieved from http://ejournals.ph/form/cite.php?id=7977...


Similar Free PDFs