Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon DOCX

Title Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon
Author Daniel Ortañez
Pages 5
File Size 26.4 KB
File Type DOCX
Total Downloads 478
Total Views 1,003

Summary

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon INTRODUKSYON Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-...


Description

Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Edukasyon INTRODUKSYON Bilang mga tao, nagbiyaya ang Panginoon ng isipan upang gamitin at ipalaganap. Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon ng sarili. Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakainindihan ang lahat ng tao. Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito kahit kailan at saan man magpunta. Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang mga Pilipino. Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap sa kapwa kundi ginagamit din ito upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kapaligiran at higit lalo na sa bansa. Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at pagkabansa ng isang bayan....


Similar Free PDFs