Pananaliksik sa Filipino Patungkol sa Wikang Filipino PDF

Title Pananaliksik sa Filipino Patungkol sa Wikang Filipino
Author Kenskey Ventosa
Course Computer Engineering
Institution Bulacan State University
Pages 7
File Size 102 KB
File Type PDF
Total Downloads 62
Total Views 339

Summary

KABANATA 11. IntroduksyonMayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang natutuklasan tungkol sa wika sapagka’t kasabay ng paglipas ng panahon ay patuloy ding umuunlad and wika.Noon pa man, ang ating bansa ay may sarili nang kinagisnang wika na siyang ating ginagam...


Description

KABANATA 1 1. Introduksyon

Mayaman ang wika at isa itong malawak na larangan. Hindi nauubos ang mga kaalamang natutuklasan tungkol sa wika sapagka’t kasabay ng paglipas ng panahon ay patuloy ding umuunlad and wika.

Noon pa man, ang ating bansa ay may sarili nang kinagisnang wika na siyang ating ginagamit upang makipag-usap, makipag-interaksyon, magbahagi ng mga paniniwala o saloobin sa ating kapwa. Maraming mananakop ang dumating at iba’t ibang wika ang naging bahagi ng ating kasaysayan dahil na rin sa mga dayuhan na sumakop sa bansa, gayon pa man ang mga Pilipino ay mayroong Wikang Pambansa na maituturing na sariling atin.

Ang wika ay mayroong iba’t ibang pagpapakahulugan maaring ito ay ayon sa mga lingguwista at mga dalubhasa sa wika o sa diksyunaryo. Isa na rito ayang pagpapakahulugan na ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na binibigyan ng mga simbolo at hinuhusgisan ng mga letra upang makabuo ng mga salitang pinagsama-sama tungo sa mga pangungusap na may buong kaisipan. Sa pamamagitan nito ang mga mamamayan ng isang bansa ay nagkakaunawaan, nagkakaugnay, at nagkakaisa.

Gayundin, ang bawat bansa ay may sariling natatanging wika. Mahalaga ang wika sapagkat ito ay sumasagisag sa kalayaan. Kapag mayroong sariling wika ang isang bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya. Isa sa mga pangunahing gamit ng wika ay ang pagiging instrument nito sa komunikasyon. Hindi magtatagumpay ang isang transaksiyon o pakikipag-kalakalan kung walng ginagamit ng wika.

Instrumento rin ang wika upang maibahagi ang kaalaman sa susunod na henerasyon. Ang bawat bansa ay nagkakaroon ng bahagian karunungan kagaya na nalamang ng mga kaalamang nakalimbag. Maaaring isinasalin ito mula sa orihinal na wika sa isang bansa sa wika ng isa pang bansa.

Ang wika ang siyang nagsisilbing taga-pagpanatili, taga-pagpayabong at tagapagpalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao. Nakakapag-hiram ng kultura ang bawat bansa sa pamamagitan ng wika at mas napapayabong ang mga kultura’t tradisyon sa pamamagitan niyo. Naipapakilala ang kultura ng bawat bansa sa pamamagitan nito.

Hindi matatawaran ang kahalagan ng wika lalo na sa pakikipagtalastasan, pagkakaunawaan at pagkakaisa. Walang saysay ang sangkatauhan kung walang wika sapagkat walang magaganap na hiraman ng mga kultura, kalakalan, pagbabahagi ng tuklas at imbensyon at pagkakasundo sa pagitan ng mamamayan at pamahalaan ng bawat bansa. Tunay nga na ang wika ay marapat lamang na bigyan ng kahalagahan at patuloy na paunlarin. Marapat na ito’y mahalin ng bawat mamayan sapagkat ito ay isa sa pinakamagandang biyaya at kayamanang hindi mananakaw ninoman.

Mahabang pag-aaral at proseso ang naisagawa bago nabuo ang ating Wikang Pambansa. Nabuo ang wika bilang panagisag sa mga bagay at mga ideya na binibigyan ng kahulugan, kabuluhan at interpretasyon na pumapasok na mekanismo ng isipan ng tao. Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyanl na wika ng Pilipinas – ang Ingles ang isa pa – ayon sa Saligang Batas ng 1987. Ang Pilipinas ay isang bansang biniyayaan ng maraming wika, di kukulanging 180 ang wika na sinasalita sa bansa. Maraming diyalekto at varayti ng wika ang umiiral dito.

Tagalog ang pinagbatayan sa pagbuo ng Wikang Pambansa sapagkat ayon sa nakasaad na resolusyon ng Surian ng Wikang Pambansa, ito ang wikang may pinakamaunlad sa estraktura, mekanismo at panitikan at ito rin ang wikang ginagamit ng nakakarami kaya’t madali na lamang ito ipalaganap at mas paunlarin.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan para makamit ang pagkakaroon ng sariling wik, kapansin-pansin na sa paglipas ng panahon marami ng pagbabago dito at maging ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino lalo na ng henerasyon ngayon ay unti-unting nawawala. Maraming kaakibat na suliraning kinakaharap ngayon ang Wikang Pambansa at ito ay marahil na rin sa maraming aspekto na nakakaimpluwensya sa pagbabago.

Ang pananaliksik na ito ang magiging batayan upang mas lalo pang mapayabong an gating wika, na magagamit hindi lamang noon o ngayon kung hindi habang an gating dugo’y nanalaytay, at habang an gating wika ay mas lalong binibigyan ng pansin at ginagamit ng naayon mas lalo itong magiging kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas.

Nararapat gamitin ang wika hindi lamang upang magkaunawaan ang bawat isa kundi bilang isa sa pinakamahalagang instrument din sa pagtuturo sa iba’t ibang disiplina mapa-agham man, sining o matematika, sakop nito ang kabuuan na siyang tunay na magagamit at makakapagpaunlad sa mga mamamayang Pilipino. Ngunit hinihingi ng mga mananaliksik ang pag-unawa ng mga mambabasa sa pagsasama ng ilang mga pag-aaral mula noong ____ pataas. Napansin din ng mga kasalukuyang mananaliksik ang kadahilanan kung bakit ang wika ay tunay na hindi nabibigyang pansin, isang salik nito ay ang kasalatan o kakulangan ng sapat na kaalaman dahil sa kahirapan.

2. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

1) Kakulangan ng pansin sa paglinang ng Wikang Filipino. 2) Kakulangan ng pansin sa wastong pagbabaybay at gamit ng Wikang Filipino. 3) Higit na pagtangkilik sa wikang banyaga.

3. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magiging batayan upang mas lalo pang mapayabong an gating wika. Ang paglinang ditto ay magbibigay daan upang pagtuunan ng pansin at mapagtibay ang pagiging tunay na Filipino na mas lalong magiging kapaki-pakinabang sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas.

4. SAKLAW AT DELIMITASYON Nararapat gamitin ang wika hindi lamang upang magkaunawaan ang bawat isa kundi bilang isa sa pinakamahalagang instrumento din sa pagtuturo sa iba't ibang disiplina mapa-aghan man, sining o matematika, sakop nito ang kabuuan na siyang tunay na magagamit at makakapagpaunlad sa mga mamamayang pilipino. Ngunit hinihingi ng mga mananaliksik ang pag unawa ng mga mambabasa sa pagsasama ng ilang mga pag-aaral mula noong ______ pataas. Napansin din ng mga kasalukuyang mananaliksik ang kadahilanan kung bakit ang wika ay tunay na di nabibigyang pansin, isang salik nito ay ang kasalatan o kakulangan ng sapat na kaalaman dahil sa kahirapan.

5. DEPINISYON NG TERMINO Kinagisnan. Ito ay nangangahulugan ng kinalakihan, kinasanayan, kinamulatan, kinaugalian, at kinagawian.

Linguista. Ang mga taong marunong magsalita ng iba’t ibang wika.

Balangkas. Ang maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa.

Soberanya. Ito ay ang pang-apat na elemento ng isang Estado. Ito ang pinakamataas na kapangyarihan ng Estado upang magpatupad ng kagustuhan nito sa pamamagitan ng mga batas.

Transaksyon. Ito ay ang pagpapares ng dalawa o higit pang mga pangkilos na isinagawa nang sama-sama bilang isang solong pagkilos. Sa madaling salita, ito ang pagkilos ay nagtagumpay o nabigo sa kabuuan.

Henerasyon. Ito ay ang mga taong ipinanganak at nabubuhay sa iisang panahon.

Tradisyon. (o kaugalian) Ay ang koleksyon ng mga paniniwala, opinion, customs, mga kwento, alamat, kultura at pamantayang panlipunan na karaniwang isinasalin mula sa isang henerasyon papunta sa isa pa.

Pananaliksik. Ito ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

KABANATA II

Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral



Rebyu ng Lokal na Literatura

Ang Wikang Pambansa (Filipino) bilang wikang opisyal ay unang itinadhana sa bias ng Batas Komonwelt Blg. 570,s. 1940 na nagtatakda ng paggamit nito sa mga opisina ng pamahalaan simula Hulyo 4, 1946; MS Blg. 72 na nag-aantas sa mga kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang Pilipino sa mga komunikasyon at korespondensya hangga’t maari. (Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad, 2005)

Ayon kay Amur M. Mayor- Asuncion, Ed D. ang wikang pambansa ay ang wika ng pagkakilanlan ng isang bansa.

Ito and wika ng pulitika, kultura at ng mga lipunan.

Sa

pangkalahatan, ito ay nililinang upang maging wika ng pambansang pagkakaisa at tungkulin nitong magsilbing pagkakakilanlan ng mga mamamayan nito. Ang wika ay maaaring maging modern ngunit di intelektwalisado.

Ayon rin kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin.

Isinulat ni Dr. Pamlea Constantino na Tagalog Pilipino/Filipino: Do they Differ sa bias ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pngulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa.

Nabanggit naman ni Imelda De Castro, propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang kahalagahan ng tamang estraktrura at gramatika sa Filipino upang makamit ang estandardisasiyon ng wika tungo sa mga progresibo at modernisadong Filipino.

Naibahagi ni Jose T. Saragosa na marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit ang Wikang Filipino bilang wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwala ang mga makabayang dalubwika o lingguwistiko na ang paggamit ng pambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at aghamin sa susi sa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.

Mahalaga ang paggamit ng Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak na pagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturo ng anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon. Kung wikang dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo, may tatlong proseso ang nagaganap sa ating isipan: Persepsyon (Kaalaman), Pagsasalin, Pag-unawa.

Ayon kay Padre Pedro V. Salgado, OP. bakit kinakailangan sayangin ang bung buhay sap ag-aaral ng ibang wika, kung meron naman tayong sariling wika.

Ayon rin kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilingguwal at multi-cultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t - ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa....


Similar Free PDFs