Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF

Title Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino
Course Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino
Institution Isabela Colleges
Pages 8
File Size 112.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 48
Total Views 944

Summary

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa FilipinoINTRODUKSYON:Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa PAKSA/NILALAMAN : ● Sa Pilipinas, ang ating pambansang wika ay Wikang Filipino ● Manuel L. Quezon , “Ama ng Wikang Pambansa” siya ang nagsulong ng ating wikang...


Description

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino INTRODUKSYON:

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa PAKSA/NILALAMAN: ● Sa Pilipinas, ang ating pambansang wika ay Wikang Filipino ● Manuel L. Quezon, “Ama ng Wikang Pambansa” siya ang nagsulong ng ating wikang pambansa at nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. ● Ang naging basehan ng ating wikang Filipino ay ang Tagalog na isang katutubong wika na gingamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. ● Hunyo, 1946, naging opisyal ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas pa  Nang inaprubahan ni dating Pangulo Benigno Aquino III ang programang K-12 bilang pagtugon sa napapanahong sistema ng edukasyon, biglang nagbago ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.  2013, napagdesisyunan ng Commission on Higher Education(CHED) na magbawas ng anim na yunit ng Filipino para sa mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo noon sanang 2018.  Ipinatanaw ang CHED memorandum Order Bilang 20, serye 2013. Batay sa memorandum na ito ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo sa mga estudyante pagkatungtong nila sa kolehiyo.  Resulta ng pagkadisma ng ilang mga propesor sa Filipino:  Dr. Randy Din at David Michael San Juan, nagsabing maaaring bumaba ang kalidad ng Wikang Pambansa kung mangyaring matanggal ito sa kolehiyo.  Tanggol Wika para panatilihin

sa pag-aaral ang asignaturang Filipino sa kolehiyo

 Abril 2015, naghain ng TRO ang Korte Suprema upang panandaliang hintuin ang layunin ng CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino hangga’t wala pa itong maayos na hatol .  Hunyo 2017, napagdesisyunan ng CHED na huwag na ituloy ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.  Ang ating wika ang sumisimbolo na tayo ay malaya at may sariling bansa.

 Nagsisilbing instrumento ng mga Pilipino sa kanilang komunikasyon sa iba’t ibang parte ng ating bansa para magkaroon ng kapayapaan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.  Napakalaking tulay ang ating wika sa pagkakaroon ng isang pagkakakilanlan ng bansang Pilipinas.  Maraming tao ang nakipaglaban upang hindi ito mapaalis sa curriculum sa kolehiyo.  Pinaglalaban na natin ang mga bagay na sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa  Gleason Henry -

Ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.

 Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika.  Ang maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong grupo.  Maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."

Panahon ng Amerikano ● ALMIRANTE DEWEY -

Ginamit nilang instrumento ang edukasyon sa sistema ng pampublikong paaralan at pamumuhay na demokratiko.

● Batas Blg.74, 1901 -

Ipinag-utos na gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralang bayan na itatatag.

● THOMASITE -

mga gurong sundalo,

-

naniniwala ang mga kawal ng Amerikano na mahalagang maipalaganap agad ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano

Panahon ng Komonwelt ● 1935

-

nagkaroon ng pagsulong para sa isang probisyong pang wika na magtatakda ng kikilalaning wikang pambansa.

-

“Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

-

Sa panahong wala pang naitatakda ang batas INGLES at KASTILA ang kinikilalang mga wikang opisyal.

-

pinagtibay ng pambansang Asembleya noong Nobyembre 13, 1936 ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na may tungkuling magsaliksik sa mga diyalekto sa Pilipinas.

NAGING SALIGAN SA PAGPILI AY : 1. Ginagamit ng mayorya ng mamayang Pilipino, lalo na sa Maynila na sentro ng kalalakalan, industriya, at pulituka. 2. Ginagamit sa pagsusulat ng pinaka dakilang panitikang Filipino. 3. Wikang may pinaka maunlad na balangkas at mayamang mekanismo at madaling matutunan ng mga mamamayang Pilipino. ● 1936 -

itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa.

-

Si Jaime de Veyra , tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa”.

● Disyembre 30, 1937 -

Pormal na inideklara ni pangulong Quezon na ang tagalog ay ang wikang pambansa ng pilipinas.

● Abril 1, 1940 -

Binigyan pahintulot ang paglilimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng wikang Pambansa.

● Hunyo 19,1940 -

ituro ang wikang pambansa sa lahat ng paaralang bayan at pribado sa bansa.

● Hunyo 7, 1940 -

Pinagtibay ng batas ng commonwealth blg. 570, na nagtatadhana, bukod sa iba pa, na ang pambansang wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas mula Hulyo 4,1940 Panahon ng Hapon

● Sa pagsiklab ng Ikalwang Digmaang Pandaigdig na nagbunsod sa pananakop ng mga Hapon sa bansa, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog. ● Pagdami ng mga babasing nakalimbag sa wikang Tagalog at nagging masigla ang panahong ito sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano. ● Order Militar Blg. 13, ● Ibinaba noong Hulyo 1942, nag utos na gawing opisyal na wika ang Tgalog at wikang Hapon

Panahon ng Pagsasarili  Hulyo 4, 1946 - ipinahayag bilang opisyal na wika ng pilipinas ang Wikang Tagalog (Batas Komonwelt Blg. 70).  Marso 26, 1954 -

Nilagdaan ni pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamang Blg. 12 o ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika simula Marso 29 hanggang Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2.

-

Inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng linggo ng wika taun-taon simula sa ika-13 hanggang sa ika-19 ng Agosto sa bisa ng Proklamasyon blg 186, bilang pagkilala sa kaarawan ni pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa".

-

Agosto 13, 1959

-

Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagarawan ng Edukasyon ang kautusang pangkagarawang blg. 7, na nagsasaad na kailanman tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.

-

1967-1968

-

Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali edipisyo at tanggapin ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.

● 1973 -

Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino.

-

Kautusang Pang Kagawaran Blg. 25 (Hulyo 10,1974) kalihim Juan Manuel, ang pagpapatupad ng patakarang Edukasyong Bilingguwal sa mga paaralan na nag sasaad ng hiwalay na paggamit ng Ingles at Pilipino bilang bilang Wikang panturo at pagkatuto sa lahat ng antas.

● Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Sekyon 6 na ang wikang pambansa ay Filipino. -

nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) alinsunod sa kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 bilang pamalit sa SWP(Surian ng Wikang Pilipino).

 Dekada 90, itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino ayon sa Batas Republika Blg. 7104 ( Agosto 14, 1991) bilang pamalit sa LWP.  KWP - mga tao na patuloy na nagsasaliksik at nagaaral sa wika.  Proklamasyon Blg. 1041 (1997)  pagdiriwang ng wikang pambansa na maging isang buwan tuwing sasapit ang Agosto ayon sa itinakdang nilagdaan sa ilalim ng administrasyon.  KWP - mga tao na patuloy na nagsasaliksik at nagaaral sa wika.  Proklamasyon Blg. 1041 (1997)  pagdiriwang ng wikang pambansa na maging isang buwan tuwing sasapit ang Agosto ayon sa itinakdang nilagdaan sa ilalim ng administrasyon. MGA HALIMBAWA NG WIKANG PAMBANSA: ● Parak - Pulis ● Eskapo - Takas sa bilanguan ● Istokwa – Naglayas ● Juding – Bakla ● Tiboli – Tomboy ● Balbonic – Taong mabalahibo ● Brokeback – Lalaki sa lalaking relasyon ● Gurang – Matanda ● Sikyo – Security Guard ● Tipar – Party ● Isputing – Nakaputi ● Yosi- Sigarilyo ● Waswas- Asawa

Filipino bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at sa mas Mataas na Antas  Filipino ang wikang magagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng “isang edukasyon na nagtataguyod sa kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka sa nakararami (Lumbera et al, 2007).

 Dr. Wilfrido V. Villacorta, ● Wikang Pambansa ay: -

isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan.

-

nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon

-

nagbibigay-daan sa pagkakaisa at

-

pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan

 Aspetong ekonomiko -

ang wikang pambansa lamang ang makapagtitiyak na ang sistemang pang-edukasyon ng bansa ay nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino. -

San Juan

 KWF ni Almario (2014) ● malaki ang isinulong ng pagpapalaganap sa Wikang Pambansa. ●

25.4% hanggang 44.4% ang nagsasalita ng Wikang Pambansa

● 1989, Ateneo de Manila University survey: -

92% ang nakakaintindi ng Tagalog

-

83% ang nakakapagsalita

-

88% ang nakakabasa

-

81% ang nakakasulat

-

Unang Rebolusyon sa EDSA noong 1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang ating republika.

-

Isa sa mga pinakamainit na usaping pinagtalunan ng mga delegado sa kumbensyong konstitusyunal ay ang usapin ng wikang Pambansa

-

Nanaig ang konsensus na ang wikang pambansa ay Filipino na ang nukleyo ay ang wikang Pilipino.

-

Ang wikang Filipino’y sumusulong na rin bilang aktuwal na wikang opisyal ng Pilipinas.

-

Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapag-paganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988 at ang patakarang bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 53, serye ng 1987.

Pagsulong ng wikang Filipino sa mass media ● public affairs at news program ● mga programang pantelebisyon gaya ng Batibot, Hiraya Manawari at Bayani.

● radyo-dramang Tagalog ● Sa dalawang dekada ring ito sumulong ang Filipinisasyon ng mga diyaryo. Komisyon sa Wikang Filipino ● Naging maningning ang pagsulong ng wikang Filipino sapagkat naipasa ang Batas Republika Blg. 7104 na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). ● Samakatuwid, ang adbokasiya ng Tanggol Wika ay magtitiyak na ang nasimulan na ay maipagpapatuloy at lalo pang mapapaunlad tungo sa ganap na paggamit ng Filipino bilang wika ng komunikasyon sa iba't-ibang antas at larangan. Institusyunal  Mataas ang pagpapahalaga ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) – Diliman sa wikang Filipino at panitikan bilang kapwa mga asignatura at disiplina na humuhubog sa makabayan, makatao, at demokratikong aspirasyon ng pamantasan at bansa.  Bahagi ang pagsusulong ng wikang Filipino at panitikan sa mandato ng 1989 Patakarang Pangwika ng UP - ang pagtataguyod at pagsusulong ng wikang Filipino bilang wika ng pagtuturo, pagsasaliksik, at talastasang-bayan. "Ano ang pagkakaiba ng Filipino sa Tagalog " ni Isagani Cruz Isagani R. Cruz ● Ang Tagalog, ayon sa kaniya, ay ang wika na inilarawan ni Lope K. Santos sa Balarila ng Wikang Pambansa (1939), o ang “wikang kasalukuyang ginagamit sa katagalugan sa labas ng kamaynilaan.” ● Ang Filipino naman ay ang wika na inilarawan nina Schachter at Otanes sa Tagalog Reference Grammar (1972), o ang wikang tinatawag na “educated Manila Tagalog.” Lope k. Santos ● Ang Balarila ng wikang pambansa ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang tagalog. -

ang balarila ay isinulat para sa mga guro na nag tuturo ng wikang tagalog. Schachter at Otanes

-

TRG (tagalog reference grammar) ay ginawa para sa mga mambabasang Amerikano

-

una, magaan at madaling maiintindihan ang wika ng naturang reference grammar at

-

ikalawa, lagi itong may paghahambing ng Tagalog at ng Ingles ng Amerika, kahit na pilit ang ilang halimbawang paghahambing.

Apat na pagkakaiba Pagtalakay: Unang Pagkakaiba

-

“Sa Filipino’y una ang panaguri … Sa Tagalog ay ginagamit ang panandang ay. Sa pormal na gamit ng Tagalog ay talagang ginagamit ang ay.”

-

Sa Filipino “Pormal o lebel-panulat ang karaniwang ayos ng pangungusap na walang ay.”

-

Ayon sa Schacter & Otanes (1972, p. 485), isang uri ng ‘inversion construction’ ang pangungusap na may ay, na “characterized by the shifting to sentence-initial position of some sentence component that does not occur in this position in basic sentences.”

-

Hindi lang simuno ang maililipat sa unahan; pati mga oblikong pariralarin, halimbawa, “Sa Filipino’y una ang panaguri.” Ikalawang Pagkakaiba

-

“inuulit ang pantig ng salitang-ugat o ang pantig ng panlapi sa Tagalog; hindi na kailangang ulitin ang mga pantig sa Filipino.”

-

Ang pag-uulit na tinutukoy ay iyong nangyayari sa pagbuo ng pangngalanin (na banghay sa pag– at pang-), halimbawa, ang inulit na pantig na da sa pagdala -pagdadala. Ikatlong Pagkakaiba

● “Mas hawak sa leeg ang Tagalog ng panulatan o matandang gamit ng salita; mas nakikinig sa talagang ginagamit o sinasalita ang Filipino.”

Ikaapat na Pagkakaiba ● “Kahit na sa makabagong Tagalog ay Kastila pa rin ang wikang karaniwang hinihiraman; sa Filipino’y Ingles ang karaniwang hinihiraman, dahil nga Taglish ang ugat ng Filipino.”...


Similar Free PDFs