Kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino PDF

Title Kontekstwalisadong komunikasyon sa filipino
Course Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino
Institution Batangas State University
Pages 87
File Size 1.8 MB
File Type PDF
Total Downloads 823
Total Views 2,255

Summary

5Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIlCAPSU- Main |Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIlCAPSU- Main | 6Yunit IIntroduksyon: Ang Pagtataguyod ng WikangPambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyonat Lagpas PaMga Layunin1 ang pinagmulan ng pagkakabuo ng wik...


Description

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

CAPSU- Main |

5

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Wikang Filipino-KonKomFIl

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa Mga Layunin 1. Natatalakay ang pinagmulan ng pagkakabuo ng wikang pambansa sa mas lalong mataas na antas nito. 2. Naihahambing ang kaibahan ng wikang Tagalog sa wikang Filipino sa iba’t ibang gamit at konteks; at 3. Nakabubuo ng diskursong may kinalaman sa mga usaping pangwika.

A. Kasaysayan ng Wikang Pambansa Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan na kung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gallego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel Luis M. Quezon, ang tinaguriang " Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipakilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935. CAPSU- Main |

"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal." Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog. Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating wika: Nobyembre 7, 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

BILINGGWALISMO Bilinggwalismo ang tumutukoy sa ipinapakitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng dalawang wika. Sanggunian: (https://www.coursehero.com.file/16021963/Wikang-Filipino/) , AklatKotekstwalisadong komunikasyon sa Filipino – Dr. Mario H. Maranahan

Artikulo XIV ng Konstitusyon 1987 - Wika Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon. Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili. Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura Upang mapadali ang pagtalakay ng kasaysayan ng wikang pambansa, narito ang PDF na maaaring gamitin sa pagpapaliwanag. (kasaysayan-ng-wikang-pambansa.pdf)

B. SISTEMANG K TO 12 NG EDUKASYON

Sistemang K-12 Ang pagsulong sa repormang pang-edukasyon ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Educationv-DepEd) kaugnay sa tinatawag na Programang K-12 ay nagkaroon ng ganap na katuparan noon 2011. Isinaalang-alang sa pagsulong nito ang modelo na ginagamit sa edukasyon ng mga kanluraning bansa. Hindi naging madali ang pinagdaanan ng mga nagsusulong nito bago ito pormal na naipatupad dahil na rin sa pagtutol ng maraming kasapi ng akademya, mga mag-aaral at mga magulang. Itinuturing nila itong dagdag pasikat sa balikat ni Juan Dela Cruz dahil sa dagdag

gastos na gugulin ng mga mag-aaral para sa higit na matagal nilang pamamalagi sa eskwelahan. Mula sa sampung taon na basikong edukasyonay dinagdagan pa ito ng dalawang taon na hindi naman alam ang patutunguhan. Naging malaking hamon ito para sa mga namumuno ng isang eskwelahan bunga ng mataas nitong kahingian upang matugunan ang repormang kaakibat ng programang K-12. Sa kabila ng kaliwa’t kanang demonstrasyon at mga pagtutol ay nanaig pa rin ang inisyatibong ito ng Pamahalaang Aquino na baguhin ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Pormal na itinalaga ang ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Educationv-DepEd) bilang tagapagpatupad at tagapamahala ng Edukasyong k-12 noong taong 2013. Binigyan sila ng ekslusibong ng kapangyarihang makapamahala sa mga pampublikong paaralan at mabigyan ng regulasyon sa mga pribadong paaralan. Ang implementasyon ng programang k-12 at ang ratipikasyon ng Kindergarten Education Act ng 2012 at Enhanced Basic Education Act ng 2013 ay nagbukas sa tatlong taong dagdag sa basikong edukasyon ng mga mag-aaral. Mula 1945 hanggang 2011 ay anim (6) na taon ang ginugol ng mga mag-aaral sa kanyang elementarya at apata (4) na taon para sa kaniyang sekondarya. Dahil sa mga batas na nabanggit ay nabago ang panahon na dapat na gugulin ng isang indibidwal bago makatungtung ng kolehiyo—isang taon ang kailangang gugulin sa kindergarten, 6 na taon sa elementarya at 4 na taon sa junior high school at 2 taon para sa senior high school.

Larangan sa Pagpapakadalubhasa Inaasahan na ang mga mag-aaral na makapagtatapos ng bagong sistemang edukasyon ay makapagtatagalay ng kahusayan na kailangan upang sila ay agad na makapaghanapbuhay. Maari itong magkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng mga electives na kanilang kukunin sa kanilang sa kanilang ika-11 at 12 taong baiting ng pag-aaral. Ang mga electives na ito o pagkakadalubhasaan ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Academics para sa nais magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo; 2. Technical-vocational para sa mga mag-aaral na nais makapaghanapbuhay matapos ang kanilang high school. 3. Sports and Arts para sa mga mag-aaral na mahilig sa dalawang larangan.

C. Usapin ng Filipino sa CMO 20 Series 2013

Isa sa mga pinaniniwalaan ng dating komisyuner ng CHED na si Dr Patricla Licuanan na ang K-12 ang sagot sa usapin ng trabaho matapos ang labindalawang basikong edukasyon. Opsyon ang hindi ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sapagkat taglay na niya ang kinakailangang lakas at talino na hinahanap ng mga kumpanya para sa kanyang serbisyo (https://www.yOutube.com/watch?v=k3000u7lxdNM). Ang mga inasahang kasanayan na ito ng mga mag-aarai ay maaaring makuha sa mga asignaturang kasama sa dalawang taong dagdag na pag-aaral (ika-11 at 12 baitang) mula sa dating sampu (6 na taon sa elementarya at apat na taon sa sekondarya). Bukod pa dito ang tinatawag na ASEAN Integration o ang pagsabay ng Pilipinas sa sistema ng edukasyon na ginagamit sa halas lahat ng bansa sa Asya. Kaugnay nito ay ang paghahanda ng mga asignatura na kailangan ng mge mag-aaral kung sakali na sila ay magpapasya na ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo. Naglabas ng Memo 20, Serye ng 2013 ang Commission on Higher Education para sa katumbas na mga asignatura ng tatlumput anim (36) na yunit ng Pangkalahatang Edukasyon (GeneralEducationi na kinabibilangan ng mga sumusunod: Understanding the Self (Pag-narwa sa sarilh; Readings in the Philippine History (Mga Batasahin hinggil sa Kasaysauan ng Pitipias); the Contemporary World tAng Kasalukuyang Daigdig): Mathematics in the Modern World (Matematika sa Makabagong Daigdig) (Malayuning Komunikasyon); Art Appreciation (Pagpapahalaga sa Sining); Science & Technology, and Society (Agham, Teknoloitiya, at Lipunar); Ethics (Etika). Nabalot ng kontrobersiya ang kautusang ito ng CHED sapagkat lantaran na tinangga ang asignaturang Flipino na sana ay makaagapay natin sa pagsusulong ng intelektwalisasyon at marketisasyon ng kultura at wikang Filipino. Ipinaliwanag ni Licuanan na hindi naman daw naging tahasan ang pagkawala ng Filipino sa kurikulum dahil may inilaan para rito sa ika-11 at 12 baitang ng pag-aaral sa Senior High School. Kanya ring ipinaliwanag na ang bawat kolehiyo, pamantasan o unibersidad ay may opsiyon na gamitin ang Fiipino sa tatlumpu’t anim na yunit ng General Education. Kung susuring mabut ang mge naging pahayag ni cuanan, makikita na para bang kanyang inihalintulad ang mga tagapagtanggol ng wika sa isang batang inagawan lamang ng laruan at kayang patahanin kung bibigyan ng bago at higit na kaakit-akit na taruan. Nakalulungkot sapagkat naging mababaw ag kanyang pagtingin sa pakikibaka ng mga tagapagtanggol na wik sà kahalagahan ng Filipino sa mas mataas na antas ng pagkatuto. Ang programang K-12 lalong higit ang mga probisyong may kaugnayan sa ating9 kuitura at wika ay hind dapat maging isang laro o eksperimento lamang. Kaiiangang ng masidhing pag-aarai bago ipatupad dahit adito nakasałalay ang kinabukasan ng indibidwal na ang nais lamang naman ay mag-aral upang magkaroon ng sapat na kasanayan para sa higit na magandang estado ng pamumuhay. Maging ang kanyang pahayag na ang bawat akademikong institusyon sa kolehiyo ay may opsiyon na gamitin ang Filipino sa tatlumpu't anim na Pangkalahatang Edukasyon (General Education) ay hindi rin katanggap-tanggap sapagkat ang salitang opsyon ay nangangahulugan ng isang di-paborableng desisyon mula sa mga pribado at pampublikong akademikong institusyon na ang karamihan ay nagsusuiong ng ingies bilang wikang panturo.

Naniniwala si Ramon Guillermo ng Phiippine studies sa UP Departamento ng Filipino at Panitikan sa Pilipinas na ang pagtanggal ng CHED sa asignaturang Fillpino sa kolehiyo batay sa CMO 20, Serye ng 2013 ay magbubunga ng kawalang malay ng mga mag-aarai sawikang Hlipino. Wala na ring magpapatuloy n9 mas mataas na pananaliksik sa Filipino kung mananaig na ito ng CHED. Kanyang tahasang sinabi na ang memorandum na ito ng CHED ay nangengahulugan ng panganganib sa wikang Filipino at pagpatay sa intelektwalisasyon nito. Ang mga epektong ito ay bukod pa sa pagsasara ng maraming departamento sa pribadong kolehiyo na maaaring magbunga ng kontraktwalisasyon at kagyat na kawalan ng trabaho para sa karamihan (https:/www.youtube.com/watch?v=k3000u7bxdNM). Idinagdag pa rin ni Guillermo sa https://www.youtube.com/watch?v=k30o0u71xdNM na ang pagkawala ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay nangangahulugan ng hindi pagbibigay-galang o respeto sa maabot ng wikang Filipino bilang larangan ng isang siyentipiko at akademikong pag-aaral. Binigyang diin ni Guillermo na ang Filipino ay hindi lamang dapat na manatil bilang isang simbolo ng pagkabansa. Dapat itong maging isang wika na ginagamit natin sa mga larangan ng ating kaalaman. Maganda rin ang naging argumento ni Antonio Tinio, ating kinatawan sa KOngreso (https://youtube.com/watch?v=k3000u7bxdNM. Ayon sa kaniya, ang k-12 ay isang pagsusulong sa labor-export policy na ang layunin ay manghikayat ng foreign investors para sa mga serbisyong katulad ng business courses, outsourcing , call center at iba pa. Hindi sinuportahan ng k-12 ang industriyalisasyon at pagpapaunlad ng agrikultura. Idinagdag pa ni Tonio na ang programang k-12 ay mas nakatuon sa pangangailangan ng ibang bansa (higit na mayayamang bansa) kaysa pangangailangan ng higit na nakararaming mga Pilipino. Iginiit ni Tinio na ito ang dahilan kung bakit Ingles ang wikang na isinusulong sa ilalim ng kurikulum habang ang Filipino naman ay patuloy na pinahihina. Sinasabi pa ni Tinio na obligasyon ng administrasyong Aquino na paunlarin ang Filipino bilang panturo at wkang pambansa ayon na rin sa isinasaad ng Saligang Batas ng 1987.

D. Argumento ng Tanggol Wika at iba pa Laban sa CMO 20, Serye ng 2013 Ang petisyon ng Tanggol Wika at iba pa sa agarang paglalabas ng Korte Suprema ng Temporary Restraining order o Permanent Restraining Order ay inihain sa kanilang kapasidad bilang, namumuwisan at mga mamamayang Pilipino, Kanilang iginiit na ang pagpapatupad ng CMO 20, Serye ng 2013 at iba pang hakbang na kaugnay nito ay tahasang paglabag sa pollsiya at mandating inilalatag ng Konstitusyon ng Pllipinas, lalong higit sa pagsasalansang nito sa mga probisyong may kaugnayan sa wika, edukasyon, at pampaggawa ng Konstitusyon. Kanila pang idinagdag na ang CMO 20, Serye ng 2013 ay lumalabag din sa Batas Republika 7104 (Ang Batas na Lumilikha sa Komisyon ng Wikang Filipino at ang Pagbibigay Dito ng Kapangyarihan, Tungkulin, at para sa lba pang Layunin), Batas Pambansa 232 (Ang Batas na Nilikha para sa

Pagtatag at Pagpapanatili ng Sistemang Integratibo ng Edukasyon), at Batas Republika 7350 (Ang Batas na Lumilikha sa Pambansang Komisyon ng Kultura at Sining Nationa Commission for Culture and the Arts...). Kanila ding sinabi na ang paglabag sa kanilang karapatan na makilahok sa mga dayalogo na may kaugnayan dito ay di mababayaran o matutumbasan ng anumang danyos na maaaring ibigay ng mga respondente. Ang mga Sumusunod ay llan din sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban sa CMO 20, Serles 2013: (1) ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan. (2) Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at kamatayan ng mga Plilpino blang nagkakaisang mamamayan at may pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa-mga bagay na ilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito. 3) Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng' mga petisyoner na ipaninto ang implementasyon ng CMO No. 20, Serye ng 2013 sa pamamagitan ng temporery restraining order at/o writ of preiiminary injunction y tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Flipino, art nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon. (4) Pahihinain nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidiad, kJurd, pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.

E. Sagot ng Kataas-taasang Hukuman, Korte Suprema sa Petisyon laban sa CM0 20, Serye ng 2013 Inatasan ng Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema (Supreme Court) ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (Commission on Higher Education CHED na bigyan ng ganap na implementasyon ang kautusan nito na ibalik ang Filipino at Panitikan sa Antas Tersyarya sa pamamagitan ng pagpapatupad sa bagong Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon (Generaf Education Curriculum) sa Taong Aralan 2018-2019. Ang kautusang ito ng Korte Suprema ay bunga ng pagsusulong na Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Alliance of Defenders of the National Language) o Tan9gol wika, mga alyansa ng 'ibat ibang paaralan, kolehiyo, unibersidad, samahang pang- linggwistika at pang-kultura, at ilang may pagpapahalagang mamayan, na makakuha ng paborableng desisyon para sa Filipino at Panitikan. Napagtagumpayan ng Tanggol Wika at iba pang samahan ang kaniang ipinaglalaban nang maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pagtatenggal ng Fllpino at Panitikan (Literature) bilang mga mandatoryong asignatura sa bagong Pangkalahatang Kurikulum na Pang-edukasyon (General Education Curriculum) alinsunod sa CHED Memo 20 Series 2013. (Ang Temporary Restraining Onder ay isang kautusan ng korte para sa limitadong panakon bilang (1) bilang solusyon sa gu biglaang pongyayari- entergency remedy, (2) pragbabawal sa isarng

indibidwal na gumauwi ng asyon na makapaniminsaa ng iba, o (3) panatilikin ang dating estado status quo Ipinagkakaloob lamang ang TRO sa mga pambihirang pagkakataon at mananatili hanggang sa maisagawa ang pandinig sa preliminary o permanent injunction o sa pagtukoy ng tamang remedy o solusyon.

Pangalan:

Taon/Seksyon:

Petsa: Iskor:

Yunit I Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas Pa

PAGSASANAY 1 Panuto: Bigyang pagpapakahulugan at talakayin ang mga sumusunod. 1. Wikang Filipino

2. Wikang Opisyal

3. Pangulong Manuel Luis M. Quezon

4. Surian ng wikang Pambansa

5. Mga opisyales ng SWP

Pangalan:

Taon/Seksyon:

Iskor: PAGSASANAY 2

Petsa:

Panuto: Talakayin ang iyong pananaw hinggil sa mga sumusunod. 1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mahahalagang puntos na ibinigay ng mga petisyoner laban sa CMO 20, Series 2013: a. Ang paghina at, sa kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura, kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.

b. Dudulo ang panghihina...


Similar Free PDFs