Lagumang Pagsusulit sa Komunikasyon PDF

Title Lagumang Pagsusulit sa Komunikasyon
Course Personality Development And Public Relations
Institution University of Cebu
Pages 2
File Size 99.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 473
Total Views 919

Summary

Department of Education Region III Schools Division of Zambales SAN GUILLERMO NATIONAL HIGH SCHOOL San MarcelinoLAGUMANG PAGSUSULIT Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PilipinoPangalan: ________________________________________________ Iskor:___________________ Strand: _________________...


Description

Department of Education Region III Schools Division of Zambales SAN GUILLERMO NATIONAL HIGH SCHOOL San Marcelino LAGUMANG PAGSUSULIT Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Pangalan: ________________________________________________ Iskor:___________________ Strand: __________________________________________________ Petsa: __________________ I- Panuto: Basahin ang mga sumusunod na katanungan.Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa ito ay ang _______________. a. wikang espanyol b. wikang tagalog c. wikang Ingles d. wikang Pambansa 2. Nakasaad sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6, na “Ang Wikang Pambansa sa Pilipinas ay a. Ingles b. Tagalog c. Filipino d. Espanyol 3. Ano ang nakasaad sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7? a. Wikang Ingles ang dapat gamitin c. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino b. Gamitin ang wikang Ingles at Filipino d. Gamitin ang wikang Espanyol 4. Ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. a. Unang Wika b. Ikalawang Wika c. Ikatlong Wika d. Wala sa nabanggit 5. Nagagamit ang wikang ito sa pakikiangkop sa lumalawak na mundong ginagalawan. a. Monolingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Multi-Lingguwal d. Ikatlong Wika 6. Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay matatawag na ___________________. a. Monolingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Multi-lingguwalismo d. Unang Wika 7. Pilipinas ay isang bansang __________________. a. Multilingguwal b. Bilingguwal c. Monolingguwal d. Balanced Bilingguwal 8. Mayroon tayong mahigit __________ wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolingguwal. a. 100 b. 200 c. 150 d. 180 9. Sa pagpapatupad ng Deped ng K to 12 Curriculum, kasabay na ipinatupad ang probisyon para sa magiging wikang panturo particular sa Kindergarten at Grades 1,2,3. Tinatawag itong _____________________. a. wikang panturo b. wikang opisyal c. Mother Tongue Based Multilingual Education 10. Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansang tulad ng England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na panturo sa larangan o asignatura. a. Multilingguwalismo b. Monolingguwalismo c. Bilinguwalismo d. Wikang Pambansa 11. Ito ay isang napakahalagang instrument ng komunikasyon? a. dila d. wika c. tunog d. vocal 12. Ang salitang latin na ‘’Lingua” ay nangangahulugang “______________’’ at “______________’’ o lengguwahe’’. a. salita at tunog b. dila at salita c. dila at wika d. wika at tunog 13. Ang mga salita gaya ng “Mustah po, Boom panes!, Ansabe?!’’ ay ilan sa mga halimbawa ng ________. a. Idyolek b. Sosyolek c. Dayalek d. Etnolek 14. Ang baryasyon ng wikang nakikilala o napapabantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging pagsasalita. a. Sosyolek b. Idyolek c. Dayalek d. Etnolek 15. Ang baryasyon ng wikang nagmula sa pinagsamang etniko at dayalek ay tinatawag na ___________. a. Sosyolek b. Idyolek c. Dayalek d. Etnolek 16. Ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung saan iisa ang wikang sinasalita ng mga mamamayan dito. a. Homogenous b. Heterogenous c. Bernakular d. Arbitraryo

17. Ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook ay tinatawag na __________________. a. Homogenous b. Heterogenous c. Bernakular d. Arbitraryo 18. Ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wika ang umiiral dito ay may diyalekto o varayti ang mga wikang ito. a. Homogenous b. Heterogenous c. Bernakular d. Arbitraryo 19. Kung isang hiwalay na wika na ginagamit sa isang lugar na hindi sentro ng gobyerno o ng kalakal, tinatawag din itong __________________. a. Wikang Bernakular b. Arbitraryo c. Wikang Panrehiyon d. Wikang Internasyunal. 20. Ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad. Kung ikaw ay naninirahan sa Zambales, anong wika ang napagkasunduang gamitin dito? a. Zambal b. Tagalog c. Ilokano d. Lahat ng nabanggit

Inihanda ni:

VANESSA B. MARZAN GURO SA FILIPINO

Pinagtibay ni:

MARILOU M. NICART MM Assistant Principal II/OIC...


Similar Free PDFs