WIKA - WIKA - Komunikasyon PDF

Title WIKA - WIKA - Komunikasyon
Course Psychology
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 4
File Size 110.7 KB
File Type PDF
Total Downloads 500
Total Views 964

Summary

WIKAA. KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA (V1)Ayon kay Henry Gleason may tatlong (3) katangian ng wika: Masistemang Balangkas - binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na makalikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunod- sunod ay nakabubuo ...


Description

WIKA A. KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA (V1) Ayon kay Henry Gleason may tatlong (3) katangian ng wika: 1.

2.

3.

Masistemang Balangkas - binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na makalikha ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang pagkakasunodsunod ay nakabubuo ng mga parirala pangungusap, at talata. Wika ay arbitraryo - pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo ng tao para sa kanilang pang arawaraw na pamumuhay. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura.

A. KALIKASAN (KATANGIAN) NG WIKA (V2) 1. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. Halimbawa: nag- aaral Sara mabuti makapasa eksamin Mapapansing batay sa mga salitang nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang pangungusap tulad ng: Si Sarah ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin. 2. Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika. Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging

nanggagaling sa baga ng nagdaraan sa pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng ilong at bibig (resonador). 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap. Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. 4. Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. Halimbawa: Kung ikaw ay nasa Pangasinan, kailangan ang wikang iyong sinasalita ay ang wikang gamitin sa Pangasinan upang magkaroon ka ng direktang ugnayan sa lipunang iyong ginagalawan. Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa konbensyunal na pagpapakahulugan ng salitang ginagamit. Walang kaugnayan ang salitang ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa ay ang salitang "aso" sa ingles ang gamiting salita ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa Pangasinan ito ay "aso" maaaring pareho ang mga salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang ito ang gamiting salita kaya't ito ang pangkalahatang gamit sa salitang "aso" 5. Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay nawawalan ng saysay. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice formations" sa Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino?

Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa. 7. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. 8. Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang pangungusap kung walang salita. 9. Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang walang kamatayang akdang "Uncle Tom's Cabin" na isinulat ni Stowe. Dahil sa nobelang ito, nagkaroon ng lakas ang mga aliping itim na ipaglaban ang kanilang mga karapatang pantao laban sa mga Amerikano. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto. 10. Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa rin ang kay hirap ipaliwanag. Pansinin ang mga halimbawa: may ham nga ba sa "hamburger"? (beef ang laman nito at hindi hamo) B. DIMENSYON NG WIKA Mga bahagi ng Dimensyon ng WIKA 1. Dimension of power - Kausap ay mas mababa, kapareho, o mas mataas sa nagsasalita. 2. Dimension of solidarity - Kaisa ba ng tagapagsalita ang kanyang kausap

3. Formality of occasion - Kailangan bang pormal o hindi 4. Expertise 5. Teknikaliti - Paggamit ng nagsasalita ng mga teknikal na salita ayon sa kaalamang teknikal ng kanyang kausap.

C. Barayti at Baryasyon ng Wika Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal. Homogeneous at Heterogeneous na wika Homogeneous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito. (Paz, et.al.2003). Heterogenous na Wika – wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito, maraming baryasyon na wika. Ito ay nagtataglay o binubuo ng magkakaibang kontent o element heteros – nangangahulugang magkaiba samantalang ang genos – nangangahulugang uri o lahi. Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaibaiba ng mga indibidwal at grupo, maging ng kanikanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. 1. Dayalek/Dayalekto – ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon at bayan. Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ito rin ang wikang sinasalita ng isang neyographical.

Halimbawa: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)



pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog) 2. Idyolek ito ay pansariling paraan, nakagawiang pamamaraan o istilo sa pagsasalita. Makikita rito ang katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita o ng isang pangkat ng mga tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa). Ito rin ang Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.



Halimbawa: Tagalog – Bakit? Batangas – Bakit ga? Bataan – Bakit ah? Ang idyolek ni Marc Logan – paggamit ng salitang magkakatugma Ang idyolek ni Mike Enriquez – hindi namin kayo tatantanan Ang idyolek ni Kris Aquino - Aha!, ha, ha… okey! Darla! 3. Sosyolek - naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal o nakabatay sa katayuan, antas o sa pangkat na kanyang kinabibilangang panlipunan. Tinatawag din itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa. Ito ay may kinalaman din sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita. Halimbawa: Wika ng mag-aaral - Oh my God, nakatabi ko kanina sa bio ang crush ko! Tapos nakasabay (estudyante)

ko

pa

s'yang

mag-lib!

Wika ng matanda - Ano ikamo, wala pa ang tatay n'yo diyan? Aba at saan na naman napunta ang damuhong 'yon? Malilintekan 'yon sa akin! (matanda) Iba’t Ibang Sosyolek



Gay Lingo – ang wika ng mga bakla. Ginamit ito ng mga bakla upang mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: Churchill para sa sosyal, Indiana jones para sa hindi sumipot, begalou para sa malaki, Givenchy para sa pahingi, Juli Andrews para sa mahuli. Coňo - tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya nagkaroon ng coede switching. Kadalasan din itong ginagamitan ng pandiwang Ingles na make at dinugtong sa Filipino. Minsan kinakabitan pa ito ng ingklitik na pa, na, lang at iba pa. Halimbawa: Let’s make kain na… wait lang I’m calling ana pa… We’ll gonna make pila pa…It’s so haba na naman for sure. Jejemon o Jejespeak – ay isang paraan ng pagbaybay ng hehehe at ng salitang mula sa Hapon na pokemon. Ito ay nakabatay rin sa mga Wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya’t mahirap basahin at intindihin lalo na nang hindi pamilyar sa jejejetyping. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z. Halimbawa: 3ow phow, mUsZtAh nA phow kaOw? - Hello po, kumusta po kayo? aQcKuHh iT2h - Ako ito iMiszqcHyuH - I miss you

4. Jargon - ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng isang propesyon, artikula na trabaho, o gawain ng tao. Halimbawa: abogado – exhibit, appeal, complainant guro – lesson plan, class record, Form 138 5. Etnolek – ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolengguwistikong grupo. Ang salitang ito ay nagmula sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Halimbawa: Vakkul – gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o ulan Bulanon – full moon

Kalipay – tuwa o ligaya Palangga – mahal o minamahal Shuwa – dalawa Sadshak – kaligayahan Peshen – Preshen 6. Register – ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasaita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda o hindi niya masyadong kakilala. Pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa: a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino ang nag-uusap. b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at sa panahon. c. Paraan o paano nag-uusap (mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap. Halimbawa: Paggamit ng pormal na wika sa simbahan, talumpati, pagpupulong at pagsulat ng aklat pangwika o pampanitikan o pormal na sanaysay. Paggamit ng di pormal na wika sa pagsulat ng komiks, talaarawan at liham pangkaibigan o di pormal na paraan ng pagsasalita kung ang kausap ay kaibigan, malalapit na kapamilya, kaklase o kasing-edad. 7. Ekolek - Barayti ito ng wika na karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay. Taglay nito ang kaimpormalan sa paggamit ng wika subalit nauunawaan ng mga gumagamit nito. Halimbawa: Mamita Lolagets Papsy

8. Pidgin - ito ay umusbong na bagong wika na tinatawag sa Ingles na Nobody’s Native Language o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ito ay bunga ng pag-uusap ng dalawang taong parehong may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa kaya magkakaroon sila ng makeshift language. Dahil dito makakalikha sila ng isang wikang pinaghalo ang kanya-kanya nilang unang wika. Halimbawa: Ang pagpunta ng mga Kastila noon sa Zamboanga nakabuo sila ng wikang pinaghalong Espanyol at Katutubong Wika ng Zamboanga. 9. Creole - ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized) na ng mga batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon hanggang sa magkaroon ng pattern o tuntuning sinusunod na ng karamihan. Halimbawa: ang wikang Chavacano...


Similar Free PDFs