Modelo NG Komunikasyon PDF

Title Modelo NG Komunikasyon
Author nathan lagasca
Course BS Architecture
Institution De La Salle-College of Saint Benilde
Pages 4
File Size 143.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 111
Total Views 157

Summary

sdasdasd...


Description

MODELO NG KOMUNIKASYON - Ito ang mga dayagram o representasyon na naglalahad sa iba’t ibang teorya hinggil sa pag-aaral ng komunikasyon. - Inilalahad ng mga ito ang komunikasyon sa isang biswal na paraan o paglalarawan. - Ginagamit ang mga ito upang higit na maipaliwanag at bigyang linaw ang mga elemento at proseso ng komunikasyon. 3 SANGKAP NG KOMUNIKASYON Inilalahad ang mga payak na elemento ng: 1.Pananalita – tumutukoy sa nagsasalita – ang nagbibigay ng mensahe 2. Mensahe – ang sinasabi 3. Tagapakinig – ang nakikinig – ang tumatanggap ng mensahe

MGA MODELO NG KOMUNIKASYON  LINYAR NA MODELO NG KOMUNIKASYON - Dinisenyo ni Clark Shannon at Warren Weaver. - Kilalasa daigdig ng komunikasyon na Shannon at Weaver Model of Communication (1949) - Nakaangkla sa Teoryang Matematikal ng Komunikasyon - Ayon sa modelongnito, walang pangangailan para sa tuwirang tugon. - Ganito ang sitwasyong pangwika tuwing nakikinig ng radyo o nanonood ng pelikula at telebisyon  INTERAKTIBONG MODELO NG KOMUNIKASYON - May palitan ng mensahe ang tagapagsalita at tagapakinig. - Halimbawa nito ang sitwasyong pangwika sa pakikipagusap sa telepono, sulatroniko, chatrooms, two-way radio, at iba't ibang social media platforms na pwede magkomento.  TRANSAKSYONAL NA MODELO NG KOMUNIKASYON - Harap ang nagaganap nang komunikasyon (face-to-face)

- Maaaring ang tungkulin ng wika ay maisakatuparan o hindi. - Ang lugar, karanasan at kaalaman ng tagapagsalita at tagapakinig, kalagayan ay may epekto sa tagumpay o hindi ng layunin ng paguusap.  MODELO NG KOMUNIKASYON NI ARISTOTLE - Itinuturing na pinaka-unang modelong komunikasyon dahil ito ay nilikha ng isang Griyegong pilosopo at manunulat na si Aristotle ng Stagira, Hilagang Gresya na nabuhay noong 300 B.C. - Ganito ang sitwasyong pangwika sa loob ng silid-aralan, mga trainings o seminar kung saan tungkulin ng tagapagsalita na maghanda ng kanyang sasabihin at gampanin ng tagapakinig ang makinig. - Ang prosesong komunikasyon ay mula sa ispiker patungo sa tagapakinig. Ang mensahe ay may dalang epekto sa tagapakinig. - Angkop sa pagtuturo, panghihikayat, o propaganda.  MODELO NG KOMUNIKASYON NI SCHRAMM - Ipinakilala ni Wilbur Schramm noong 1948. Ang proseso raw ng paguusap ay pabilog dahil may palitan ng paguusap at unawa batay sa kaalaman at karanasan ng nagpadala ng mensahe at tumanggap ng mensahe. - Binibigyang diin ng modelong ito na ang gampanin ng tagapagsalita (ncoder/speaker) at tagapakinig (decoder/receiver) ang pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon. - Ayon sa modelo ni Schramm, kapag ang tagapagpadala ng mensahe ay naghatid sa tagatanggap, kinakailangan makabuo ng interpretasyon ang tagatanggap ayon sa ninanais ng tagapagpadala at ibigay ng naaayon ang kanyang tugon.  HELIKAL NA MODELO NG KOMUNIKASYON - Dinisenyo ni Frank Dance noong 1967. Kapara daw ng isang helix ang proseso ng komunikasyon. - Tulad sa galaw ng helix mula ibaba pataas, sumusulong at gayundin ay nagbabalik at nakadepende sa kaugalian ng nakaraan na may kalakip na modipikasyon at pagbabago. - Habang lumalaki ang bata, siya ay nagtataglay ng kaunting pagbabago sa mga nakaraang kilos ng kanyang katawan, pagbigkas o ekspresyon ng mukha. Kasama na sa pagbabago ang itama ang sarili sa mga







maling paraan sa pakikipagtalastasan upang maiwasan ang hindi kanaisnais na pangyayari. MODELONG SMCR NI BERLO - Dinisenyo ni David Berlobnoong 1960. Isang pagpapaunlad ng modelo ni Shannon at Weaver. - Sangkap nito ang pinagmulan ng mensahe (source/encoder), mensahe (nilalaman/pamamaraan/estraktura/ pragmatika), daluyan (channel/kabilang ang mga pandama), at ang tagatanggap (receiver/decoder) - Ayon sa modelong ito, magiging mabisa ang komunikasyon kung nasa magkatulad na antas ng kaalaman, kasanayan, sitwasyon ang pinanggalingan at tagatanggap ng mensahe MODELO NI BRADDOCKS - Tinukoy niya ang mga mahahalagang tanong hinggil sa kaganapan ng komunikasyon - EKTENSYON NG MODELO NILA LASWELL AT OSGOOD 1. MODELO NI HAROLD LASWELL (1957) - Tumutukoy sa mga elemento ng transmisyon o paghahatid ng mensahe - Mga tanong: Sino ang naghahatid ng mensahe? Para kanino ipinahahatid ang mensahe? Sa anong paraan inihahatid ang mensahe? Ano ang epekto ng paghahahatid sa mensahe? Sa anong kalagayan o pagkakataon? (Circumstances) Ano ang layunin? (Purpose) Ano ang naging epekto? (Effect) 2. MEDITATIONAL THEORY OF MEANING - CHARLES OSGOOD (1976) - Nagpaliwanag hinggil sa kahulugan ng anumang informasyon na maaring tukuyin sa pamamagitan ng tatlong dimensyon - Evalwasyon (kung ito ay mabuti o masama) - Lakas (potensi) (gaano ito kalakas) - Gawain (gaano ito kabilis) MODELO NINA SHANNON AT WEAVER

- Batay sa kanilang teorya, ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng “electronic signal” - Ang kanilang modelo ay binubuo ng “information source”, ang mensahe, ang “transmitter”, ang signal, at ang “receiver” - Binigyang halaga din nila ang panghihimasok ng tinatawag na ingay....


Similar Free PDFs