Maikling Pagsusulit 2.2 Modyul-2.Maikling Pagsusulit sa Fildal Modyul1. Ito ayb maikling pagsusulit sa Fildal. Sa fildal to maikling pagsusulit. PDF

Title Maikling Pagsusulit 2.2 Modyul-2.Maikling Pagsusulit sa Fildal Modyul1. Ito ayb maikling pagsusulit sa Fildal. Sa fildal to maikling pagsusulit.
Author Jashcka Venisse
Course Filipino
Institution Central Luzon State University
Pages 3
File Size 107.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 500
Total Views 729

Summary

FILDAL 1110Dalumat ng/sa FilipinoPangalan: Jashcka Venisse U. del CampoKurso/Seksyon: BS Psychology 2-MAIKLING PAGSUSULIT 2. 2Modyul 2. Aralin 4: Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing Sanggunian sa Pagdadalumat/Pagteteorya sa Kontekstong P/FiliinoPanoorin at pakinggan ang bidyo ng tula n...


Description

FILDAL 1110 Dalumat ng/sa Filipino

Pangalan: Jashcka Venisse U. del Campo Kurso/Seksyon: BS Psychology 2-3

MAIKLING P PAGSUSULIT AGSUSULIT 2.2 Modyul 2. Aralin 4: Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing Sanggunian sa Pagdadalumat/Pagteteorya sa Kontekstong P/Filiino Panoorin at pakinggan ang bidyo ng tula ni Joi Barrios na “Sabon” na nilapatan ng musika ng Kalantog sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=A-v68pd1Z4k

Sagutin angmga sumusunod na tanong 1. Ano ang iyong naramdaman sa bidyong napanuod; (Tukuyin ito sa pamamagitan ng isang salita at ipaliwanag ang salitang ito kung bakit ito iyong naramdaman sa loob ng lima-sampung pangungusap.) (50pts) 1. bago panuorin? Naiintriga Naintriga ako sa titulo ng tula na “sabon” dahil bakit nga ba sabon ang pamagat nito at tungkol saan ang tula na ito. Nasabik akong panoorin ito dahil wala akong ideya kung ano ang mapapanood ko. Kakaiba ito at hindi ako madalas makakita ng ganitong uri ng tula, tula na mayroong musika. 2. simula ng bidyo? Nalulumbay Noon pa man ay alam ko na na ang tingin ng mga tao sa mga kababaihan ay tagagawa ng gawaing bahay at dapat na naroon lamang, hindi naghahanapbuhay o nagtatrabaho. Sila ay sunud-sunuran ng mga lalaki at taga-alaga ng mga anak kaya ako ay nalulungkot na ganito ang tingin sa mga babae, nakakahon na parang bareta ng sabon. Nakalulumbay na ang mga babae ay nakararanas ng hindi pantay na pagtrato at hindi nila maipakita ang kanilang

mga abilidad dahil binabawalan sila na gawin ang kanilang gusto. Mistulang pagtawa ng malakas ay hindi pwedeng gawin, limitado lamang ang kanilang pwedeng gawin kaya labis itong nakakalungkot bilang isang babae. Maraming kayang ang mga babae kung bibigyan sila ng pagkakataon na patunayan ang kanilang sarili.

3. habang pinanunuod and bidyo? Naiinis Habang pinapanood ko ang bidyo ay nakakunot ang aking noo dahil sa aking inis na nararamdaman sapagkat ang baba ng tingin sa mga babae. Sinasabi sa tula na ang mga lalaki ang dahilan kung bakit nagpapaganda at nagpapakinis ang mga babae. Ang tingin ng karamihan ng mga lalaki sa mga babae ay pang-dekorasyon o palamuti para maipagmalaki sa iba pang mga kalalakihan na maganda ang kanilang kasintahan. Ang mga babae ay hindi lamang pang kusina at utusan ng mga lalaki. Hindi sila katulong kaya dapat na sila ay pahalagahan at huwag tapak-tapakan. 4. pagkatapos panuorin ang bidyo? Nagagalit Pagkatapos ko panoorin ang bidyo ay nagalit ako. Nagalit ako sa mga tao na mababa ang tingin sa mga babae sapagkat sila ang dahilan kung bakit ang ibang mga babae ay hindi makaalis sa kahon kung saan sila nakakulong. Nahihirapan sila dahil sa diskriminasyon na kanilang natatanggap at hanggang ngayon ay nakagagalit na mayroon pa ring mga tao na dekorasyon o katulong ang turing sa mga babae. 5. pagkatapos uliting panuorin ang bidyo? Nasisiyahan Nasisiyahan ako sapagkat sa dulo ng bidyo, ang mga babae ay lumabas sa kahon upang harapin ang bagong ambisyon. Hindi ito nanatili sa kahon upang maging dekorasyon o katulong lamang, ipinaglaban nila ang kanilang sarili dahil ang kanilang mga kakayahan ay hindi dapat na nasa kahon lamang. Sabunin, kusutin, at pigain ang sa kaniya’y nagkahon, ang huling linya sa tula na nakapagbibigay ng lakas sa mga kababaihan. Nakatutuwa na makitang ipinaglalaban ng mga kababaihan ang kanilang karapatan laban sa mga taong nagkahon sa kanila. Sila ay hindi bagay na tinatapakan, nararapat na marinig ang kanilang boses at bigyan ng pagkakataon na iwan ang nakasanayang sa bahay lamang ang mga babae.

2. Magtala ng tatlong isyung pangkababaihan na nabanggit sa tula ni Joi Barrios. Hindi na ito nangangailangan ng pagpapaliwanag. (30pts) 1. Sa telebisyon, ang babae’y nakakahon. Nakakahon parang bareta ng sabon. 2. Heto ngayon ang tanong sa bidang laging nakakahon, wala ba siyang pangarap o ibang ambisyon? 3. Sa tinagal ng panahon, dadalawa lang ang posisyon; dakilang katulong o isang dekorasyon....


Similar Free PDFs