Wastong Pagpapalaki sa Anak (Maikling Kwento) DOCX

Title Wastong Pagpapalaki sa Anak (Maikling Kwento)
Author Rhen Santiago
Pages 1
File Size 23 KB
File Type DOCX
Total Downloads 318
Total Views 863

Summary

Santiago, Caren M. 11-INTERIORITY Ang Wastong Pagpapalaki sa Anak Mayroong isang lalaki na nagngangalang Carlo na pinadala ng kaniyang ama sa Maynila upang doon ay mag-aral at maging mulat sa mundong kaniyang ginagalawan. Labag ito sa loob ng kaniyang ina na siya ay ipadala sa malayong lugar, ngunit...


Description

Santiago, Caren M. 11-INTERIORITY Ang Wastong Pagpapalaki sa Anak Mayroong isang lalaki na nagngangalang Carlo na pinadala ng kaniyang ama sa Maynila upang doon ay mag-aral at maging mulat sa mundong kaniyang ginagalawan. Labag ito sa loob ng kaniyang ina na siya ay ipadala sa malayong lugar, ngunit para sa kaniyang kapakanan kaya ginawa ito ng kaniyang ama. … Patapos na ang klase ni Ginoong Tiago, at malapit na silang mag-uwian. Halos lahat ng estudyante sa loob ng silid-aralan ay hindi na makapaghintay na makauwi at makapagpahinga, ngunit iba si Carlo. Siya ay isa sa mga natitirang estudyante na nakikinig ng seryoso sa kaniyang guro habang ang iba naman ay hindi mapakali sa kanilang upuan at tingin ng tingin sa orasan. Siya ay isang mabait, masipag, at magalang na estudyante. Simula ng siya ay dumating ng Maynila upang mag-aral si Ginoong Tiago ang naging mabait na guro niya roon. "Huwag niyong kalimutan na pasahan na bukas ng inyong takdang aralin. Tapos na ang ating klase, paalam na sa inyong lahat" sambit ni Ginoong Tiago. Pagkatapos makalabas ng silid si Ginoong Tiago, agad inayos ni Carlo ang kaniyang mga gamit at pumunta na ito sa silid-aklatan. Pagkadating niya roon ay nagsimula na siyang gumawa ng kaniyang mga takdang aralin. Nang matapos siya sa mga ito ay umalis na siya agad. Habang naglalakad siya palabas ng paaralan ay nakasabay niyang maglakad ang kaniyang guro na si Ginoong Tiago. "Carlo, ikaw pala iyan. Bakit ngayon ka palang pauwi?" tanong ni Ginoong Tiago kay Carlo. "Pumunta muna po kasi ako ng silid-aklatan" tugon ni Carlo. "Maganda ba ang paksang tinalakay ko ngayong araw?" muling tanong ni Ginoong Tiago. "Opo, nagustuhan ko po. Dahil nga po dun mas lalo ko pong hinahanap-hanap yung mga magulang ko po na nasa probinsya" sagot ni Carlo. "Sana may natutunan ka ngayong araw. Dito nalang ako, ingat ka sa pag-uwi" paalam ng kaniyang guro....


Similar Free PDFs