Maikling kwento -Gunita PDF

Title Maikling kwento -Gunita
Course Komunikasyon Sa Akademikong Filipino
Institution Technological Institute of the Philippines
Pages 3
File Size 47.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 94
Total Views 356

Summary

Maikling kwento ni CBS...


Description

“GUNITA” “Ang singsing na ito ay tanda ng aking pagmamahal at mga pangako, hindi kita iiwan, poprotektahan kita at aalagaan habang buhay. Magiging tapat sa’yo at laging ikaw lamang. Mahal na mahal kita.” Mga katagang sinambit ng binata bago nito isuot ang singsing sa kanyang kapareha. Kasabay na ipinikit ni Amanda ang kanyang mga mata at dinadama ang bawat kantagang kanyang narinig at naalala ang kanilang nakaraan. “Mahal, tingin ka na dito para makuhanan na kita, ang ganda pa naman ng tanawin.” Masayang pahayag ni Lorenzo. Agad namang tumingin si Amanda sa kamera at ngumiti. Masayang kinukuhanan ng binata ang dalaga, minsa’y kapag may nakikita silang turista rin sa lugar ay napakiki-usapan nila itong kuhanan sila ng magkasama. Nasa Boracay ngayon ang dalawa upang ipagdiwang ang kanilang ika-6 na anibersaryo. Lingid sa kaalaman ni Amanda ay nakapag plano na rin ang kanyang nobyo na magpropose dito para sa bagong yugto ng kanilang relasyon. Hiningi na ang kamay ng dalaga sa kanyang mga magulang wala itong pagtutol at taos pusong tinanggap ang binata. Naka-ayos na ang lahat, napagpasyahan ni Lorenzo na gawin ang proposal sa tabing dagat. Nang mga oras na iyon walang kaide-ideya si Amanda, ang alam lang niya ay kakain sila sa mga oras na iyon. Habang papalapit sa lugar piniringan ng binata ang dalaga. “Anong pakulo ‘to at kailangan mo pang takpan ang mata ko?” pahayag ni Amanda. “May sorpresa ako sa’yo mahal. Kapag kabilang kong tatlo alisin mo na ang piring mo.” Masayang pahayag ng binata. “isa, dalawa, tatlo” Pagka-alis ng piring sa mga mata ni Amanda ay kasabay ng pagtugtog ng kanilang paboritong kanta. Napalibutan ng mga palamuti ang paligid, namangha ito sa kanyang nakita. Hanggang sa dumapo na ang kanyang tingin sa lalaking naka luhod sa kanyang harapan. “Happy 6th Anniversary Mahal, salamat at napagtiyagaan mo ang isang tulad ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ka sa piling ko. Tulad ng lagi kong sinasabi sa’yo walang magbabago kahit pumuti na pareho ang buhok natin. Mahal na mahal kita! Handa na ‘kong tahakin ang bagong yugto sa buhay ko ng kasama ka, hahayaan mo ba kong makasama ka?” Lintanya ni Lorenzo, napuno ng kasiyahan si Amanda sa sobrang saya hindi niya mapigilan ang kanyang mga luha. Umiiyak na tuma-tango ang dalaga at binigay ang kanyang kamay. “Handa ako, basta ikaw kasama ko sa pagtahak sa bagong yugto.” Pagkasuot ng singsing agad na dinaluhan ng matamis na halik ni Lorenzo ang babaeng kanyang pakakasalan. Naging masaya ang mga sumunod na araw na pananatili nila sa Boracay. Alaala na naibabaon nila hanggang pagtanda.

Masayang inanunsiyo ng dalawa ang kanilang nalalapit na kasal sa kanilang malalapit na kaibigan, masaya ang mga ito para sa kanila. Naging abala ang dalawa sa pagaasikaso sa kanilang kasal hanggang sa dumating na ang tinakdang panahon. Kinakabahan na nag-aabang ang dalaga sa loob ng sasakyan naghihintay na lamang ito ng anunsiyo para sa kanyang paglabas. Hanggang sa kumatok na ang kanyang Ina sa sasakyan. Agad na lumabas si Amanda at mangiyak iyak na naglalakad hindi ito makapaniwala. Pagmulat ng mga mata ni Amanda, bumalik ito sa realidad. Masigabong palakpakan ang namamayani sa buong paligid, masasayang mukha ng mga taong dumalo sa kasal. Napangiti ang dalaga sa kanyang pagbabalik-tanaw at pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Nakatulala lamang na tinitignan ni Amanda ang trahe de boda sa isip na hindi na niya ito muli pang maisusuot. Matapos batiin ni Amanda ang bagong kasal ay agad din itong umalis para puntahan ang kanyang minamahal na si Lorenzo. Limang taon na lumipas simula ng maganap ang trahedya. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa alaala ni Amanda ang lahat, ang dapat na masayang araw ng kanilang buhay ni Lorenzo ay naging isa sa pinaka malungkot na araw nito. Papunta na sana sa simbahan si Lorenzo ngunit hindi na ito nakaabot dahil sinalpok ito ng isang bus at truk. Pumagitna ang sasakyan ni Lorenzo sa dalawang naglalakihang sasakyan nadala pa noon si Lorenzo sa ospital at sinabing nasa kritikal itong kondisyon. Kahit na naka trahe de boda noon si Amanda ay wala itong pakialam basta mapuntahan lang noon si Lorenzo. Pagkarating sa ospital nanlamig ang buong katawan ng dalaga sa nakita awang-awa ito sa sinapit ng kanyang mahal. Hinawakan nito ang kamay nito nagsusumamo na lumaban ito. “Lumaban ka, Hindi ko kaya kapag nawala ka. Magpapakasal pa tayong dalawa. Bubuo ng isang pamilya, nangako ka sa’kin diba? Dapat tuparin mo yun! Lumaban ka mahal.” Umiiyak na pahayag ni Amanda. Tanging paggalaw lamang ng kamay ni Lorenzo ang nagiging tugon nito. Gustong imulat ng binata ang kanyang mga mata, gusto nitong magsalita pero hindi na niya kaya. Habang naghihintay sa resulta ng operasyon ng binata, lumapit sa kanya ang Ina ni Lorenzo. “Hija, magiging ayos din ang lahat. Magpakatatag ka, malakas ang anak ko, nakasisigurado ako na lalaban yun para sa’tin na nagmamahal sa kanya.” Pagpapagaan ng loob na pahayag ng mama ni Lorenzo. “Ang sakit sakit tita, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Dapat masaya kami sa araw na ito.” Sagot ni Amanda. “Nakita ‘to sa suot na damit ni Lorenzo, sa tingin ko para sa’yo tong sulat.” Umiiyak na tinanggap ni Amanda ang sulat na puno ng dugo. Walang lakas ng loob na basahin kung ano ang nakasulat, tinititigan niya lamang ito. Hanggang sa lumabas na ang doctor at inanunsiyo na hindi na kinaya ni Lorenzo. Tanging life support na lamang ang bumubuhay dito. Gumuho ang mundo ni Amanda sa narinig, hindi siya makapaniwala na sa isang iglap mawawala ang taong mahal niya.

“Ayokong basahin yung sulat mo kase gusto ko marinig yun mismo sa’yo. Ang daya mo naman mahal, sabi mo bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Sabi mo sabay tayong tatanda. Nangako na dadalhin mo’ko sa city of love, kase diba pangarap natin mapuntahan yung lugar na yun. Hanggang pangarap nalang ba yun? Mahal na mahal kita! Kahit na anong sabihin ko para lang manatili ka alam ko na hindi mo na kaya. Ang sakit para sa’kin na tanggapin.” Sa paghahayag ng saloobin ni Amanda sa nakahigang binata biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. “Alam ko na gustong gusto mong lumaban, pero kung nahihirapan kana pwedi ka nang magpahinga. Ayokong nakikita kang nahihirapan dahil sobra akong nasasaktan. Alam ko na magkikita ulit tayo, hintayin mo’ko dun. Mahal na mahal kita!”huling pahayag ni Amanda bago tuluyang nagdilim ang lahat. Sa isang iglap nawala ang taong nagmamahal sa kanya. Hanggang ngayon masakit pa rin para kay Amanda ang lahat ngunit kailangan niya itong tanggapin. Iniisip na lamang nito na sa kabilang buhay ay magkikita silang muli at kapag nangyari iyon sisiguraduhin niya na magkasama nilang aabutin ang mga naudlot nilang mga pangarap. “Hintayin mo’ko diyan mahal, sa palagay ko ay malapit na muli tayong magkasama.”...


Similar Free PDFs