Maikling Kuwento PDF

Title Maikling Kuwento
Author Fresious Castro
Course Bachelor of Secondary Education
Institution Cagayan State University
Pages 3
File Size 106.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 390
Total Views 734

Summary

TOPIC 1A. MAIKLING KUWENTOFILIPINOAng maikling kuwento ay isang masining na anyong pampanitikan naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng magandang-aral na dapat isa isip ng mga mambabasa. Ito'y nagtataglay ...


Description

TOPIC 1 A. MAIKLING KUWENTO FILIPINO Ang maikling kuwento ay isang masining na anyong pampanitikan naglalaman ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng magandang-aral na dapat isa isip ng mga mambabasa. Ito'y nagtataglay ng iba't ibang ugat ng kasalukuyang maikling kuwento at mga sangkap nito tula ng mga: banghay, tauhan, Tema, panauhan, , suliranin at tagpuan.

LAYUNIN: 1. Matalakay ang kahulugan, sangkap at ugat ng maikling kuwento. 2. Makapagsulat ng isang halimbawa ng kuwento hinggil sa kanilang sariling karanasan na may kinalaman sa pandemya. 3. Makapagsuri ng isang maikling kuwento.

LEKTURA KAHULUGAN NG MAIKLING KUWENTO Ano ang maikling kuwento? Ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang -isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. (Edgar Allan Poe.) Ito ay nababasa sa isang tagpuan, napupukaw ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Ito rin ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito ay maikli lamang kung kaya't ang pagbabasa nito ay matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang. Ang mga pangyayari sa akdang ito ay karaniwang nagmula sa karanasan ng mga manunulat o maaaring nanggaling sa imahinasyon ng may-akda. Maari rin na nagmula sa mga pallid o nabatay ito sa obserbasyon ng mga manunulat. Bilang mag- aaral, madali ba na magsulat o gumawa ng iyong sariling kuwento na wala kayong kaalaman tunagkol sa mga iba,’t ibang elemento at ugat ng maikling kuwento?

IBA'T IBANG ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO Ang mga elementong ito ay nagsisilbing sangkap upang makabuo ng madaling unawain at kawili-wiling akda. 1. TAUHAN- ito ay hindi nawawala sa isang akda, lalong lalo na sa maikling kuwento. Sila ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari. Ito'y binubuo ng dalawang pangunahing tauhan: antagonista (kontrabida) at protagonista(bida). Ang antagonista ay sagabal upang magtagumpay ang papel ng pangunahin tauhan. Ang protagonista ay ang pangunahing tauhan kung saan nakasentro ng pangyayari. 2. TAGPUAN- inilalarawan dito ang lugar at panahon ng naganap na pangyayari. Kailangan Isaalangalang dito kung saan ang pinangyarihan ang kilos ng tauhan. Maaari rin na iugnay ang

kasaysayan tagpuan.

sa

pagtuklas

ng

3. BANGHAY- ito ay tumutukoy sa sa ayos o pagkasunud-sunod na pangyayari sa akda. Narito ang mga bahagi ng banghay: A. Simula- dito nakikita ang mga tauhan at pinapakilala ang bawat tauhan. B. Pataas na aksyon(kasiglahan)dito nagaganap ang pagkilala o paglalahad ng mga suliranin C. Kasukdulan- kapanabikpanabik at pinakamataas na bahagi ng kuwento D. Pababang-aksyon(kakalasan)- sa bahaging ito unti-unting nabibigyan ng kasagutan ang suliraning nailalahad sa kuwento. E. Wakas- maaaring tawaging resolusyon. Ito ay pinagtatapusan ng kuwento. Depende ito sa kung anong damdamin ang ipinapakita ng may-akda. Maaaring nakapagbubukas ng isipan ng mga mambabasa.

4. SULIRANIN – ito ay ang pagsubok na nilalagpasan ng mga tauhan. Ito ay ang problemang kinahaharap ng pangunahing tauhan

5. TEMA- ito ay kaisipan kung saan umiikot ang maikling kuwento 6. PANAUHAN- ito ang sinasabing Punto de bista na ginagamit ng manunulat sa kuwento. Maaring ito

ay unang panauhan, pangalawa o pangatlong panauhan. MGA UGAT NG MAIKLING KUWENTO 1. Mitolohiya- nagsasalaysay ito tungkol sa diyos at diyosa na pinaniniwalaan ng mga sinaunang katutubo. 2. Alamat- uri ng kuwentong Bayan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng bagay na karaniwang kathang-isip lamang. Ito rin ay nagpasalinsalin sa bibig ng mga ninuno. 3. Pabula- kuwento ng mga hayop na nagsasalita, kumikilos at nagiisip tulad ng mga tao 4. Parabula- isang ugat ng maikling kuwento na mangaral at kadalasang ito ay galing sa bibliya. 5. Anekdota- uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o nakatutuwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang sikat o tanyag na tao.

GAWAIN 1. PAGSUSULAT Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyong karanasan ng pagkakaroon ng pandemya? Kraytirya: Nilalaman-10 Organisasyon 10 Kabuuan – 20

Gawain 2. Pagsusuri ng isang kuwento tungkol sa ‘’ Impen Negro ‘’ ni Rogelio R. Sikat. Basahin at tukuyin ang mga sumusunod na elemento ng maikling kuwento batay sa napiling kuwento.

TAUHAN:

TAGPUAN:

TEMA:

SULIRANIN:

BANGHAY: 1. 2. 3. 4. 5.

SIMULA KASIGLAHAN KASUKDULAN KAKALASAN WAKAS

Gawain 3: Sanaysay: ipaliwanag ng hindi lalagpas ng sampung pangungusap. Bilang mag-aaral at nagpapakadalubhasa sa Filipino, paano natin mapayabong ang maikling kuwentong Filipino gayong nagkaroon ng pandemya sa buong bansa?...


Similar Free PDFs