Walang Panginoon - Maikling Kuwento PDF

Title Walang Panginoon - Maikling Kuwento
Course Sosyedad at Literatura
Institution Notre Dame of Marbel University
Pages 10
File Size 87.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 61
Total Views 452

Summary

“Walang Panginoon”I. Sanligan: Maikling kwento ni Deogracias A. RosarioII. Buod:Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng lo...


Description

“Walang Panginoon” I.

Sanligan: Maikling kwento ni Deogracias A. Rosario

II.

Buod:

Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita ay anak naman ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw. III.

Kahulugan ng Pamagat

Ang maikling kwentong pinamagatang “Walang Panginoon” ay isang kwento ng paghihiganti sa kapwa. Walang panginoon sapagkat ginamit ni Marcos ang isang hayop upang makapaghiganti o patayin si Don Teong na labis ang pagkamuhi ni marcos dito. Ang hayop na kinasangkapan ni Marcos ay ang kanyang alagang kalabaw na kung saan walang sinasanto ang kalabaw o anumang hayop kapag pumatay ng kahit anong nilalang. Isinulat ito ng manunulat upang ipaalam sa mga mambabasa na ang lahat ng sala ay may karampatang parusa. Ika nga sa isang sipi “May takdang parusa ang lahat ng sala, ang pagtitimpi ay may hangganan, sa tao o sa hayop man ang pagtatanggol sa sarili ay kailangan”.

IV.

Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman 1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan Ang tauhan sa kwento ay na si Marcos ay isang may mababang estado sa buhay na mayroon lamang isang sakahan na pinamana sa kanila ng kanilang mga ninuno at ang sakahan lamang na iyon ang pinagkukunan nila ng pagkakakitahan at pang-araw-araw na gastusin. Si Don teong naman ay isang mayamang tao ngunit siya ay ganid parin sa salapi o kayaman. 2. Kulturang Pilipino a. Pagsasaka – ito ay ang kabuhayan ni Marcos sa kwento na kung saan kabuhayan din ng maraming Pilipino. b. Pagmamahal sa pamilya – si Marcos ay may pagmamahal sa kanyang pamilya kahit patay na ang karamihan sa kanyang pamilya kaya nagawa niya ang bagay na iyon na gusto niyang makapaghiganti. Tulad din sa ating mga Pilipino, kinukupkop parin ang mga magulang ang mga anak kahit ito ay mayroon ng pamilya at pinagtatangol ang bawat isa kapag may nang-api. 3. Pilosopiyang Pilipino a. “Ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay, ay sadyang magkakapantay”. Ito ay pahayag ni Marcos sa kwento na naniniwala siyang walang taong mayaman o mahirap pagdating sa pag-ibig. Ang pag-ibig niya kay Anita. b. “walang taong mahirap at walang taong mayaman, lahat ay pantay-pantay sa mata ng panginoong diyos” Ang isang pilosopiya ng mga tao sa mundo na naniniwalang lahat ng taong nabubuhay ay pantay-pantay. Sapagkat kapag ikaw ay patay na hindi mo na magagamit ang mga ari-ariang mayroon ka. 4. Simbolismong Pilipino Kalabaw – ang kalabaw ay sumusimblo sa mga Pilipino. Tulad ni Marcos, siya ay may alagang kalabaw na siyang ginagamit o katulong niya sa pagsasaka. Ang pag-animas ng kampana sa simbahan – ipinapakita ng may akda na tuwing tutugtog ang kampana ay oras narin ng pagsimaba ng mga katoliko.

V.

Paraan ng Pagpapahayag

Ang ginamit na paraan sa pagpapahayag ng akda ay pormal. May mga ilan-ilan na malalalim na salita ang ginamit na dumaloy sa paraang paglalarawan at pagsasalaysay. Ang mga pangyayari ay masasagi sa isip ng mga mambabasa sa paggamit ng kanilang imahinasyon. Mga Teoryang Napaloob sa akda: a. Romantisismo – sa teoryang ito, ipinapakita ang pagmamahal ni Marcos kay Anita na kanyang kasintahan at sa kanyang ama, at mga kapatid na namatay sa sama ng loob kay Don Teong na ama ni Anita at sakanyang ina na kasama niya sa pagpapatuloy ng buhay. b.

Realismo – sa katauhan ni Marcos at ni Don Teong, pinapakita nila na sa tunay na buhay ay may taong mahirap at taong mayaman sa lipunan. Sa tunay na buhay mayroong magsasaka na katulad ni Marcos at ang pagpapamana ng mga ninuno sa mga ari-arian.

c.

Simbolismo – ang kalabaw ay isang simbolo ng walang panginoon sa lipunan dahil sa kulay itim nitong balat.

d. Marxismo – ipinapakita sa teoryang ito ang paglalabanan ng mahirap at mayaman na tulad ni Marcos ay isang mahirap sa kwento ay kinalaban niya si Don Teong na isang mayamang tao na sakim sa ari-arian. e. Eksistensyalismo – ipinapakita sa teoryang ito na malayang magdesisyon ang isang tao upang sa kanyang pananatili sa mundo. Si Marcos ay nagdesisyong patayin si Don Teong upang matigil na ang kasakiman nito. f. Klasisismo - si Marcos at Anita ay magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Kahit na mahirap si Marcos ay inibig parin ito ni Anita. g. Kultural – ipinapakita nito ang kultura ng bawat isa sa lipunan. si Marcos ay isang magsasaka at ito ang kultura ng mga Pilipino sa lipunan. VI.

Implikasyon A. Kalagayang Panlipunan / Pambansa Ang kwentong ito ay nagbibigay ng babala sa mga maykaya sa buhay na hindi pa makuntento kung anong meron sila. Na makuha lahat nila lahat ng maibigan nila. B. Kalagayang Pangkabuhayan Ang pagsasaka ay ang kabuhayang marangal. Sinisikap na mapalago ang kabuhayan upan may aanihin sa paglipas ng panahon. Hindi yaong saiyo na binubuwisan mo parin. Ika nga “ginigisa ka sa sarili mong mantika”.

C. Kalagayang Pansarili 1. Bisa sa Isip – Tama lamang ang ginawa ni Marcos kay Don Teong sapagkat sobra na ang pag-aapi o pag-angkin ng mga ari-arian nila Marcos at hindi nabahiran ng dugo ang kamay ni Marcos sa pagpatay o paghihiganti kay Don Teong. 2. Bisa sa Damdamin – Sa hirap ng pinagdaaanan ni Marcos kay Don Teong na inangkin pati ari-arian nito, nakaramdam ng galit at hindi na nakapagtimpi si Marcos na patayin si Don Teong. 3. Bisa sa Kaasalan – Sa hirap ng buhay, ika’y tinatapakan ng mayayamang walang puso’t kaluluwa. Kapag ika’y napuno o hindi na makapagtimpi, ang maiisip mo na lamang ay ang paghihiganti.

“Titser” I.

Sanligan: Nobela ni Liwayway A. Arceo

II.

Buod:

Ang Titser ay sumesentro sa mag-asawang Amelita at Mauro na kapwa pinili ang Nakapokus ang naratibo sa mariing di pagsang-ayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na suweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa pamilya ng mga aciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling Rosa iba iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan. Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na nagkipag-isang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rinang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito at ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ang pagdadalantao, si Amelia nang ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro. Lumipas ang ilang taon, lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit

kinalimutan dalawa ang nakaraan. Taliwas naman ang nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalk ng masugid na manliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya. Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataon na makilala at naging magaan ang loob nito sa bata. Isang araw naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalinda sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang pinaghihigantihan Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Hindi nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na tuluyan ng tumira ang minamahal na sa Amelita. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak ngunit ni isa mang duamating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaaabot ng apat na anak. At doon naauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali. III.

Kahulugan ng Pamagat

Ang nobelang pinamagatang “Titser” ay pinapakita ang propesyon ng bawat guro sa lipunan na isang marangal at walang kapantay na propesyon. Sapagkat ang pagiging guro ay maganda. Ikaw ay makakatulong sa mga nangangailangan ng kaalaman. IV.

Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman 1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan Ang dalawang tauhan sa nobela ay pareho silang guro na kanilang minahal at kanila ding ginusto simula pa lamang. Hindi nakinig si Amelita sa kanyang ina dahil ayaw ng kanyang ina na maging guro siya ngunit itinuloy parin niya ang kanyang propesyon. 2. Kulturang Pilipino a. Pananatili sa piling ng ina o magulang – si Amelita ay nanatili parin sa piling ng kanyang ina kahit na may sama ng loob ang kanyang ina sakanya. b. Paninindigan ang gustong propesyon – si Amelita ay nagpatuloy sa kanyang propesyon kahit na tutol ang kanyang ina. 3. Pilosopiyang Pilipino “Ang pagtuturo ay isang propesyon, katulad ng iba pang propesyon” Ang pagiging guro ay isang propesyon, propesyon sa lahat ng propesyon, sapagkat lahat ng propesyon ay hinubog ng mga guro....


Similar Free PDFs