" Walang Panginoon " DOCX

Title " Walang Panginoon "
Author jessilyn maliwat
Pages 10
File Size 31.5 KB
File Type DOCX
Total Downloads 260
Total Views 378

Summary

“Walang Panginoon” I. Sanligan: Maikling kwento ni Deogracias A. Rosario II. Buod: Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng...


Description

"Walang Panginoon" I. Sanligan: Maikling kwento ni Deogracias A. Rosario II. Buod: Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Son Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita ay anak naman ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad niyang ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw. III. Kahulugan ng Pamagat Ang maikling kwentong pinamagatang "Walang Panginoon" ay isang kwento ng paghihiganti sa kapwa. Walang panginoon sapagkat ginamit ni Marcos ang isang hayop upang makapaghiganti o patayin si Don Teong na labis ang pagkamuhi ni marcos dito. Ang hayop na kinasangkapan ni Marcos ay ang kanyang alagang kalabaw na kung saan walang sinasanto ang kalabaw o anumang hayop kapag pumatay ng kahit anong nilalang. Isinulat ito ng manunulat upang ipaalam sa mga mambabasa na ang lahat ng sala ay may karampatang parusa. Ika nga sa isang sipi "May takdang parusa ang lahat ng sala, ang pagtitimpi ay may hangganan, sa tao o sa hayop man ang pagtatanggol sa sarili ay kailangan"....


Similar Free PDFs