Kritikal na Pagsusuri sa Maikling Kuwentong "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes PDF

Title Kritikal na Pagsusuri sa Maikling Kuwentong "Utos ng Hari" ni Jun Cruz Reyes
Author M. Baluyot
Pages 6
File Size 45.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 139
Total Views 652

Summary

Baluyot, Michael Sherwin C. 2014- 26900 Fil 30 F Kritikal na Pagsusuri ng Maikling Kuwentong “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes “Pakikisama lang”, iyan ang sambit ng tauhang si Jojo sa paglalarawan ng kanyang kasalukuyang sitwasyon bilang estudyante. Pamilyar ang ganitong sitwasyon ni Jojo. Ang sitwas...


Description

Baluyot, Michael Sherwin C. 2014- 26900 Fil 30 F Kritikal na Pagsusuri ng Maikling Kuwentong “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes “Pakikisama lang”, iyan ang sambit ng tauhang si Jojo sa paglalarawan ng kanyang kasalukuyang sitwasyon bilang estudyante. Pamilyar ang ganitong sitwasyon ni Jojo. Ang sitwasyong “pakikisama” o ang sitwasyong “kompromiso” na nakikita sa kalagayan ni Jojo ay repleksyon ng isang mas malawak na sitwasyong panlipunan. Heto tayong ikinulong sa isang espasyong di na tayo makagalaw ng maayos, kalaunan tayo’y nagiging pasibo na lamang sa mga pangyayaring ganito, na minsan ay masasabi na lang natin, “May magagawa pa ba ako?” May magagawa ka pa nga ba? Una, susuriin ang dalawang dominanteng karakter sa kuwento, ang estudyante at ang guro. Ano ang relasyon ng dalawa sa bawat isa? Anu- ano ang mga implikasyon ng relasyong ito sa konteksto ng edukasyon? Pangalawa, ay titignan kung anu- ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong klase ng relasyon. Sino ang dominante at bakit nagkakaroon ng dominasyon? Pangatlo, ilalahad ang kaugnayan nito sa usapin sa ideolohiya.

Umiikot

ang

kuwentong “Utos ng Hari” ni Jun Cruz Reyes, sa mga karanasan at saloobin ng pangunahing tauhan na si Jojo sa pakikipagsapalaran niya bilang isang estudyante. Pamilyar ang ganitong kuwento sa marami sa atin, lalo na ang isinasalaysay na relasyon ng pangunahing karakter sa kanyang mga guro. Kung pagbabatayan ang ikalawang kabanata ng Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Freire ay makikita ang ilang elemento ng banking concept ng edukasyon, sa sitwasyon mismo ni Jojo.

Ikinukumpara ng pangunahing tauhan ang kanyang kalagayan na tulad ng pagkakatali nito sa sintas ng sapatos ng kanyang guro. Ipinapakita lamang dito na pilit ang lahat ng kanyang ginagawa, makompromiso lamang ang mga kagustuhan ng kanyang guro. Dadalhin siya nito kung saan man mapadpad ang guro kaya ang ibig sabihin, ang mga ideya at mga kagustuhan ng kanyang guro ang laging nasusunod. Kung kagustuhan ng guro na siya ay palubugin sa sistemang kung saan ang guro lamang ang tanging may control sa proseso niya ng pagkatuto, wala na siyang iba pang magagawa kundi lunurin nang tuluyan ang sarili kahit na hindi man niya magustuhan ang nangyayari at kahihinatnan. Mahirap para kay Jojo bilang estudyante ang sumabay minsan sa kagustuhan ng guro lalo na kung taliwas ito sa mga prinsipyo’t pinaniniwalaan niya. Ngunit, sa sitwasyong tulad nito, wala nang iba pang pagpipilian ang mga estudyante kundi gumalaw batay sa panukat ng guro o minsan pa’y gamit ang mga ideya ng guro na labag sa damdamin at pinahahalagaan mo bilang indibidwal. Sa teksto, inilarawan ni Reyes si Jojo bilang isang mag- aaral na may pagkamatigas ang ulo. Minsan ay kung anong panunubok sa kakayahan ng guro ang kanyang sinasabi at kadalasan nama’y hindi pumapasok sa klase. Ayon sa pagkakasalaysay ng mga pangyayari sa teksto, sinisisi ng estudyante ang kanyang pagka-pasaway sa mga ginagawa ng guro na akala niya’y nagiging dahilan ng kanyang kawalang pag- asang mag- aral at makatamo ng mataas na marka. Sa kabila nito, ipinapakita sa akda ang limitasyon ng kanyang galaw bilang estudyante, dahil na rin sa pag- iisip na siya lamang ay isang hamak na estudyante at ang kinakalaban niya ay ang kanyang guro na kung titignan sa konteksto ng lipunan na ginagalawan natin ngayon ay di hamak na mas mataas nga at mas may awtoridad sa kanya. Ang limitasyong ito sa estudyante

ang nagbibigay sa kanya ng pasibong pag- iisip. Nagagawa na lamang niyang mapailalim sa mga desisyon, utos at sabi ng isang pinaniniwalaan niyang may awtoridad. Hindi nagagawang iparating ng isang tao ang kanyang nararamdaman sa kadahilanang may takot na namamayani. Ang takot at kapagyarihan ay minsan ay iisa. Sila ang dalawang elementong humahadlang sa malayang paggalaw ng indibidwal. May mga pagkakataon ding hindi niya ito maiparating ng maayos dahil sa pag- aakalang hindi siya pakikinggan. Paano ka nga ba gagalaw sa isang sistemang ang dominanteng indibidwal ay nais ng isang perpekto at moralistikong pananaw sa bawat gawain? Ang karakter ni Mrs. Moral Character, sa pangalan pa lang ay makikita mo na ang isang tipikal na paglalarawan para sa isang guro. Ang guro ay dapat na matalino, may pagkaperpeksiyonista at higit sa lahat alam ang tama at ang mali. Ngunit may isang pagkakataon sa teksto na biglang nanghimasok ang guro sa usaping personal na minsan ay napakataliwas sa ideya natin ng isang tipikal na guro. Kung titignan nating mabuti, ang guro ay isang instrumento ng lipunan upang itawid ang mga pagkakamaling maaaring idulot ng isang indibidwal. Ang kontrol ni Jojo sa kanyang mga kilos at ang inilalarawang dominasyon ng guro ay kapwa batay sa mga ideolohiyang umiiral sa kanila. Ayon kay Louis Althusser (1969), ang ideolohiya ay ang representasyon lamang ng mga haka- haka ng isang indibidwal at ang relasyon nito sa totoong kondisyon niya sa buhay. Ang pagiging rasyunal ng tao ay natural at siyang pangunahing dahilan upang mahulma ang indibidwal tungo sa kanyang mga pinaniniwalaan at pinapahalagaan. Minsan hindi natin namamalayan na nandun na tayo sa dapat na di- kailangang mangyari o di- totoong pangyayari. Hindi natin namamalayan na nabubuhay tayo sa ilusyon. Ang pangyayaring ito ay sa kadahilanang napakaloob tayo sa isang malaking Repressive State Apparatus (Althusser, 1969) na nagdidikta sa atin sa pamamagitan ng pananakot o anumang uri

ng represyon upang tayo ay maniwala sa isang paniniwala ng isang partikular na dominanteng grupo. Dito na pumapasok ang konseptong Hegemony ni Weber na pinaniwalaan din kalaunan nila Marx at Althusser. Sa konseptong ito, nagkakaroon ng labanan ng paniniwala sa pagitan ng mga grupong naaapi at nang- aapi, sa kaso ng tekstong sinusuri ay sa pagitan ng estudyante at kanyang guro. Malaking bahagi din ang ginagampanan ng eskuwelahan na nagsisilbing isang Ideological State Apparatus (Althusser, 1969) na bahagi ng malawak na Repressive State Apparatus. Makikita sa teksto ang isang representasyon ng kalagayan ng eskwelahan bilang isang ISA. Sa isang ISA, mayroon pa ring represyon na nagaganap ngunit dominante ang ideolohiya kumpara sa represyon, ibig sabihin walang purong ISA (Althusser, 1969). Naipapakita sa teksto ang imahe ng guro bilang isang instrumento ng represyon sa loob ng ISA. Bilang isang instrumento ng represyon, ipinapakita ng guro ang kanyang pagiging dominante at makapangyarihan. Sa kabila nito, may ideolohiya pa ring umiiral sa relasyon ng guro at ng estudyante at ito ay ang kapangyarihan ng guro sa kanyang estudyante. Ano nga ba ang kapangyarihan? Ayon kina Cook at Cook (1960), ang kapangyarihan o power ay ang abilidad na makontrol ang iba at ito ay kaiba sa “awtoridad”, “impluwensya” o “prestihiyo”. Kapangyarihan ang kakayahan na paliitin ang mga pagpipiliang galaw ng isang indibidwal hanggang magkaroon na lamang ng iisang pagpipilian. Sa madaling salita, ang kapangyarihan ay nakasalalay sa kung paano limitahin ang kinikilos ng isang indibidwal. Nagkakaroon ng kapangyarihan dahil sa mga nakagawiang pagpapahalaga sa ating lipunang ginagalawan. Nakasalalay sa kung paanong porma ipaparating ng lipunan ang “represyon” na siyang magiging dahilan kung bakit tayo susunod sa isang partikular na kapangyarihan. Ang represyon na sinasabi ay hindi nangagahulugang dahas, ibig lamang sabihin

nito ay ang puwersang magtutulak sa atin, kung anuman iyan, na umalinsunod sa dapat na kaugalian sa isang lipunan. Sa relasyon ng guro at estudyante, ipinaparating na may kakayahan ang isang guro na pairalin ang represyon sa kanyang estudyante. Magagamit din dito ang aspetong sosyolohikal na nakapokus sa eskwelahan at kaugnayan nito sa lipunan. Ang kalikasang pang-edukasyon o ang eskwelahan mismo kung saan nabubuo ang pagkatao ng isang bata ay isang sosyal na bagay (Brembeck, 1966). Binubuo ang isang eskwelahan ng samu’t- saring mga pinagsama- samang ideolohiya, na pinag- uugnay ng isang dominanteng ideolohiya. Ang mga ideolohiyang ito ay nabuo mula sa karanasan at pagbabago na naidulot ng lipunan sa isang bata at ito ang tinatawag nilang Socialization (Brembeck, 1966). Ayon kay Emile Durkheim (as cited in Brembeck 1966), ang socialization na nangyayari sa loob ng paaralan ay plinano at inorganisa ng maayos at taliwas sa socialization na nangyayari naman sa labas ng paaralan. Ngunit, ang dalawang uri ng socialization na ito ay nakakaimpluwensya sa bawat isa, dahil kung ano ang nakuha ng bata sa labas ay nakakaimpluwensiya sa kung paano siya matututo sa loob ng organisadong paaralan (Brembeck, 1966). Mapapaliwanag nito ang sitwasyon ni Jojo na lubos ang pagsisi sa kanyang guro dahil sa nakukuha nitong mababang marka pero sa katunayan ay pasaway naman talaga siya. Ika nga ni St. Paul ayon kay Althusser (1969), sa ideolohiya ay kung saan “nabubuhay, gumagalaw at naroroon ang ating pagkatao”. Mananatili tayong nakakulong sa ideolohiya hangga’t ang lipunan ay patuloy na ipinapataw sa atin ang dominanteng pag- iisip, paniniwala at pagpapahalaga. Ang edukasyon sa tulong ng paaralan at ng guro, at tumatayong taga- preserba ng lipunan (Clark, 1968) hangga’t umiiral dito ang ideolohiya ng kapangyarihan at maging ng interaksyon ng bawat indibidwal sa loob at labas man nito.

MGA SANGGUNIAN Althusser, L. (1971). Lenin and philosophy and other essays (B. Brewster, Trans.). New York, NY: Monthly Review Press. Retrieved from http://www.marx2mao.com/Other/LPOE70NB.html. (Original work published in 1968). Brembeck, C. S. (1966). Social foundations of education: A cross- cultural approach. New York, NY: John Wiley and Sons, Inc. Clark, B. R. (1968). Education as an active agent in cultural change. In M. A. Straus & J. I. Nelson, Sociological analysis: An empirical approach through replication (pp. 264-269). New York, NY: Harper & Row, Publishers. Cook, L. A., & Cook, E. F. (1960). A sociological approach to education. New York, NY: McGraw-Hill Book Company, Inc. Reyes, J. C. (2002). Utos ng hari at iba pang kuwento. Quezon City: University of the Philippines Press....


Similar Free PDFs