Title | ISANG KRITIKAL NA PAGSUSURI SA EPEKTO NG "ONLINE CLASS" SA HOLISTIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL |
---|---|
Author | Karl James Fabregas |
Pages | 6 |
File Size | 16.7 KB |
File Type | DOCX |
Total Downloads | 357 |
Total Views | 400 |
ISANG KRITIKAL NA PAGSUSURI SA EPEKTO NG “ONLINE CLASS” SA HOLISTIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL Panimula Sinasabing kung may isang ahensya sa gobyerno ng Pilipinas na lubos na nakararanas ng krisis mula pa noong una, ito ay ang edukasyon. Maraming malawakang pagbabago ang nangyari sa sistema ng ed...
ISANG KRITIKAL NA PAGSUSURI SA EPEKTO NG "ONLINE CLASS" SA HOLISTIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL Panimula Sinasabing kung may isang ahensya sa gobyerno ng Pilipinas na lubos na nakararanas ng krisis mula pa noong una, ito ay ang edukasyon. Maraming malawakang pagbabago ang nangyari sa sistema ng edukasyon simula noong magsimulang magkaroon ng pormal na edukasyon sa Pilipinas dahil sa mga Espanyol. Lubos pa itong naapektuhan nang mapasailalim ang Pilipinas sa kapangyarihan ng mga Amerikano. Hindi din natapos ang mga pagbabago sa sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas lalo na noong magsarili ito bilang isang republika. Ngayon, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, humaharap na naman sa isang pagbabago ang edukasyon sa Pilipinas dahil sa pagdating ng Covid-19. Nagulantang ang buong mundo dahil sa banta sa kalusugang hatid ng pandemya. Dahil dito lubos na naapektuhan ang buhay ng mga tao; maraming nawalan ng trabaho, kinailangang manatili sa mga tahanan, bumaba ang ekonomiya ng bansa, at tumigil ang mga klase sa lahat ng antas ng paaralan. Bunga nito ang katagang, "online class" na napagdesisyunang ipatupad ng DepEd at CHED upang makatugon ang edukasyon sa hamon ng pandemya. Dito nagsimulang magkaroon ng walang personal na pagtuturo bagkus ay nagaganap ito sa pamamagitan ng internet. Nagkaroon din ng tinatawag na "modular class" dahil nga walang face to face na klase. Sa mga pagbabagong ito, hindi maikakaila na marami ang nanibago at nahirapan. Hindi lang mga estudyante, pati na rin ang mga guro. Kaya naman marami din ang mga nagtataka at nagtatanong sa kung saan patungo ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas. Anu-...