Epekto ng Pagpupuyat sa Piskal, Mental at Sikolohikal na Katangian ng mga Mag-aaral ng Ikalabing-isang Baitang DOCX

Title Epekto ng Pagpupuyat sa Piskal, Mental at Sikolohikal na Katangian ng mga Mag-aaral ng Ikalabing-isang Baitang
Author Mary Crisostomo
Pages 37
File Size 74.9 KB
File Type DOCX
Total Downloads 93
Total Views 175

Summary

1 Kabanata 1 Ang Suliranin at Sanligan Nito A. Kaligiran ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, hindi na bago sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ang puspusang pagpupuyat. Ayon sa NHS Choices (2015), kinakailangan ng isang tao ng hindi bababa sa walong oras ng pagtulog upang gumana nang maayos ang kanil...


Description

1 Kabanata 1 Ang Suliranin at Sanligan Nito A. Kaligiran ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, hindi na bago sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ang puspusang pagpupuyat. Ayon sa NHS Choices (2015), kinakailangan ng isang tao ng hindi bababa sa walong oras ng pagtulog upang gumana nang maayos ang kanilang katawan. Ngunit sa panahon ngayon ay kakaunti na lamang sa kanila ang nakakakompleto ng walo hanggang siyam na oras ng pagtulog sapagkat marami ang mas pinipiling manatiling gising upang gumawa ng mga bagay na kailangan nilang gawain kaysa kumpletuhin ang tamang oras ng pagtulog ng isang tao. Ayon kay Velasco (2015), ang kakulangan sa pagtulog ay tinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na sumasama ang estado ng kalusugan sa Pilipinas. Binigyan niya ng diin ang katotohanang nakatatak na sa utak ng mga Pilipino na mas makabubuti sa kanila ang hindi pagtulog upang matapos ang kanilang mga gawain kaysa matulog at gumising nang wala pang nagagawa. Dahil sa pag-iisip na ito, maraming Pilipino ngayon ang kumahaharap sa iba't ibang sakit na nakaugat sa pagpupuyat. Napansin ng mga mananaliksik na ang kaisipan na pag-aaksaya lamang ng oras ang pagtulog ay patuloy na nananaig sa mundong ito. Dahil dito, minabuti ng mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral tungkol sa paksang ito upang matulungan ang mga taong nakararanas ng pagpupuyat at upang hindi na lumala ang kahirapang maaaring idulot nito sa kanila. Aalamin sa pag-aaral na ito ang katotoohanan sa likod ng pagpupuyat ng karamihan sa mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang at susubukin din nito na mabigyan ng kasagutan ang mga problemang nakapaloob dito....


Similar Free PDFs