Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. DOCX

Title Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan.
Author Jonalyn Albay
Pages 24
File Size 69.8 KB
File Type DOCX
Total Downloads 193
Total Views 426

Summary

KABANATA 1 ANG SULIRANIN Rasyunale ng Pag-aaral Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka- intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanila...


Description

KABANATA 1 ANG SULIRANIN Rasyunale ng Pag-aaral Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika noon at maging ngayon sa kasalukuyan. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng bansan Pilipinas. Mas nagkaka- intindihan ang bawat mamamayan dahil madali at malayang naipapahatid ng mga Pilipino ang kanilang saloobin at kaisipan. Wikang Filipino rin ang nagiging susi tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang pananaliksik na ito ay patungkol epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan. Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social networking sites. At napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito ay tila ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako naman, natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang mga kinagisnang salita. Kasabay ng modernisasyon at paglunsad sa mga makabagong teknolohiya, ay patuloy din ang pag-unlad at pagbabago ng Wikang Filipino. Halimbawa na lang ay ang paggamit ng ibat- ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at ang baybay ng wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita na ginagamit 1...


Similar Free PDFs