Resulta ng mga Umiiral na Balbal na salita ng mga Millenials sa Sto. Niño Catholic School PDF

Title Resulta ng mga Umiiral na Balbal na salita ng mga Millenials sa Sto. Niño Catholic School
Author kharla Ranchez
Pages 56
File Size 459.3 KB
File Type PDF
Total Downloads 83
Total Views 277

Summary

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC. 1 Resulta ng mga Umiiral na Balbal na salita ng mga Millenials sa Sto. Niño Catholic School Isang Panukalang Pananaliksik na inihaharap sa mga guro ng Departamento Ng Filipino Ang pananaliksik na ito ay ipinisinta kay Bb. Vanissa Litana Bilang pagpapatupad sa isa sa m...


Description

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

Resulta ng mga Umiiral na Balbal na salita ng mga Millenials sa Sto. Niño Catholic School

Isang Panukalang Pananaliksik na inihaharap sa mga guro ng Departamento Ng Filipino

Ang pananaliksik na ito ay ipinisinta kay Bb. Vanissa Litana Bilang pagpapatupad sa isa sa mga pangangailangan Sa Asignaturang Filipino

Mga mananaliksik: Gelyn Fatima Domingo Kharla Mae Rhanchez Johnson Corpin Misael Ambion Jeff Tadena

Nobyembre 2017

1

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

Talaan ng Nilalaman Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito ............................................................................. Introduksyon ......................................................................................................................... 1 Paglalahad ng Layunin at Suliranin ......................................................................................... 3 Kahalagahan ng Pag-aaral ...................................................................................................... 3 Saklaw at Limitasyon .............................................................................................................. 4 Depinisyon ng mga Termino ................................................................................................... 5

Kabanata 2: Kaugnay na Literature at Pag-aaral.................................................................... 6 Kaugnay na Literatura ............................................................................................................ 6 Kaugnay na Pag-aaral ............................................................................................................. 8

Kabanata 3: Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik .........................................................10 Lugar ng Pag-aaral ................................................................................................................10 Disenyo ng Pananaliksik ........................................................................................................10 Metodolohiya ........................................................................................................................ 10 Pamamaraan ........................................................................................................................11 Populasyon at Sampol ng Pag-aaral ........................................................................................ 11 Tritment ng mga Datos .........................................................................................................12

Kabanata 4: Prentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ....................................................16 Listahan ng mga Talahanayan at Grap ...................................................................................... Pigura1: distribusyon ng talatanungan ayon sa baiting ng mga respondente ..........................16 Pigura 2: grapikal na presentasyon ng distribusyon ng Edad ng mga reszpondente ................ 17 Pigura 3: grapikal na presentasyon ng edad ng mga respondents .........................................18 Talahayanan 4: lugar na pinaggagamitan ng balbal na salita ..................................................19 Pigura 4: grapikal na presentasyon ng lugar na pinaggamitan ng balbal na salita ...................20

2

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC. Talahanayan 4a. Bahay .........................................................................................................20 Talahanayan 4b. Pampublikong lugar ....................................................................................21 Talahanayan 4c. Pampublikong sasakyan ..............................................................................22 Talahanayan 4d. Eskwelahan.................................................................................................23 Talahanayan 4e. Social Media Platform .................................................................................24 Talahanayan 5: Mga nakakaimpluwensya sa mga respondent upang gumamit ng balbal na salita .....................................................................................................................................25 Talahanayan 5. Grapikal na prentasyon ng mga nakaimpluwensya sa mga estudyante upang gumamit ng balbal na salita ..................................................................................................26 Talahanayan 5a. Social Media Platforms ...............................................................................27 Talahanayan 5b. Mga Kaibigan ..............................................................................................28 Talahanayan 5c. Mga Kanta ..................................................................................................29 Talahanayan 5d. Mga taong sikat ..........................................................................................30 Talahanayan 5e. Mga tula .....................................................................................................31 Talahanayan 6. Mga masamang naidudulot ng paggamit ng balbal na salita ..........................32 Pigura 6. Grapikal na presentasyon ng mga masamang naidudulot ng paggamit ng balbal na salita .....................................................................................................................................33 Talahanayan 6a. Sa madalas kong paggamit ng balbal na salita ay hindi na salita ay hindi ko na alam kung saan ang tamang lugar, oras at sitwasyon upang gamitin ang mg ito. ...................32 Talahanayan 6b madalas akong hindi maunawaan at tinatanong ng mga taong hindi pamilyar sa mga bal bal na salita king ano ang ibig dabihin ng mga ito ................................................35 Talahanayan 6c mdalas kong gamitin ang balbal na salita kahit alam ko ang tamang termno na gagamitin .........................................................................................................................36 Talahanayan 6d. Maaaring nagmumukha akong jejemon o walng pinag-aralan .....................37 Talahanayan 6e.Bumababa ang lebel ng linguwahe sa lebel ng kanto ....................................38

Table of Contents Talahanayan 6e.Bumababa ang lebel ng linguwahe sa lebel ng kanto .................................... 38

3

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

Talahanayan 6f. Naiimpluwensiyahan ang mga bata na gumamit ng balbal na maaring maging Tingin nila ay normal ang pagsasalita ng balbal .................................................................... 39 Talahanayan 6g. hindi ito kaaya-aya sa pandinig ko o sa iba .............................................. 40 Talahanayan 6h.Nagiging hadlang itosa pah=g-uunlad ng paggamit ng pormal na salita at gramatika maging sa pagsulat ng komposisyon o pakikipagtalatasan ............ 41 Pigura 7. Grapikal na presentasyon ng mga mabubuting naidudulot ng paggamit ng balbal na salita ..................................................................................................................................... 41 Talahanayan 7.Mga mabubuting naidudulot ng paggamit ng balbal na salita ..................... 42 Talahanayan 7a.Nagmumukha akong cool o kaya’y nagkakaroon ng self-esteem dahil alam kong trendy ito ........................................................................................ 43 Talahanayan 7b. Mas madali akong naiintihan ng mga millennials sapagkat sila ay kaedad ko………44 Talahanayan 7c.May sariling balbal kaming ginagamit ng aking mga kaibigan kaya kami lamang ang nag-kakaintindihan .................................................................................................... 45

Talahanayan 7d.Naiintindihan ng nakararami lalo ng mga taong kanto........................... 46 Talahanayan 7e. Mas mapapasaya ang usapan sapagkat ang linguwahe at kakaiba pakinggan ...................................................................................................................... 46

Kabanata 5: Paglalagom,Natuklasan,Konklusyon at Rekomendasyon .................................48 Pahapyaw na Lagom .............................................................................................................. 48 Mga Natuklasan ....................................................................................................................49 Konklusyon ............................................................................................................................ 50 Rekomendasyon ...................................................................................................................51

4

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Ayon kay Jonathan Green, isang slang lexicographer, ang balbal na salita ay isang lenguwahe na binibigyan tayo ng pagkakataon upang ipahayag o ilahad ang ating sarili sa makataong pamamaraan.Sa tuwing tayo ay gumagamit ng salitang balbal—para sa parte ng katawan, insulto at kasarian—sinasabi natin ito sa pinakatapat at makataong paraan.Ang sabi naman ni Carl Sandburg, isang Swedish-American Poet, Writer, at Editor na ang salitang balbal ay "Language which takes off its coat, spits on its hands and goes to work" na ang ibig sabihin tuwiran o diretsyo sa punto na kung saan walang “Sugar Coating” ang mga salita at epektibo sa mga nakakaalam ng mga salitang ito sa kadahilanang ito ay wala nang paligoy-ligoy. Ang wika natin ay siyang nagbibigay ng ating pagkakakilalan ng ating bansa. Lahat ng tao ay may kakayahan sa paggamit ng wika. Ginagamit nila ang wika sa paraang sila ay nagkakaunawaan. Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirahan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. Mababakas na kahit saan mang dako ng ating bansa ay gumagamit ng mga naturang antas ng wika at hindi natin maitatatwa na lubos na laganap sa mga ito ay ang paggamit ng salitang balbal o salitang kalye sa kadahilan ng pag laganap ng mga taong nagiimpluwensya sa social media tulad ng sikat na si “CongTV” at

5

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

ang sinaunang kanta na Nosi Balasi na ikinanta ng bandang Sampaguita. Dahil sa sumikat na kanta na ito ay naumpisahan ang pag babalibaligtad ng mga salita na ang ibig sabihin ay “Sino ba sila” tulad ng lodi, petmalo, werpa at iba pa. Napauso ito sa mga pilipino lalo na sa mga kabataan na dapat ay pag-asa ng kinabukasan ng ating kinagisnan. Dahan-dahan pababa nang pababa ang lebel ng ating wika. Ano nga ba ang magiging epekto nito sa susunod pang mga henerasyon, kung lalo pa itong lalaganap habang tumatagal? Ito ba ay mayroong mabuting epekto sa mga tao lalo na sa wika o isa ba itong maling gawain dahil maari itong makadulot ng pagkalito lito ng mga sinaunang salita at magkaroon ng malaking pagbabago sa ating wika? Ang karamihan sa mga kabataan o Millennial ay ginagamit ang salitang balbal sa pakikipagkomunikasyon sa kanilang kaibigan. Ngunit, sa aming obserbasyon ginagamit din nila ang salitang balbal sa pagtatago ng mga mensahe upang hindi maintindihan ng ibang tao. May sarili silang grupo na sila lang ang nagkakaintindihan at hindi mo maiintindihan ang kanilang sinasabi hangga’t hindi ito ipinapaliwanag nang masinsinan. Ang salitang balbal ay sumisikat dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Naiimpluwensiyahan ang mga kabataan kaya nila ito ginagamit at ang resulta ay ang lengwaheng Pilipino ay dahan-dahang bumababa at nawawala ang makatang pamamaraan ng pananalita. Isa sa resulta nito ay maraming kabataang hindi ganoon kabihasa sa sariling lengwahe na kung saan mas alam pa nila ang mga salitang balbal kaysa sa malalalim na katagang ginagamit ng mga ninuno natin. Ito ay dahan-dahang naglalaho dahil sa pag usbong ng salitang balbal. Layunin ng mga mananaliksik na alamin at tukuyin kung ano ang epekto ng mga umiiral na balbal na salita sa mga millenials lalong-lalo na sa mas nakakabata na tumitingala

6

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

sa mga nakatatanda sakanila sa paaralan ng Sto Niño Catholic School at sa mga susunod na henerasyon ng mga kabataan, mabuti man ito o masama.

Paglalahad ng Layunin at Suliranin Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na alamin at tukuyin kung ano ang epekto ng mga balbal na salita sa mga millenials na nag-aaral sa Sto. Niño Catholic School, mabuti man ito o masama, sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na katanungan: 1. Anong mga lugar ang madalas na pinaggagamitan ng mga respondente ang balbal na salita? 2. Ano-ano ang mga nakaimpluwensya sa mga respondente upang gamitin ang mga balbal na salita? 3. Ano ang mga masasamang naidudulot ng paggamit ng balbal na salita? 4. Ano ang mga mabubuting naidudulot ng paggamit ng balbal na salita?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang wika nating mga Pilipino noon ay malalalim at kilala bilang magagaling na magbabalangkas na kung saan ang ating mga nararamdaman ay naipapahiwatig sa pamamagitan ng pagsulat at pagsasalita. Ngunit, sa paglipas ng panahon ito ay unti unting nawawala. Kaya ang pananaliksik na ito ay magbigay alam sa pangyayaring maaring malimutan ng kapwa Pilipino, lalo ang kabataan, ang wikang pinagmamalaki.

7

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

Mga mamamayan ng Pilipinas. Makatutulong ito sa mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbigay kamalayan sa ating nararanasan ngayon na pagbabalibaliktad ng salita na maaring makapagbago ng ating kakayanan na maglikha ng malalalim na lengwahe na unti-unti nang nawawala. Mga guro. Makakatulong ito sa guro upang mabigyan ng mas malalim na pagkakaintindi sa pangyayari ang mga kabataang Pilipino at para na rin magabayan ang kanilang mga estudyante lalo na kung sila’y sakop nito. Mga estudyante. Mamumulat ang kanilang mga diwa sa pangyayaring di kanais-nais na ang ating wika na noon ay makabuluhan ngayon ay mga salita na lamang na halos impormal o balbal. Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay maaaring maging gabay sa mga susunod na henerasyon. Makakatulong din ito sa pag bibigay deperensya sa mga nangyayari ngayon at sa susunod pang mangyayari.

Saklaw at Limitasyon Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga impormasyong makakapagpapadagdag kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa kung ang ating sinaunang wika ay mahaluan na ng mga salitang balbal. May kabuuan na isang daang (100) respondente ang bibigyan ng mga katanungan. Ito’y ipapasagot sa tig dalawampu’t limang estudyante (25) bawat baitang mula ika-pitong baitang hanggang ika-sampung baitang na mag-aaral sa Sto Niño Catholic

8

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

School. Hindi kasali sa pananaliksik na ito ang mga estudyante ng elementarya at ang mga senior highschool na estudyante.

Depinisyon ng mga Termino Maitatatwa. Sa Ingles ay deny na ang ibig sabihin ay pinagtatakpan o tinatago ang katotohanan. Wika. Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. Balbal. Isang impormal na uri ng salita. Ito ay ang pinakamababang uri ng wika na walang porma at basta na lamang nalikha ng tao. Ang ganitong uri ng wika ay pangkaraniwan na natin maririnig sa henerasyon ngayon. Social Media. Tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit. may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

9

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

KABANATA 2 KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura Ayon kay Johnathon Green na ang salitang bal-bal ay isang "counter-language" na kung saan ito ay madalas ginagamit ng isang partikular na grupong isang pangkat na gumagamit ng sariling salita o "Anti-Language". Ang "anti-language" ay isang linguahe ng isang maliit na komunindad na nakapaloob sa isang malaking komunidad. Ang Balbal ay ginagamit ng mga kabataan o isang partikular na grupo upang sekretong makapagbigay ng mensahe sa mga kausap nila. Sa paguulat ni Ronaldo Bagatsing (2011) ang balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang particular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita, maari itong mahaba o maikling salita lamang. Ang jeprox ay isang salitang balbal na inimbento ni Mike Honopol, isang rakistang mag-aawit, na ang ibig sabihin ay laki sa layaw. Sumikat ang awiting “Laki sa Layaw Jeprox’ noong dekada sitenta na kalaunan ay naging tila opisyal na salita na ang ibig kahulugan ng laki sa layaw. Sumikat ang awitin sa halos dalawang dekada at hanggang sa ngayon ay kilala pa din ang terminong jeprox. Sa literaturang sinipi ni Honorio Bartolome De Dios na “Gay Speak”, kanyang ipinahayag na: “Dito sa Pilipinas, ang mga bakla ay gumagawa ng sariling subkultura at makikita ito sa kanilang pananalita. Hindi kaila sa atin ito dahil sa pagkakaroon nila ng

10

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

sariling salita,mabilis agad natin silang nakikilala dahil sa kakaibang tunog na kanilang inimbento. Taliwas ito sa mga salitang kanto. Kakaibang pakinggan at minsan nga ay hindi maintindihan. Kadalasang hinahango ang kanilang salita mula sa mga sikat na personalidad (e.g. Lydia de Vega = takbuhan;) o kaya’y sa katutubong salita na iniiba ng kaunti (e.g. akech = ako). Pati mga hiram na salita ay ginagamit rin (e.g. booking = sex activity). Sa pamamagitan ng salita, nagkakaroon sila ng kanilang sariling identidad, pagkakaintindihan at maituturi nilang kanila. Sa larangan ng literatura sa Pilipinas, nagsimulang lumitaw ang mga tula at kwento noong 1980’s pero1990’s na nang nailimbag ang mga librong may temang homosekswal. Ang mga manunulat na sina Danton Remoto at Neil Garcia ang ilan sa mga signipikanteng personalidad sa larangan”. (2008) Ayon kay Gette (2010), ang balbal o islang na salita ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. Halimbawa nito ay parak, lespo (pulis), iskapo (takas), atik (pera), erpats (tatay), jokla (bakla), tiboli (tomboy), at marami pang iba. Sabi ni R. David Zorc (1993), ang mga Pilipino ay gumagawa o lumilikha ng mga balbal na salita sa pag hiram at paggamit ng ibang lingguwahe, sa pagbibigay ng bagong kahulugan sa mga bagong nalikhang salita, sa paglikha ng makabagong porma o sa paggamit ng mga numero sa uri ng mga samahan. Sa pananaliksik ni Kate Ayson (Marso 2017) Ang mga bagong usbong na salita na nagiging bukambibig ng maraming Pilipino. Mga salitang hindi makikita ang kahulugan sa mga diksyunaryo o sa mga translator sa Internet. Pero sa paglipas ng panahon, nagiging

11

STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL, INC.

karaniwan na ito sa pandinig ng tao at nagagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao. Karaniwan sa mga bading at mga personalidad sa showbiz naririnig ang mga kakaibang salitang ito, na iilan lang ang nakakaintindi. Ayon kay Lacaba (2010), ang mga salitang “Chuvachuchu," “Jologs," “Krung-krung" at “Kikay.” ilan lang ‘yan sa mga nakaaaliw na salita na madalas nating marinig sa mga showbiz personalities. Sinabi niya batay sa paliwanag ng screen writer na si Bibeth Orteza, ang “chuvachuchu" ay nagsisilbing pamalit kapag hindi alam ng artista ang isang salita o phrase. Tungkol sa m...


Similar Free PDFs