Mga Tanyag na Manunulat ng Tula Noon DOCX

Title Mga Tanyag na Manunulat ng Tula Noon
Author Juvy Rendon
Pages 6
File Size 185.4 KB
File Type DOCX
Total Downloads 432
Total Views 845

Summary

Mga Tanyag na Manunulat ng Tula Noon LOPE K. SANTOS Kinilala si Lope K. Santos bilang "ama ng bararila". Ipinanganak siya noong Setyembre 25, 1879 at lumaki siya sa Buwayangbato sa Pasig, Rizal.Sa murang edad ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa mga pagsusuri sa mga bagay-bagay. Napansin i...


Description

Mga Tanyag na Manunulat ng Tula Noon LOPE K. SANTOS Kinilala si Lope K. Santos bilang "ama ng bararila". Ipinanganak siya noong Setyembre 25, 1879 at lumaki siya sa Buwayangbato sa Pasig, Rizal.Sa murang edad ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa mga pagsusuri sa mga bagay-bagay. Napansin ito ng kanyang ama nang minsan ay isama siya sa pinatratrabahuhan na imprenta. Wala itong ginawa kung hindi ang uriratin ang pagpapatakbo sa imprenta.Hindi siya nakuntento sa simpleng paliwanag lang kung hindi matapos siyang magkaroon ng kaunting nalalaman sa mga bagay. Kanya itong sinusubukan at masusing sinasaliksik.Nang siya ay makatapos ng pag-aaral siya ay naging mahusay na guro. Ayon sa kanya, dapat tandaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng kaalaman ng isang tao. Ito ang yaman na hindi aniya mananakaw ninuman.Naging isa rin siyang magaling na nobelista. Madalas niyang paksa sa kanyang mga likha ang kagandahan ng ating bansa at mga problema sa lipunan. Hindi lamang dito siya napabantog. Kinakitaan din siya ng galing bilang isang mananalumpati, makata at lider ng mga manggagawa. Lubos niyang isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanyang kapwa. Naging isa rin siyang gobernador at senador ng bansa at ang malaki niyang ambag ay ang bararila ng wikang pambansa.Kabilang sa mga aklat na kanyang isinulat ay ang Banaag at Sikat, Puso't Diwa, Isang Katipunan ng mga Tula, Kundangan, Ang Selosa , Alila ng Kapalaran, Los Suenos de Rizal, Salawahang Pag-ibig at marami pang iba.Sadyang huwaran ang kanyang naging likha dahil sa pagtitiyaga at pagpupursige na makilala ang kakayahan ng mga Pilipino hindi lamang sa kanyang bansa kung hindi maging sa ibang bansa.Ipinangaral niya na ang mga Pilipino ay dapat tumayo sa sariling pagsisikap at pagpupunyagi. Huwag daw silang umasa sa tulong ng mga dayuhan bagkus magkasya sa paraan na nalalaman na lahi. Dapat daw pasikatin ang mismong talento ng bawat isa nang sa gayon, ang mga dayuhan ang siyang kumuha ng kaalaman sa atin.Sa kanyang pagsisikap na maipunla sa kamulatan ng mga Pilipino sa sariling wikang pambansa kung kaya't kinilala siya bilang ama ng balarila ng wikang pambansa. Halimbawa ng kanyang tulang akda: PASIG 1 Aywan ko kung ikaw'y sa bundok na anak, o kung bumukal ka sa tiyan ng dagat; pagka't sa lagay mong mababang-mataas atubili ako kung saan ka buhat; marahil bunga ka nang mag-isang-palad ang Dagat na tabang at Bundok ng ulap kaya't sa kanila'y namana mo't sukat ang yaman ng laot at yaman ng gubat. 9 Tila Diwata kang galing Pamitina'y nanaog at nupo sa may Kapasigan; liwayway ang buhok, ang ulo'y Santulan, ang mahabang Ugong ay bisig na kana't bisig na kaliwa ang Pinagbuhatan. Malapad-na-Bato ang isang paanan, saka ang isa pa ay Wawang-Napindan: magtatampisaw ka sa Buting at Bambang. 17 Ang kasaysayan mo'y pangalan mo na ri't nasa pamagat mo ang iyng tungkulin; habang panahon kang bantay ay baybayin sa gaslaw ng tubig at sumpong ng hangin; may bisig kang bato't may paang buhangin, may mukha't katawang langit ng pananim; hinga mo'y amihan, ulan ang inumin, at gatas ng lupa ang iyong pagkain. 25 Nguni, tumindig ka, matandang Diwata't magmalikmata kang bumalik sa bata; sa pagkalupagi'y lalo kang hihina't laging sa Panahong mapagsasagasa; Sa Silanga'y muling iharap ang mukha't sumahod sa Araw ng diwang sariwa; ikaw'y marami pang tungkuling dakilang sukat kapiktan mo nang di-nagagawa. 33 Dalawampu't anim ang bayan mong anak, tatlong daan nayon ang apo mong ingat; sinasagutan mo ang kanilang palad, pagka't ikaw'y siyang magulang ng lahat; kung ikaw ang unang hihina-hinamad at sa pagkaupo'y bahagyang titinag. . . ang nasasakop mong kabunduka't dagat balang araw'y siyang sa iyo'y lilimas. 41 Hindi na panahon ng pag-aantabay sa dating ng mga kusang kapalaran; ang mga himala'y huwag mong asaha't dina nakukuha ang buhay sa dasal; ang awa ng Poo'y wala sa simbahan, kundi nasa bukid, ilog, pamilihan, sa tulo ng pawis at ulong may ilaw. . . Sawa na ang Diyos sa mga batugan!...


Similar Free PDFs