MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK PDF

Title MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK
Pages 12
File Size 302 KB
File Type PDF
Total Downloads 71
Total Views 465

Summary

MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro sa Filipino ng Lyceum of the Philippines University – Manila Bilang Bahagi ng mga Kinakailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (P...


Description

Accelerat ing t he world's research.

MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAGAARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK Nikki Agojo, Paul Andrei Lyceum of the Philippines University - Manila

Cite this paper

Downloaded from Academia.edu 

Get the citation in MLA, APA, or Chicago styles

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro sa Filipino ng Lyceum of the Philippines University – Manila

Bilang Bahagi ng mga Kinakailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (PPTN11S)

nina: Agojo, Nikki Lyn A. Alea, Paul Andrei A. Baldo, Ellen Jane A. Delos Santos, Kendra Coleen Golez, Adrienne Lorraine D. Quiling, San Ray A. Roxas, Aldous John P. Sur, Kevin Lecsey G. 11- Concentrix 2019

PANIMULA Ang pananaliksik ay isinasagawa upang malutas ang isang partikular na isyu. Ang pagsasagawa nito ay isang kritikal at sistematikong proseso ng paghahanap ng mga bagong kaalaman, o muling pagpakahulugan ng mga umiiral na kaalaman. Ang gawain ng mga mananaliksik ay magkalap ng mga datos na siyang sisiyasatin at makabuo ng resulta, at pag-aralan kung ang resulta ay makakatulong sa paglutas sa suliranin. Ang pananaliksik, isa sa mga akademikong asignatura ng mga mag-aaral sa Senior High School. Ito ay pagbuo ng papel pananaliksik na isa sa kinakailangang tapusin bago matapos ang isang semestre. Nakikita ng mga mag-aaral ang pagbuo na papel pananaliksik bilang isang mahirap na gawain at kulang ang isang semester upang ito ay mabuo. Pinili ng mga mananaliksik ang paksa sa pagnanais na maaring mabago ang pananaw at matuklasan ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik. Ang papel pananaliksik ay isinagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas maliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at matuto sa nasabing paksa. Layunin ng pag-aaral na at matuklasan ang mga suliranin na kinakaharap ng mga magaaral sa pagbuo ng papel pananaliksik at matukoy kung ang papel pananaliksik ay may maitutulong sa buhay sa labas ng paaralan. Sapagkat ito rin ay nakadaragdag, nagpapalawak, at nagpapatunay ng mga kaalaman ng mga mananaliksik. Ang pananaliksik ay magsisilbing gabay sa pagkatuto ng isang bagay. Isa sa mga dahilan kung bakit nais dagdagan ng ating pamahalaan ng dalawang taon pa sa Senior High School upang mas lalo pang lumaganap ang ating kaalaman sa edukasyon at sistematikong akademiya sa kanikanilang piniling strand upang pagdating sa kolehiyo ay higit na may kaalaman at hindi mangapa sa piniling kurso.

METODOLOHIYA Ang disenyo ng pananaliksik na ito ay Palarawang Pananaliksik o Descriptive Research. Ito ay napiling disenyo ng mga mananaliksik upang malaman ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik. Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik ng mga mag-aaral ng ika-11 baitang na ABM (Accountancy, Business and Management) sa Lyceum of the Philippines University – Manila. Binubuo ng 185 na mag-aaral mula sa populasyong 343 na pinili sa pamamagitan ng Simple Random Testing ang mga kalahok sa pag-aaral na ito. Gumawa ang mga mananaliksik ng talatanungang tseklis na binubuo ng 20 katanungan na may kaugnayan sa mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik. Isinangguni ang mga tanong sa tagapayo upang matiyak ang kaangkupan at kawastuhan ng mga ito. RESULTA AT PAGTALAKAY Naglalaman ang kabanatang ito ng paglalahad, interpretasyon at pagsusuri ng mga datos na nakalap. Ginamit ng mga mananaliksik ang talahanayan upang mas maging maayos at organisado ang mga nakalap na datos sa isinasagawang pag-aaral. Bilang ng mga Sagot ng mga Mag-aaral sa mga Suliraning Kinakaharap sa Pagbuo ng

65

27

2

Lubos na Hindi Sumasang -ayon

Hindi Sumasang -ayon

91

Neutral

1. Paghahanap ng paksa at pagbuo ng titulo ng pananaliksik.

Sumasang -ayon

Pahayag

Lubos na Sumasang -ayon

Papel Pananaliksik

0

Interpretasyon

Lubos na Sumasang-ayon

2. Kakulangan sa karanasan ng mga mananaliksik. 3. Kooperasyon ng mga mananaliksik. 4. Magkasalungat na pagkaunawa sa pagitan ng mananaliksik at ng tagapayo. 5. Limitadong panahon sa pagsasagawa ng pananaliksik. 6. Magkasalungat na ideya/ limitadong pag-unawa/ suliranin sa organisasyon ng ideya ng mga mananaliksik. 7. Pagkuha at pagpili ng mga kaugnay na literatura at pagaaral bilang basehang pangsuporta sa pag-aaral. 8. Pagbuo ng sariling talatanungan/instrumento ng mga mananaliksik. 9. Pamamahala sa oras.

47

96

40

0

2

81

83

19

2

0

43

91

41

8

2

74

76

32

3

0

59

86

36

4

0

87

79

18

1

0

47

94

41

3

0

84

78

19

4

0

10. Pasensya ng mga mananaliksik. 11. Pasensya ng gurongtagapayo. 12. Kooperasyon ng mga kalahok. 13. Pagtatala ng mga kasagutan/tugon. 14. Suliranin sa pagpili ng pamamaraang estadistika para sa mga datos. 15. Pagbuo ng interpretasyon, analisis, konklusyon, at rekomendasyon. 16. Pagpopormat sa nilalaman ng teksto. 17. Problemang pinansiyal.

80

59

37

8

1

79

57

39

9

1

83

76

25

0

1

62

85

30

8

0

56

90

30

9

0

73

78

25

8

1

60

81

28

14

1

50

75

48

9

3

67

69

38

9

2

18. Kapabayaan sa pagwawasto at pagrerebisa na nakakadaragdag ng kagastusang pagpi-print.

Sumasang-ayon Sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Sumasang-ayon

Lubos na Sumasang-ayon

Sumasang-ayon Lubos na Sumasang-ayon Lubos na Sumasang-ayon Lubos na Sumasang-ayon Lubos na Sumasang-ayon Sumasang-ayon Sumasang-ayon

Sumasang-ayon Sumasang-ayon Sumasang-ayon

Sumasang-ayon

19. Pamamahala ng stress. 20. Kagustuhang/Intensyong hindi na tapusin ang pananaliksik; nakakaramdam ng pagsuko.

77

80

24

2

2

76

63

32

10

4

Sumasang-ayon Lubos na Sumasang-ayon

Batay sa datos na nakalap, sa 185 na kalahok, 96 ang sumang-ayon na ang madalas na suliranin ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik ay ang kakulangan sa karanasan ng mga kapwa-mananaliksik. Samantala, 94 na mag-aaral naman ang sumang-ayon na nahihirapan ang mga mananaliksik sa pagbuo ng sariling talatanungan/instrument habang 91 na kalahok ang lubos na sumang-ayon na mahirap ang paghahanap ng paksa at pagbuo ng titulo ng pananaliksik. Batay naman sa 91 na mag-aaral, sang-ayon sila na magkasalungat ang pagkaunawa sa pagitan ng mananaliksik at ng tagapayo habang 90 na kalahok ang sumang-ayon na may suliranin sila sa pagpili ng pamaraang estadistika para sa mga datos. Ang iba pang pahayag ay sinasang-ayunan din ng mga kalahok base sa kanilang mga tugon. Samakatuwid, ang limang pahayag na nabanggit sa itaas ay ang may pinakamaraming tugon na sumasang-ayon.

KONKLUSYON Ang mga mag-aaral ay nakakaranas ng mga suliranin sa pagbuo ng papel pananaliksik. Lumabas sa pag-aaral na ito na lima ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral sa pagbuo ng papel pananaliksik. Una, ang kakulangan sa karanasan ng mga mananaliksik na may 51.90%. Pangalawa, ang pagbuo ng sariling talatanungan/instrumento ng mga mananaliksik na nakakuha ng 50.81%. Pangatlo, ang paghahanap ng paksa at pagbuo ng titulo ng mga mananaliksik na may 49.19%. Pang-apat, ang magkasalungat na pagkaunawa sa pagitan ng mananaliksik at ng tagapayo na mayroon ding 49.19%. Panglima, ang suliranin sa pagpili ng pamamaraang estadistika para sa mga datos na nakakuha ng 48.65%. Base sa mga tugon ng mga kalahok, masasabi ng mga mananaliksik na makakatulong ang pagbuo ng papel pananaliksik sa buhay ng mga mag-aaral sa labas ng paaralan. Kasama sa mga tulong na nai-ambag nito ay ang tamang pamamahala ng oras, ang pagkakaroon ng mahabang pasensya, angkop at naayon na paggasta ng pera, tamang pamamahala ng damdamin o emosyon at nalilinang ang kanyang determinasyon na matapos ang isang suliranin.

BIBLIOGRAPIYA Internet: Abogar, K. G., Adam, A. A., Cabaya, E. C., & Kasim, A. C., Gayao, (2018). Isang Pananaliksik Sa Mga Pangunahing Suliranin Na Kinakaharap Ng Paaralan Sa Mga Estudyante. Retrieved from https://www.academia.edu/34876253

Bocar, A. C. (2013). Difficulties Encountered by the Student-Researchers and the Effects on Their Research Output. Retrieved from https://worldconferences.net/proceedings/gse2013/papers_gse2013/031Anna Bocar.pdf

Labrador, F. D. (2018). Sitwasyong Kinakaharap ng Mag-aaral ng Senior High School sa Dalig National High School tungkol sa Pananaliksik. Retrieved from https://www.academia.edu/38304026

Manalo, J. (2017). Salik na Nakakaapekto sa Pagkatuto ng Pagbuo ng Papel Pananaliksik ng Baitang 11 sa Mataas na Kahoy Senior High School. Retrieved from https://www.academia.edu/31927351

APENDIKS A Ika- 30 ng Abril, 2019 BB. CLARENCE ELLA D. ALIPIO Punongguro Lyceum of the Philippines University Intramuros, Manila

Mahal naming Bb. Alipio,

Pagbati ng kapayapaan! Kami po ay humihingi ng pahintulot sa inyong tanggapan na gawin naming kalahok ang mga magaaral sa ikalabing-isang taon ng inyong paaralan. Kaugnay po ito ng aming pag-aaral na may pamagat na “MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK.” Napakalaki po ng magagawa nito upang maisakatuparan ang aming ginagawang pananaliksik. Umaasa po kami sa inyong pagbibigay-pansin at kapahintulutan. Tanggapin ninyo ang aming taus-pusong pasasalamat.

Lubos na gumagalang, (Sgd.) PAUL ANDREI A. ALEA Kinatawan ng pangkat

Nabatid ni: (Sgd.) BB. CLAUDY-LETTE A. REAL Tagapayo ng mga mananaliksik

Pinagtibay ni: (Sgd.) BB. CLARENCE ELLA D. ALIPIO Punongguro

APENDIKS B

“MGA SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL SA PAGBUO NG PAPEL PANANALIKSIK”

AGOJO ALEA BALDO DELOS SANTOS GOLEZ QUILING ROXAS SUR Pangalan (optional):______________

Pangkat:_______________

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang kahon na tumatapat sa iyong sagot.

Mga Suliranin sa Pagbuo ng Papel Pananaliksik

1. Paghahanap ng paksa at pagbuo ng titulo ng pananaliksik. 2. Kakulangan sa karanasan ng mga mananaliksik. 3. Kooperasyon ng mga mananaliksik. 4. Magkasalungat na pagkaunawa sa pagitan ng mananaliksik at ng tagapayo. 5. Limitadong panahon sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Lubos na Sumasangayon

Sumasang- Neutral Hindi Lubos na ayon SumasangHindi ayon Sumasangayon

6. Magkasalungat na ideya/ limitadong pag-unawa/ suliranin sa organisasyon ng ideya ng mga mananaliksik. 7. Pagkuha at pagpili ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral bilang basehang pangsuporta sa pag-aaral. 8. Pagbuo ng sariling talatanungan/instrumento ng mga mananaliksik. 9. Pamamahala sa oras. 10. Pasensya ng mga mananaliksik. 11. Pasensya ng gurongtagapayo. 12. Kooperasyon ng mga kalahok. 13. Pagtatala ng mga kasagutan/tugon. 14. Suliranin sa pagpili ng pamamaraang estadistika para sa mga datos. 15. Pagbuo ng interpretasyon, analisis, konklusyon, at rekomendasyon. 16. Pagpopormat sa nilalaman ng teksto. 17. Problemang pinansiyal. 18. Kapabayaan sa pagwawasto at pagrerebisa na nakakadaragdag ng kagastusang pagpi-print. 19. Pamamahala ng stress. 20. Kagustuhan/Intensyong hindi na tapusin ang pananaliksik; nakakaramdam ng pagsuko....


Similar Free PDFs