Kritikal na Sanaysay- Babae Kasi PDF

Title Kritikal na Sanaysay- Babae Kasi
Author Jaby Lim
Course Medical Technology
Institution Far Eastern University
Pages 3
File Size 91.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 843
Total Views 900

Summary

KRITIKAL NA SANAYSAY“BABAE KASI”Ang mga babae ay itinuturing na mas mababa o “inferior” kung ikukumpara sa mga lalaki. Hindi nabibigyan ng pantay na trato o oportunidad ang mga babae sa iba’t-ibang larangan dahil ito ang hinubog ng kagawian sa lipunan noon. Ang mga babae ay dapat mahinhin at hindi n...


Description

KRITIKAL NA SANAYSAY “BABAE KASI”

Ang mga babae ay itinuturing na mas mababa o “inferior” kung ikukumpara sa mga lalaki. Hindi nabibigyan ng pantay na trato o oportunidad ang mga babae sa iba’t-ibang larangan dahil ito ang hinubog ng kagawian sa lipunan noon. Ang mga babae ay dapat mahinhin at hindi nagpapakita ng kakisigan at mas strikto sa kanila ang lipunan sa paghuhusga sa mga dapat at hindi dapat gawin. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na winawakasan ang pagkakaroon ng diskriminasyon pagdating sa kasarian. Ayon sa artikulo, ang wikang Filipino ay “gender-neutral” o walang pinipiling kasarian ang paggamit nito kaysa sa wikang Ingles na mas naipapakita ang pagkakaiba ng kasarian. Ngunit sa mas malawak na isyu sa kasalukuyang panahon ay hindi parin nawawala ang diskriminasyon sa mga babae o “sexism”. Marami paring mga kaugalian na inuugnay sa mga babae bagamat kapag sa lalaki kahit mali ay normal na gawain ito sa mata ng lipunan. Pati kabataan ay nagkakaroon ng kaisipan na hindi magandang pananalita sa kababaihan kaya’t dapat sila ay mabigyan ng kalinawan sa murang edad. Marami na ang napatunayan ang kababaihan kaya’t sila dapat ay bigyang pantay na karapatan sa iba’t-ibang larangan ng lipunan. Nang sa gayon, sila’y patuloy na magpapakita ng kahusayan tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Sa panahon ngayon, patuloy parin ang diskriminasyon na nararanasan pagdating sa kasarian. Nagkakaroon ng agwat ang pagiging babae sa lalaki sa ibang aspeto. Katulad na lamang kapag ang lalaki ay nagkaroon ng maraming asawa sasabihing “lalaki kasi” dahil karaniwan na itong nangyayari subalit kapag babae ang gumawa nito ay labis ang panghuhusga at panglalait ang maririnig sa mga tao. Ito ay totoo lalo na sa kasalukuyang panahon na madali ang pagkalap ng balita sa lipunan, mas madali ang panghuhusga ng mga tao. Ayon kay Miguel J. D (2013), isang mag-aaral ng UP Diliman na nagsagawa ng dokumentaryo, “ Ang kababaihan ay tunay na nakararanas ng matinding kahirapan. Sila ay hindi ganap na malaya sa

kadahilanang hindi nila nakakamit nang sapat ang mga pangunahing pangangailangan at serbisyo ng estado. Ayon sa pagsusuri ay mayroon mga pagtatangka na kalabanin hindi lamang ang mga tradisyonal na papel na tinakda ng lipunan sa kababaihan kundi pati na rin ang mapang-aping sistemang patriyarkal na sumusupil sa kababaihan”. Kung tatanungin ang mga kabataan, may salita na hindi maganda na alam nila na inaangkop nila sa babae katulad ng “malandi”. Isa pang halimbawa ay ang mga bulgar na salita na sinasabi ng Pilipino na may hindi magandang kahulugan sa mg babae kung saan pati ang Presidente ay binibigkas ito sa nasyonal sa telebisyon. Kung kaya’t habang bata pa ay bigyan na ng kalinawaan ang mga bata tungkol sa ganitong isyu nang sa gayon sila ay magkaroon ng maayos na kaalaman pagdating sa ganitong aspeto.

Maraming pangyayari na kapag babae ang sangkot, marami ang nagsasabi na “babae kasi”. Kalakip ng pagiging babae ay ang pagtingin na sila’y mahina, hindi gaanong malakas, at maraming hindi kayang gawin. Sumasalungat ako sa kaisipang kapag babae ay mahina at limitado ang kakayahan. Maraming mga senaryo na babae ay nagpapakita ng kanilang kagalingan sa iba’t ibang larangan tulad ng pamumuno. Ayon kay Anne Marie Croteau, isang Dean sa Concordia University sa kanyang artikulo, Ang pagkilos ng mga babaeng pinuno na namamahala sa COVID-19 krisis sa bansang Denmark, Finland, Germany, Iceland, New Zealand, Norway, Iceland ay naging matagumpay at epektibo kumpara sa mga lalaking namumuno sa bansa. Unti-unti nang tumaas ang katayuan ng mga kababaihan kaya hindi maikakaila na mayroon na silang ginagampanang

mahalagang

papel

sa

lipunan.

Patunay

na

diyan

ang

tinaguriang

mga

pinakamakapangyarihang babae sa larangan ng politika na sina Miriam Defensor-Santiago, Imelda Marcos, Maria Corazon Sumulong Cojuangco-Aquino, at Gloria Macapagal-Arroyo (Castillio, 2012). Tayo ay namulat sa lipunan na mas superyor ang lalaki sa lahat ng bagay magmula sa trabaho, gawaing mekanikal, at kung ano-ano pa. Ngunit pinakita ng maraming kababaihan na kaya nilang gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kalalakihan at minsan ay higit pa. Sa isang pahayag ng Labor Department, patuloy na lumalawak ang pagitan ng bilang ng mga kababaihang nakakakuha ng mas matataas na posisyon sa trabaho kaysa sa kalalakihan. Batay sa datos, Noong 2006 naman umabot na lamang sa 1.613 milyong kalalakihan ang nasa parehong pwesto, samantala 2.257 milyon naman ang mga kababaihan (GMA News, 2007). Kailangang alisin sa sistema ng ating lipunan ang paglagay sa mga kababaihan sa isang sulok lamang. Sila ay nagpamalas ng katalinuhan, talento, kakayahayan sa iba’t-ibang aspeto kaya’t sila dapat ay hindi minamaliit. Iwasan ang diskriminasyon sa kasarian upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat maging sa karapatan na dapat nararanasan ng bawat isa. Ang mga babae ay likas na matapang at hindi dapat sinasabing babae lang, sila ay higit pa roon. Maraming matutulong ang mga kakabaihan sa pag-usbong ng pagbabago ng ating lipunan kung patuloy na kikilalalin ang kanilang potensyal sa lipunan.

Mga Sanggunian: Danao, K. (n.d.). " ANG MGA KABABAIHAN SA MGA PILING LARANGAN NG LIPUNAN: ISANG DOKUMENTARYO”.https://www.academia.edu/28929683/_ANG_MGA_KABABAIHAN_SA_MGA_PILING _LARANGAN_NG_LIPUNAN_ISANG_DOKUMENTARYO_

Miguel, J. D. (2013, April 8). Docu (women) tary: a textual analysis on the similarities and differences in the representation of women in poverty in I-Witness and Kodao documentaries - iskomunidad. Iskomunidad. https://iskwiki.upd.edu.ph/index.php/Docu_(women)_tary:_a_textual_analysis_on_the_similarities_and _differences_in_the_representation_of_women_in_poverty_in_IWitness_and_Kodao_documentaries#.V sxtu_l97re Castillo. (2012, September 16). Ang Kababaihan Sa Bagong Herasyong Pilipino. Filipino: Wika’t Panitikan. https://filipinopanitikan.wordpress.com/2012/09/16/ang-kababaihan/

Croteau, A. (2020, May 13). Why women leaders are excelling during the coronavirus pandemic. The Conversation.

https://theconversation.com/why-women-leaders-are-excelling-during-the-coronavirus-

pandemic-138098 GMA News Online. (1970, January 1). Mas maraming babae na ang nasa mataas na pwesto sa trabaho DOLE | News |. https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/54073/mas-maraming-babae-naang-nasa-mataas-na-pwesto-sa-trabaho-dole/story/...


Similar Free PDFs