Sample Pormal na Sanaysay PDF

Title Sample Pormal na Sanaysay
Course Information Technology
Institution Mindanao State University
Pages 2
File Size 58.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 63
Total Views 136

Summary

Pormal...


Description

PORMAL NA SANAYSAY “Ikaw? Saan ka Patungo?” Ni Nichole Beatrize V. Obillo Dito sa ating daigdig ang buhay ng isang tao ay parang hagdan lamang. Minsan tayo’y paakyat kung saan nauuna ang paghihirap bago pa makamit ang kaginhawaan, at pababa kung saan ay nauuna ang kaginhawaan patungo sa kahirapan kung saanika’y babagsak at habang buhay mong pagsisisihan ang nagawang desisyon. Iisa lamang ang tanong ko, ikaw? Sa buhay mo, saan ka patungo? Isa lamang ang sagot diyan, at dalawa lamang ang maaaring pagpilian iyon ay ang pataas o pababa. Kung ako ang papipiliin ay siyempre gusto kong pataas. Hindi na bale kung mahirapan man ako sa una basta’t alam ko na makakamit ko ang aking adhikain at ninanais sa buhay. Ang pagsubok ay hindi nawawala sa ating buhay, sapagkat tayo’y sinusubok lamang ng ating Panginoong lumikha upang tayo’y matuto at manalig sakanya. Siya ay lagi nating kaakibat sa lahat ng problema’t kahulilip ang kanyang pagmamahal sa atin. Sa aking buhay ay marami na rin akong pinagdaanan at sigurado akong ikaw rin, diba? Walang taong nabubuhay sa laging masayang pamumuhay, gaya nga ng sabi nila na ang buhay ng tao ay parang gulong minsan nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim ngunit nakadepende lang yan sa gusto ng tao. Wala ring taong perpekto, minsan nga’t tayo’y nadadapa at nawawalan ng pagasa para bumangon muli, ngunit ang tanging lumikha ba sa atin ay nawawalan din ng pag-asa na tayo’y muling patawarin sa hindi na mabilang na naging kasalanan natin? Ang sagot sa tanong na iyan ay, hindi. Basta’t tayo’y marunong humingi ng kapatawaran at magapatawad sa ating kapwa ay hindi tayo mawawalan ng pag-asa kapag tayo’y makakaranas ng matinding dagok sa buhay. Malayo-layo na rin ang ating binabagtas, at marami-rami na rin ang ating natututunan at naranasan pero sapat na ba ito upang tayo’y mapagod sa hiram na buhay na ipinagkaloob sa atin? Kung marami na tayong pinagdaanan sa buhay ay mas marami pa ang dapat nating maranasan at mararanasan pa. Tanging ang lumikha lamang ang makakapagdesisyon kung kailan niya babawiin ang buhay na ipinahiram sa atin at wala tayong karapatan na magreklamo o mapagaod sa buhay na mayroon tayo ngayon. Kung nagsumikap ka ba naman ay hindi ka makakaranas ng matinding aghihirap sa buhay. Sa aking hakbang pataas ay kaulayaw ko rin ang aking mahal na pamilya, sila ang mga unang tao na sumoporta sa akin. Sila rin ang nagturo sa akin na manalig sa Panginoon sa oras ng kasayahan,kalungkutan at kahirapan. At sa aking paghakbang pataas para makamit ko ang aking pangarap at makapagtapos sa pagaaral ay dumaranas ako ng matinding pangungulila sa aking mga mahal sa buhay. Malayo man sila sa akin ngunit gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang sila’y aking mapasaya. Habang pinagpapatuloy ko ang aking hakbang pataas ay marami pang tao ang nakapagpahina ng aking loob at nakapagpasakit ng aking damdamin. Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa na labanan ang mga taong naging hadlang sa aking pinapangarap dahil alam kong iyon ay malalampasan

ko. Lagi ko ring pinapanalangin sa Panginoon na huwag akong pabayaan na malulong sa kahit ano mang bisyo o temptasyon sa buhay. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang tuluyan ko nang makamit ang aking adhikain sa buhay. Kaya’t hanggang ngayon ay humahakbang pa rin ako pataas upang marating ko ang liwanag na naghihintay sa akin doon. Pipilitin kong hindi ako mahuhulog pababa dahil lamang sa naging mali kong desisyon kung saan naroroon ang kadiliman at hindi ko mawari kung ano naroon sa madilim na iyon. Ngunit kung kagustuhan man ng Panginoon na ako’y mapupunta sa baba ay handa akong tanggapin iyon. Dahil handa rin akong magsimula ulit ng panibagong hakbang paitaas sapagkat alam ko na mas maganda ang plano ng ating Panginoon kesa sa ating mga pinaplano sa buhay. Kailangan lang nating manalig sakanya. Muli, uulitin ko aking tanong.Ikaw? Saan ka patungo?...


Similar Free PDFs