Repleksibong sanaysay PDF

Title Repleksibong sanaysay
Course Filipino
Institution Aldersgate College
Pages 1
File Size 59.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 103
Total Views 759

Summary

Repleksibong Sanaysay Tungkol sa Pamilya(Seven Sundays)Ang pamilya ang isa sa pinaka importante sa buhay natin. Ang magkaroon ng buo at masayang pamilya ay isang biyaya. Ito ang gagabay sa ating landas at takbuhan sa anumang pagsubok. Ang pamilya ang ating kakampi. Ngunit paano na lamang kung ang pa...


Description

Repleksibong Sanaysay Tungkol sa Pamilya (Seven Sundays)

Ang pamilya ang isa sa pinaka importante sa buhay natin. Ang magkaroon ng buo at masayang pamilya ay isang biyaya. Ito ang gagabay sa ating landas at takbuhan sa anumang pagsubok. Ang pamilya ang ating kakampi. Ngunit paano na lamang kung ang pamilyang ito ay magkawatak-watak? Paano na nga lang ba kung ang pinangarap mong isang masaya at buong pamilya ay maglaho na parang bula dahil sa biglaang pagkawala ng isang miyembro ng pamilya, ang ilaw ng tahanan? Maibabalik pa ba ang dating samahan ng mga natirang miyembro ng pamilya? Ang ibang kabataan o ang mga anak ay napapariwara ang buhay sa kadahilanang ang pundasyon ng kanilang pamilya ay mahina at walang pagkakaisa. Ang pagkawatak-watak ng pamilya ay nagdudulot ng pagkasira ng buhay at paglihis sa nararapat na gawin. Maibabalik pa nga ba ang matibay na samahan? Simple lang, maibabalik ito kung nanaisin ng bawat miyembro ng pamilya. Ito ay nakadepende kung paano mo pahalagahan ang salitang pamilya. Sa loob ng pamilya kailangan ng bawat miyembro nito ang pagmamahalan dahil ang pagmamahalan ay ang siyang magiging pundasyon ng isang masayang pamilya. Pero paano kung ang pundasyon mismo ang naglaho? Paano kung yung pagmamahal mismo ang nawala? Simple lang, matuto tayong mag patawad, matuto tayong mag “move on” at matuto tayong ibalik muli ang pagmamahalan na nawala. Dahil kahit pag balik-baliktarin man ang mundo pamilya at pamilya pa rin tayo. Iwan man tayo ng lahat, talikuran man tayo ng mundo ang pamilya nandyan sa likod natin para tanggapin pa rin tayo. Ang isang tao ay bahagi ng kaniyang pamilya. Kahit siya ay may sarili ng pamilya, may magandang trabaho, may barkada, o ano pa man, mananatili siyang ama o anak, pamangkin o apo, sa loob ng kaniyang pamilya. Kaya wag maging sarado ang mga puso gawin mo lahat ng makakaya mo para sa pamilya dahil sinasabi ko nasa huli ang pag sisisi baka mamalayan mo na lang na isang araw napagtanto mo na dapat pala pinahalagahan mo na sila nung mga panahong nandyan pa sila at patuloy na ginagabayan ka. Ang pelikulang “Seven Sundays” ang isa sa nagturo sa akin kung paano pahalagahan ang pamilya. Kung paano ibalik ang dating saya at pagmamahal sa bawat isa. Ito ang nag bigay sakin ng repleksiyon sa kabila ng mga pagsubok o hinanakit ko sa aking pamilya, na sa bandang huli, sila parin ang aking makakasama. Natutunan ko sa pelikulang ito na dapat matutunan natin ang magpatawad na kahit gaano man kaliit o kalaki ang isang kasalanan ng bawat isa gumagaan kapag natuto tayong pakawalan ang dapat nating pakawalan lalo na kung sa ikabubuti ng samahan ng ating pamilya. Dahil hindi natin hawak ang oras at kasiguraduhan ng bawat isa sa pamilya kaya habang nandiyan pa at nakakasama mo pa, patawarin mo na. At mas natutunan ko pang mahalin ang aming pamilya lalong-lao na ang aking ama at ina na siyang gumabay sa akin sa mundong ito. Mas natutunan kong pahalagahan ang samahan naming magkakapatid at alisin ang inggit bagkus suportahan sila sa kanilang nakamit o kung ano pa ang mayroon sila na wala ako. Natutunan kong tanggapin ang kanilang pagkakamali at aking pagkakamali na hindi na dapat pang husgahan kundi tanggapin at tulungan ang isa’t isa. Huwag pairalin ang pride dahil dadalhin lamang tayo nito sa ikasasama natin. Patuloy tayong mag patawad at magmahal laong-lalo na kung para sa ating pamilya....


Similar Free PDFs