Sanaysay Examples PDF

Title Sanaysay Examples
Course Bachelor of Science in Accountancy
Institution University of Mindanao
Pages 3
File Size 60.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 278
Total Views 565

Summary

SANAYSAY: “Kahalagahan ng Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Karapatan at Pagsasamahan” Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang ninakawan ng Kalayaan. Sinakop at pinagkaitan ng mga bagay na likas sa tao. Ang mga mananakop ay ang mga Espanyol, Amerikano, at mga Hapones. Nang dahil dito, lalong lumaganap ang...


Description

SANAYSAY: “Kahalagahan ng Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Karapatan at Pagsasamahan” Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang ninakawan ng Kalayaan. Sinakop at pinagkaitan ng mga bagay na likas sa tao. Ang mga mananakop ay ang mga Espanyol, Amerikano, at mga Hapones. Nang dahil dito, lalong lumaganap ang hindi pagkakapantay-pantay ng bawat isa. Sa pagitan ng kapwa Pilipino, Espanyol at Pilipino, Amerikano at Pilipino, at Hapones at Pilipino ay mayroong hindi pagkakapantay-pantay. Binawasan rin ang ating karapatang pantao. Karapatang bigay ng Panginoon upang maipahayag at mailathala ang ating damdamin at kaisipan. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, ang pagsasamahan ng Pilipino ay sin’tayog ng isang matibay na puno. Na sa kabila ng lahat ng pinagdaan, patuloy paring kumakapit sa liwanag at umaasang mawawala rin ang unos na kinakaharap. Sa madaling salita, ang pagsasamahan ng mga Pilipino ay hinding-hindi matitibag kahit kailan. Ngayon, atin namang talakayin ang kahalagan ng Kalayaan, Pagkakapantay-pantay, Karapatan, at Pagsasamahan. Unahin na natin ang Kalayaan. Ito ay isang gintong bagay na pinagkaloob ng isang demokrasyang bansa sa mga mamamayan. Kung mayroon ka nito, Malaya mong magagawa ang bagay na gusto mong gawin ng buong puso hanggat hindi ito lumalabag sa batas ng bansa. Napakaimportante ng may Kalayaan o pagiging malaya. Walang dumidikta sa mga bagay na gusto at hindi mo gustong gawin, na para bang isang mumunting ibon na may kalayaang magdesisyon kung kailan siya lilipad. Kaya sana, ating bigyang pansin ang kahalagahan nito. Huwag tayong gagawa ng isang bagay na angg epekto ay pagkawala ng ating kalayaan. Gaya ng pagnanakaw at pagpatay na hahantong sa pakakakulong sa rehas. Lalo na ngayon na maraming tao ang gumagawa ng mga bagay na labag sa batas. Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon gaya ng; kalayaang makapag-aral, makahayag ng ating damdamin, at kalayang tuparin ang pangarap ay utang natin sa’ting ma bayani. Dumako naman tayo sa kahalagahan ng pagkakapantay-pantay. Bigyan muna natin ito ng kahulugan. Ito ay pagkakaroon ng parehong pagtingin sa bawat isa. Walang diskriminasyong lilitaw sa mata ng bawat isa. Isang magandang halimbawa nito ay ang gender equality. Hanggang sa ngayon, marami paring

diskriminasyon sa pagitan ng lalaki, babae, at ang nasa LGBTQ+ Community. Imbis na dapat tanggapin sa lipunan, marami ang nagbababa ng tingin sa kanila, na para bang hindi sila tao. Ang diskriminasyon rin sa mababang pagtingin sa kababaihan ay dapat mawala. Marami na ang nagpatunay na ang kayang gawin ng kalalakihan ay kaya rin nila. Kung mayroong pagkakapantay-pantay sa bawat klase ng tao sa lipunan, tiyak akong uusbong ang lipunan at lilinang an mga bagay na tumigil sa palinang. Ang pagkakapantay-pantay ay isa ring daan upang matagpuan sa dulo ang pagkakaisa. Sa kabilang dako, ang Karapatan ay parang isang kalayaan ngunit may kaibahan. Ang kalayaan ay paggawa ng kahit anong gusto at kaya mon gawin lahat. Samantala, ang karapatan ay ang paggawa ng gawain na pwede mong Gawain. Para itong may limitasyon sa kilos mo bilang tao. Mahalaga ang Karapatan ng bawat mamamayan. Dito nakapaloob an kanilang karapatang pantao. Kadalasan sa karapatang pantao ay ating tinatamasa at niyayakap sa ngayon. Halimbawa, karapatang makapasalita, makakain, karapatang makalahok sa mga kalinangan, pagkakapantay-pantay sa harap ng batas, at iba. Dapat nating matamasa at linangin ang mga ito dahil malaking tulong ito sa’tin buhay. Sa kasalukuyan, isa sa’ting karapatan ay ang pagpili ng kandidato na siyang magiging lider ng bansa. Ito pa laman, kinakailangan na natin itong gawin ng tama. Dapat tayong pumili ng isang politiko na ang inuuna ay bansa at mamamayan, hindi ang kanyang sarilig bulsa. Dumating na nga tayo sa huling yugto, ang pagsasamahan. Ang pagsasamahan ay ang pagtulong ng tao sa kapwa. Sa mga gawain at aktibidad na ang hatid ay kabutihang panlahat. Maraming umusbong na pagsasamahan sa ngayon. Pagsasamahan ng mga propesyonal, ng mga estudyante, at mga samahang panlipunan. Umuusbong ang samahan upang mapadali ang mga gawain at aktibidad. Dito, nagtutulongan ang bawat isa sa mga nangangailangan. Ang pagkakaroon ng samahan sa lipunan ay isang gawaing makatao at makabayan. Ito ay sa kadahilanang, ang pagsasamahan ay isang kamay na handang sasagip sayo sa oras ng kagipitan at sakuna. Nawa’y lahat ng mamamayan ay mayroong pagsasamahan at sinalihang samahan.

Samakatuwid, ang kalayaan, pagkakapantay-pantay, karapatan, at pagsasamahan ay nagsilbing pundasyon ng lipunan upang hindi matumba’t matinag sa mga balakid. Kalayaan, bilang isang ibon na handang ipaglaban ang pugad. Pagkakapantay-pantay, bilang isang tagasukat sa mga mali at tamang pagtingin sa tao. Karapatan, bilang isang kalasag na poprotekta laban sa mga nais mangharas sa’ting pagkatao. At pagsasamahan, bilang isang kabalyero sa ginintoang kaharian na handang tutulong sa mga nangangailangan....


Similar Free PDFs