Ang Lumbay ng Mga Lumad - sanaysay PDF

Title Ang Lumbay ng Mga Lumad - sanaysay
Course Elementary Education
Institution Tarlac State University
Pages 5
File Size 175.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 19
Total Views 516

Summary

Republika ng Pilipinas Tarlac State University KOLEHIYO NG EDUKASYON Lucinda Campus, Tarlac City Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982- Accredited Level III by the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the PhilippinesAng Lumbay ng mga LumadSanay say na isinulat ni Francis...


Description

Republika ng Pilipinas Tarlac State University KOLEHIYO NG EDUKASYON Lucinda Campus, Tarlac City Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110 Accredited Level III by the Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines

Ang Lumbay ng mga Lumad Sanay say na isinulat ni Francis A. Geologo (panitikang hinggil sa kahirapan)

Ipinasa ni: Reyes Vincent G. BTLE IA – 4A

Ipinasa kay:

Jobert Marlon A. Jotic

I.

A. Pamagat ng Katha-may-akda

   

Ang Lumbay ng mga Lumad ay Sanaysay na isinulat Francis A. Geologo. Si Francis A. Geologo ay…. Dating history department chairperson, Ateneo de Manila University Dating commissioner national historical commission of the philipphines Nagpapatimo sa mga kabataan ng halaga ng kasaysayan Nakikibaka sa mga Makabayan at mapagpalayang eduikasyon

Sanggunian o Aklat na Pinagkunan https://www.bulatlat.com/2019/09/03/ang-lumbay-ng-mga-lumad/

II. Buod Hindi na matapos- tapos ang mga bali-balita ukol sa ligalig na nararanasan ng mga lumad. Palagi na lamang itong ulat ukol sa pagpatay sa mga lider ng mga lumad, pagsasara ng mga paaralang at ang malawakang pagbakwit ng mga pamayanan at ang panggigipit sa mga lugar na pinagbakwitan ng mga ito.Ngunit ganun paman,, hindi parin maipagkakaila na marami pa rin ang hindi nakakakilala sa mga lumad. Kahit ang mga batayang teksbuk sa kasaysayan, bibihira lamang itong nabanggit bilang pambansang minorya sa iba’t ibang panahon. Ang mga lumad ang mga katutubong pangkat etniko ng Mindanao. Ito ay ang mga grupo ng Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Subanen, Tagakaolo, Tasaday, Tboli, Teduray, at Ubo. Isang exonym (katawagang pampangalan na nagmula sa labas) Ang katagang Lumad ay isang pagkilala sa kalagayan ng mga katutubo ng mga Mindanao. Alinsabay nito ang pagkilala sa partikularidad na kalagayan ng mga Moro gaya ng mga Tausug, Sama, Yakan, Maranao, Maguindanao, Subanen at Badjau – na kalimitang naiisip kapag taga-Mindanao ang binabanggit. Marami na ring mga ibat ' ibang grupong Kristiyano ang nagsipag datingan sa Mindao na itinuring na rin nilang sarili nilang tahanan. Ngunit sa katayuan ng mga lumad sa katutubo ng Mindanao sinasabing maraming pangangamkam ng lupa at pagpapaalis sa mga katutubo ang nagaganap dahilan na

rin na maraming hanap buhay at iba pang kaugnay na pagkuha ng mga likas yaman sa lupang ninuno. Pinaghihinalaan din ang mga katutubo na kasama sila sa mga rebeldeng kumakalaban sa pamahalaan kaugnay anv mga paaralang katutubo bilang mga institusyong nagsasanay para labanan ang pamahalaan. Dito na nag-ugat ang ilang mga sigalot na nagdulot ng pagkamatay ng mga katutubo, na nakakuha ng atensyon sa mga taga-Maynila na naglunsad ng kampanya upang tigilan ang tinawag nilang lumad killings. Ng magbalik ang mga lumad sa Mindanao , iginiit Ang kanilang hininaing sa pamahalaan. Ilang mga grupong Moro, Aeta na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, at mga Mangyan ng Mindoro na sumama sa Lakbayin ng mga Katutubo upang makiisa sa mga lumad at ipahayag na magkatuwang sila sa pagpukaw ng atensyon sa kalagayan ng mga katutubo sa Mindanao.Sa katunayan, sa unang gawa pa lamang ng pagbubuo ng kolonyal na pamahalaang Espanyol, marami nang katawagan ang nasambit upang maipakitang mabangis, marahas, magulo, mababa ang kalagayan ng mga katutubo. Naging malalim ang implikasyon ng klasipikasyon ng mga katutubo bilang mga ‘mababangis’ at ‘magugulo’ dahil pinatatag nito ang diskriminasyon sa pagtingin ng mga taga-patag sa ibang mga katutubong grupo. Kabilang ang mga Katutubo ang hindi tumatanggap sa sibilisasyong Amerikano. Dahilan na rin sa mababang pagtingin sa mga lumad at iba pang katutubo dahil sa mga patakarang kolonyal. Walang pagkilala sa karapatan at kakanyahan ng mga katutubo na pamahalaan ang kanilang sarili kaya itinuring ng Census na ang mga ‘sibilisado’ lamang ang binigyang karapatan sa pamamahala. Kung tutuusin, lahat naman ng mga mamamayan sa Pilipinas ay katutubong Pilipino, subalit dahil sa mga patakarang kolonyal, nagkaroon ng paghahati ang lipunan at naging mababa ang pagtingin sa mga katutubo. Ang kawalan ng kaunlaran, ang pagiging iba ng kalinangan, wika, gawi, paniniwala – ang kalimitang binabanggit bilang batayan kung bakit iba ang mga katutubo sa nakararaming mga Pilipino. Ang pwersahang paglipat ng relihiyon, pagtanggap sa Kristiyanong kalinangan, ang pagiging ‘makabago’ tulad ng mga nakatanggap ng pananakop – mga patakarang pawang naglalayon ng asimilasyon at integrasyon ng mga katutubo sa kultura ng nakakarami – ang mga isinulong na patakaran sa mga katutubo.Subalit ang asimilasyon at integrasyon ng mga katutubo ang siyang magiging ugat ng suliranin sa pagbura ng kultura ng mga katutubo. Kung magiging katulad na ng iba pang mga taga-patag na Kristiyano ang mga katutubo sanhi ng ‘pag-unlad’ o ‘development’ na ipinapahayag ng mga nasa pamahalaan, ano na ang mangyayari sa katutubong kultura, paniniwala, kalinangan, wika, at pamamaraan ng pamumuhay ng mga lumad, ng mga Moro, ng mga taga-Kordilyera at ng mga Mangyan? Ano ang pag-unlad kung mabubura naman ang kanilang lipunan dahil lalamunin lamang ito ng mga kalinangang kanluranin?Maraming insidente ng karahasan na ang nararanasan ng mga lumad. Pinipilit silang magbakwit sa kanilang sariling pamayanan. Pinapasarhan ang kanilang mga paaralan. Ginagawang minahan ang kanilang

lupang ninuno. Nagiging lugar ng digmaan at militarisasyon ang kanilang mga bayan. Nang idulog ng mga lumad ang kanilang kalagayan sa pamamagitan ng lakbayan, sinalubong ang paglalakbay ng mga lumad sa Kamaynilaan kamakailan ng karahasan ng sandatahang lakas at pulisya. Muli, napuna ang kalagayan ng naratibo ng mga katutubo sa pambansang naratibo. Karahasan ang nagiging tugon sa mga hiling ng mga lumad na kilalanin ang karapatan bilang pambansang minorya. Muli, lumabas na naman ang naratibong ‘marahas’, ‘mabangis’, ‘salvaje’ at ‘cimarron’ ang mga katutubong nagpoprotesta kaya kailangang tapatan sila ng kapangyarihan ng estado upang maging ‘payapa’ at ‘sibilisado’ ang kanilang pag-iral. Marami pang mapait na pamana ang ating kasaysayan na kailangan nating kaharapin upang makilala kung sino talaga ang ‘sibilisado’ at ‘mabangis’ sa ating lipunan.

III. Pagsusuri A. Uri ng Pampanitikan Ang Lumbay ng mga Lumad ay sanaysay na anyong pampanitikan na naglalahad ng mga kontemporayong usapin at paksian sa nagbabagong mundo. Ang mahalaga sa anyong ito ang pagbabahagi ng manunulat ng kanyang karanasan at dipa namamalayang pananaw ukol sa nababago niyang paligid kaya maiituturing ituong makabagong anyo.

B. Tayutay Pagwawangis – maraming katawagan ang ang na sambit upang maipakitang mabangis, marahas, at magulo(tiyakang naghahambing)

IV. Sariling Reaksyon A. Pananalig Pampanitikan/Teorya •

Sosyolohikal- ipakita ang kalagayan at suliranin panlipunang kinabibilangan ng may akda.



Realismo- pagtatala ng ibat’t ibang mukha ng buhay.

C. Bisang Pampanitikan 3. Bisang Pampanitikan Bisa sa Isip – Tumatak sa aking isip na paano na lamang kung tuluyan ng lamunin ng pag unlad at hilahin ang mga kapatid na Lumad sa kapatagan katulad na lamang sa mga ibang mga kapatid nating katutubo na nakapag adap sa buhay sibilisado ng mga pilipino, mapapanatili at

maipagpapatuloy pa kaya nila ang kanilang mga tradisyon at mga paniniwala kung masasakop na sila ng pag unlad? Bisa sa Damdamin – Nakakalungkot lang na ang mga katulad lang nating tao ay hindi naituturing bilang tao at halos ihalintulad na sila sa mga hayop, pinapa alis sa kanilang sariling tirahan, tinatanggalan ng karapatan, at at parang mga mababangis na hayop kung ituring at walang puwang dito sa ating bansa, nakakaranas ng karahasan, naiipit sa mga digmaan, at karahasan lamang ang nakuha ng hilingin na kilalanin ang kanilang Karapatan, nakakalungkot man ngunit ito ang katotohanan Bisa Kaasalan – Isang pagpaparating sa atin na anoman ang kulay ng ating balat, ano man ang antas ng ating buhay, unat o kulot man ang buhok ay parapareho tayong may karapatan dito sa mundo, karapatang mabuhay, mamili at ituring bilang tao, kaya huwag basta mang yurak ng pagkatao ng iba dahil lamang sa paniniwala nila o itsura man nilay iba. Bisa sa Lipunan – Pare-pareho tayong mamamayan, pare-parehong may karapatan sa buhay, irespeto ang bawat isa at igalang kung ano paniiwala ang meron sila, para pareho lang tayong tao, pantay pantay, hindi tayo nakakataas at walang karapatang mangyurak ng pagkatao ng iba, naway maging patas at pantay ang tingin ng lipunan sa bawat isa lalong lalu na sa mga kapatid nating katutubo

Tagasuri: Reyes Vincent G. BTLE IA -4A...


Similar Free PDFs