Ang Katamaran ng Pilipino DOCX

Title Ang Katamaran ng Pilipino
Pages 2
File Size 16.6 KB
File Type DOCX
Total Downloads 125
Total Views 456

Summary

Ang sanaysay ni Jose Rizal na “Katamaran ng mga Pilipino” o mas kilala bilang La Indolencia de los Filipinos ay tungkol sa pagiging tamad ng mga Pilipino. Ayon sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, ang paratang sa atin bilang tamad ay may katotohanan . Isa sa mga rason kung bakit nagging ...


Description

Ang sanaysay ni Jose Rizal na "Katamaran ng mga Pilipino" o mas kilala bilang La Indolencia de los Filipinos ay tungkol sa pagiging tamad ng mga Pilipino. Ayon sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, ang paratang sa atin bilang tamad ay may katotohanan . Isa sa mga rason kung bakit nagging tamad ang mga Pilipino ay dahil sa mainit na klima sa Piliinas. Nahihirapan ang mga Pilipinong kumilos dahil sa sa matinding sikat ng araw na nakakasakit na sa balat ng mga Pilipino. Naging tamad din ang mga Pilipino dahil sa pagsakop ng Kastila. . Dati ay malayo tayong nakakapagsaka at ang ani na ating nakukuha ay buo nating nakukuha. Subalit ng pagdating ng mga Kastila ay makakapagsaka lamang tayo kung may pahintulot tayyo at kung magtatanim naman ay maliit na halaga lang naman ang salaping kanilang nakukuha. Natuto din silang maging pabaya dahil sa sapilitang paggawa . Hindi na nagging tiyak and landas ng kanilang buhay kayat hinahayaan na nila ang mga nangyayari sapagkat alam nilang wala naman silang laban sa mga kastila. Dahil din sa pagmamalabis ng mga gobernador and encomendero ay namatay ang sigla ng mga Pilipino na kumilos at gumawa ng pagkakabuhayan. Dati din ay naniniwala anf mga Pilipino sa mga Kura Paroko na nagsasabi na ang mga mayayaman ay hindi mapapapunta sa langit kapag ito'y namatay. Natanim nito sa isipan ng gma Pilipino na hndi dpat sila gumawa ng paraan para yumaman. Isa pa dito ay inasa na lang ng mga Pilipino sa swerte ang kanilang buhay sa pamamagaitan ng pagsusugal kaya't lalo silang nababaon sa kahirapan. Ngunit ang isa pinaka rason ng pagiging tamad ng mga Pilipino ay ang pagkawala ng nasyonalismo dahil mdaming karapatan ang pinagkait sa kanila. Tinamad ang mga Pilipinong makipagusap at makipgugnayan sa mga ibang tao na naninirahan sa Pilipnas. Ilang taong man nakalipas ang sanaysay na ito ay masasabi pa rin nating totoo kahit nasa bagaong henerasyon na tayo. Una dito ay ang ebolusyon ng teknolohiya. Dahil sa magandang teknolohiya na tinatamasa ngmga Pilipino ngayon maraming kabataan ngayon ang nagging tamad na sa pagpunta sa mga silid aklatan at museo upang magsaliksik ng knilang mga pagaaral at takdang aralin. Mas ninanais pa nilang magbukas ng kompyuter kaysa magbukas at magbasa ng libro. Naging tamad na rin ang mga Pilipino sa paggaa ng telegrama dahil sa panahon ngayon isang text at email lang ay maipapadala na nito ang iyong mensahe. Isa pa ditto and mga makabagong makinarya. Maraming empleyadong nawawalan ng trabaho dahil kaya na ng mga makinarya ang kayang gawin ng mga tao. Naging tamad na din ang mga mahihirap na Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatan sapagkat namulat na sila sa mundo na mayayaman lamang...


Similar Free PDFs