ANG Lisyang Edukasyon NG Pilipino Autosaved PDF

Title ANG Lisyang Edukasyon NG Pilipino Autosaved
Author Patricia Kaye Caguimbal
Course Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino
Institution Polytechnic University of the Philippines
Pages 15
File Size 134.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 295
Total Views 688

Summary

ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINORenato ConstantinoAng edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagnanais magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampalutika, at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isa sa mga bansang ganito kung kaya’t ang ating edu...


Description

ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino

Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagnanais magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampalutika, at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isa sa mga bansang ganito kung kaya’t ang ating edukasyon ay nararapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa mga suliranin ng bayan, mga lunas sa mga suliraning ito, mayroong malasakit sa bayan at lakas ng loob na kumilos. Ang unang paksa ay patungkol sa Makabayang Pagkilos sa Edukasyon. Sa paksang ito ay tinalakay ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor na siyang binigyang linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Dito ay isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Ipinaliwanag dito na mayroong mga organisasyon at indibidwal na may kaniya-kaniyang ipinaglalaban sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad na lamang ng mga Pilipinong mangangalakal na sumusuporta sa patakarang Pilipino Muna, mga iskolar at ekonomista na iminumungkahi ang paglaya ng ating ekonomiya, at ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura gawa ng larangan ng sining. Bagaman marami sa ating mga lider sa edukasyon ang abala sa pagtatalakay at pagtatalo tungkol sa mabuting paraan at kasangkapan ng mahusay na pagtuturo, wala pa ring pagkilos na ginagawa ang mga pinuno ng pamantasan upang maging makabayan ang ating edukasyon. Sa ikalawang paksa ay itinalakay ang mga Bagong Pag-unawa kung saan binigyang linaw ang pagbabagong bunga ng ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ang pagkilos na ito ay naging anyo ng nasyonalismong pangkabuhayan at pampulitika kung saan ay nagtangkang baguhin ang mga kamaliang nagawa ng mga naunang lider. Subalit patuloy pa ring binabakas ng nakararami na ang mga sundalong Amerikano ang kanilang naging unang mga guro at bahagi ng hukbong sumakop sa ating bayan na tila ba hindi nila alam na ang sistemang pang-edukasyon at pilosopiya sa likod nito ay

angkop lamang sa panahon ng

kolonyalismong Amerikano at sadyang iniakma sa

pangangailangang pampulitika at pang-ekonomiya ng kolonyalismong ito. Sa sumunod na paksa na Ang Pagbihag sa Kaisipan ay sinasabi na ang pinakamabisang paraan ng paglupig sa isang bansa ay ang pagbihag sa kaisipan nito. Itinalakay dito ang pagsakop ng mga Hapones sa bansang Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan sinasabi na hindi manlang nasindak ang mga Pilipino sa malagim na paghahari ng rehimeng Hapones at ito ay nagtulak lamang upang higit na kasuklaman ng mga Pilipino ang mga Hapon. Sinasabi rito na kung nagtagal ang mga Hapones sa Pilipinas ay hindi malabo na ang mga batang kanilang pinag-aral ay maging matibay na haligi ng kanilang planong ipailalim ang buong Silangang Asya sa kanilang kapangyarihan. Bukod pa rito, binigyang diin din sa paksang ito na ang edukasyon ay nagsilbing sandata sa mga digmaan para sa pagsakop ng mga bansa at ang pangunahing dahilan ng malawakang paglulunsad ng Amerikanong sistema ng paaralang publiko sa Pilipinas ay ang paniniwala ngm mga pinunong militar na walang ibang hakbang bukod sa edukasyon ang makapagpapalaganap ng kapayapaan sa buong kapuluan. Ang ikaapat na paksa ay Ang mga Ugat ng Edukasyon Kolonyal. Sinabi rito na ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyalismong Amerikano ay isang kasangkapan ng patakarang kolonyal kung saan kinakailangang turuan ang mga Pilipino na maging sunod-sunuran sa mga patakarang ito. Ginamit ng mga Amerikano ang edukasyon upang maakit ang mga mamamayan sa mga bagong panginoon at upang mapalabnaw ang kanilang diwang makabayan na katatapos pa lamang magtagumpay laban sa dayuhang kapangyarihan. Ang pagpapakilala ng Amerikanong sistema ng edukasyon ay isang pailalim na hakbang upang lupigin ang matagumpay na nasyonalismo. Sa ikalimang paksa na Ang Amerikanong Bise-Gobernador ay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon para sa mga Amerikano bilang isang kasangkapan ng pananakop, ito ay ayon sa Jones Act na nagkaloob ng mas malawak na pangangasiwa ng mga Pilipino sa gobyerno. Bagaman inihahanda ang mga Pilipino para sa kanilang pangangasiwa sa kanilang sariling gobyerno, hindi kailanman ipinagkatiwala sa kahit sining Pilipino ang kagawaran ng edukasyon. Higit pa rito, tiniyak din ng Jones Act na

pangulo ng Estados Unidos ay hihirang ng isang bise-gobernador ng Kapuluan ng Pilipinas na magtataglay ng lahat ng kapangyarihan ng Gobernador-Heneral sakaling maging bakante ang gayong puwesto. Tinalakay din dito ang panahon na sumakamay sa isang Pilipino ang kagawaran ng edukasyon sa panahon ng Commonwealth ay nalikha na ang isang bagong henerasyon ng mga “Pilipinong-Amerikano” kung saan hindi na kinailangang magmasid ng Amerikano sapagkat nahubog na ang isang bihag na henerasyon na nag-iisip at kumikilos na mandi’y mga Amerikanong kayumanggi ang balat. Subalit hindi ito nangangahulugan na walang saysay ang lahat ng turo ng mga Amerikano sapagkat natuto tayong bumasa at sumulat sa Ingles kung saan ay natuto tayong makipagtalastasan sa ibang bansa, lalo na sa bansang Estados Unidos. Ang isang edukasyong pangmasa gaya ng gustong pairalin ng Amerikano ay talagang mabuti kung hindi lang sana nila ginamit ang kanilang programang pang-edukasyon na pangunahing kasangkapan ng kanilang patakarang kolonyal. Ang ikaanim na paksa ay tinalakay ang mga Layunin ng Edukasyong Amerikano. Sinabi rito na ang sistemang pang-edukasyon ay hindi itinatag ng mga Amerikano para sagipin sa kamangmangan ang mga Pilipino bagkus ito ay iniakma sa masaklaw na layunin ng kanilang pagsakop sa bansa gaya ng mga layuning pangkabuhayan at pampulitika. Higit pa rito ay upang sanayin ang mga Pilipino na maging mamamayan ng isang bansang sakop ng Estados Unidos. Sa kabila ng pagpapahayag ng mga opisyal na Amerikano na sinakop nila ang Pilipinas dahil sa mga dakilang layuning ipagtanggol at gabayan ito, nagdudumilat ang katotohanang ang sambayanang Pilipino ay isang bansang sakop nila na ang kalakarang pambansa ay kailangan nilang iakma sa kalakaran ng kanilang pananakop. Ang paksang Isang Bayang Inihiwalay sa Kanyang Kahapon ay tumalakay sa una at pinakatusong hakbang ng planong gamitin ang edukasyon bilang isang kasangkapan at patakarang kolonyal ay ang pasiyang gamitin ang Ingles bilang wikang panturo. Ang wikang Ingles ay nagsilbing isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan at nang lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at sa masa kung saan dinala ang mga Pilipino sa isang naiiba at bagong daigdig. Sa pamamagitan ng librong Amerikano, hindi lamang natuto ng bagong wika ang mga Pilipino. Natutuhan din nila ang isang bagong sistema ng pamumuhay na ibang-iba sa

kanilang nakamihasaan. Kasabay nito, naging simula rin ito ng kanilang lisyang edukasyon.

Sapagkat ang kanilang pagkatuto’y hindi na bilang mga Pilipino kundi

bilang mamamayan ng isang bansang sakop ng dayuhang kapangyarihan kung saan kinailangan nilang alisin ang kanilang mga makabayang mithiin sapagkat dapat silang maging mabuting mamamayan ng isang kolonyang bayan. Kasabay nito, bilang masugid na tagasunod ng bagong kalakaran, kinakailangang kalimutan ang mga nakaraan at itakwil ang mga makabayang adhikain upang mabuhay nang matiwasay kundi man maginhawa sa ilalim ng kaayusang kolonyal. Ang ikawalong paksa ay ang tampok ang Pangkabuhayang Pananaw. Itinalakay dito na ang kontrol ng sistemang pangkabuhayan ng sakop na bansa ang batayan ng kapangyarihan ng mananakop. Malupit ang mga paraang ginagamit ng ibang imperyalistang bansa sa pagsasagawa nito di tulad ng Estados Unidos na pino at namumukod-tangi

ang

pamamaraan.

Inilalarawan

na

ng

ating

mga

aklat-

pangkasaysayan ang bansang Amerika bilang isang mapagkawanggawang bansa na pumunta dito para lamang sagipin tayo sa Espanya at bahaginan ng biyaya ng kalayaan at demokrasya. Ang halos kawalan natin ngayon ng pag-unawa sa mga motibong pangkabuhayan ng Estados Unidos at sa pananatili ng mga interes nito sa ating bayan ang pinakamalinaw na katibayan ng tagumpay ng kolonyal na edukasyong ipinagkaloob sa atin. Higit pa rito, binigyang pansin din ang larawang iginuhit ni Amorsolo na may isang nakangiting magsasakang matipuno ang katawan at isang magandang dalagang nayon na lalong nagiging kaakit-akit sa suot niyang patadyong. Kasama sa larawan ang isang kalabaw at magandang bahay kubo. Ito ang larawan ng Pilipino na itinatanim ng ating edukasyon sa isip ng ating kabataan na pumipinsala sa ating bayan sa dalawang paraan. Una, pinatitibay nito ang paniniwalang ang Pilipinas ay para talaga sa agrikultura na hindi natin mababago at hindi dapat baguhin kung saan ito ay nagbunga ng pagwawalang-bahala sa industriyalisasyon. Pangalawa, hindi ipinapakita ng ulirang larawang ito ng buhay sa kabukiran ang kahirapan, ang mga karamdaman, ang kahungkagan ng kultura, ang nakababagot na buhay nayon, ang mapamahiin at mangmang na buhay sa mga atrasadong pamayanan. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng edukasyong Amerikano, ang mga Pilipino ay hindi lamang natuto ng bagong wika;

hindi lamang nila nakalimutan ang sarili nilang wika; sila’y naging mga bagong klaseng Amerikano. Unti-unting lumukob sa kanila ang buhay-Amerikano. Ang ating pagpili ng mga bagay na binibili ay hinubog ng mga kalakal na gawa ng Amerikano na malayang pumapasok sa ating bayan nang walang buwis. Sa paksang Pagtatanim ng mga Amerikanong Institusyong Pampulitika ay tinalakay ang Amerikanong kaisipang pampulitika na siyang nagbunga ng pagtayo ng mga Amerikanong institusyong pampulitika sa Pilipinas. Hindi naging madali sa mga Amerikano ang pagtatanim ng kanilang mga institusyong pampulitika sa bansa sapagkat sa kagustuhan nila itong gawin ay gusto rin nilang mapanatili ang pagkakasakal sa mga Pilipino. Dahil dito, iginiit nila sa mga Pilipino ang mga institusyong pampulitikang nakabuti sa mamamayang Amerikano. Ang mga katutubong institusyon na sana’y sinibulan ng mga katutubong demokratikong kaisipan at balangkas panlipunan ay nasupil. Kung kaya naman nasusuklam tuloy tayo sa mga bansang nagpupunyaging mapaunlad ang sarili nilang mga institusyong pampulitika ayon sa mga pangangailangan ng kanilang mamamayan na hindi sumusunod sa mga pamamaraang pampulitika ng Kanluran. Ang sumunod na paksang Pangangailangan ng Maling Pagsusuri ay binigyang-pansin ang mga bagong paghiling ng kalayaang pangkabuhayan at ang paggiit ng karapatan nating magpasiya sa sarili na siyang nagtutulak sa ating mga pinuno sa edukasyon na muling suriin ang kanilang pilosopiya, ang kanilang kaisipan at ang kanilang pangkalahatang oryentasyon sa paghubog ng mga Pilipinong magtatatag, magtataguyod at mangangalaga ng makabayang layunin. Ang edukasyon ay hindi lamang dapat tingnan bilang isang proseso ng pagpapalaganap ng impormasyon kundi bilang paraan ng paghubog sa tao para mahusay niyang magampanan ang papel niya sa lipunan at maging kapakipakinabang sa lipunang yaon na kanyang kinabibilangan. Samakatuwid, ang edukasyon ay hindi maaaring ihiwalay sa lipunan. Ang ikalabing-isang paksa ay patungkol sa Pagtataglay ng Kanluraning Pananaw kung saan binigyang-diin ang kaibahan ng Estados Unidos at ng Pilipinas. Sinabi na ang Estados Unidos ay isang bansang ang ekonomya ay nakabatay sa industriya. Ito ay isang bansang ganap nang maunlad. Kolonyal ang ekonomya ng ating bansa. Sa madaling sabi, atrasado ang ating ekonomya at hindi pa maunlad. May

masigla at matingkad na kultura ang Estados Unidos. Ito’y isang bansa na ang mga institusyong pangkultura ay malayang umunlad nang walang balakid mula sa ibang bansa. At ang bigkis nito sa kanyang katutubong kultura ay malinaw at ipinagmamalaki sapagkat walang dayuhang lakas na sumapaw dito na sumira at nagpalabo sa kanilang nakaraan at naglayo sa mamamayan sa kanilang minanang kalinangan. Ang Estados Unidos ay panginoon sa kanyang bansa sa lahat ng larangan: pangkabuhayan, pampulitika, at pangkultura.

Dahil dito, natural lang na hindi bigyang diin ng

edukasyong Amerikano ang uri ng nasyonalismong kailangan nating mga Pilipino. Sa halip, ang

internasyonalismo

ang

higit nitong

pinagtuunan

ng

pansin. Ang

internasyonalismo ay isang wasto at dakilang kaisipan ngunit kapag itinanim ang kaisipang ito sa mga mamamayang walang damdaming makabayan o nakalimutan na ang sariling kabansaan, ito’y magbubunga ng hindi masusukat na mga pinsala. Ang sumunod na paksa, Mga Pilipinong Maka-dayuhan ay tinalakay ang mga Pilipino na siyang ipinagmamalaki ang mga dayuhang nagkamal ng kayamanan sa ating bansa at ipinagkakapuri ang kanilang tagumpay. Ikinalulugod nating marinig sa mga dayuhan na ang ating bayan ay isang paraiso ngunit hindi man lamang sumagi sa ating isip na ito’y paraiso para lamang sa kanila at hindi para sa nakararami sa ating mamamayan. Higit pa rito, maraming Pilipino ang tumutol sa mga makabayang batas na sa isang banda ay dahil sa pagiging kasangkapan nila ng mga dayuhang interes at sa kabilang banda, dahil sa kanilang maling paniniwala na tayong mga Pilipino ay hindi uunlad nang walang tulong ng dayuhang puhunan at ng dayuhang mangangalakal. Halos hindi itinuturo sa mga paaralan ang pagkamakabansa. Oo nga’t itinuturo ang pagkamakabayan subali’t humahangga lamang ito sa makitid at mababaw na pagmamahal sa bayan tulad ng paggalang sa watawat, pagpuri sa kagandahan ng kabukiran at iba pang mga walang saysay na pagpapakita ng kabansaan. Ang binibigyang diin sa pag-aaral ng ating kasaysayan ay ang mga nagawang tulong sa atin ng mga kolonyalista. Ang mga kalupitan at katiwaliang nagawa ng mga Amerikano sa mga unang araw ng kanilang pananakop ay ikinubli ng paimbabaw na kabaitan. Hanggang ngayon ay ipinalalaganap ang alamat ng pagkakaibigan at natatanging paguugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos para maikubli ang mga di-makatarungang ugnayan ng dalawang bansa. Sa pagkahubog sa ganitong klase ng edukasyon itinuring

ng Pilipino na isang biyaya ng maykapal ang pagiging kolonya ng ating bayan sa loob ng maraming daang taon. Kaya, hindi na dapat ipagtaka na matapos nating makamit ang kalayaan ay nakalimutan itong ipagtanggol. Sa ikalabing-tatlong paksa na Ang Suliranin ng Wika ay tumalakay sa usapin ng wika bilang pinakamalaking problema sa sistema ng edukasyon. Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng katutubong wika sa edukasyon. Subalit dito sa atin ay masyadong malalim ang pagkagumon sa kolonyal na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas maraming Pilipino ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na hindi mabubuhay ang mga Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles. Talagang nakalulungkot na ang katutubong wika ay itinuturo hanggang sa ikalawang baytang lamang. At hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas ang usapin kung ito ay gagamitin sa mas mataas na mga baytang ng pag-aaral. Malawak at malubha na ngayon ang mga masamang epekto ng paggamit ng wikang Ingles. Ang kasunod na paksa ay tungkol sa Hadlang sa Demokrasya. Sa paksang ito ay tinalakay na napakakitid ng pagkakataong mag-aral sa panahon ng kolonyalismong Espanyol kung saan kakaunti lamang sa mga Pilipino ang nakapag-aral. Ang mga nakapag-aral na ito ay tinaguriang ilustrado na siyang bumubuo sa piling uri. Sa isang banda ay masasabing alipin sila ng edukasyong Kastila. Marami sa mga ilustradong ito ang mga unang sumuko at nakipagsabwatan sa mga Amerikano na naging mga unang lider ng mga Pilipino sa maagang bahagi ng kolonyalismong Amerikano na sa paglaon ay hinalilihan sila ng mga produkto ng edukasyong Amerikano. Isa sa pinalalabas na dahilan ng paggigiit ng wikang Ingles bilang wikang panturo ay ang pagiging wika ng demokrasya nito umano. Sa pamamagitan umano ng wikang ito ay matutuntunan ng mga Pilipino ang kalakaran ng buhay-Amerikano na pareho ang pagtrato sa mahirap at mayaman at pantay ang karapatan ng bawat tao. Ngunit kabaligtaran nito ang nangyari. Patuloy na umiral ang uring ilustrado. Subalit, tulad ng mga maka-Kastilang ilustrado, sila’y naging matibay na tagapagtaguyod ng bagong kalakaran sa bansa. Ang wikang Ingles ay lumikha ng agwat sa pagitan ng mga nasa poder at ng masa. Naging simbolo

ito ng mataas na katayuang panlipunan at ang katutubong wika ay itinuring na mababang klaseng wika. Kaya, ang Ingles na tinitingnang wika ng demokrasya ay siya mismong hadlang sa pag-unlad ng demokrasya sa ating bayan. Ang ikalabing-limang na paksa, Mga Balakid sa Pag-iisip ay tumalakay sa paggamit ng dayuhang wika bilang sagabal sa pagtuturo. Kung saan, sa halip na tuwirang matuto ang bata sa pamamagitan ng katutubong wika, kailangan muna niyang matutuhan ang wikang banyaga, isaulo ang talasalitaan, mabihasa sa tunog, indayog at banghay ng mga salita na pagkatapos ay isinasaisantabi lamang paglabas ng paaralan. Iminumungkahi rin nito na sana ay ituro ang dayuhang wika matapos mabihasa sa sariling wika. Sa kabila ng katotohanang ang wikang pambansa ay nauunawaan na ngayon sa buong kapuluan walang nagkalakas ng loob na igiit ang paggamit nito bilang wikang panturo dahil ito raw ay nangangahulugan ng bagong gastos at ng paggawa ng mga bagong aklat-aralin. Ang wikang banyaga bilang wikang panturo ay sagabal sa pagkatuto at sa pag-iisip dahil dapat munang masanay ang mag-aaral sa bagong mga tunog, tono, at mga bagong balangkas ng pangungusap. Hirap na hirap tayong magusap sa wikang Ingles pero hindi rin tayo makapag-usap nang mahusay sa sarili nating wika dahil ganap natin itong napabayaan. Ang wika ay kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa pagunlad naman ng kaisipan ay umuunlad ang wika. Ngunit kapag ang wika ay naging sagabal sa pagiisip ang pag-iisip ay nabubunsol o nababaog na magbunga naman ng pagkabunsol na kultura. Samakatuwid ay wika ang pangunahing suliranin. Ipinakikita ng karanasan na mas madaling matuto ang mga bata sa pamamagitan ng katutubong wika kaysa Ingles. Mapatutunayan ito ng tala ng Kawanihan ng Paaralang Pampubliko. Gayunman, hindi sapat na maging wikang panturo lamang ang pambansang wika. Maraming iba pang usapin na dapat nating pagtuunan ng pansin. Sa ikalabing-anim na paksa, Ang Pribadong Sektor ay tinalakay na bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mababa ang tingin ng mga nagsipagtapos sa paaralang publiko sa mga nagtapos sa mga pribadong paaralan sapagkat ang mga paaralang ito ay hindi salamin ng mas mahusay na pagtuturo kundi sumasalamin ito ng mas mataas ng katayuang panlipunan. Nangyari na naging hamak ang mga paaralang publiko. Naging paaralan na lamang ito ng mahihirap na

estudyante. Iyong mga may-kaya, o iyong mga nagkukunwaring may-kaya, ay sa mga paaralang pribado pinag-aaral ang kanilang mga anak kung saan ito ay nagbunga ng paglakas ng pribadong edukasyon. May dalawang pangyayaring agad na ibinunga ang paglakas ng pribadong edukasyon: Una ay ang komersiyalisasyon o pagiging negosyo na lamang ng edukasyon. Nauwi ito sa pagbagsak ng kalidad ng edukasyon dahil sa kakulangan ng pasilidad ng mga paaralang publiko at komersiyalisasyon naman ng mga paaralang pribado. Pangalawa, lumaki ang ilang paaralang pribado na pagaari at pinatatakbo ng mga dayuhan na ang mga kursong agham panlipunan ay hawak ng mga dayuhan. Ang awtonomya ng mga pribadong institusyon ay maaaring gamitin para wasakin ang mga makabayang adhikain lalo na kapag ang pag-aari ng paaralan at ng mga kursong agham panlipunan ay hawak ng dayuhan.

Palalabuin lamang ng

awtonomya ng mga pribadong paaralan ang mga makabayang adhikain sa pamamagitan ng paninira ng dayuhan o sa komersiyalisasyon ng edukasyon. Ang kasunod na paksa ay patungkol sa Iba pang mga Daluyan ng Edukasyon kung saan nagpapakaloob ng iba’t ibang aspeto na siyang nagwawasak ng sistemang pang-edukasyon tulad na lamang ng mass media at mga instrumentong pangkultura. Ang mga pananaw ng mga Pilipino ay sinisira ng mga balita, pelikula at iba pang mga kagamitang pangkultura na halos galing lahat sa Estados Unidos na na...


Similar Free PDFs