Ang Kaugnayan ng Pilosopiya sa Paghubog ng Sosyolohiyang Pilipino Ang Pagsasama, Paghihiwalay, at Muling Pagbabalikan ng Sosyolohiya at Pilosopiya 1 DOC

Title Ang Kaugnayan ng Pilosopiya sa Paghubog ng Sosyolohiyang Pilipino Ang Pagsasama, Paghihiwalay, at Muling Pagbabalikan ng Sosyolohiya at Pilosopiya 1
Author Gerry Lanuza
Pages 1
File Size 116 KB
File Type DOC
Total Downloads 597
Total Views 681

Summary

Ang Kaugnayan ng Pilosopiya sa Paghubog ng Sosyolohiyang Pilipino Ang Pagsasama, Paghihiwalay, at Muling Pagbabalikan ng Sosyolohiya at Pilosopiya 1 A. Panimula Hindi mapapasubalian na ang mga nagsipagtatag ng sosyolohiya ay pawang mga pilosopo, o kung hindi man, ay gumamit ng makapilosopikal na ana...


Description

Ang Kaugnayan ng Pilosopiya sa Paghubog ng Sosyolohiyang Pilipino Ang Pagsasama, Paghihiwalay, at Muling Pagbabalikan ng Sosyolohiya at Pilosopiya1 A. Panimula Hindi mapapasubalian na ang mga nagsipagtatag ng sosyolohiya ay pawang mga pilosopo, o kung hindi man, ay gumamit ng makapilosopikal na analisis para bumuo ng kanilang teoryang panlipunan.2 Nariyan halimbawa si Auguste Comte,3 ang ama ng modernong sosyolohiya na pinagmulan ng kilusang pasitibismo sa pilosopiya,4 nariyan si Karl Marx5 na naghubog sa dayalektikong pilosopiya ng kasaysayan at lipunan, nariyan din si Max Weber6 na gumamit ng pilosopiya ng mga neo-Kantians para sagutin ang mga paniniwala ng mga bulgar na sosyalista ng kanyang panahon, at siempre nariyan din si Emile Durkheim7 na naghubog sa pasitibistang oryentasyon sa pag-aaral ng lipunan. Mapapansin sa mga talang ito na lahat ng mga sosyolohistang ito ay gumamit ng tahasan ng maka-pilosopikal na pagsusuri upang bumuo ng kanilang mga teoryang panlipunan. At hindi natin makita sa mga gawa ng mga sosyolohistang ito ang tunay na hangganan ng pilosopiya at sosyolohiya. Nang sinabi, halimbawa, ni Max Weber na ang pangunahing metodo ng pag-aaral ng lipunan ay ang verstehen, ay hindi malinaw kung ito ba ay metodo ng hermeneutics o ng interpretive sociology (Abel, 1948). Nang banggitin ni Karl Marx and tungkol sa pagkakaiba ng "appearance" at "reality", hindi malinaw kung ito ba ay tumutokoy sa epistimolohiya o sa metodo ng kanyang agham pangkasaysayan (Morrison, 1994; Geras, 1982). Ganon din naman kay Durkheim, nang ipakita niya na ang lipunan ay umiiral kahiwalay ng mga taong bumubuo rito, na ito ay "reality sui generis," ay hindi rin malinaw kung ito ba ay isang empirikal na asersyon o isang metapisikong pahayag (Hund, 1982). Kaya nga sabi ng ilang mga mananalaysay ng kaisipang Kanluranin na nagsimula ang sosyolohiya bilang isang pilosopiyang panglipunan o "social philosophy" (Martindale, 1960; Westby, 1989; Becker at Barnes, 1961).8 May nagsasabi rin na ang sistemang ipinundar ni Comte ay hindi talaga sosoyolohiya, 173...


Similar Free PDFs