Ang Iba’t Ibang Epekto Ng Online Memes Sa Kalusugang Pangkaisipan Ng Kabataang Pilipino Sa Panahon Ng Covid-19 Pandemic PDF

Title Ang Iba’t Ibang Epekto Ng Online Memes Sa Kalusugang Pangkaisipan Ng Kabataang Pilipino Sa Panahon Ng Covid-19 Pandemic
Author J. Fegalan
Pages 32
File Size 2.4 MB
File Type PDF
Total Downloads 73
Total Views 242

Summary

Ang Iba’t Ibang Epekto Ng Online Memes Sa Kalusugang Pangkaisipan Ng Kabataang Pilipino Sa Panahon Ng Covid-19 Pandemic Nina Maria Balagat Juan Miguel Fegalan Geri Gimeno Pananaliksik-Proposal FIL012 Bb. Ma. Jayanne Mapugay Balagat, Fegalan, Gimeno 1 KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasay...


Description

Accelerat ing t he world's research.

Ang Iba’t Ibang Epekto Ng Online Memes Sa Kalusugang Pangkaisipan Ng Kabataang Pilipino Sa Panahon Ng Covid-19 P... Juan Miguel P Fegalan

Related papers

Download a PDF Pack of t he best relat ed papers 

Ang Iba’t Ibang Epekto Ng Online Memes Sa Kalusugang Pangkaisipan Ng Kabataang Pilipino Sa Panahon Ng Covid-19 Pandemic Nina Maria Balagat Juan Miguel Fegalan Geri Gimeno

Pananaliksik-Proposal FIL012 Bb. Ma. Jayanne Mapugay

Balagat, Fegalan, Gimeno 1 KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan Panimula Sa kasalukuyan, mapapansin na ang kabataan ay gumagamit ng mga online memes sa iba't-ibang social media. Ayon kay Cora Llamas, ang mga Pilipino ay ang pinaka-aktibo sa paggamit ng social media. Ang karaniwang paggamit ng Pilipino nito ay 3 oras at 53 minuto habang ang karaniwang paggamit ng lahat ng tao sa mundo ay 2 oras at 24 na minuto. Ipinapaalam din ng mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay ginawa noong Enero 2020 at isinasaalang-alang ang epekto ng pandemya sa pagtaas ng mga datos na ito.

Sa isang artikulo na isinulat ni Emily Dixon, ipinapakita na ang mga Pilipino ay gumugugol ng pinakamaraming oras sa mga online platforms. Noong 2018, binansagang bansa na may pinakamaraming mga gumagamit ng internet. Ang Pilipinas ay gumugol ng mahigit-kumulang sampung oras at dalawang minuto sa isang araw sa internet noong 2018.

Sa paglipas ng panahon, mahalagang gawin prayoridad ng mga Pilipino ang pag-aalaga ng kalusugan nila sa panahon ng pandemyang COVID-19. Kasama na dito ang pag-aalaga ng kalusugang pangkaisipan, o mental health, dahil ito ay katapat ng pag-aalaga ng katawan laban sa sakit. Batay sa World Health Organization, walang kalusugan kung walang kalusugang pangkaisipan. Dahil sa kawalan ng pisikal na komunikasyon, labis din ang paggamit ng mga tao ng social media at internet. Ayon kay Nortajuddin, ang mga Pilipino sa isinagawang pagsisiyasat ay may pinakamalaking porsyento na tumaas sa kanilang gamit ng social media simula noong COVID-19 quarantine. Ito ay nagbigay daan sa pag-usbong ng online memes sa Pilipinas at sa buong mundo.

Balagat, Fegalan, Gimeno 2 Sa pag-aaral na ito, susuriin ng mga mananaliksik kung ano ang pangunahing damdamin at kilos ang naidudulot ng mga online memes; at ang mga epekto nito sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataang Pilipino. Sa huli, makikita din ang epekto ng online memes sa komunikasyon at kultura ng mga kabataang Pilipino kahit nakatuon ito sa epekto sa kalusugang pangkaisipan nila. Upang matulungan ang mambabasa, tutukuyin ng mga mananaliksik ang ugnayan ng mga importanteng terminolohiya tulad ng “online memes”at “kalusugang pangkaisipan”, ang kahulugan ng online memes bilang isang komunikasyon na nagbabahagi ng damdamin at kaisipan na relatable sa mga tao, at kung ano-ano ang itinuturing positibo at negatibong online memes.

Sa pangkalahatan, nais ipakita ng mga mananaliksik na ang mga epekto ng online memes ay nakadepende sa kalagayan ng kalusugang kaisipan ng tao, na ngayon ay lumala dahil sa pandemya. Nais din ilahad sa mga mambabasa na ang paggamit ng online memes sa social media upang maging mulat sa mga kasalukuyang pangyayari ay bahagi pa din ng entertainment.

Ang paglikha ng salitang meme ay ginawa ni British evolutionary biologist Richard Dawkins sa kanyang libro noong 1976 na The Selfish Gene. Binigyan-kahulugan niya ang salitang to bilang “isang yunit ng paghahatid ng kultura” (Gil). Matapos ang ilang dekada ng pagsibol ng konseptong ito, nagbunga sa pag-aaral na tinatawag na memetics o ang pag-aaral na gumagamit sa isang teoryang ebolusyong nakabase sa mga ideya, kasanayan, ugali, at mga kwento na isinalin sa ibat-ibang tao sa kultura ay nagiging pangalawang replicator (Blackmore 255-272).

Balagat, Fegalan, Gimeno 3 Ang salitang meme ay nagbago mula sa pagiging isang terminolohiya sa akademya, hanggang sa isang mahalagang aspeto ng internet culture ngayon. Ang online memes ngayon, ayon kay Gil, ay viral o relatable na imahe, bidyo, o teksto na nagbabahagi ng komentaryo tungkol sa kulturang simboliko, ideyang panlipunan, o kasalukuyang pangyayari.

Ang isang sanggunian sa pananaliksik ay isang siyentipikong pag-aaral na ginawa ni Diaz tungkol sa pagbibigay ng isang pormal na kahulugan ng online memes ngayong ika-21 na siglo. Ang resulta sa kanilang cross-analysis ng mga iba’t ibang perspektibo tungkol sa kahulugan ng salita sa larangan ng memetics ay ang online memes ay “ (Ang online memes ay) Isang yunit ng impormasyon na kumokopya sa pamamagitan ng pagpasa sa Internet sa hugis ng hyperlink, bidyo, litrato, o salita. Maaari itong maipasa bilang isang eksaktong kopya o maaaring magbago at magbago. Ang pagbabago sa pagtitiklop ay maaaring sa pamamagitan ng kahulugan, pinapanatili ang istraktura ng meme o kabaligtaran (97)”.

Ang online memes ay kumakalat sa pamamagitan ng mga plataporma sa social media kagaya ng Facebook, Instagram, Twitter, YouTube, Tiktok, at iba pa. Malawak ang saklaw ng online memes; mayroong ibang kayang mapanatili ang mahabang panahon habang ang iba ay tinataglay sa isang pangyayari o panahon lamang. Mayroon din mga memes na nagiging relatable para lamang sa tiyak na grupo ng lipunan o edad. Dahil malawak ang saklaw ng mga online memes, may mga memes din na hindi hinahangad ng lahat ng tao at maaaring insensitive sa iba. Dahil dito, ang mga online memes ay sumisibol sa mga kabataang Pilipino ngayon.

Balagat, Fegalan, Gimeno 4 Balangkas Teoretikal Ang teorya na ilalahad para sa pananaliksik na ito ay ang epidemiologic theory of memes na isinulong ng mga kilala na memeticists kagaya nina Richard Dawkins at Susan Blackmore. Ang teorya na ito ay nagsasaad na ang mga memes ay maaaring ihalintulad sa isang epidemya na nagkakaroon ng sariling pamamaraan sa pagpapalitan, palitan at pagpaparami (Diaz 103). Gayon din, ang layunin ng mga memes ay kumalat at mag-replicate (Diaz 89). Lahat ng mga awtoridad sa larangan ng memetics ay sumasang-ayon, sa isa o ibang paraan, na dapat mayroon tatlong karakter ang isang memes upang ito ay maging matagumpay (Diaz 93). Ang tatlong ito ay unang ipinakilala ni Richard Dawkins na: longevity, fecundity, and copy-fidelity (Sanchez 3).

Ang copy-fidelity, o minsan din pinagpapalitan sa fidelity, ay mga katangian ng meme na nagbibigay-daan dito upang madaling makopya at maipasa mula sa isip patungo sa isip na medyo buo (Knobel at Lankshear 201) Sa konteksto ng online memes, ang karakter na ito ay makikita sa mga iba’t ibang reaksyon, komento, at pagkalat nito sa mga iba’t ibang plataporma sa internet (Sanchez 5). Ang mga online memes din ngayon ay mayroong iba’t ibang lebel ng kakayahang umangkop sa iba’t ibang kultural-panlipunang kapaligiran kung saan sila nagpapalaganap (Shifman 365). Ang halimbawa nito ay “Bakit hindi tinanggap ang mga OC ko” na nagpapakita din ng kapangyarihan ng mga online memes na mag-replicate sa isang grupo lamang (Diaz 97).

Ang fecundity ay ang rate kung saan ang isang ideya o pattern ay kinopya at kumakalat . Isang karakter din na pumapaloob dito ay ang susceptibility o ang oras na lokasyon na isang meme at ang pagiging bukas ng mga tao upang mahawaan ito (Knobel at Lankshear 202). Ang isang halimbawa ng kasalukuyang pangyayari dito sa Pilipinas ay ang “ninakaw na 15 bilyon ng

Balagat, Fegalan, Gimeno 5 PhilHealth” na ginagawa pa rin ng online memes hanggang ngayon. Sa pag-aaral din ni Knobel at Lankshear, natagpuan din nila na ang biro, mayamang uri ng intertekstwalidad, at mga nakamamanghang juxtaposition ay ang tatlo pang karakter na nag-iimpluwensya ng fecundity. Maaaring ipaloob sa fecundity ang sinabi ni Susan Blackmore na “mabisang paghahatid ng mga meme ay kritikal na nakasalalay sa mga kagustuhan, pansin, emosyon at pagnanasa ng tao” (Knobel at Lankshear 217).

Ang longevity ay ang konsepto kung mas matagal ang isang online meme, ay mas marami itong makopya at maipapasa sa mga sariwang isip (Knobel at Lankshear 202). Sa konteksto ng online memes, ang mga ito ay nakasalalay kapwa sa isang carrier at isang konteksto ng panlipunan kung saan ang tagahatid ay gumaganap bilang isang filter at magpasya kung ano ang maaaring maipasa. (Diaz 97). Ang mismong plataporma ng internet ay isang magandang lugar upang mapadali ang meme longevity (Knobel at Lankshear 209). Sa plataporma ng internet, mayroong mga memes na matagal na sa kanilang edad at tinatawagan ito bilang OG (original gangsta) kagaya ng Rick-rolling at Troll faces; habang mayroon ding mga memes na hindi na nagkakalat sa kasalukuyan o tinatawag na dead memes kagaya ng Chocolate Rain at Grumpy Cat. Kagaya lang ang sinabi ni Henry Jenkins “(tungkol sa memes) kung hindi ka kumalat, patay ka.” (Shifman 373)

Ang mga tao na gumagamit ng internet o social media ay may iba't-ibang kagustuhan sa katatawanan at interes. Dahil dito, ang mga social networking sites ay may tinatawag na algorithm na kung saan ginagamit ang analitika kung anong uri ng nilalaman ang kagustuhan, interaksyon na kanilang ginagawa sa internet, at mga komento at katanungan na madalas itanong

Balagat, Fegalan, Gimeno 6 ng madla (Barnhart 2019). Ang algorithm ay siyang bahala sa manggagamit kung saan itong grupo o bahagi nabibilang na nakadepende sa interes at kagustuhan.

Ang mga online memes ay malaking epekto sa internet sa lipunan, mula sa paghubog ng wika, sa kultura, at maging sa mga paniniwala. Ang kanilang kakayahang maipasa at kakayahang maabot ang isang malaking madla sa loob ng ilang minuto ay nangangahulugan na ang mga memes ay maaari ding magamit bilang mga kasangkapan sa pagpapalaganap na mga paniniwala o kasabihan na madaling itanim ang mga paniniwala na mabilis na naging popular sa mga gumagamit ng internet. Ayon kay Faucher at Chang, mayroong positibong at negatibong epekto ang online memes sa kalusugang pangkaisipan ng kabataan. Ito ay positibo sa paraan na ginagamit ang online memes bilang mekanismo ng pagkaya ng kabataan, habang ito ay negatibo sa paraan na nagkakaroon ng paguso at desensitization ang depression culture.

Mahalagang tingnan ang mga iba’t ibang uri ng online memes. Ang online memes ay maaaring magbahagi ng komentaryo tungkol sa pulitika, relihiyon, lipunan, o kasalukuyang pangyayari. Ayon kay McCollum, ang mga memes ay tsanel para sa importanteng impormasyon. May mga taong natututo ng kasalukuyang balita at isyu dahil lamang sa pagkalat ng online memes tungkol dito. Merong malaking kaibahan din sa mga damdaming buhat ng mga online memes; mayroong wholesome memes na sumisimbolo ng kaligayahan at kabutihan habang mayroong memes din na itinuturing dark humor na nagbabahagi ng katatawanan tungkol sa mga paksang seryoso o mahirap talakayin. Ang kalayaan ng mga kabataan na maka-access at maglathala ng mga content sa social media ay may mga panganib pagdating sa kalusugang pangkaisipan ng mga ito. Ang mga nilalaman ng social media tulad ng mga online memes na nakakaapekto sa kalusugang

Balagat, Fegalan, Gimeno 7 pangkaisipan ay nakakadagdag sa panganib sa mga kabataan tulad ng depresyon, pagkabalisa, kalungkutan, pananakit sa sarili, at pagpapakamatay.

Ang mga online memes ay may intertekstwalidad at mayroong kalidad upang maging madali para sa mga gumagamit na manipulahin ang mga imahe upang lumikha ng isang saklaw ng mga mensahe (Uyheng at Carley 445–468). Ang mga mensahe na ito ay madalas na ginagawang mga biro o humor; dahil dito mayroong kalayaan ang mga manggagawa ng mga online memes na manipulahin ang mga ito upang gumawa ng sensitibo at marahas na nilalaman. Isang halimbawa nito ay ang paggawa ng mga memes sa pamamaraan ng paggamit ng mga kamatayan ng anim na milyong (6,000,000) Hudyo noong pamamahala ni Adolf Hitler. Sa panahon ngayon, naging sensitibo na ang mga online users sa paggamit at paggawa ng mga memes sa pamamaraan ng paggamit ng mga tinatawag na trigger warnings. Ito ay mga babala sa nilalaman na pagtatangka na paalalahanan ang mga madla ng nilalaman na maaaring maging sanhi ng matinding pisyolohikal at sikolohikal (Johnston). Ang desensitization sa paggamit ng mga memes ay marahil na nangyayari sa pagkakalantad ng mga kabataan sa mga nilalaman na mga sensitibong materyal. Desensitization more specifically describes a process “by which initial arousal responses to violent stimuli are reduced, thereby changing an individual's 'present internal state'” (Carnagey, Anderson, & Bushman 491).

Bukod dito, ang mga tao ay may kalayaang maglahad ng kung ano mang gusto nila sa mga social media platforms. Ito ay bahagi ng Bill of Rights na nagsasabing,

Balagat, Fegalan, Gimeno 8 No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances. (PH const. article III. sec. 4) Buhat nito ang saklaw ng mga iba’t ibang paksa ng online memes tungo sa tao o grupo na gumagamit nito. Dahil dito, marami rin ang epekto ng online memes sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan.

Ang tatlong karakter ng isang matagumpay na online meme na sinabi ni Dawkins ay may kaugnayan sa isyu ng “reliability” na kaugnay sa masamang epekto ng memes tungkol sa karamdamang kaisipan (Macfarlane, 2020). Ang mga online memes ay nagsisilbing paraan upang ipahayag ng mga kabataan ang kanilang damdaming maaaring tungkol sa seryosong paksa. Buhat nito ang pagkalat ng memes tungkol sa problema ng kalusugang pangkaisipan. Ang pagkalat ng memes tungkol dito ay nagpapaginhawa ng mga tao na nakakaranas ng karamdamang kaisipan dahil ang mga memes ay kayang maglarawan na may ibang tao na dumadaan sa hambing paghihirap. Ngunit ito rin ay mapanganib sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataan dahil ang kasiyahan na buhat ng pag-uugnay sa mga memes na iyon ay maaaring lumala. Ito ay nangyayari dahil sa “relatability”; may mga kabataang gustong makahanap ng koneksyon hinggil sa kalungkutan o karamdamang kaisipan para sila ay maging bahagi ng grupong nag-uugnay sa mga memes na iyon. Ayon kay Macfarlane, But it is with the regular occurrence of these little moments, that a comical representation of mental illnesses becomes normalised. Those who are suffering begin to feel a satisfaction at being part of this community, or worse still, those who aren’t, desire to be part of the club, ultimately resulting in millions of likes and shares around the globe.

Balagat, Fegalan, Gimeno 9

Sa huli, ang mga online memes ay may kakayahang maging impluwensiyal sa pag-iisip, pag-uugali, at pagkilos ng tao at grupo ng tao sa lipunan (Knobel at Lankshear). Buhat nito ang mga epekto ng memes na maaaring isabuhay ng kabataan araw-araw. Hindi ito limitado sa humor lamang; ang mga online memes ay kayang mag-bigay impluwensya sa mga malalaking ideya. Ito ay mabisa sa pag impluwensya ng paraang pagsasalita, pagbibigay impormasyon, pagkilos sa harap ng ibang tao, at iba pa.

Paglalahad ng Suliranin Sa pananaliksik na may pamagat na “Ang Ibat-ibang Epekto ng Online Memes sa Kalusugang Pangkaisipan ng Kabataang Pilipino sa Panahon ng COVID-19 Pandemic” nais ng mga mananaliksik na matuklasan at maunawaan ang mga sumusunod: 1. Ano-ano ang mga epekto at paano nakakaapekto ang online memes sa kalusugang pangkaisipan, kultura, at komunikasyon ng mga kabataang Pilipino? 2. Ano-ano ang mga pangunahing nararamdaman ng mga kabataang Pilipino sa mga memes na may positibong tema? Sa mga memes na may negatibong tema? 3. Ano-ano ang mga pangunahing kilos o aksyon na nais gawin ng mga kabataang Pilipino sa mga memes na may positibong tema? Sa mga memes na may negatibong tema?

Paglalahad ng Layunin Nilalayon ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito na pinamagatang, “Ang Ibat-ibang Epekto ng Online Memes sa Kalusugang Pangkaisipan ng Kabataang Pilipino sa Panahon ng COVID-19 Pandemic” ang mga sumusunod:

Balagat, Fegalan, Gimeno 10 1. Matagpuan ang mga epekto at paano nakakaapekto ang online memes sa kalusugang pangkaisipan, kultura, at komunikasyon ng mga kabataang Pilipino. 2. Matagpuan ang mga epekto ng online memes sa mga karamdaman ng mga kabataang Pilipino sa mga memes na may positibo at negatibong tema. 3. Maintindihan at maunawaan ang mga pangunahing kilos o aksyon na nais gawin ng mga kabataang Pilipino sa mga memes na may positibo at negatibong tema.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nais ng mga mananaliksik na makapagbigay ng tulong at impormasyon sa mga sumusunod na sektor ng komunidad tulad ng mga sumusunod:

Sa mga taga-akademya na nag-aaral tungkol sa larangan ng memetics. Ang pananaliksik na ito ay nakakapag-ambag sa karagdagang kaalaman sa agham ng memetics. Sa paggawa ng pananaliksik na ito, magkakaroon na ng dagdag na sanggunian na pwede gamitin ng mga taga-akademya sa kanilang mga pag-aaral tungkol sa memetics. Nagbubukas din ang pananaliksik na ito sa pag-aaral ng memetics sa lokal na aspeto.

Sa mga guidance counselor at sikologo. Ang layunin sa kanilang mga trabaho ay matulungan ang mga tao sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Sa gayon, nararapat na sila na magkaroon ng malawak na kaalaman at ideya sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa mental health ng mamamayan. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman at pagbibigay payo sa epekto ng online memes sa kalusugang pangkaisipan ng mga kabataang Pilipino.

Balagat, Fegalan, Gimeno 11

Sa mga sosyolohista at antropologo. Ang layunin sa kanilang mga trabaho ay ang pag-aaral ng relasyon ng mga iba’t ibang aspetong sosyo-kultural sa mamamayan. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang kaalaman at pagbibigay payo sa epekto ng online memes sa mga panlipunang kombensiyon at kultura ng mga Pilipino.

Sa mga may kapansanan sa mental health. Ito ay tulad ng mga tao na may depresyon, pagkabalisa, ADHD, ADD, at iba pa. Ang pananaliksik na ito makakapag-bigay ng kaalaman kung paano naapektuhan ang mga online memes sa kalusugang pangkaisipan ang mga kabataan sa panahon ng pandemya. Magsisilbing karagdagan datos ang pag-aaral na ito upang matuklasan ang mga ibat-ibang epekto, positibo o negatibo, sa kalusugan ng karamihan upang sila ay maging ligtas.

Sa mga kapwa mananaliksik. Ang pananaliksik na ito na makapagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga susunod pang pananaliksik tungkol sa paggamit ng mga Kabataang Pilipino ng online memes, at ang mga relasyon nito sa kalusugang pangkaisipan, kultura, komunikasyon, at pandemya. Maaari nila gamitin ang pananaliksik na ito bilang sanggunian sa mga susunod na pag-aaral nila na may kaugnayan sa pananaliksik na ito.

Sa komunidad at pamantasan. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tulungan ang mamamayan upang mas maintindihan at maging bukas ang kanilang kaisipan ukol sa paksa ng epekto ng online memes sa kalusugang pangkaisipan. Mayroong kaisipan ang karamihan na

Balagat, Fegalan, Gimeno 12 isang dungis sa karangalan ang pagkakaroon ng kapansanan sa pangkaisipan - nais maihain ng pananaliksik na ang mental health ay isa sa mga malalaking isyu sa panahon ngayon.

Sa mga Kabataang Pilipino. Bilang sila ay ang pokus ng paksa ng pag-aaral, nararapat na magkaroon na may angkop na kaalaman sa epekto ng social media at online memes sa kanilang kalusugan. Ayon sa 2015 Global School-based Student Health Survey na isinagawa ng World Health Organization, halos labing-pitong (16.8) porsyento ang naapektuhan ng mental health issues (Paunan). Magsisilbi ang pananaliksik na ito bilang gabay sa kanila upang magamit ang mga online memes na may pag-iingat .

Sa kabuuan, nais makapaglatag ng perspektibo ang pag-aaral na ito upang makatulong sa pangangailangan ng mga kabataang Pilipino sa mga tuntunin ng kanilang kalusugang pangkaisipan. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing dagdag sa pag-aaral tungo sa pag-usbong ng lipunan sa usaping pangkalusugang pangkaisipan.

Saklaw at Limitasyon Sa pananaliksik na ito na pinamagatang “Ang Iba’t Ibang Epekto Ng Online Memes Sa Kalusugang...


Similar Free PDFs