Ang Panitikan sa Panahon ng Republika DOCX

Title Ang Panitikan sa Panahon ng Republika
Author Mcflorence Mariano
Pages 12
File Size 51 KB
File Type DOCX
Total Downloads 112
Total Views 248

Summary

Lit 1 Ang Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1986) A. Kaligirang Pangkasaysayan  Sumigla agad ang panitikang Pilipino pagkatapos na bumagsak ang kapangyarihan ng mga Hapon sa Asya. Marami ang nasabik sa pagsulat maging ito man ay sa Tagalog o Ingles. Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pa...


Description

Lit 1 Ang Panitikan sa Panahon ng Republika (1946-1986) A. Kaligirang Pangkasaysayan Sumigla agad ang panitikang Pilipino pagkatapos na bumagsak ang kapangyarihan ng mga Hapon sa Asya. Marami ang nasabik sa pagsulat maging ito man ay sa Tagalog o Ingles. Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin. Nagkaroon ng mga pangganyak o pang-akit sa mga manunulat na magsisulat tulad ng: o Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature o Republic Cultural Award o Gawad ni Balagtas Award o Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa o Talaang Ginto Lumawak ang kaalaman ng sining ng pagsulat ng maraming manunulat na Pilipino dahil sa pagbabasa nila ng mga akdang Amerikano, Ingles at iba pang bansa. Dalawang uri ng mga mambabasa: o intelektwal na mambabasa – mga nagbabasa upang madagdagan ang kaalaman at karaniwang nagbabasa ng Ingles o karaniwang mambabasa o masa – nagbabasa upang maglibang at kadalasan ay mga babasahing Pilipino ang binabasa Mga Samahang Pampanitikan na Itinatag o TANIW – Taliba ng Inang Wika o KADIPAN – Kapisanan ng Diwa at Panitik o KAMPI – Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino o Panitik ng mga Kababaihang Manunulat o Samahang Balagtas o PANITIKAN – ito ay samahang pampanitikan sa iba't ibang pamantasan at kolehiyo Mga Samahang Pampanitikan sa Ingles o Philippine Writer's Association o PETA – Philippine Educational Theater Association o Barangay Writer's Guild o Arena Theater o Dramatic Philippines Ang pansin ng mga manunulat na Tagalog ay nalipat sa pagsusulat ng mga aklat pampaaralan sa Pilipino. Nagsulat sila ng mga aklat na pambalarila at pampanitikan, kasama ang mga tula, sanaysay at maikling kuwento. Ang mga akda ng mga dakilang manunulat noong unang panahon ay nabuhay na muli sapagkat ang mga ito'y isinama sa mga babasahing pampanahon ng mga bagong manunulat. B. Katangian ng Panitikan sa Panahong ito ang naging paksa ng mga akda sa panahong ito ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, kahirapan ng pamumuhay noon, pamahalaang Hapon, at kabayanihan ng mga gerilya. Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, idineklara nya ang Batas Militar. Ito ang nagpasimula ng pagpapakilala ng Pangulo sa tunguhin ng kanyang pamahalaan na pagkakamit ng bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng...


Similar Free PDFs