Panahon NG Kastila PDF

Title Panahon NG Kastila
Course Business Combinations
Institution Manila Central University
Pages 1
File Size 45.1 KB
File Type PDF
Total Downloads 21
Total Views 139

Summary

Panahon Ng Kastila sa Pilipinas...


Description

PANAHON NG KASTILA Sa panahong ito, lalong nagkawatak-watak ang mga Filipino dahil matagumpay na nagapi at nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo. Ano nga ba ang mga pangyayari noong panahon ng kastila? Sa paanong paraan nila naimpluwesyahan ang ating wika? Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-unahang Kastilang gobernador-heneral. Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di sibilisado at pagano ang mga katutubo noon kaya’t itinuro ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo dahil mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika. Nailimbag ang mga unang akdang pangwika mula 1593 hanggang 1613. Ito ang; Doctrina Christiana (1593), Nuestra Senora Del Rosario (1602), Arte Y Reglas De La Lengua Tagala (1610), at Vocabulario De La Lengua Tagala (1613). Noong 1634, Si Gobernador Francisco Tello de Guzman ang nagmungkahi na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol at sina Carlos I at Felipe II ay naniniwalanag kailangang maging bilinggwal ng mga Filipino. Iminungkahing ituro ni Carlos I ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo noong ika-2 ng Marso, 1634 ngunit nabigo ang nabanggit na kautusan. Lumagda naman si Carlos II ng isang dikreto na inuulit ang probisyong nabanggit na kautusan. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito. Noong 1872, si Carlos IV ay lumagda ng isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ag wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatag sa pamayanan ng mga Indio. Dahil sa pananakop ng kastila, mas nagging sibilisado ang mga Pilipino dahil sa pagtuturo ng kristiyanismo. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, dumami rin ang mga naitayong mga simbahan sa bansa. Naging pormal rin ang sistema ng pag-aaral noong panahon ng mga Espanyol. Nagtayo ng mga paaralan ang iba't ibang mga misyonero na nagsilbing mga guro noong panahong iyon. Dahil sa mga pangyayari noong panahon ng Kastila, naging daan ito upang sumulat ng mga akda ang mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo at pagusbong ng iba pang panitikan....


Similar Free PDFs