Kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon PDF

Title Kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon
Course Komunikasyon Sa Akademikong Filipino
Institution Far Eastern University
Pages 8
File Size 176.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 99
Total Views 210

Summary

Kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon....


Description

Kalagayan o sitwasyon ng Wikang Filipino sa mga Kabataan sa Kasalukuyang Panahon: Isang analisasyon Bilang Pagtupad sa Isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang : Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang Filipino

Panimula: Tunay na napakahalaga ng wika sa pangaraw-araw na aspekto ng pamumuhay. Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.Sa kabila ng pagkakaroon ng ibat-ibang relihiyon, kultura at lugar na pinagmulan nagkakaisa parin dahil sa Wikang Filipino. Ang wikang ito ang sumasalamin sa kultura at lahi nating mga Pilipino. Ngunit sa pagpasok ng modernong panahon, kung saan laganap ang paggamit ng teknolohiya kagaya ng social media,pagcha-chat sa messenger, pagtetext sa cellphone at iba pa gamit ng mga gadgets, di natin maitatanging karamihan sa ating mga Pilipino lalo na sa mga kabataan ay naiimpluwensyahan na mula sa mga ito at tayo’y pilit ring umaangkop,nakikibagay at nakikisabay sa mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran lalong lalo na pagdating sa wika.Patunay dito ang paggamit ng mga iba’t ibang salitang nalilikha sa modernong panahon. Kagaya ng “jejemon”, “gay language” at mga salitang may halong Ingles (Taglish).At kalimitan rin ginagamit sa mga sitwasyon sa mga hugot lines,pick-up lines at fliptop. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat dito.Ngunit ang tanong ni Juan, ano na nga ba ang kalagayan o sitwasyon ng Wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon?

Wikang Filipino,Kumusta ka?

Kahalagahan ng Pag-aaral: Ang wikang ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao.Ito ay labis na napakahalaga sapagkat hindi uunlad ang isang ekonomiya kung walang wika. Malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod: 1.Administrasyon ng Paaralan (Guro): Dahil sa pag-aaral na ito, ito ang magiging daan upang mas palakasin ng administrasyon ng paaralan ang kanilang dapat gawin at kailangang ipatupad sa paaralan na may malaking ginagampanan sa paghuhubog ng mag-aaral sa wikang Filipino. 2. Mag-aaral:Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang malaman nila ang kalagayan ng Wikang Filipino at maging tulay sa kung ano dapat gawin upang suportahan ito. 3. Mamamayan. Dahil sa pag-aaral na ito, mabibigyan siya ng impormasyon ukol sa kahalagahan at kalagayan ng Wikang Filipino at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 4.Susunod na Tagasaliksik:Makakatulong ang pag-aaral na ito upang kanilang maging basehan at makapagbigay sa kanila ng ideya sa kung ano ang kalagayan ng wika sa panahon ngayon.

Sakop ng Pag-aaral: Ang layunin ng pag-aaral ay upang malaman ang kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Sa mga tuntunin ng paggamit ng wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang, ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pa-aaral ukol dito at para hindi malayo sa sentro ng paksa.Ginawa ito upang malaman ang pananaw ng mga kabataan na may Edad 13-19 .

Paraan sa Pagkuha ng Datos: Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsimula sa talatanungan na naglalayong malaman ang kalagayan o sitwasyon ng Wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon na una ng sinagutan ng mga tagasaliksik at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupanng mga tanong sa tanong na nais sagutin ng mga mananaliksik.Ang survey form ay ipinadala sa facebook messenger sa bawat kalahok o tagatugon at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento atinihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.

Talatanungan: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong kaugnay sa paggamit mo ng wika. 1.Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS?Maaari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?Ang SMS ba aya nakasulat sa A.Filipino B.Ingles C. Taglish? 2. Kailan ka huling na post ng status sa Facebook o Instagram?Naalala mo ba kung ano ang nilalaman ng huling post mo? Maaari mo ba itong isulat sa linya?Ang post mo ba ay nakasulat sa? A.Filipino B.Ingles C.Taglish? 3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?Anong wika ang ginamet sa palabas na ito?Mas madalas kabang manood ng palabas pantelebisyong nasa wikang Filipino? Wikang Ingles? 4. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? Anong wika ang ginamit sa pelikulang ito? Mas madalas kabang manoood ng pelikulang wikang Filipino? O Wikang Ingles? 5. Ano ang pinakahulig video sa youtube na pinanood mo?Ang video ba ay nasa wikang Filipino? O wikang Ingles? Wikang Taglish? 6. Ano ang huling blog na nabasa mo?Ang blog ba ay nakasulat sa wikang Filipino? O wikang Ingles? Wikang Taglish? 7. kalian ka huling nagbasa ng dyaryo o magasin?Ang binasa mo ba ay nakasulat sa Filipino? Ingles? Taglish? 8.Anong wika ang mas madalas ninyong gamitin sa inyong tahanan wikang katutubo sa inyong lugar? Filipino? Ingles? Taglish? 9.Sa alin-aling lugar mo higit na nagagamit ang wikang Filipino? 10.Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino? A.mahalagang-mahalaga

B.mahalaga

C.hindi gaanong mahalaga

D.hindi mahalaga

11.Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino? A.mahusay na mahusay

B.mahusay

C.hindi gaanong mahusay

D.sadyang di mahusay

12.Sa alin-alimg lugar mo naman higit na nagamit ang wikang Ingles? 13.Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles: A.mahalagang-mahalaga

B.mahalaga

C.hindi gaanong mahalaga

D.hindi mahalaga

14.Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles? A.mahusay na mahusay

B.mahusay

C.hindi gaanong mahusay

D.sadyang di mahusay

*Batay sa mga isinagot mo sa mga tanong,ano sa palagay mo ang sitwasyon o kalagayan ng wikang Filipino sa iyong sarili at sa inyong tahanan sa kasalukuyang panahon? Sagot: *Ano naman ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Ingles sa iyong sarili at sa inyong tahanan?Sagot:

Resulta: Upang lagumin ang lahat ng resulta at makakuha ng mas malinaw na sagot.Nilipon namin o Iginupro ang bawat katanungan na mayroong magkakaparehong sagot.Ipinapakita sa Talahanahayan, ang propayl ng mga tumugon sa pagsasaliksik.Bawat larangan ng sagot sa bawat katanungan. Resulta ng aming pananaliksik,napag-alaman namin na ang wikang Ingles, ang mayroong mas maraming sumagot sa unang larangan. Saikalawang larangan naman ng pag-aaral,ipiinapakita na sa paaralan higit na nagagamit ang wikang Ingles.Mahalagangmahalaga naman ang pagkatuto ng Wikang Ingles at Filipino. At sa huling larangan ,Halos lahat ng tagatugon ang nagsasabing sila ay mahusay sa pagsasalita ng Wikang Filipino at Ingles.. Propayl ng mga Kalahok sa Iba’t Ibang Larangan A.Filipino,Ingles,Taglish,iba Bilang ng mga Tanong

1 2 3 4 5 6 7 8 Kabuuan:

Bilang ng mga sumagot ng Filipino F 16 9 18 4 3 3 8 12 73

Bilang ng mga sumagot ng Ingles

% 53% 30% 60% 13% 10% 19% 38% 48% 34%

Bilang ng mga sumagot ng Taglish

F 5 16 4 17 18 10 6

% 17% 53% 13% 57% 60% 62% 29%

F 4 5 7 6 7 3 7

% 13% 17% 24% 20% 23% 19% 33%

76

42%

39

29%

Bilang ng mga sumagot ng iba F 5

% 17%

1 3 2

03% 10% 07%

13 24

52% 18%

B.Paaralan,Tahanan, Pagpunta sa ibang lugar,Iba pa Bilang ng mga Tanong

Bilang ng mga sumagot ng Paaralan

Bilang ng mga sumagot ng Tahanan

9

F 15

% 60%

F 7

% 28%

12 Kabuuan:

21 36

84% 72%

3 10

12% 20%

Bilang ng mga sumagot ng pagpunta sa ibang lugar F % 3 12% 3

Bilang ng mga sumagot ng iba

12%

F

%

1 1

04% 04%

C. Mahalagang-mahalaga, mahalaga, hindi gaanong mahalaga, hindi mahalaga Bilang ng mga Tanong

Bilang ng mga sumagot ng mahalagang-mahalaga

Bilang ng mga sumagot ng mahalaga

Bilang ng mga sumagot ng hindi gaanong

Bilang ng mga sumagot ng hindi mahalaga

mahalaga 10 13

F 25 20

% 83% 66%

F 5 10

% 17% 33%

Kabuuan:

45

75%

15

25%

F

D Mahusay na mahusay, Mahusay, Hindi gaanong mahusay, Sadyang di mahusay

%

F

%

11 14

F 11 4

% 38% 15%

Bilang ng mga sumagot ng mahusay F % 15 52% 15 56%

Kabuuan:

15

27%

30

Bilang ng mga Tanong

Bilang ng mga sumagot ng mahusay na mahusay

54%

Bilang ng mga sumagot ng hindi gaanong mahusay F 3 8

% 10% 30%

11

20%

Bilang ng mga sumagot ng sadyang di mahusay F %

Interpretasyon: Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang Kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang surbey o ang paggamit ng talatanungan (questionnaire),na ipinadala gamit ang messenger. Ang resulta ng questionnaire ay ang mga sumusunod: A.Ipinapakita sa Talahanayan na ang Wikang Ingles ang pinaka-ginagamit na wika na may 42% mula sa 76 na kabuuang tumugon .Hindi naman nalalayo ang wikang Filipino na may 34% mula sa 76 na tumugon.Sumuod ang Taglish o ang pinaghalong Tagalog at Ingles na may 29% mula sa 39 na kabuuang tumugon.At ang panghuli ay mga sumagot ng iba tulad ng Hnaggul o ibang wika na may 18% mula sa 24 na tumugon. B.Ipinapakita naman sa Talahanayan B ang mga lugar kung saan higit na nagagamit ang wikang tagalog at Ingles.Batay sa ginawang pananaliksik 72% ang nagsasabing sa paaralan nila itong higit na nagagamit.Sumunod ang Tahanan na may 20% mula sa 10 kabuuang tumugon.12% naman ang nagsasabing sa pagpunta sa ibat-ibang lugar nila higit na nagagamit ang wikang Ingles at 4% ang porsyento na sumagot ng iba. C.Sa Talahanayan C nakasaad naman dito kung gaano kahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles.Sa 45 na kabuuang tumugon 75% ang nagsasabing mahalagangmahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles.Mula naman sa 15 na kabuuang tumugon mayroong 25% ang nagsasabing mahalaga ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino at Ingles. D. Gaano naman kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles at Filipino ang nasa Talahanayan D.Kung saan may kabuuang 27% ang nagsasabing mahusay na mahusay sila sa pagsasalita ng wikang Ingles at Filipino.At 54% ang nagsasabing sila ay mahusay .20% naman ang nagsasabing hindi silagaanong mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles at Filipino.

Konklusyon: Sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.Malaki ang ambag ng wika upang tayo ay magkaunawaan,magkaintindihan at maipahayag ang ating mga nararamdaman.Ngunit sa pagpasok ng makabagong panahon tila naimplewensyahan na tayo sa ibat-ibang aspekto lalo na sa wika.Kapansin pansin ito sa mga kabataan na nabansagan pa namang mga “pag-asa ng bayan”,tila sila na ang mga hayop at malansang isda na tinutukoy ni Gat.Jose Rizal. Kaya naman sinikap ng mga mananaliksik na lumikom ng mga datos upang malaman ang pananaw ng mga kabataan .Mula sa tatlumpung (30) respondent na sumagot.Napagtanto ng mga mananaliksik na ang Wikang Ingles ang may pinakamalaking porsyento.Bagaman hindi nalalayo ang wikang Filipino.Patunay lamang ito na ang Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon sa mga Kabataan ay hindi na gaanong napahahalagahan.Marahil narin siguro sa mga impluwensiya tulad ng social media at epektibong pakikipagkomunikasyon sa mga banyaga. Rekomendasyon: Batay sa mga nakalap naming impormasyon sa pananaliksik na ito,iminumungkahi namin ang mga sumusunod: 1. Mahalin at gamitin ang Wikang Filipino sapagkat kahit saan pa man tayo pumunta dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika, dahil bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng sinabi ni Gat Jose Rizal: ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.. 2.Mapapahalagahan natin ang ating sariling wika sa pamamagitan ng pagmahal at pagbigay respeto sa ating watawat at lalong lalo na ang ating bansa. Ang ating sariling wika ay dapat gamitin natin sa tamang paraan at tangkilikin at mahalin ito dahil ito ang sumisimbolo ng ating pagka-Pilipino.Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. Bilang pagtatapos nais naming mag-iwan ng isang mensahe para sa mga kabataan: Sana lamang bilang, tayo ay mga Pilipino! Kung hindi natin gagamitin, pagyayamanin at pahahalagahan ang sarili nating wika, sino pa ang magpapahalaga dito? Wala ba tayong utang na loob sa sarili nating wika na pagkatapos nating gamitin sa loob ng ating mga tahanan ay siya na lamang natin babalewalain dahil sa pagbabago ng panahon? Huwag naman din sana natin hayaang mawalan ng saysay ang pagpupursigi ng dati nating pangulo na si Manuel Quezon nag awing Pambansang wika ang Filipino. Isa lamang itong paalala, “Wika mo. Wikang Filipino. Wika ng Mundo. Mahalaga!”...


Similar Free PDFs