MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO DOCX

Title MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO
Author Jonald Alvarez
Pages 4
File Size 17.4 KB
File Type DOCX
Total Downloads 399
Total Views 1,041

Summary

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO Mga Konsepto: •Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan. •Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawa...


Description

MGA SIMULAIN, METODO SA PAGTUTURO NG FILIPINO Mga Konsepto: Metodo. Ito and tawag sa pnalahat na pagplano para sa isang sistematikong at epektibong pagtuturo ng isang aralin. May tiyak na hakbang na sinusunod and bawat metodo o pamaraan. Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto, larawan, o larong pangwika. Teknik. Ay tawag sa paraan ng organisasyon ng interaksyong pangklase. Alinman sa mga kagamitang pagsasanay o gawain sa loob ng klasrum, upang maisakatuparan ang mga layunin ng isang aralin. Dulog – isang set ng pagpapahalagang hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatuto at pagtuturo. Pamaraan – isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad wika at batay sa isang dulog. Metodolohiya – ito'y isang pag-aaral ng mga gawaing pedagohikal (kasama rito ang mga paniniwalang teoretikal at kaugnay na pananaliksik). Ito'y tumutugon din sa anumang konsiderasyon kaugnay ng tanong na "paano ang pagtuturo". Silabus – Ito'y isang disenyo sa pagsasagawa ng isang particular na programang pangwika. Itinatampok dito ang mga layunin, paksang aralin, pagkakasunod-sunod ng mga aralin at mga kagamitang panturo na makatutugon sa mga pangangailangang pangwika ng isng tiyak na pangkat ng mga mag-aaral. B. MGA SIMULAIN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA 1. Simulaing nakapukos sa mga mag-aaral Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba't-ibang katangian: kognitib, pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika; motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sa pagkatuto, mga mithiin at mga pangangailangang subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na may taglay na sariling pangangailangan at interes. 2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming pagkakataon upang makilahok sa iba't-ibang uri ng gawaing komunikatibo. 3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga input na komunikatibo na abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa sarili nilang pangangaailangan at interes. Magagawa lamang ito ng isang guro kung lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na nagagamit niya ang target na wika ng natural at hindi pilit. 4. Simulaing Nakapokus sa Ilang anyo ng Wika Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon, kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng wika, mga kasanayan at stratehiya na makatutulong upang magamit ang wika sa isang kalagayan na limitado ang panahon. 5. Simulaing Sosyo-kultural Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang sinasabi ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama sa mag-aaral na kailangan ang pagpapahalaga sa mga karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika. 6. Simulain ng kamalayan Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay nagiging daan upang madama ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa at isipan ng iba't-ibang taong gumagamit ng target na wika. 7. Simulain ng Pagtataya Ang kamalayan hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa ibayo pang pagkatuto....


Similar Free PDFs