MGA Pamamaraan AT Kagamitan SA Pagtuturo NG Filipino SA Panahon NG Pandemya PDF

Title MGA Pamamaraan AT Kagamitan SA Pagtuturo NG Filipino SA Panahon NG Pandemya
Course language and literature
Institution La Consolacion University Philippines
Pages 16
File Size 267.4 KB
File Type PDF
Total Downloads 67
Total Views 167

Summary

Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino saPanahon ng Pandemya<[email protected]> Jessica D. Nerizon Hulyo 2021Abstrak: Ang sulating ito ay may paksang “Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya”. Ito ay naglalayong maibahagi ang mga pamamaraa...


Description

Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya Jessica D. Nerizon

Hulyo 2021

Abstrak: Ang sulating ito ay may paksang “Mga Pamamaraan at Kagamitan sa Pagtuturo ng Filipino sa Panahon ng Pandemya”. Ito ay naglalayong maibahagi ang mga pamamaraan ng maaaring gamitin ng guro sa pagtuturo ng Asignatuang Filipino. Naglalaman ito ng artikulo tungkol sa Makrong Kasanayan na Pagtuturo sa Pakikinig, Pagsasalita, Pagbabasa, Pagsusulat, Panitikan, Talasalitaan at Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino. Mailalarawan sa sulating ito ang ilang karanasan ng guro maging mga magulang upang pagsumikapang maibahagi sa mga mag-aaral ang kaalaman at maipagpatuloy ang kalidad ng edukasyon sa gitna ng pandemya.

Mga Susing Salita: Modular, Kahoot, Roleta, Google Forms, Online Kumustahan,Group chat, Messenger

1. Panimula Sa paglaganap ng pandemya, marami ang naapektuhan at isa na rito ang edukasyon ng mga mag-aaral. Sa ganitong pangyayari, naglabas ng iba’t ibang uri ng pamamaraan ang Kagawaran ng Edukasyon upang maipagpatuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng pandemyang kinahaharap ng mundo.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga positibo at negatibong komento patungkol sa pagsulong ng edukasyon sa gitna ng pandemya na makikita sa social media, hindi umurong ang Kagawaran

1

ng Edukasyon at ang mga kawani nito upang mabigyang tugon ang tawag ng kasalukuyang suliranin. Sumabak ang mga guro sa iba’t ibang webinar patungkol sa makabagong paraan ng pagtuturo bilang paghahanda. Sa hamon ng makabagong henerasyon, inaasahan na ang mga guro ay makagagawa nang mas mahusay na pamamaraan at kagamitan sa pagtuturo. Sa pagtutulungan ng mga guro at magulang ipagpapatuloy ang paglinang sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021). Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

2. Ang Pagtuturo ng Pakikinig Ang pakikinig ay ang kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap (Yagang 1993). Napakahalaga ng kasanayan sa pakikinig sa ating buhay. Ito ang pinakamaigting na kasanayan sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ang pakikinig ay pagbibigay diwa o pakahulugan sa wikang sinasalita. Ito ay ang pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng pagdinig, pag-aasam, paghuhula, pagpopokus, paglalarawan, pag-uugnay, paglalahat, at pagpapahalaga. Ang pakikinig ang unang kaparaanang pangwika na natatamo ng

2

mga bata o mag-aaral. Ito ang pangunahing batayan at pinakamaigting na kasanayan sa mga sining ng wika. Sa kasalukuyang panahon ng edukasyon, napakahalaga ng pakikinig lalo na’t malayo sa isa’t isa ang guro sa kanyang mag-aaral. Nandyan ang iba’t ibang uri ng ingay, gaya ng ingay na nagmula sa tahol ng aso, tilaok ng manok, tinig ng nagmumula sa iyong kapitbahay na nagiging balakit sa dagling pagkatuto ng mga mag-aaral sa leksyong ibinabahagi ng kaniyang guro. Ang proseso ng pakikinig ay may tatlong bahagi: pagtanggap, paglilimi o pagbibigay tuon, at pagpapakahulugan (Wolvin and Coakley, 1979). Napakahalaga ng pakikinig dahil ito ang nagiging daan upang ang ating mag-aaral ay masabi nating may natutuhan sa aral na ating ibinahagi batay sa kanilang napakinggan. Mahirap sa panahon ng pandemya na alamin kung ang atin bang mga mag-aaral ay nakikinig habang ang guro ay nagtatalakay ng kaniyang aralin dahil sa bagong kaparaanan ng pagtuturo, ang online distance learning na pamamaraan. Gayunpaman, sinisikap ng mga mga guro na mas lalo pang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa pakikinig sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t bang uri ng aplikasyon na ginagamitan ng teknolohiya. Humigit kumulang ang oras na ginugugol natin sa pakikipagtalastasan ay mahahati sa ganito: 30% sa pakikinig, 25% sa pagsasalita, 15% sa pagbasa, at 10% sa pagsulat. Napakahalaga sa paglinang ng kasanayan ng pagsasalita ang pakikinig. Ayon sa sinabi ni Nida (1957), “Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki kung gaano mo ito napakinggan nang mabuti”. Kung ano ang napakinggan sa atin ng mga mag-aaral gayundin ang kanilang natututuhan. Kahalintulad ng isang batang nagsisimula pa lamang matutong magsalita, sa kaniyang naririnig na nagmumula sa kanyang magulang una niyang natutuhang salitain ang salitang “mama” at “papa”.

3

3. Ang Pagtuturo ng Pagsasalita Ang pagsasalita ang pinakagamiting pagpapahayg sa wika. Lahat ng bata ay may katatasan na sa pagsasalita bago pa man sila pumasok sa paaralan. Ayon kay Cazden, 1986, ang pasalitang wika ay mahalagang sangkap sa pagkatuto. Ang dating pangulo ng Estados Unidos na si Abraham Lincoln ay naging tanyag at nag-iwan ng hindi malilimutang bahagi kasaysayan hindi lamang sa bansang Amerika maging sa buong mundo dahil sa tatas niyang magsalita sa harap ng publiko. Hindi man mataas ang kaniyang pinag-aralan ay nakuha pa rin niyang mamuno.

Naalala ko pa nung ako ay nasa Baitang 7 sa sekondarya, madalas na nagkakaroon ng paguulat sa aming mga asignatura. Wala akong lakas ng loob na magsalita sa harap ng aking guro at kamag-aral kahit na may kopya na sa pisara at ito ay akin na lamang babasahin. Umabot sa punto na ako ay tinutukso ng aking kamag-aral dahil sa pagiging mahiyain ko at walang lakas ng loob magsalita sa harap ng maraming tao. Naging dahilan ito upang ako ay mawalan ng kompyansa sa aking sarili. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana, sino ba namang makapagsasabi na ang aking tinahak ng landas ay isang propesyon na hindi maaari na hindi ka magsasalita at ibabahagi ang iyong nalalaman. Sa paglipas ng panahon at sa tulong ng aking naging mga propesor sa kolehiyo unti-unti kong napagtagumpayan ang kahinaan kong ito. Mahalaga ang pagsasalita dahil ito ang nagiging daan upang maibahagi natin sa iba ang ating saloobin. Ito ay isa sa makrong kasanayan na layuning ipahayag ang kaisipan, paniniwala at saloobin.

Sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya sinisikap ko bilang guro na mahasa pa at maipagpatuloy ang kasanayan ng aking mga mag-aaral sa pagsasalita. Kahit

4

na kami ay kalimitan lamang nagkikita sa maliit na screen ng kanilang cellphone o kompyuter sinisiguro kong maririnig ko ang kanilang tinig bago matapos ang aralin. Naaalala ko pa noong nasa face to face pa at wala pang pandemya, hindi maaaring matatapos ang talakayan ng hindi ko naririnig na sumagot ang aking mga mag-aaral sa tanong na aking ibinabato sa kanila. Ito ang aking ginagawang daan upang sila ay maging alerto sa bawat salitang babanggitin ko. Ang pagsasalita ay susi sa pakikipagtalastasan sa kapuwa (Mangahis, 2011). Ang pagbabahagi ng kanilang nalalaman gamit makrong kasanayan na ang pasalita ay nakatutulong upang mahubog ang kanilang husay sa pakikipagkapuwa.

4. Ang Pagtuturo ng Pagbasa Ang pagbasa ay gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan (Villafuerte, et al 2005). Lagi kong sinasambit sa aking mga mag-aaral na “Nasa Pagbasa ang Pag-asa”. Isang malaking pagsubok sa mga bata na nagsisimula pa lamang matutong magbasa ang pagbasa at pagkilala sa mga titik at tunog nito. Wala marahil bata ang hindi umiyak sa harap ng kanilang mga magulang kapag sila ay tinuturuang bumasa. Naalala ko ang sabi ng aking ina, ang pagkatuto sa pagbasa ang magdadala sa akin upang hindi ako maligaw kung saan man ako magpunta. Sa antas elementarya ang pagbasa ang nagiging batayan kung dapat ka ng magtungo sa susunod na antas. Habang ang mga mag-aaral ay nagiging bihasa sa kanilang kakayahan sa pagbabasa nalilinang din sa kanila ang mahusay na pag-unlad sa pag-unawa at pagkatuto (Yovanoff, Duesbry, Alonzo at Tindal 2005) sa pag-aaral ni Perez (2019). Sa pagtuturo ng isang teksto mas lubos na nauunawan ng mga mag-aaral ang isang akda kapag ito ay kanilang nababasa. Noong hindi pa nagkakaroon ng pandemya, isa sa programang inilunsad ng aming paaralan ang

5

pagkakaroon ng “Reading Program” sa mga mag-aaral na hindi pa hasa sa pagbabasa. Tuwing uwian ay naglalaan ng panahon ang mga guro maging ang mga mag-aaral upang maisagawa ang programang ito at matutukan ang mga mag-aaral na mahina pa sa kasanayan ng pagbabasa. Bilang guro sa asignaturang Filipino, upang mahasa ang aking mag-aaral sa pagbabasa ako ay nagsasagawa ng mga pamamaraan upang hindi mabagot sa pagbabasa at lubos pang mahikayat ang aking mga mag-aaral. Sa pagtalakay ng iba’t ibang uri ng pantikan, amin itong tinatalakay gamit ang graphic organizer na dugtungan pagkukuwento. Sa ganitong paraan malalaman ko kung binasa ba ng aking mag-aaral ang akda kung kanilang maisasalaysay o masusundan ang kuwento ng akda. Isa-isa ko silang tinatawag batay kung sino ang mabubunot sa aking mahiwagang kahon. Ngayon, dahil sa pandemya mahirap ng malaman kung ang mga mag-aaral ba ay nagkakaroon pa rin ng panahon sa pagbabasa. Gayunpaman, sinusubukan ko pa ring makuha ang kanilang interes sa pagbabasa kahit na kami ay malayo sa isa’t isa. Tuwing kami ay magkakaroon ng birtwal na talakayan, sila ay aking binibigyan ng takdang gawain. Bawat isa ay kailangang maging handa sa pagbibigay ng paliwanag o hinuha tungkol sa akdang pampanitikan na tatalakayin pa lamang, ang pagtatawag ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-ikot ng usong aplikasyon na roleta. Bukod pa rito, kapag may isang akda akong nababasa na may malaking maitutulong sa aking mag-aaral akin itong ibinabahagi sa kanila sa pamamagitan ng pagpasa nito sa aming group chat. Gamit ang group chat na ito malaya nilang naibabahagi ang kanilang lubusang pang-unawa at aral na natutuhan sa teksto. Hinihikayat ko silang basahin ito sa tulong na rin ng kanilang mga magulang. Ang pagbasang may komprehensyon ay pagbuo ng mga tulay na mag-uugnay sa dating kaalaman tungo sa bagong kaalaman (Pearson at Johnson, 1978).

6

5. Ang Pagtuturo ng Pagsulat Ang mahusay na pagsulat ay may indayog, masarap sa pandinig. Gaya rin ng isang awit ng pag-ibig – ito ay nanunuot at tumatagos sa puso. Ayon kay Sauco, et al., (1998), ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga tao. Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.

Upang malinang ang kasanayan sa pagsulat, kailangan nating harapin ang mga hamon nito. Ito ang pangunahing ideya sa artikulong Tackling the Fear of Writing ni Cabigao (2020) na tumatalakay sa kahalagahan ng pagsulat at kung paano huhusay sa larangang ito. Aniya, hindi pa kailanman huli ang lahat para maging mahusay sa pagsulat. Kailangan lamang aniya na simulan ang pagsasanay at huwag kailanman matakot magkamali sapagkat mula rito magsisimula ang pagkatuto. Ang pagsusulat ay hindi gaya ng pagsasalita. Ito ay ang paglalapit ng lapis sa papel. Isang sining na nangangailangan ng malalim ng pag-unawa at pag-iisp. Marami sa aking mga mag-aaral ay natatakot o di kaya’y ayaw magsulat. Sa pagtuturo ng asignaturang Filipino hindi maiiwasan na magpagawa ng isang sulatin sa isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsusulat nalalaman natin ang damdamin ng ating mag-aaral batay sa kanyang natapos na sulatin. Madalas akong magpagawa ng sanaysay at sulatin sa aking mag-aaral. Kadalasan na aking ibinibigay na paksa sa kanila ay tumatalakay sa katanungan na “ano ang ginintuang aral na iyong natutuhan sa akda?

7

kung ikaw ang tauhan sa akda ganoon din ba ang iyong gagawin? Ibigay ang katangian ng tauhan na maihahalintulad mo sa iyong sarili. Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng indibidwal ang kanyang mga saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang maibsan at mailabas ang mabigat nilang nararamdaman Arrogante, (2000). Sa paglikha ng isang sulatin naipapahayag ng aking mga mag-aaral ang kanilang nais sabihin. Sa tulong din ng pagbabasa ng kanilang sulatin nalalaman ko bilang guro ang mga kaisipan, ideya, opinyon, damdamin at maging saloobin ng aking mag-aaral. Tandaan na walang manunulat na nagtatagumpay agad sa unang pagtatangka. Kailangan ang maraming pagsasanay. Ang mga mag-aaral na nakapagsusulat ng kanilang binabasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binasang akda, Kelly (1990). Bagamat tayo ay na new normal set up o panahon ng pandemya hindi ito hadalang upang magkaroon ng kasiningan sa pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-aaral. Gamit ang mga modyul na ibinahagi ng Kagawaran ng Edukasyon at ilang gawaing pampagkatuto ng inihanda ng mga guro nagiging instrumento ito upang mapalawak pa ang kanilang pagkatuto. Upang mas lalo pang maipagpatuloy ng aking mga mag-aaral ang alab ng kanilang pagsusulat kahit sa panahon ng pandemya, madalas akong magbigay ng isang gawain sa kanila na maipapahayag ang kanilang damdamin gamit ang pagsusulat. Nang sa gayon, hindi man kami nagkikita-kita sa personal ay nalalaman ko naman ang kanilang mga kakayahan o saloobin upang mas lalo ko pa silang makilala. Isa sa aking ipinapagawa sa kanila ang pagsusulat ng kanilang talaarawan na kanilang isinusumite sa akin. Sa pamamagitan nito naipapahayag nila ang kanilang damdamin at naging gawain sa araw-araw.

8

May isang kasabihan sa Ingles na “You cannot give what you don’t have.” [Hindi ka makapagbibigay ng mga bagay na wala ka.] Gayundin naman, sa pagtuturo ng pagsulat, mahalaga na maalam ang guro sa umiiral na alituntunin sa pagsulat o ang tinatawag na ortograpiya. Sa isang pag-aaral hinggil sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino (Cabigao, 2012), iminumungkahi sa mga guro na magkaroon ng bukas na isipan sa patuloy na pagbabago ng wika lalo’t higit ang Filipino bilang ating wikang Pambansa. Makatutulong aniya ito upang makasabay sa hinihinging pangangailangan ng panahon. Ang kaisipang nabanggit ay masasabing katanggap-tanggap pa rin maging sa kasalukuyan na ipinaiiral na ang bagong alituntunin sa pagsulat alinsunod sa 2013 Ortograpiyang Pambansa. Sa kinalabasan ng isang kilos-pananaliksik na isinagawa sa mga mag-aaral sa Baitang 7, inihayag ng mananaliksik na sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat, mahalaga ang pagkakaroon ng mga gawaing pampagkatuto na angkop sa lebel ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang natatanging kasanayan ng bawat mag-aaral. Gayundin, iminumungkahi ang agarang pagbibigaylunas sa mga suliranin ng mag-aaral sa pagsulat sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan nang ito ay matiyak na mabisa (Cabigao, 2012). Sa pagmamarka naman ng mga output na sulatin, mahalaga na gumamit ng isang kagamitang pampagtataya na valid at reliable upang lubos na masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral at magabayan pa sila sa lalong pagpapakahusay sa kasanayang ito (Cabigao 2021).

6. Ang Pagtuturo ng Talasalitaan Ang talasalitaan (Ingles: vocabulary), na tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo, ay ang pangkat ng mga salita na nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao. Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing gamitin at pundamental na

9

kasangkapan para sa komunikasyon at pagkakamit ng kaalaman. Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay maaangkin lamang ng mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan. Malinaw na kailangan may alam ang ating mag-aaral sa pagpapakahulugan ng iba’t ibang uri ng mga salita kung nais maging mahusay sa pagbasa. Halos lahat ng pagtuturo ay sinisimulan sa paglinang ng talasalitaan dahil sa mga salita na nakapaloob ang mga konseptong bumubuo sa isang kaalaman o kaisipan. Hinding-hindi mawawala sa aking klase ang paglinang sa talasalitaan sa pagsisimula ng aming aralin. Ito ang paraan ko ng pagbabahagi sa kanila ng bagong salitang may nakakubling kahulugan. Lima hanggang sampung salita ang aking inihahanda na aking kinukuha sa akdang aming babasahin na kanilang bibigyang kasingkahulugan at gagamitin sa pangungusap. Sa ganitong paraan, lubos nilang mauunawaan nang mahusay ang akda. Bilang pagpapatuloy ng paglinang sa mga talasalitan ng aking mga mag-aaral ngayong pandemya, gamit ang aming group chat, sila ay aking hinihingan ng dalawa hanggang limang salita na kanilang bibigyang kasingkahulugan. Sa pamamagitan ng pagsusumite nila ng mga ito sa ming group chat, hindi lamang sila ang natuto ng mga bagong salita, maging ang kanilang mga kamag-aral na makababasa nito.

7. Ang Pagtuturo ng Panitikan Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang replekasyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, kasaysayan. Isa pang tradisyunal na sagot ang nagtuturing sa panitikan bilang isang likhang-isip na ginagamitan ng magagandang salita o mga talinhaga upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay. Tinatanggap din ang paniniwalang ang panitikan ay

10

mapagbubunga ng mambabasa o nakikinig sa sariling buhay. Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster, ang panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t ibang paksa; o ang anumang bungang-isip na naisatitik. Sa pag-aaral ng isang akda, tungkulin ng isang guro na iparanas sa mga mag-aaral ang akda. Ang pagsasagawa ng mga pangkatang gawain na ating mag-aaral noong hindi pa panahon ng pandemya ay siyang kasiya-siya, dahil dito nila naisasakatauhan ang nilalaman ng panitikang tinalakay. Ang mga gawain katulad ng pagsasadula at pagsasatao na talaga namang kakikitaan ng salamin ng ating lahi at kultura. Ngunit ang lahat ng ito ay pansamantala na munang hindi maisasagawa sa kasalukuyan. Bilang pagkilala sa panitikan bilang salamin ng lahi, ako bilang guro ng aking mga mag-aaral ay gumagamit ng ibang pamamaraan upang maisakatuparan na maramdaman at maiugnay nila ang kanilang sarili sa akda. Bilang guro sa Baitang 9, sa katapusan ng pagtalakay namin sa nobelang Noli Me Tangere, gamit ang teknolohiya ay pinapili ko sila ng isang tauhan na kanilang nais gayahin sa akda. Ito ay kanilang ipakikita gamit ang nauusong app na “tiktok”. Sa pamamagitan nito, kahit walang pangkatang gawain kasama ng kanilang kamagaral ay malaya nilang maisasakatauhan ang mga tauhan at maisasabuhay ang ilang mga tauhan sa panitikang tinalakay. Malaki ang ginagampanang papel ng paggamit ng panitikan sa pagtuturo ng Filipino. Nagiging instrumento ito sa paglinang at pagpapayaman ng karanasan sa pagbasa ng mag-aaral.

8. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino Malaking hamon sa panahon ng pandemyang ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga magaaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

11

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a) pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at (c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd VisionMission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tah...


Similar Free PDFs