TEKNIK AT PAMAMARAAN SA PAGTUTURO SA GITNA NG PANDEMYA PDF

Title TEKNIK AT PAMAMARAAN SA PAGTUTURO SA GITNA NG PANDEMYA
Author Maria katrina Macapaz
Course Educational Technology
Institution De La Salle University
Pages 9
File Size 161.9 KB
File Type PDF
Total Downloads 137
Total Views 763

Summary

Download TEKNIK AT PAMAMARAAN SA PAGTUTURO SA GITNA NG PANDEMYA PDF


Description

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY GRADUATE SCHOOL FT 603 Pamamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wika at Panitikan 1st Semetre, S.Y 2021-2022

Pangalan: MARIA KATRINA S. MACAPAZ / MIRASOL SEDILLO Petsa: Marso 24, 2022 Propesor: Dr. Juliet O. Mandado

ARALIN/YUNIT # 2 Mga pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga mag-aaral sa panahon ng pandemya

I.

INTRODUKSYON

Napakalaking hamon ng pandemyang COVID-19 sa larangan ng edukasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Dito sa Pilipinas, upang hindi matigil ang pagkatuto ng mga mag-aaral na nasa elementarya hanggang sa kolehiyo , kailangang maiangkop ng mga guro maging ng mga mag-aaral at ng mga magulang ang kanilang sarili sa “bagong normal” na edukasyon. Dahil sa pandemyang ito, nailunsad ang iba pang paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral maliban sa face-to-face na pag-aaral. Nariyan ang modular na paraan ng pagkatuto na nahahati sa dalawang uri: 1.) modular (print) at 2.) modular (digital) at ang ikalawang paraan ay ang online na paraan ng pag-aaral na ginagamit ng mga guro at magaaral ang internet at mga gadgets bilang midyum sa pagkatuto. -ang paggamit ng ICT (Information and Commmunication Technology). Kailangang masanay ang mga bata at ng mga magulang sa paggamit ng mga gadgets na pangunahing kailangan sa kanilang pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay may kinalaman sa mga paraan ,estilo, dulog ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa panahon ng pandemya. Noong nagsimula ang COVID -19, maraming pamamaraan ang isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon upang paghandaan ang mga hamon na dulot ng pandemya sa larangan ng

edukasyon. Sila ay naglunsad na malawakang seminar para sa kaguruan upang paghandaan tatlo ang mga hamon na dulot ng pandemya.. Alam naman natin na ang ating kaguruan at mga magaaral ay hindi pa ganoon kahanda sa “bagong normal” ngunit ayon sa Kalihim ng Edukasyon, kailangang ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral dahil mahalaga ito at walang sinumang dapat pipigil sa pagpapatuloy ng edukasyon at pagkatuto ng mga mag-aaral. Alam natin na marami ring mga naglipana na kompyuter apps ngayon na kung saan magagamit ng mga guro sa pagtuturo ma pa-online or offline man. Ngunit sa kabila nitong mga apps na ito, madami pa rin ang mga problema na nailatag ng mga guro ayon sa kanilang karanasan. Isa sa mga ito ay ang kawalan ng gadget ng mga mag aaral na nakatala para sa online na pag-aaral. Bukod dito, ay wala ding sapat na budget ang mga magulang para tustusan ang load ng mga bata para sa pang mobile data. Kahit ang mga ibang mag-aaral ay may load naman tuwing sila ay may klase, talagang may mga hamon pa rin na di maiiwasan tulad ng mahinang koneksiyon ng internet. Ang kahinaan ng internet sa klase ay nagbibigay ng di malinaw na pakikipagtalastasan sa loob ng online na klase na kung saan paputol- putol ang mga salaysay ng guro at mga mag-aaral tuwing sila ay nagkaklase.Noong unang markahan maraming mga mag-aaral ang nakapagtala para sa online ngunit sa kalagitnaan,sila ay nagpalipat sa modular na pag-aaral dahil sa nahihirapan na ang kanilang magulang na tustusan ang pangangailangan sa internet. Alam natin na ang gobyerno maging ang kaguroan natin ay positibo lagi pagdating sa edukasyon. Kaya ano man ang mangyari patuloy pa rin ang pagahahanap nila ng solusyon sa mga pangangailangan sa pagtuturo sa mga mag-aaral. Ang pagiging masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay magbubunga ng ibayong kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014). Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon ang mga batayan para sa pagkatuto ng mga mag-aaral ito ay ang: e-learning, tulad ng blended-learning na dapat ay mahusay na isinasagawa ng mga kaguruan sa klase. Tulad ng radyo-,telebisyon, online or modular learning, ito’y isang pamamaraan simula noon pa man na ang mga guro ay tinuturuan at sinasanay sa paggamit ng mas makabagong mga plataporma at mga makabagong kagamitan upang matulungan ang kanilang propesyon na umunlad. ” Ang “E-learning o online learning” ay tinukoy bilang paggamit ng internet upang maakses ang pag-aaral ng nilalaman at mga mapagkukunang impormasyon, pakikipag ugnayan sa guro at kapwa mag-aaral, upang makakuha ng kaalaman. Samakatuwid ,upang magamit ng guro ang mga bagong plataporma sa pagtuturo, kinakailangan

niya ang internet, laptop,desktop, mikropono, headset, cellphone at iba pa na pang online na klase. Kailangan din niya ang ibat-ibang computer apps katulad ng google meet, zoom, google classroom, TED, animoto ,google drive, remind, addition,yahoo, camera scanner, one note, sway, flipped classroom, remind spell wizard, messenger, spin, at marami pang iba. Sa kabilang banda,ang modular learning naman ay mga simpleng bagay lang din ang kailanganin ng magaaral tulad din ng sa guro. Sa Modular Distance Learning (MDL), maaaring gumamit ng mga printed module o mga module na nasa digital format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone ang mga guro at mag-aaral. Sa modyul, 5 may mga parte na dapat basahin ng mag-aaral at unawain nang maigi, at pagkatapos, ay sasagutan ang iba pang pagsasanay upang lalong mahasa ang karunungan ng mga mag-aaral. Pagkatapos masagutan ang mga gawain ay maaari din niyang tsekan ang sarili niyang gawa sa pamamagitan ng pagtingin sa “susi sa pagwawasto” sa likod ng modyul. Ang pagsagot sa modyul ay malaya ayon sa magaaral. Pagkatapos sagutan ng mga mag-aaral ang kanilang modyul sa bawat asignatura, ay ibabalik din naman nila ito sa itinakdang araw na ipapabalik na ng kanilang guro.Hindi pinahihintulutan ang mga mag-aaral na lumabas upang kunin ang kanilang modyul bagkus ang kanilang mga magulang o nakakatandang kapatid lamang na nasa hustong gulang ang pinapayagan na kumuha nito.Sa pagsagot ng kanilang modyul maaari ring tulungan o gabayan sila ng kanilang tatay, nanay,ate o kuya upang masagutan ang mga gawain nang tama at maayos. Marami tayong makabagong plataporma sa pagtututro ng Filipino sa panahon ng pandemya ngunit marami din ang hamon dito- ito ay ang tanong kung ano ang mas epektibo sa mga guro at mag-aaral para matuto sa bagong panahon. Sa ibang parte ng papel na ito, mababasa ang mga pamamaraan at kagamitan na madalas ginagamit ng guro sa asignaturang Filipino.

II.

TALAKAYAN Mga pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga mag-aaral sa panahon ng pandemya

A. Modular distance learning: 1. Printed- ang mga mag-aaral ay bibigyan ng naimprentang modyul, worksheets na kanilang pag-aaralan at sasautan sa kanilang tahanan. Magtatalaga ang pamunuan ng paaralan ng lugar na pagkukuhaan at oras ng pagkuha ng mga modyul at worksheets. 2. Digital- Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng digital files na nasa flash drive o CD na kanilang pag-aaralan at sasagutan gamit ang kanilang gadget gaya ng laptop. Magtatalaga ang pamunuan ng paaralan ng lugar na pagkukuhanan at oras ng pagkuha nito. B. Online Distance Learning: 1. Synchronous- sabay sabay ang mag-aaral at ang kanilang guro na mag oonline upang magtalakayan. Sila ay maaring magtalakayan sa pamamagitan ng video conferencing , teleconferencing, live chatting o live-streaming lecture. 2. Asynchronous- ay ang ginagamitan ng iba’t ibang programa sa computer kung saan maaari

silang matuto kahit ano pa mang oras nilang gustuhin. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng E-mail at mga Group Site na kung saan maaaring isend o ipost na lamang ang mga dapat aralin at sagutin ng mga mag-aaral. C. Radio & TV-based Instruction- Pagkakaroon ng channel o programa sa radio at telebisyon na nakalaan sa pagbibigay ng mga aralin. D. Home Schooling- Ito ay magulang , guardian or tutor na dumaan sa training ang awtorisadong magturo sa bata imbes na classroom teacher habang ang mga ito ay wala sa loob ng paaralan.

Guro ang nagbabalak at nagpapasya ng istratehiyang gagamitin tulad ng: *Angkop na bunga ng pagkatuto •Angkop sa sitwasyon •Angkop sa kakayahan ng mag-aaral •Angkop sa aralin

Mag-aaral- nakapokus ang pagtuturo(learner-centered-teaching) -Bawat mag-aaral ay may kanya- kanyang katalinuhan, natatanging kahusayang taglay na maaaring makita sa istilo ng kawilihan at pagkatuto. Ang mga tinutukoy dito ay ang:Gardner’s MultipleIntelligences.

. Mga Instruksyunal Teknik 1.Roundtable Discussion -•Maaaring buuin ng tatlo hanggang limang mag-aaral •Bawat kasapi ay handa sa impormasyong pinag-uusapan •Maaaring gawin ang talakayan na sabay- sabay kung hahatiin ang klase sa maliliit na pangkat. 2.Panel Discussion - Pormal ang paraan ng presentation •Iparirinig ng mga panelist ang talakayan sa mga kamag-aral .Ang mga panelista ay eksperto sa paksang tinalakay. 3.Brainstorming -Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na grupo •Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw ang isyu,sitwasyon,suliranin •Malayang nakukuha ng guro ang mga mungkahi, damdamin, ideya o consensus ng mga kasapi sa talakayan 4.Virtual Role Playing- Inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon na maaaring mangyari sa tunay na buhay. •Ang magkakapareha ay bubuo ng mga dayalogo buhat sa isang sitwasyong ibibigay ng guro o mapagkakasunduan ng klase. Mga uri ng Role- play • Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogong may cues • Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon • Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin

5.Socio drama - Tinatawag na creative dramatics •Pagpapaabot sa highlight ng mga karanasan sa pagkatuto sa pamagitan ng pantomime iskit o maikling drama •Nauukol sa sitwasyon tungo sa paghahanap ng solusyon sa suliranin 6. Picture Power- Mula sa larawan bubuo ang klase ng kwento Ibabatay ang usapan/ dayalogo Tagpuan Katangian ng mga tauhan na nakikita sa larawan 7. Balita, Editoryal o Pangulong- Tudling -Nalilinang ang kasanayan sa pagbibigay opinyon. Maiaangkop sa pagtalakay sa iba’t ibang bahagi ng pananalita 8.Concept Mapping- Nakakatulong para sa komprehensyon Pag-ooganisa ng mga konsepto Pagsusuri 9.TV Commercial o Mga Patalastas sa Telebisyon •Magpangkatan ang mga mag-aaral gagawa sila ng patalastas sa telebisyon •Pabuuin sila ng sariling patalastas 10. 3-2-1 (Three- Two- One) -Isang gawaing pasulat, ang mga mag- aaral ay bubuo ng: 3 susi ng katawagang natutunan nila sa aralin. 2 Kaisipang nais nilang malaman. 1 Kaisipan o kakayahang sa tingin nila ay kanila ng nakabisado. 11. ICT- Integration sa Pagtuturo •Web Quest •Scavenger Hunt •Blogging.Learning Apps 12.WebQuest •Pasiyasat na gawain sa online •Paghahanap ng mga impormasyon sa www Mga Bahagi ng WebQuest Panimula Gawain Proseso Ebalwasyon Kongklusyon Halimbawa ng Web Quest 13. Scavenger Hunt -Ito ay paghuhukay ng mga mahahalagang impormasyon sa mga website ng paksang tutuklasin. 14.Blogs/Blogging •Interaktibong ugnayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. •Online based na maaaring mapaglagyan ng mga repleksyon, takdang-aralin, o intergroup communication. Mga Blog Spot na maaaring magagamit ng guro at mag-aaral www.blogger.com www.wikispaces.com www.filipinotek.wordpress.com 15. Google Classroom, FB Page , LMS -learnes management system , at paggamit ng fb group chat sa messenger upang makipag-ugnayan at makapaglahad ng mga akademikong instruksyon. 16. Iba pang Online Platforms SOCIAL MEDIASOCIAL MEDIA o mga Estratehiyang Integrado at Interaktibo hindi aktibong estudyante Ang mga estratehiyang ito ay nag dudulot sa mga mag-aaral na maging : Aktibo Masigasig sa pag-aaral Masiglang makikilahok sa pag-aaral Mapanuri sa pangyayari sa paligid Kritikal na mapag-isip

III.

ANALISAHIN

Ang paggamit ng mga elektronikong kagamitan upang mas mapadali ang pagtuturo at pagkatuto ay hindi na bago sa akademya lalo na sa mga pribadong institusyon/paaralan. Kasama na ito sa kagamitang pagkatuto ng bawat klase. Sa pamamagitan ng paggamit ng Midya at iba pang elektronikong kasangkapan ay mas nauunawaan ng mag-aaral ang talakayan, mas naisasabuhay ang mga leksyon sa mas napapanahon at praktikal na pamamaraan. Nagkakaroon ng kulay at buhay ang dating kartolina at Manila paper na bitbit ng mga guro. Mas madali na ang pagbuo ng mga pagtataya at pagbibigay ng puntos. Hindi na kailangang pilitin ang mga mag-aaral na magbigay ng atensyon sa talakayan. Maaring makahanap ng mga dagdag pang materyales ang mag-aaral babasahin man o panonoorin sa loob ng internet na hindi lamang nakasalig sa sinabi ng guro sa loob ng klase. Tunay nga na nakapagbibigay laya sa pagtuturo at pagkatuto ang paggamit ng iba’t ibang uri ng midya. Sa kasalukuyan hindi mamumukod ang paggamit ng iba’t ibang elektronikong kagamitan sa pagkatuto sa mga pangpribado bagkus ang isyung ito ay kasali rin sa pampublikong paaralan kung paano mapapatupad ang blended learning, virtual learning, home school learning na mungkahing solusyon ni Leonor Briones ( Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon) Lumabas ang isyu ng karapatang matuto para sa lahat at hindi lamang sa may kakayahan at kagamitan. Nagmungkahi ng solusyon na sa pamamagitan ng modyul, radyo at telebisyon. Bilang guro hindi man panahon o hindi man panahon ng pandemya ay nararapat na pursigihin ang sarili ng iba’t ibang paraan kung paano mapagbubuti ang proseso ng pagtuturo-pagkatuto gamit ang iba’t ibang midya at kagamitang pang-elektroniko. Hindi lamang ito hamon sa panahon ng pandemya kundi dati pa itong hamon sa ating lahat na paunlarin ang sarili sa pamamagitan ng pagkatuto ng panibagong paraan ng pagtuturo gamit ang mga pang-elektronikong kagamitan. IV.

ISIPIN MO Sa bagong pang-akademikong pamamaraang ito , ang mga pagsusumikap at patakaran ay nakaangkla sa paglilingkod sa kapwa Pilipino, at ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga magaaral, guro, at kawani ang unang isasaalang-alang ng kagawaran ng edukasyon. Haharapin natin ang ‘bagong normal’ ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan ng pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa mga magulang, mga anak at guro ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis. Sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisiguraduhin natin na magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga sa bawat isa. Ilulunsad ang isang komprehensibong Learning Continuity Plan (LCP) na tutugon sa mga hamon kabilang ang mga kinakailangang pagsasaayos sa kurikulum, pagkakahanay ng mga materyales sa pagkatuto, at karampatang suporta para sa mga guro at magulang.

Habang sinusugpo pa ang hindi nakikitang banta, patuloy tayong magiging matatag sa paghahatid sa publiko ng katotohanan at wagas na paglilingkod upang sugpuin ang maling impormasyon at pagkakahati-hati.Marami pang gawain ang dapat na harapin. Hindi ito ang oras upang magpalaganap ng takot, pag-aalinlangan at poot dahil ito ang panahon upang magkaloob ng pag-unawa at pagmamahal. Sa hanay ng Kagawaran, ipinangangako nito ang patuloy na paghahatid ng abot-kaya, mapagpalaya at ligtas na pangunahing serbisyo sa edukasyon sa panahong ito. Ang pagpapatuloy ng pag-aaral sa gitna ng pandemya ay napakahalagang desisyon hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng bansa sa buong mundo. Ito ay pagsisikapang mangyayari kahit walang pisikal na attendance sa mga paaralan sa pamamagitan ng iba’t-ibang learning modalities. Ang pag enroll ay boluntaryo at hindi sapilitan. Maraming mga estratehiyang magagamit ng guro sa klase. Ang mga kagamitang ito at mga teknik ay nagiging epektibo at makabuluhan kapag ang guro ay may tiyaga, sipag at pagkamalikhain. Sa tulong ng mga estratehiyang ito at sa mahusay na pagtuturo ng guro, walang dahilan para hindi matuto ang mga mag-aaral.Sa Paglikha ng Pagbabago Sama-sama Tayo!

V.

TASAHIN

a. Bilang isang guro sa kasalukuyang panahon at tagapagsagawa ng mga programa ng kagawaran sa aktwal na kaganapan sa paaralan, sang-ayon ka ba o hindi sa pahayag na ito? Patunayan.

Mariing sinabi ng Kalihim ng Kagawaran, Dr. Leonor M. Briones, na sa pagpapatupad ng “blended” at “distance learning approach” sa pamamagitan ng “online classes, printed and digitized learning modules”, telebisyon at radyo, ay maibabahagi ang mga asignatura na kailangang matutuhan ng mga mag-aaral anuman ang estado sa

______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________

______________________________________________________________________ ___________________________________________.

b. Mula sa nabanggit na dalawang uri ng pamamaraan ng pagtuturo sa ating mga mag-aaral sa panahon ng pandemya ang modular distance learning at online digital distance learning. Mangbanggit ng tig-lilimang bentahe at disbentahe sa paggamit ng pamamaraang ito. Pamamaraan

Bentahe sa paggamit

Disbentahe sa paggamit

Modular Distance learning

Online Digital learning.

VI.

SANGGUNIAN

https://www.edweek.org/ew/issues/technology-in-education/index.html https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng-edukasyon/ https://www.slideshare.net/AlbertineDeJuanJr/estratehiya-sa-filipino https://www.teacherph.com/mga-simpleng-aksyon-ng-suporta-para-sa-mag-aaral/

Malipot, Merlina. DepEd disputes claims that it is not ready for blended learning mula sa https://news.mb.com.ph/2020/06/08/deped-disputes-claims-that-it-is-not-ready-for-blended-learning/ Researchgate.net/profile/LoidaCuray/publication/353369244_Mga_Pamamaraan_at_Kagamitan_sa_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Panah on_ng_Pandemya/links/60f8396e169a1a0103ab03bd/Mga-Pamamaraan-at-Kagamitan-sa-Pagtuturong-Filipino-sa-Panahon-ng-Pandemya.pdf...


Similar Free PDFs