TRANSPORMATIBONG EDUKASYON SA PAGTUTURO NG MAKA-FILIPINONG PANANALIKSIK: TUNGO SA PAGPAPALAKAS NG INSTRUKSYON AT PROGRAMANG EKSTENSYON SA PAMANTASANG SAN LUIS DOCX

Title TRANSPORMATIBONG EDUKASYON SA PAGTUTURO NG MAKA-FILIPINONG PANANALIKSIK: TUNGO SA PAGPAPALAKAS NG INSTRUKSYON AT PROGRAMANG EKSTENSYON SA PAMANTASANG SAN LUIS
Author Crizel Sicat-De Laza
Pages 9
File Size 554.1 KB
File Type DOCX
Total Downloads 325
Total Views 899

Summary

TRANSPORMATIBONG EDUKASYON SA PAGTUTURO NG MAKA-FILIPINONG PANANALIKSIK: TUNGO SA PAGPAPALAKAS NG INSTRUKSYON AT PROGRAMANG EKSTENSYON SA PAMANTASANG SAN LUIS Crizel Pascual Sicat [email protected] Miriam College, Loyola Heights, Quezon City Abstrak: Nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga p...


Description

TRANSPORMATIBONG EDUKASYON SA PAGTUTURO NG MAKA-FILIPINONG PANANALIKSIK: TUNGO SA PAGPAPALAKAS NG INSTRUKSYON AT PROGRAMANG EKSTENSYON SA PAMANTASANG SAN LUIS Crizel Pascual Sicat [email protected] Miriam College, Loyola Heights, Quezon City Abstrak: Nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga pamamaraan ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon (TE) sa pagtuturo ng pananaliksik na maka-Filipino. Ang konsepto ng transpormatibong edukasyon ay iniugat mula sa kritikal na pedagohiya ni Paulo Freire, isang Marxistang edukador, hanggang sa pagpapaunlad ng transpormasyunal na pagkatuto ng indibidwal ni Jack Mezirow. Naglalayon ang mga kaisipang ito na hubugin ang indibidwal na pagkatao ng mga mag-aaral at kalaunan ay mag-ambag sa pagbabagong panlipunan. Ilalarawan nito ang karanasan ng mga guro sa Filipino ng Saint Louis University, Lungsod Baguio na nagdiwang ng ika-isandaang taong pagkakatatag bilang isang transpormatibong institusyon. Sa pamamagitan ng talatanungan at pakikipanayam ay siniyasat ang antas ng integrasyon ng transpormatibong edukasyon sa pamamaraan at nilalaman ng pagtuturo ng pananaliksik sa Filipino. Bahagi rin nito ang pagsusuri sa mga praktika ng integrasyon, mga suliraning kinaharap ng mga guro at pagbuo ng modelong instruksyon na magpapalakas sa programang ekstensyon ng mga unibersidad. Mga Susing Termino: transpormatibong edukasyon, maka-Filipinong pananaliksik, instruksyon, programang ekstensyon KALIGIRAN NG PAKSA AT PAGLALAHAD NG LAYUNIN Ang dalawang dakilang mithiin ng edukasyon ay ang patuloy na pagpapabuti sa indibidwal na pagkatao at ang pagbabago ng tao sa kanyang lipunan matapos paunlarin ang kanyang sarili. Diyalektikal o nagtatalaban ang dalawang ito at hindi maaaring mapaghiwalay. Nagiging mabuti ang kalagayan ng tao dahil sa kabutihan at kaunlarang tinatamasa niya mula sa lipunan habang nakikinabang naman ang lipunan mula sa mga produktibong taong nag-aambag sa kanyang pag-unlad. Transpormasyon ng indibidwal at lipunan ang batayang salalayan ng transpormatibong edukasyon. Ang ugnayang ito ay matalas na ipinaliwanag ng mga kaisipang nakahanay sa teoryang Marxismo. Ang pagsasagawa ng pilosopiya ayon kay Marx ay nangangahulugang pagbabago ng daigdig. Krusyal sa proseso ng radikal na pagpapalaya sa lipunang mapagsamantala ang pagpapalaya sa kamalayan ng tao sa pamamagitan ng edukasyon. Sa kaisipang ito, na siya ring sinusugan ng mga sumunod pang kaisipan hinggil sa ugnayan ng lipunan at edukasyon, mahalaga ang demokratiko at bukas na pagpapalitan ng ideya mula sa guro at mag-aaral. Mahalaga ang terminong critical consciousness o mapanuring kamalayan sa mga Marxista at binibigyang-diin na ang kamalayang ito ay kailangang tumungo sa mapanuri at konkretong pagkilos. Ito ang esensya ng praxis (teorya at praktika) kung saan hindi maaaring ihiwalay ang anumang konsepto at kaalaman sa praktikal na aplikasyon o materyal na batayan nito. Upang masubukan ang kawastuan ng isang teorya at sa gayon ay mapaunlad ito, kailangang isapraktika ito at kung anuman ang isinapraktika ay kailangang muling palalimin at paunlarin sa pamamagitan ng muling pagteteorya. Diyalektikal o nagtatalaban ang teorya at praktika (Marx, 1845, sa pagbanggit ni Centeno, 2010)....


Similar Free PDFs