Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsusurin ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik PDF

Title Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsusurin ng Ibat-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Author Marvz Rinon
Course Filipino
Institution Bicol University
Pages 4
File Size 163.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 69
Total Views 318

Summary

Department of EducationRegion V (Bicol) Schools Division Office of Albay MACABUGOS HIGH SCHOOLDETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG URI NG TEKSTO TUNGOSA PANANALIKSIKI. MGA LAYUNIN:A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugna...


Description

Republic of the Philippines

Department of Education Region V (Bicol) Schools Division Office of Albay MACABUGOS HIGH SCHOOL

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG URI NG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK I. MGA LAYUNIN: A. Pamantayang Pangnilalaman Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. B. Pamatayan sa Pagganap Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: a. Sarili b. Pamilya c. Komunidad d. Bansa e. Daigdig C. Mga Kasanayang Pampagkatuto Nakasusulat ng mga reaksyong papel (F11EP – IIIj – 37) II. PAKSANG ARALIN: Paksa: PAGSULAT NG REAKSIYONG PAPEL III. MGA SANGGUNIAN: A. Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Modyul 7 B. Mga Kagamitan PowerPoint Presentation IV. PAMAMARAAN: GAWAIN NG GURO A. Mga Panimulang Gawain 1. Pagbati 2. Pagtala ng Liban

GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

B. Paglinang ng Gawain Gamit ang Facebook Reaction emojis ay aalamin ko kung ano ang magiging tugon nyo sa mga larawan na aking ipapakita.

(Ang mga larawan ay makikita ng mga mag-aaral at magbibigay sila ng FB reaction emojis gamit ang hand gestures.)

Gamit ang mga larawan na inyong nakita ay nalaman ko ang mga nararamdaman nyo dito. Ngayon naman ay nais kong panoorin nyo ang video na ito at pagkatapos nito ay nais kong malaman kung ano ang inyong masasabi dito. Maraming nangyayari sa ating kapaligiran sa kasalukuyan. At ang bawat isa sa atin ay may karapatan at kalayaan na

Ang mga mag-aaral ay papanoorin ang mga video at magbibigay ng komento tungkol dito.

Republic of the Philippines

Department of Education Region V (Bicol) Schools Division Office of Albay MACABUGOS HIGH SCHOOL

magpahayag ng kanyang nararamdaman. Ano ang ibig sabihin ng pagpapahayag?

Pagpapahayag -ito ay ang pagbabahagi ng mga saloobin, maaring ito ay nasa anyong pasalita o pasulat.

Narito ang mga larawan na nagpapakita ng pagpapahayag. Ano ang inyong masasabi sa inyong mga nakikita? Sa paanong paraan maaaring magbigay ng pahayag? C. Pagtatalakay Ano ang ibig sabihin ng pagpapahayag na pasulat?

Ang pagpapahayag ay maaring sa paraang pasalita o pasulat.

Pagpapahayag na Pasulat - ito ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo ilustrasyon ng isang tao sa launing maipahayag ang nasa kanyang isipan. Sauco et.al 1998.

Naranasan nyo na bang magbigay ng pagpapahayag sa paraang pasulat? Narito ang isang halimbawa na pagpapahayag na pasulat?

(Babasahin ng mga mga-aaral ang balita na ipapakita ng guro.)

Base sa inyong nabasa, ano ang dapat na isaalang-alang sa pagpapahayag na pasulat.

Mayroong dalawang bagay na nilalaman sa pagpapahayag na pasulat, ang paksa at anyo. Ang paksa ay ideya o kaisipan na tinatalakay sa kabuuan ng teksto. Ang anyo ay mga alituntunin o patakaran sa pagsulat na nagsisilbing gabay ng sinumang manunulat.

Bakit tayo nagsusulat?

- Bilang personal na reaksyon o ekspresyon at pagbibigay din ng kahulugan ukol sa isang paksa. - Bilang reaksyon bunga ng kaalaman natin sa iba't ibang kaasalan, gawi at tradisyon. - Para sa ninanais na panlipunang pagbabago, sa mga paksa hinggil sa isyu sa lipunan, ekonomiya, at politika. - Magkaroon ng layuning behavioral at functional na nangangailangan ng masusing pagsisiyasat.

Sa tuwing tayo ay magsusulat ng sulatin, ano ang tatlong bahagi nito?

Panimula o Introduksyon -Itinuturing na mukha ng sulatin ang bahaging ito. -Nagsisilbi itong batayan ng mambabasa kung itutuloy ba o hindi ang pagbabasa. Katawan o Gitna -Pinakamahabang bahagi ng sulatin. -Dito ipinaliliwanag ng manunulat ang kahulugan ng kanyang pahayag na inilahad sa simula....


Similar Free PDFs