Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pivot v3 PDF

Title Pagbasa at Pagsusuri sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Pivot v3
Author Carla Placino
Course history
Institution STI College
Pages 32
File Size 1.5 MB
File Type PDF
Total Downloads 363
Total Views 578

Summary

Pagbasa at Pagsusurisa Ibat Ibang TekstoTungo sa PananaliksikSHSAlaminAng modyul na ito ay ginawa at dinisenyo para sa iyo. Ito ay nabuo upang lubos mong maunawaan ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang kabuuan ng modyul na ito ay makatutulong upang ma...


Description

Quarter 3 Week 1 - 4

Pagbasa at Pagsusuri SHS sa Ibat Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Lilibeth Lubiano, Niño T. Cansicio, Glaiza B. De La Peña, at Lina Munar

1 Alamin Ang modyul na ito ay ginawa at dinisenyo para sa iyo. Ito ay nabuo upang lubos mong maunawaan ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Ang kabuuan ng modyul na ito ay makatutulong upang maibigay sa iyo ang mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa iyong pag-unlad. Ang wikang ginamit ay kinikilala ang pagkakaibang antas ng bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang aralin ay isinaayos upang sundin ang batayang pagkakasunod-sunod ng kurso. Subalit ang pagkakasunod-sunod ng iyong binasa ay maaaring magbago upang tumugma sa aklat na ginagamit mo ngayon. Ang modyul na ito ay patungkol sa paksang: 

Aralin 1 - Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto

Matapos mong pagdaanan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay: Pamantayang Pangnilalaman: 

Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig

Pamantayan sa Pagganap: 

Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa

Kasanayang Pampagkatuto: 

Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa (F11PB – IIIa – 98)

Layunin: 1. Nasusuri ang binasang teksto batay sa uri nito 2. Nailalapat ang mga tiyak na karanasan at kaalaman kaugnay sa paksa 3. Nalilinang ang kahusayan sa pagsusuri ng tekstong binabasa

4

Aralin

1

Filipino: Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Marso 8-12, 2021

Ang araling ito ay naglalaman ng mga pag-aaral sa pagtukoy ng iba’t ibang paksa at pagkilala sa iba’t ibang uri ng teksto.

Balikan Bagong aralin ang hatid ng modyul na ito. Madaragdagan ang iyong kaalaman sa pagtukoy sa paksa ng iba’t ibang tekstong iyong nababasa. Makatutulong ito upang mabigyan ka ng idea sa araling tatalakayin at higit pang makilala ang mga uri ng teksto. Basahin mong mabuti ang mga sumusunod na pahayag at unawain ito. Isulat sa sagutang kuwaderno ang iyong kasagutan. Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng teksto ang tinutukoy sa pahayag.

___________ 1.

Ang tekstong ito ay may layuning kumbinsihin ang mga mambabasa hinggil sa isang isyu.

___________ 2. Layunin nito na ipinta sa imahinasyon ng mga mambabasa ang isang bagay, tao, lugar, pangyayari, karanasan atbp. ____________3.

Naglalahad ito ng proseso kung paano ginagawa ang isang bagay o paano ito binubuo.

____________4.

Ang uri ng teksto na ito ay nagkukuwento ng mga yugto ng pangyayari na maaaring piksiyon o di-piksyon.

___________ 5. Isang uri ng teksto na nagpapahayag ng katwiran sa isang napapanahong isyu.

8

Tuklasin Pagkilala sa Iba’t ibang Uri ng Teksto Tekstong Impormatib Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong inilalahad nito. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp.

Tekstong Deskriptib Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan. Uri ng tekstong Deskriptib 1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat. 2. Deskriptib Teknikal ay uri ng teksto ng naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.

9

Tekstong Persuweysib Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu, paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay. Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle: 1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat. 2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita. 3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.

Tekstong Naratib Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat (piksyon). Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay –aliw o manlibang sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at nobela. Mga bahagi ng Tekstong Naratib: 1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan. 2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon. 3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang solusyon ang tunggalian o suliranin.

10

Tekstong Prosidyural Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang maisakatuparan na ng maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto atbp.

Tekstong Argumentatib Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp. Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito. Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda. Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito.

11

Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa kuwarderno ang sagot. ____________ 1. Dahil sa pagpapatupad ng gobyerno ng Enhance Community Quarantine (ECQ) sa bansa inerekomenda ng Energy Regulatory Commission (ERC) na baguhin ng mga power distributors ang singilin sa kuryente. ____________ 2. Pagkailangan ng gamot, ‘wag mahihiyang magtanong. Kung may Right Med ba nito? ____________ 3. Puno ng sapot at agiw, puno ng alikabok ang mga muwebles na natatakpan ng puting kumot. ____________ 4. “O pagsinang labis ng kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw! Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat masunod ka lamang.” ____________ 5. Adobong manok at baboy A. Hiwain ang manok at baboy ayon sa nais na laki nito. B. Ihanda ang mantika, bawang, at sibuyas C. Gisahin ang bawang hanggang sa lumabas ang lasa at amoy nito. D. Ihalo ang manok at baboy at hayaan muna itong magisa ng mga hanggang tatlong minuto. E. Maaari mo nang ilagay ang mga natitirang sangkap: suka, toyo, dahon ng laurel, paminta, asin, at tubig para makatulong sa pagpapalambot ng mga karne. F. Maaari ninyong tikman ang adobo para malaman kung sakto na ang alat at asim nito. Maaari rin maglagay ng asukal para sa mga nais na manamis-namis ang kanilang adobo. G. Ang iba ay naglalagay ng patatas o pinya sa kanilang adobo, depende rin ito sa inyong panlasa.

13

( Bautista, Lualhati. (1983) Bata,bata… Pa’no Ka Ginawa?.Mandaluyong: Carmelo & Bauermann Printing Corp., 1988 at ng Cacho Publishing House, 1991.)

A. Argumentatib B. Deskriptib

C. Impormatib D. Persuweysib

3. Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay, naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko, may malaking babae, nakasuot ng itim pero hindi ko kita ang mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mailingon ang ulo ko. Madiin at masakit ang pagkakahawak nya sa ‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang kulay ng balat. Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo. (Ong, Bob. (2010) Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Pasay City: Visprint, Inc.)

A. Argumentatib B. Deskriptib

C. Impormatib D. Persuweysib

4. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang hamon sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag? A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal B. Obhektibo D. Subhektibo 5. National ID System sa Pilipinas: Pabor ka ba? A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D. Persuweysib 6. May iba’t ibang estruktura ang paglalahad ng tekstong impormatib. Ang pahayag na “Bumaba ang insedente ng mga napahamak sa pagdiriwang ng Bagong Taon (2020) kumpara sa nakalipas na limang taon,” ay A. Pagbibigay Depenisyon C. Paglilista ng Klasipikasyon B. Paghahambing D. Sanhi at Bunga 7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan. A. Argumentatib C. Impormatib B. Deskriptib D. Persuweysib 8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib? A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib. B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga tekstong impormatib. C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit. D. Lahat ng nabanggit.

20

1 Alamin Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labingisa ng Senior High School sa Taong Panuruan 2020-2021. Ito ay kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga magaaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang kasanayan sa pagtukoy ng kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.

Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa (F11PT-IIIa-88)

Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay: 1. Natutukoy ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa 2. Natutukoy ang katangian ng mahahalagang salitang ginamit sa iba’t ibang uri ng tekstong binasa 3. Nasusuri ang mga mahahalagang salitang ginamit sa ibat’t ibang uri ng tekstong binasa

Ako si Titser O na iyong makakasama. Naríto ako upang tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa iyong pag-unlad.

35

Marso 15-19, 2021

Aralin

2

Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa

Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusa p. Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali ang bigkas ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA ng salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang mga bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, at iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita. Pagkatapos, pag-aralan ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin makuha ang kahulugan, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng aklat kung mayroon ito. Itala ang salita at kabisahin ang kahulugan nito upang maidagdag sa kaalaman sa talasalitaan. Kung pag-aari ang aklat, isulat ang kasingkahulugan o anumang karagdagang impormasyon sa gilid ng aklat gamit ang lapis. Kung hindi sariling pag-aari ang aklat, gumawa ng sariling talaan ng mahihirap na salitang nabasa.

May hindi ka ba naintindihan? Magbigay ng mensahe sa iyong guro upang sa gayon matulungan ka niya!

37

Suriin Pagpapakahulugan ng Salita Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon. Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap. 1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan. Halimbawa : pambihira - katangi-tangi 2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng magkatulad na kahulugan Halimbawa : Paghanga- pagmamahal 3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa. Halimbawa : Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa. 4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian. Halimbawa : Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit) Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa) Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan) 5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang ginamit. Halimbawa : Di-maliparang uwak – malawak

41

Kaantasan ng Wika Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa katangiang tinataglay nito. A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami. 1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan 2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining. Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw-araw. Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawigan- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na) Nakain ka na? (Kumain ka na) Buang! (Baliw) 2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Meron - Mayroon Nasan - Nasaan Sakin - sa akin 3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes , mababa ang antas na ito, ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (bente pesos) Pinoy (Pilipino)

42

Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo Halimbawa: Gurang (matanda) Bayot (bakla) Barat (kuripot) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga Halimbawa: Epek (effect) Futbol (naalis) Tong (wheels) 3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog Halimbawa: Buwaya (Crocodile) Bata (Child/Girlfriend) Durog (powdered/high in addiction) Papa (father/lover) 4. Pagpapaikli Halimbawa: Pakialam - paki Malay ko at pakialam ko -ma at pa Anong sinabi -ansabe Anong nangyari -anyare 5. Pagbabaliktad Halimbawa: Etneb- bente Kita- atik Ngetpa- panget Dehin- hindi

43

6. Paggamit ng Akronim Halimbawa: PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay AWIT- AW ang sakIT 7. Pagpapalit ng Pantig Halimbawa: Lagpak / palpak -Bigo Torpe / ...


Similar Free PDFs