Sikolohiyang Pilipino - Tungo SA Makapilipinong Pananaliksik PDF

Title Sikolohiyang Pilipino - Tungo SA Makapilipinong Pananaliksik
Course Psychology
Institution Holy Angel University
Pages 14
File Size 129.6 KB
File Type PDF
Total Downloads 202
Total Views 324

Summary

TUNGO SA MAKAPILIPINONG PANANALIKSIKCarmen Santiago & Virgilio Enriquez>Matagal nang kapansin-pansin na nalilihis ang landas ng mga Pilipinong mananaliksik patungong kaalaman ukol sa diwang Pilipino -kailangang paunlarin ang mga paraan kung papano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pi...


Description

TUNGO SA MAKAPILIPINONG PANANALIKSIK Carmen Santiago & Virgilio Enriquez >Matagal nang kapansin-pansin na nalilihis ang landas ng mga Pilipinong mananaliksik patungong kaalaman ukol sa diwang Pilipino -kailangang paunlarin ang mga paraan kung papano gagawin ang pananaliksik sa diwang Pilipino Sanhi ng Paglihis ng Landas >Karamihan sa mga paksa ng pananaliksik sa Pilipinas ay pinili ayon sa interes, layunin, at paglutas ng suliranin ng mananaliksik -ang iba ay pag-ulit ng mga pananaliksik sa ibang kultura, ang iba ay pinili ng mga kawanihang tumutustos sa pananaliksik na may layunin na baguhin ang dating kaugalin at pamamaraan para umunlad ang bayan -Dahil dito, karamihan sa mga paksa ay hindi hango sa taong pinag-aaralan -Ang pag-aaral ng mga paksang hindi makabuluhan sa kalahok ay hindi nakakatulong upang mabawasan ang kamangmangan tungkol sa diwang Pilipino >Karamihan sa mga umiiral at tanyag na pamaaraan ng pagkuha ng datos ay may oryentasyong kanluranin at hindi angkop sa pag-iisip, damdamin, at kilos ng Pilipino >Pagkatapos makapili ng paksa at pag-aralan, binigyan ito ng kahulugan batay sa teoryang hango sa mga kulturang kanluranin -dahil dito, baluktot na realidad ang resulta ng pananaliksik Mga Mungkahi para sa maka-Pilipinong Pananaliksik 1. Ibatay sa interes ng mga kalahok ang pagpili ng paksang sasaliksikin; kilalanin munang mabuti ang kalahok at hanguin sa kanila ang paksa -kalimutan ang pansariling hangarin at ituon ang pag-aaral sa pagtugon sa pangangailangan at hangarin ng kalahok 2. Pag-aralan ang iba’t ibang paraan ng pagsisyasat ng anumang penomeno alinsunod sa ginagamit at tinatanggap ng karaniwang Pilipino -bigyan ng halaga ang pamana ng lahi; hindi mahalaga ang pagiging sophisticated kundi ang kaangkupan nito 3. Iwasan ang bulag na pagpapahalaga sa result ng pananaliksik -ang husay ng pananaliksik ay hindi nakasalalay sa pagtamo ng resultang umaayon sa haka-haka ng pag-aaral -higit na mahalaga ang paglinang sa mga pamamaraaang angkop sa layunin at kontekstong Pilipino 4. Pahalagahan ang sariling palagay at haka-haka -ang mga paliwanag tungkol sa mga penomeno ay maaaring kunin sa kalahok na gumagamit ng konsepto at haka-hakang makabuluhan sa Pilipino -makikita ang diwang Pilipino hindi sa salansan ng mga aklat kundi sa salita at kilos ng masa

5. Subukan ang isang panimulang modelo ng pananaliksik na dinedebelop batay sa pagsusuri ng pananaliksik sa nayon -iskala ng mananaliksik at iskala ng patutunguhan ng mananaliksik at kalahok Sa Panimulang Modelo ng maka-Pilipinong Pananaliksik >Ang unang iskala ay ginagamit ng sinumang nagnanasang mag-aaral o magsisiyasat ng anumang bagay na nauukol sa gawain ng tao na may kaugnayan sa kanyang reaskyon sa mga bagay, kapwa, kilos, isip, o damdamin -ang mga pamamaraaan na nakasaad dito ay bahagi ng tradisyon at pag-uugaling Pilipino; pamana ng lahi kaya ito ay kapilipinuhan, hindi nagbabago at hindi pambihira >Ang ikalawang iskala ay batay sa makapilipinong pananaw na ang relasyon ang mananaliksik at kalahok ay pantay at nagdaraan sa iba’t ibang antas -ay kalahok ay hindi guinea pig; siya ay taong pinakikitunguhan auon sa layunin ng mananaliksik at tugon sa kanya ng kalahok Iskala ng Mananaliksik >Metodong ginagamit ng isang mananaliksik sa sikolohiya sa pagtatarok ng diwa ng kalahok -paglikom ng impormasyon sa kulturang Pilipino >Pagmamasid, Pakikiramdam, Patatanong-tanong, Pagsubok, Padalaw-dalaw, Pagmamatyag, Pagsusubaybay >Pakikialam, Pakikilahok, Pakikisangkot Iskala ng Pagtutunguhan ng Mananaliksik at Kalahok >Dapat gamitin ng mananaliksik sa pag-aaral ng diwang Pilipino sa pamamagitan ng kalahok >Pakikitungo, Pakikisalamuha, Pakikilahok, Pakikibagay, Pakikisama, Pakikipagpalagayang-loob, Pakikisangkot, Pakikiisa >Iminumungkahi na abutin ang pakikipagpalagayang-loob dahil ang impormasyong nilalayon ay bukal sa kalooban ng kalahok >Sa antas lamang ng pakikipagpalagayang-loob makakamit ang malalim at taos-pusong sagot ng kalahok >Pakikitungo/Pakikisalamuha: pagsunod sa atas ng mabuting asal ayon sa kaugalian sa pakiipagkapwa; pakikitungo sa maraming tao at higit na malapit sa pakikiisa kaysa pakikitungo >Pakikibagay: pag-ayon ng mga kilos, loobin, at salita ng isang tao sa kanyang kapwa; hindi kailangang taos sa kalooban; maaaring atas ng mabuting asal, atas ng pagnanais makinabang, o atas ng hangaring ilapit ang loob sa iba >Pakikisama: dahil sa pakikipagkaibigan o sa maaaring ipakinabang sa hinaharap >Pakikipagpalagayang-loob: mga kilos, loobin, at salita ng isang tao na nag-papahiwatig na panatag ang kanyang kalooban sa kanyang kapwa; hindi na nahihiya sa isa’t isa at halos ganap at walang pasubali ang pagtitiwala >Pakikiisa: kilos, loobin, at salita na nagpapahiwatig ng ganap at lubos na pagmamahal, pagkakaunawa, at pagtanggap sa minimithi bilang sariling mithiin din PAKAPA-KAPA: PAGLILINAW NG ISANG KONSEPTO SA NAYON Carmen Santiago

>Ang konseptong nilinaw ay konsepto ng pagkalalaki >Isang nayon sa Baliwag, Bulacan (Baryo Tangos) -pawang mga magsasaka na nabubuhay sa pagsasaka ng palay, mangangalakal, nagttricycle, nag-aalaga ng baboy at manok at nagtatanim ng gulay -ang mga babae ay katulong sa paghahanpbuhay o may sariling gawain gaya ng paghahabi ng sambalilong buntal, pagsusulihiya, pagtitinda sa palengke, pagbabarog, at pamumulot ng palay >Ang mga taong higit sa tatlumpung taong gulang ay hindi nakatuntong ng kolehiyo -40 pataas hindi nakatuntong ng mataas pa sa mababang paaralan; 60 pataas halos hindi marunong magsulat at magbasa >Karaniwang may 7 anak ang karaniwang mag-anak sa nayon >Hindi nila kinakahiya ang pagiging mahirap, kinakahiya nila ang kakulangan sa pag-aaral >Ang tawag sa asawang lalaki ay “tao” at hindi inaasahang gumawa sa bahay; pinuno ng tahanan >Ang mga lalaki ay tanggap na maglibang-libang sa mga kabaret (club) kahit may asawa na ngunit hindi dapat umibig maliban sa kanyang asawa at hindi dapat uminom ng marami -alak, sugal, babae ang pinakamasamang busyo ng mga lalaki >Pahagi-hagilap, pasamot-samot, pakapa-kapa >Ang pakikisangkot ay ginawa sa pamamagitan ng pagtira sa loob ng apat na araw bawat linggo noong mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero 1975, tumira sa apat na kabahayan, papalit-palit araw-araw >Ang pagkalalaki ay tumutukoy sa kilos, damdamin, gawain, katawan at anyo ng isang lalaki -pagtingin ng lalaki sa kanyang sarili bilang isang lalaki >Likas ang pagkalalaki sa katawan at anyo, tulad ng lakas, pagkamatipuno, at kapusukan >Ang tunay na lalaki ay may kakayahan sa lahat ng bagay, may tiwala sa sarili, matigas ang paninindigan, may kakayahan sa pakikisalamuha sa ibang tao, may pag-iisip at damdamin para sa pangkalahatan, mabuting binhi, mahusay magpalakad ng pamilya at trabaho, hindi bakla, matapang, mahinahon, tapat, hindi nang-aapi, mapagpakumbaba >Ang pagkalalaki ay binubuo ng tatlong kaurian -Mga katangiang panlalaki: pag-iisip, kilos at damdamin na sinasabing panlalaki lamang -Kakayahan sa pagganap ng tungkulin nainiatas sa mga lalaki: ang tunay na lalaki ay may asawa (pinakamataas na uri ng lalaki) -Kilos o ugaling sekswal >Ang sukatan ng pagkalalaki ay ukol sa katangian at sa kakayahan ANG PAGTATANUNG-TANONG: DAHILAN AT KATANGIAN Lydia Gonzales >Hindi lamang nakukulong sa aklatan at laboratory ang pananaliksik sa sikolohiya -higit na mabisa ang pananaliksik kung ang mga bagay na nais tuklasin ay makukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan sa mga tao >Pagmamasid at pakikiramdam: panimulang tagadama ng kapaligiran upang matiyak kung mararating ang nilalayon o hindi >Pagtatanung-tanong: naglalayon itong malaman ang eksternal na mga pangyayari pati na rin ang masiyasat ang mga saloobin Layunin ng Pagtatanung-tanong

>Ang kaalamang nauukol sa pangyayaring pinag-aaralan niya ay wala sa kamay ng iisang tao lamang, o hindi siya nakatitiyak kung sinu-sino ang nakaaalam ng impormasyong nais nyang makuha -upang higit na makatiyak sa mga bagay na ibig malaman *halimbawa: pagtatanung-tanong kung sino ang terror at okay na prof bago magsimula ang semester >Maaaring ang mga taong tuwirang nasasangkot sa pangyayaring pinag-aaralan ay kulang sa kasanayang magsalaysay ng kanilang karanasan *halimbawa: kung nais malaman kung ano ang pinagkaka-abalahan ng isang bata sa loob ng isang araw, pwedeng magtanong sa magulang, kapatid, guro, at kalaro >Maaaring may nais linawin o pagtibaying mga impormasyong naibigay na ng ibang mga napagtanungan ng mananaliksik >Impormal na wika lamang ang ginagamit upang madaling maunawaan >Ang pangkalahatang layunin ng pagtatanung-tanong ay hindi upang makakuha ng impormasyon kundi upang malinawan, matiyak at mapagtibay ang mga nakuhang impormasyon Mga katangian ng nagtatanung-tanong >Kailangang maging alisto at sensitibo sa ilang bagay tulad ng lugar, wika, populasyon, kasaysayan, paniniwala at tradisyon ng pook kung saan niya nais magtanong >Dapat nauunawaan ang kaisipan, kaalaman, at ambisyon ng mga taong nakakaharap; pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng wikang nauunawaan ng dalawang nag-uusap >Kasarian: kung ang pakay ay tungkol sa mga bagay na pangkalahatan, hindi mahalaga ang kasarian ng nagtatanong; kung ang pakay ay personal na topic, mas mabuti kung kaparehong kasarian ang magtanong >Edad: kung ang taong pinagtatanungan ay may liberal na pag-iisip, hindi magiging problema ang edad; ngunit kung dahil sa agwat ng edad ay magkaiba sila ng pag-iisip, magiging sagabal ito sa katotohanan ng makukuhang impormasyon >Pananamit: pakikiayon sa pananamit ng tinatanong dahil ang malaking pagkakaiba ay maaaring maging balakid sa katotohanan ng impormasyong makukuha -ang pagbihis ay magara at tama kung ang tatanungin ay magara din >Kagandahan o kakisigan: magkakaroon ng kaunting problema kapag ang isang napakagandang nagtatanong ay pupunta sa isang baryo dahil sya ay maaaring ligawan -kung selosa ang asawa ng pagtatanungan ay problema din >Lahi: hindi naman balakid ang lahi sa pagtatanong lalo na kung ang nagtatanong ay marunong ng wika ng pinagtatanungan >Instrumentong pampananaliksik: tape recorder, movie camera, etc -sa paggamit ng tape recorder, magiging maingat ang mga kalahok sa kanilang sinasabi -kung paktwal ang tinutukoy, mas maganda kung gumamit ng tape recorder, etc; sa mga baryo, humahanga sila kapag naririnig nila ang kanilang mga boses >Institusyong kinabibilangan: nangangailangan ng ID ang nagtatanung-tanon upang makilala sya; kung pinag-dududahan ang kinabibilangan ng nagtatanong tiyak na hindi totoo ang makukuhang mga impormasyon Pook >Ang pagtatanung-tanong ay dapat isagawa sa tamang lugar >Ang tamang lugar ay may kinalaman sa kung sino ang pagtatanungan; puntahan ang kinaroroonan

na makapagbibigay ng tamang impormasyon o impormasyong malapit sa nais mabatid >Hindi sapat na may tao sa lugar na yon kundi kailangang matao depende sa hinihingi ng paksa; para madaming mapagtanungan >Angkop sa kapaligiran; mainam na pakikipagpalagayan ng taong tinatanong sa taong nagtatanong -ang tagpo ay nararapat na nababagay sa paksa >Ang kapaligiran ay nagbibigay ng ibang pakiramdam at ito ang higit na makadaragdag sa balidity ng isinasagot; mahala ang kapaligiran para sa matapat na pagsagot sa mga katanungan (hindi nahihiwalay ang tao sa kanyang kapaligiran) Pagkakataon >Maaaring gamitin ang pagtatanung-tanong kung ang nagtatanong ay may sapat na kakayahan at pang-unawa sa pagsasalita ng wika ng kanyang tagapagbatid -unti-unti nyang madadala sa nais nyang landasin ang kanyang tinatanong nang hindi namamalayan kahit na maselan ang paksa Panahon >May tiyak na mga taong dapat lapitan sa isang tiyak na lugar at tiyak na panahon batay sa layuning nais isakatuparan >Isagawa ang pagtanong sa makatwirang panahon; natural na kondisyon, hindi nakakaabala sa pinagtatanungan >Tiyakin na ang isipan ng tinatanong ay nasa mabuting kondisyon; tiyakin kung handa itong sumagot sa mga tanong na nakahanda >Iwasang tanungin ang mga bagong gising >Ang pagpili ng oras ay depende sa layuning ng pagtatanong at kung sino ang nagtatanong >Sa umaga: makakapagtanung-tanong lang sa umaga kapag hindi pa nagsisimula ang mga gawaing pantahanan ng mga taong-bahay at hindi nagmamadali pumasok sa trabaho -mainam magtanung-tanong tungkol sa buhay-buhay habang naglalaba ang mga babae >Sa tanghali: pagkaligpit ng pinagkainan ay pwede pang magtanong ngunit sandal lamang dahil namamahinga sa tanghali >Sa gabi: mas madaling magtanong pagkatapos ng hapunan, may binibigay na pampainit (alak) dahil pagod na sa mga gawain at para wag antukin Mga taong pagtatanung-tanungan >Alamin ang mga taong makakapagbigay ng sapat na impormasyon na nais alamin (magbasa ng mga lathalaing may kaugnayan sa paksa o makihalubilo sa mga taong sa ating palagay ay makakapgbigay ng panimulang detalye at makakapagturo pa ng mga taong may higit na alam sa paksa) >Maaaring kumuha ng kahit ilang kalahok hanggang makakuha ng mga impormasyong sa tingin ay sapat na upang makabuo ng konsepto 1. Mga taong may mataas na posisyon sa pook (pari, baranggay lider, pulis, propesyunal 2. Batang dahilan sa mga kilos at pananalita ay hindi napag-aalinlangan 3. Taong binabanggit ng ibang tao na siyang nararapat pagtanungan 4. Taong kinasasalaminan ng kaalaman sa paksa 5. Taong nagpapakita ng interes sa paksa 6. Mukhang may nalalaman Pamamaraan >Mahalaga munang alamin ang lugar, wikang ginagamit at ilang pangunahing detalye tungkol sa

gawain ng mga tao Paano sisimulan ang pagtatanong? 1. Pagkatok/pagbati: ipagbigay-alam ang intensyong makipag-usap; kumatok at magmagandang-umaga, hapon, gabi o araw 2. Pagpapakilala ng sarili at pagsasabi ng nilalayon: sabihin ang pangalan at sundan ito ng pagsasabi ng pinanggalingan o institusyong kinabibilangan; ipaliwanag ang pakay; gumamit ng simpleng pananalita; panatilihin ang pagbibigay-galang; banggitin ang itatagal ng pagtatanong 3. Pagtantiya sa pagtanggap ng pagtatanungan: kung ang tinatanong ay pumayag na siya ay tanungin maaaring nang magpatuloy -“kasi ho, ibig naming malaman kung ano ang palagay ninyo tungkol dito at naniniwala kaming higit ang kaalaman ninyo tungkol sa bagay na iyan kaysa sa amin 4. Pinakaproseso ng pagtatanung-tanong: pagbanggit sa kung paano pagsusunurin ang mga klase ng tanong -pangalan, edad, estado sibil, grading tinapos, atbp; kailangang madaling saguting ang mga panimulang tanong para hindi agad mainip ang tinatanong -hindi kailangang may listahan ng mga tanong pero kailangang malinaw sa nagtatanong ang mga impormasyong kailangan nyang makuha -maghanda ng gabay na kinapapalooban ng impormasyong nais makuha; itala ang ilang pangyayari sa paligid at mga impormasyong nakuha mula sa pagkukwento ng tagapagbatid -kung napapansin na ang tinatanungan ay pagod na o nababagot, pwedeng ihinto muna ang pagtatanungan at bigyan ng pagkakataon na makapagpahinga -huwag tanggihan kung mag-aalok ng meryenda ang tinatanong >Kailangang ang simpleng pananalita na madaling maintindihan, maliwanag, at iisang ideya lamang ang napapaloob; iwasan ang leading questions 5. Pagbubuod: sa huli, tanungin ang tagapagbatid kung sya ay may gusto pang idagdag; magpasalamat sa malaking tulong; maaaring bigyan ng munting pabuya; maaaring ipaalam ang resulta pagkatapos ng pag-aaral PAKIKIPAGKWENTUHAN: PAANO KAYA PAG-AARALAN ANG PAKIKIAPID? Ma. Gracia de Vera >Hindi madaling pag-aralan ang pakikiapid dahil mailap ang mga taong may kinalaman sa aktwal na karanasan dito >Lugar ng pag-aaral: Fundado, Labo, Camarines Norte >hindi sinabi ang tunay na paksa ng pag-aaral upang maiwasan ang pagkukunwari >Limang magkakasunod na araw, bago magsimula ang pulong, kapag may pahinga, at pagkatapos ng pulong >Sine; angkop ang pakikipagkwentuhan dahil ang paksa ay hindi karaniwang pinag-uusapan ng mga tao kung walang particular na pangyayaring ikinakalat >Kahinaan: pagpapatangay ng iba sa opinyon ng nakararami >Ang pakikipagkwentuhan ay mahusay na paraan sa pagkuha ng datos tungkol sa mga bagay na mahirap aminin ng tao dahil malaya ang bawat isang tao na magpahayag ng kanilang opinyon o karanasan; hindi natatakot ang tao na magbitiw ng mga salita >Hindi maaaring sukatin o ikategorya ang mga datos; iranggo ito mula sa pinakamadalas hanggang sa pinakamadalang na tugon

>Ang nakikiapid ay panlalamig, pag-iwas, at pagkawala ng galang; medyo nilalayuan ang mga kaanak ng nakikiapid at kinaaawaan ang kabiyak; mas mabigat ang pagkakasala kung babae ang nakikiapid >Hinahangaan ang lalaking nakikiapid na hindi nahuhuli; kinaaawaan ng kalalakihan ang pamilya ng lalaking nakikiapid Mga Sanhi ng Pakikiapid >Para sa mga lalaki, ang pagpapabata ay isang dahilan bakit sila nakikiapid; nagiging sanhi din ang panunukso o kantyawan >Di pagkakaroon ng anak; dahil ang bilang ng anaka ay patunay ng pagiging tunay na babae o lalaki >Sa mga babae, ang pagtataksil ng asawa ay nauuwi sa paghihinganti sa pamamagitan ng pakikiapid; ang pagwasak ng dangal ng lalaki ang pinakamalapit na ganti ng babae sa kabiyak >Pangungulila sa malayong asawa; pinansyal na pangangailangan Sikolohikal na Aspeto ng Pakikiapid >Para sa mga taga-Fundado, ang pakikiapid ay marumi at bawal, laban sa batas at simbahan >Ang pagkatao ay hindi raw ganap kapag ang isang tao ay hindi pa nakakagawa ng isang bagay na ipinagbabawal >Magkaibang pamantayan ng moralidad sa babae at lalaki; malaya ang lalaki sa seks; mahina pa din ang babae PAGDALAW AT PAKIKIPAGPALAGAYANG-LOOB SA MAMUMULOT NG BASURA Santiago Gepigon Jr. at Virgilio Francisco >Saloobin: ugali o kilos na nagpapakita ng isang damdamin, paniniwala o hangarin para sa isang tao o bagay >Mithiin: ambisyon o pangarap ng isang tao sa buhay na hinahangad matupad >Pagmamasid: pagtingin-tingin sa tao, kilos, at gawa >Pakikiramdam: gamit ay damdamin at mata >Pagtatanung-tanong: dito nagsisimula ang isang pakikipag-usap sa isang tao, ang paksa ay madalas mababaw lamang >Pagsubok: pakikipag-usap o paggawa; sinusubukan ang isang tao kung totoo nga ang nabuong kaalaman sa kanyang isipan tungkol sa kanyang pinagmamasdan at pinakikiramdaman >Pag-dalaw-dalaw: pagpupunta-punta sa kapwa; paraan para mabilis na magkakilala ang dalawang tao >Pakikialam: maaaring isagawa sa pamamagitan ng gawa o pag-tatanong; ang mga tanong ay nagsisimula sa bakit at naghahanap ng paliwanag; pagkalinga sa iba >Pakikilahok/Pakikibagay: pagsang-ayon sa gawa, salita, at kilos na ang layunin ay maaaring taos puso o hindi >Pakikipagpalagayang-loob: ang isang tao ay panatag ang kalooban sa kanyang kapwa; wala na ang hiya at pag-aalinlangan >Paglalagay: paghingi ng anumang bagay na kalimitang isinasagawa ng mga pulis >Nagsuot lamang ng ordinaryong damit, paraan ng pakikibagay >Limang beses bumisita sa Tambakan >Ang pamumulot ay gawain ng mga taong hindi nakapag-aral at walang alam na particular na trbaho na walang mapagkukunan ng panustos sa pangangailangan sa buhay; isang tinatanggap na

katotohanan kung wala nang mapagpiliang ibang uri ng trabaho >Ang mga bata ay nangangarap ng ligtas, tahimik, at matiwasay na pamumuhay >18 pataas: iniintindi na lamang ang kanilang mga anak; magtapos ng pag-aaral -nauunawaan na nila na ang kanilang buhay ay hindi nagbabago simula pa nung bata pa sila; namamatay ang mga pansariling pangarap sa paglipas ng panahon -tinatanggap na lamang ang katotohanan na wala na silang pag-asa; pero umaasa pa din sila na mabago ang buhay nila kung sswertehin ang kanilang mga apo o anak PAKIKISAMA AS A METHOD: A STUDY OF A SUBCULTURE Lamberto C. Nery >Prostitution: provision of sexual relations in return for money General types: female heterosexual, male heterosexual, female and male homosexual >The study is about male homosexual prostitution; explore the nature of the “call boy” subculture, examine its mode of operation and present a more or less substantial and general description >Setting: brothel-gaybar in Manila (University Belt) in Sampaloc >Used pakikisama ang depth interview method >Pakikisama consisted of frequenting the hangouts then inviting them to sit down and drink with the inquirer >The call boys interviewed come from big families; they had had early experiences with homosexuals at the age of sixteen or below; all of them are out of school; each of them keeps a habit or vice; they are maluho in their lifestyles >Call boys are generally products of what may be describes as “inferior homes” PAKIKIPANULUYAN: TUNGO SA PAG-UNAWA SA KAHULUGAN NG PANAHON Erlinda Nicdao-Henson >Baryo Tiaong, Guiguinto, Bulacan >Tumira ang may-akda sa loob ng 3 buwan; pakikisalamuha, p...


Similar Free PDFs