FIL 012 - Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik PDF

Title FIL 012 - Pagbasa At Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik
Author Zoe Daniel
Course Bachelor of Science in Psychology
Institution Don Mariano Marcos Memorial State University
Pages 186
File Size 7.7 MB
File Type PDF
Total Downloads 112
Total Views 813

Summary

MODYULFIL02:PAGBASA ATPAGSULATTUNGO SAPANANALIKSIKBATAYANG KAALAMAN SA WIKA AT KOMUNIKASYONPAGTAPAT-TAPATIN : Hanapin sa hanay B ang hinihingi sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot.A B_________1. Sosyolek A. Ang personal na “wika” ng isang tao._________2. Pidgin B. Panrehiyon o heograpikal na...


Description

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

MODYUL FIL02: PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAHINA 1

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK BATAYANG KAALAMAN SA WIKA AT KOMUNIKASYON

PAGTAPAT-TAPATIN : Hanapin sa hanay B ang hinihingi sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot. A

B

_________1. Sosyolek

A. Ang personal na “wika” ng isang tao.

_________2. Pidgin _________3. Creole

B. Panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya, sintaksis at leksikon C. “Wikang” umunlad/napaunlad sa dahilang praktikal.

_________4. Balbal

D. Ito ang pinakamababang antas ng wika.

_________5. Kolokyal

E. Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan F. Kapag ang pidgin ay naging inang wika o mother tongue ng isang pangkat ng tao G. Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika . H. Ito ang wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagya ng tinatanggap sa lipunan I. Batay sa katayuan o status ng isang gumagamit ng wika sa lipunang kanyang ginagalawan. J. Ito ang pinakamayamang antas ng wika.

_________6. Dayalekto _________7. Idyolek _________8. Register _________9. Tenor _________10. Moda

K. Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)

PAHINA 2

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK KABANATA 1: BATAYANG KAALAMAN SA WIKA AT KOMUNIKASYON Layunin: a.) Nakapagpapakita ng higit sa lahat ng antas ng kakayahang komunikatibo sa akademikong Filipino b.) Nasusuri ang katangiang panlipunan ng wika c.) Matutunan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng akademiko at di-akademikong wika.

KOMUNIKASYON -

-

Mahalagang salik sa kontemporaryong sibilisasyon ang komunikasyon. Ang salitang komunikasyon ay hango sa ingles na “COMMUNICATION” na may etimolohiyang “Communis” mula sa Latin na ang kahulugan ay karaniwan. Sa Filipino, tinatawag itong PAKIKIPAGTALASTASAN, kung saan ang salitangugat na TALASTAS ay nilapian ng panlaping nagsasaad ng kilos na paki (ki) pag at -an. Kung gayon, ang komunikasyon, communication o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagbabatid at paghahatid ng mensahe. 1. Itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kapwa. 2. Paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya, karanasan at mga saloobin. 3. Ito’y prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at nagbabago; 4. Ito’y mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/ pakikipagunawaan.

PAHINA 3

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 5. Ito’y pasalita o pasulat na nagpapahayag o pagkabatid ng iniisip o dinarama sa isang paraang mabisa at kalugod-lugod. Katangian Ng Komunikasyon 1.Isang patuloy at pagbabagong proseso. 2.May mahigpit na ugnayan ang mga elemento. 3.Ang mga pagbabago ng mga elemento ay instrumental sa pagbabago ng kabuuang proseso. 4.Bawat kasapi ay nag-iisip at kumikilos ayon sa isang tiyak na layon. Mga Layunin Ng Komunikasyon 1. 2. 3. 4.

Magsilbing daan sa pagkakaunawaan. Maipahayag ang tamang impormasyon. Malinang ang pakikipag-ugnayan sa tulong ng pakikipagpalitan ng isipan. Makatugon sa tungkuling panlipunan at mapahalagahan ang mga usaping kaugnay nito. 5. Mapanatili ang mataas na pagkilala sa sarili upang matunugan ang pang arawaraw na pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa kapwa-tao. 6. Makaimpluwensya ng mga kaisipan (concept) at paniniwala. Mag Uri Ng Komunikasyon 1. Komunikasyong Berbal – komunikasyong ginagamitan ng wika, maaring pasulat o pasalita. 2. Komunikasyong Di-berbal – ginagamit ang mga kilos ng katawan o bahagi nito, pinapahalagahan din ang kalidad ng tinig kung saan ang mga interpretasyon ay tiyak at napagkasunduan.

PAHINA 4

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Komunikasyong Pantao 1. Interpersonal – proseso kung saan ang isang indibidwal ay nakikipagpalitan ng kuro-kuro sa iba. Ang mga kalahok ay mula sa 2 hanggang 8. 2. Pangmadla – ang pagpapahatid ng mensahe ng isang indibidwal o pangkat ng mga tao sa mga taong hindi nakakahalubilo at nakikita (radio, telebisyon atbp.) 3. Intrapersonal – ito ang pakikipag-usap sa sarili. Kabilang dito ang pakikipag-usap sa sarili, pagdinig sa sarili habang nag-iisip at ang pagdama ng mga kilos ng katawan.

Komponent Ng Komunikasyon 1. Konteksto – ang kalagayan kung saan magaganap ang komunikasyon. Limang dimensyon: a. Kontekstong Pisikal - kasama ang sa kontekstong pisikal ng komunikasyon ang lugar, ang kondisyong pangkaligiran. Halimbawa: Pakikipag-usap ng Prinsipal sa mga guro sa loob ng opisina kumpara sa pakikipag-usap sa restawrant. b. Kontekstong Sosyal - ang uri ng relasyon ng dalawa o higit pang kalahok sa isang usapan ay may kinalaman sa kontekstong sosyal. Halimbawa: Pakikipag-usap sa kaklasw kumpara sa guro. c. Kontekstong Historikal - kasama ang sa kontekstong historikal ang kaligirang maibibigay ng mga naunang episodo ng komunikasyon sa pagitan ng mga kalahok sa usapan.

PAHINA 5

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Halimbawa: Mel : Nakuha mo ba ? Joe: Nasa ibabaw ng mesa ko. d. Kontekstong Sikolohikal - kasama ang sa kontekstong sikolohikal ang kalagayang emosyonal at damdaming dala ng taong kasangkot sa komunikasyon. Halimbawa: Kung kakausapin natin yung may dinaramdam. e. Kontekstong Kultural - kasama ang sa kontekstong kultural ang paniniwala, pagpapahalaga at huwarang pinanaligan ng isang pangkat ng tao. Halimbawa: Paguusap ng dalawang tao na may magkaibang kultura/relihiyon. 2. Tagapagsalita – ang pinagmulan ng mensahe 3. Mensahe – nagaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng paghahatid at pangtanggap ng mensahe. 4. Tagatanggap – ang kalahok na nasa kabilang dulo ng balangkas sa proseso ng komunikasyon 5. Tsanel – ito ang ruta o daluyan dinaraanan ng mensahe. 6. Ingay – ito ang nakakasagabal sa pagbabahagi ng pakahulugan. 7. Pidbak – ang tugon o resulta ng mga kalahok ukol sa mensahe.

Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksan ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=pBejjdvcpPY

PAHINA 6

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Paralanguage -

Ang Paralanguage ay kinasasangkutan ng mga kinikilalang di-berbal na tunog. Kabilang dito ang mga sumusunod: a. Pitch – ang taas ng tinig o baba ng tono ng tinig. b. Volyum – ang lakas o hina ng bugso ng pagbigkas. c. Bilis – ang katulinan o kabagalan ng pagpapahayag. d. Kalidad ng Tinig – ang taginting ng tinig ng tagapagsalita.

WIKA -

-

Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang particular na layunin para makapagpaliwanag. Maituturing na na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin ng tao, isang instrument sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. (Constantino 2007) Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang maging daan sa pagpapabatid (Henry Gleason)

Mga Katotohanan Ukol Sa Wika 1. Ang wika ay intermediary – daan o tagapamagitan sa unawaang pangtao. 2. Gamit ang wika sa pagtatal at paglalarawan – nababatid ang kaanyuan at mga pangyayari sa isang tiyak na panahon sa kasaysayan. 3. Kaugnay ng lipunan at kultura – ang uri ng wika at ang gamit nito sa isang bansa ay nagbibigay indentidad sa mga taong naniniwala dito. 4. Gabay sa Realidad – panukat sa mga katotohanang nagaganap sa kasalukuyang panahon. 5. Mula sa kamalayan at damdamin – ang mga kaisipan at paniniwalang inilalahad gamit ang wika ay sumasalamin sa kamalayan (consciousness) at saloobin (feelings) na gumagamit nito. 6. Kasangkapan sa pagkatuto – ang mga realidad ng kasalukuyan, nakaraan at ang mga pagtataya sa hinaharap ay madali at epektibong maipapabatid gamit ang wika.

PAHINA 7

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

Kahalagahan Ng Wika 1. Behikulo ng impormasyon at kaisipan. 2. Instrumento sa pagkamit ng kasanayang pangkomunika 3. Kasangkapan ng panitikan sa kagamitang makasining. 4. Tagapagbuklod sa mga lahi at lipunan. 5. Daan sa pagkakakilanlan ng kultura ng bansa. 6. Gamit sa pagbibigay kautusan. 7. Kakambal sa pagkatuto. Katangian Ng Wika 1. Masistemang balangkas - may kaayusan o order ang bawat wika. 2. Sinasalitang tunog - mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika . 3. Isinaayos sa paraang arbitraryo - isinaayos sa sa paraang napagkasunduan. 4. Ginagamit sa komunikasyon - mula sa salitang latin na communis na ibig sabihin ay “to work publicly with” 5. Pantao lamang - ang wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at paguugnay sa kultura. 6. Nakaugnay sa kultura -nalalaman ang pamumuhay, mithiin, saloobin, tradisyon at paniniwala ng tao. 7. Natatangi -may sariling set ng mga tunog yunit pagmamarka. 8. Nagbabago -dinamiko ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.

PAHINA 8

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 9. Malikhain -may kakayahang makabuo ng bagong salita, parirala,sugnay at pangungusap. Gamit Ng Wika 1. Maglebel at magtakda – ang pagtatalaga ng katawagan sa anumang bagay na Makita Halimbawa: Tao, Hayop, Muebles, Mayaman, Mahirap atbp. 2. Nagpapahalaga – ang pag-uuri sa mga lebel na itinalaga sa isang bagay. Halimbawa: Tao - maganda, pangit, mahirap Hayop – mabangis, mailap, mabait 3. Pagtalakay sa mga karanasang hindi pa napagdadaanan – ang mga pagtataya o panghihinuha o kaya’y mga pagkukwento ng ngayon at kahapon. 4. Nagtatakda ng mga sinasaklaw na kahulugan – naglalagay ng hangganan sa mga katawagan. Halimbawa: Mansyon – malaking bahay, magara, hindi marumi 5. Nagsasaad ng pag-uutos – ito ang nagtatakda sa kapangyarihang taglay ng tagahatid ng wika. 6. Nagbibigay impormasyon – ang mga payak at mahahalagang katotohanan ay nababatid.

Kalikasan Ng Wika 1. May mga Elementong Operasyunal – ang mga salitang pangnilalaman at salitang pangkayarian (fonoloji) 2. May Ispeling – ang bawat salita ay may natatanging baybay kung saan ang bawat tunog ay may katumbas na titik. 3. Pinagsama-samang Tunog – kaugnay ang ponolohiya at morpolohiya ng salita. 4. May Etimolohiya – ang paniwalang bawat angkan ng wika ay magkakaugnay at may pagkakatulad ay nabibigyang patunay sa mga pinaghanguang wika ng isang salita.

PAHINA 9

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 5. May istrukturang Pambalarila – ito ang tumatayong batas na gabay sa pagbuo at paggamit ng mga wika. Mga Teorya Hinggil Sa Pinagmulan Ng Wika 1. Tore Ng Babel - Teoryang nahalaw mula sa bibliya. Nagkaroon ng panahon na kung saan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magwatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang malaman ng Panginoon, bumaba siya at sinira ang tore. Nang mawasak ang tore, nagkawatak-watak na ang mga tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo. 2. Teoryang Bow-Wow - Sinasabi sa teoryang ito na ang unang wikang natutuhan ng mga tao ay nagmula sa panggagaya ng mga tunog na nalilikha ng mga hayop. Halimbawa: tahol ng aso, huni ng ibon, tilaok ng manok at iba pa. 3. Teoryang Dingdong - Maliban sa mga tunog ng hayop, ang mga tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang may sariling tunog. Halimbawa: pagtunog ng kampana, tsug-tsug ng tren at tik-tak ng orasan atbp. 4. Teoryang Pooh-Pooh - Batay sa teoryang ito, nakalilikha ng tunog batay sa bugso ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. Hindi sinasadyang nakabibigkas ng salita o kataga ang tao kapag sila’y nagugulat, nabibigla o natatakot. Halimbawa: Aray ! sa Filipino at Ouch ! sa mga Amerikano 5. Teoryang Yo-He-Ho - Nalikha dahil sa pwersang gamit. Nakakalikha ang tao ng tunog kapag may ginagawang kahit na anong bagay.

PAHINA 10

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK Halimbawa: Kapag nagbubuhat ng mabibigat. 6. Teoryang Yum-Yum - Sinasabi sa teoryang ito na ang iniluwal ng pagkalam ng sikmura ng tao dala ng labis ng pagkagutom. Sinasabi ng teoryang ito na naunang sumenyas ang tao kaysa magsalita. Ngunit sa pagdating ng tamang panahon, kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Lagi nating naipagsasabay ang pagtango sa pagsasabi ng afirmativ na salitang tulad ng oo, opo o kaya sige. 7. Teoryang Ta-Ta - Natutuhan ang wika sa kumpas ng maestro sa musika. Ang tata (wikang Pranses), ibig sabihin ay paalam. 8. Teoryang La-La - Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. Halimbawa: mga salita galing sa isang tula o awitin ng pag-ibig. 9. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay - Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Ang mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura. Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksan ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=ySBLWhnMUCg

LINGWISTIKA -

Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na LINGGWISTIKA.

-

Malawak ang sinasakop ng pag-aaral na ito, tulad na rin ng lawak na taglay ng paksang pinag-aaralan. Ilan sa mga paksang pahahalagahan natin ay ang nauukol sa morpolohiya, ponolohiya, sintaksis at semantika.

1. Ponolohiya – ang pag-aaral ng makabuluhang tunog (Ponema) ng salita. Nagiging makatwiran at makabuluhan ang pag-aaral na ito dahil ditto matutukoy

PAHINA 11

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK ang magkakaibang pakahulugan sa isang balita batay sa pagpapalit ng isang ponema nito. Halimbawa: PATAKA – TATAK LAKSA – LUKSA

SAMPA – SUMPA ALAM – ULAM

2. Morpolohiya – itinuturing itong palabuuan. Sapagkat nakasentro ito sa pag-aaral ng pagbubuo ng mga Morpema ng wika. Morpema ang tinatawag sa unit na pinakamaliit sa isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Halimbawa: PAGLALAPI IBIG SULAT

UM + IBIG = UMIBIG SULAT + AN = SULATAN

PAG-UULIT BATO ULIT

= BATU-BATO = ULIT-ULIT

PAGTATAMBAL AGAW + BUHAY = AGAWBUHAY ANAK + PAWIS = ANAKPAWIS 3. Sintaksis - Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na siyang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Nagpapahalaga ito sa wastong posisyon ng mga salitang pangnilalaman (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay) at salitang pangkayarian (pangatnig, pananda, pang-ukol, pangangkop) sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Kinain ng bata ang malaking manok. 1. 2. 3. 4.

Kinain ng malaking bata ang manok. Kinain ang malaking manok ng bata. Ang bata, kinain ng malaking manok. Ang malaking manok, kinain ng bata.

4. Semantika – ang pag-aaral ng nais o ipinakahulugan ng mga salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Hawakan

PAHINA 12

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK 1. Hawakan mo nang Mabuti ang bata. 2. Ang hawakan sa pasilyo ay umuuga. Mga Pilosopiyang Panglingwistika 1. Ronald Wardhaugh – tinukoy niya na ang wika ay nakasalalay sa kasarian ng gumagamit nito. (sexism) 2. Bejamin Lee Whorf – ang wika ay nakasalalay sa mga ibinigay na pagpapakahulugan ng mga tao sa kanyang kapaligiran. 3. Hudson – ang mga karaniwang karanasan ang siyang maging madalas na batayan ng wika. 4. Giambattista Vico – nagkaroon ng mga payak na salita dahil ang mga ito ang siyang nagsisilbing tugon ng mga tao sa mga pangyayari sakanyang kapaligiran. 5. Noam Chomsky – ang husay at kakayahan ng tao sa proseso ng pakikinig ang siyang batayan ng wika ng tao. 6. Basil Bernstein – ang uri ng lipunan ang siyang sangkalang pinagmumulan ng wika ng isang bayan. (codes) Mga Teoryang Panglingwistika sa Pagkatuto 1. Teoryang Behaviorist ni Skinner – ang paggamit ng mga pagganyak at pamukaw-siglang ehersisyo ang naging daan upang mapangalagaan ang kaunlarang pangkaisipan. 2. Teoryang Kognitibo – ang pag-iisip at pagpapahalaga sa mga nakalap na impormasyon ay mahalagang aspeto upang makabuo ng mga panibagong pahayag ukol dito. Itinuturing na mahalagang salik sa pagkatuto ang paggawa o mga pagkakataong gumagawa ng mali. 3. Teoryang Innate – ayon kay Noam Chomsky, ang bata ay nagtataglay ng likas na kakayahang matutunan ang wika. Narito ang tulong upang mas maunawaan ang talakayan sa Kabanata 1, buksan ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=ySBLWhnMUCg

Eriberto Astorga Jr.et.al,Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc; 2013 Cynthia B. Cruz et. al, Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc;2013 Magdalena O. Jocson et. al., Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Lorimar Publishing Inc. 2005

PAHINA 13

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

I. Sa tulong ng concept map, sabihin kung bakit mahalaga ang komunikasyon sa buhay ng tao.

II. Gumawa ng sariling teorya hinggil sa pinagmulan ng wika. Ipaliwanag

PAHINA 14

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

UNANG PAGSUSULIT: A. ANALOHIYA : Punan ng tamang salita ang bawat patlang. 1. Katangian ng wika : may kakanyahan; Kahalagahan ng wika : ____________ 2. Tsanel : daluyan; Resulta: ____________ 3. Ronald Wardhaugh : nakasalalay sa kasarian; Hudson: ____________ 4. Ponolohiya: Ponema; Morpolohiya: ____________ 5. Pitch: taas o baba; Volyum: ____________ 6. Teoryang Dingdong : bagay;Teoryang Bow-wow : ____________ 7. Romansa : Teoryang Lala; Kumpas: ____________ 8. Kontekstong sosyal : relasyon; Kontekstong sikolohikal: ____________ 9. Berbal: wika; Di-berbal: ____________ 10. Intrapersonal: ibang tao; Interpersonal: ____________ B. PAGTAPAT-TAPATIN : Hanapin sa hanay B ang hinihingi sa hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot. A

B

_____1.Ponolohiya

A. Behikulo ng pagpapahayag ng damdamin ng tao.

_____2.Morpolohiya _____3.Sintaksis

B. Nagtataglay ng likas na kakayang maunawan ang wika. C. Pag-aaral ng makabuluhang tunog ng salita.

_____4.Semantika

D. Pakahulugan ng salita sa loob ng pangungusap

_____5.Komunikasyon

E. Ang pag-iisip at pagpapahalaga sa mga nakalap na impormasyon ay mahalagang aspeto. F. Itinuturing itong palabuuan.

_____6.Linggwistika

_____8.Teoryang Behaviorist

G.Kinasasangkutan ng mga kinikilalang di-berbal na tunog. H. Siyentipikong pag-aaral ng wika.

_____9.Teoryang Kognitibo

I. Proseso ng paghahatid ng mensahe.

_____10.Teoryang Innate

J. May kinalaman sa tuntunin ng pagbuo ng pangungusap K. Paggamit ng mga pagganyak at pamukaw-siglang ehersisyo ang naging daan upang mapangalagaan ang kaunlarang pangkaisipan.

_____7.Wika

PAHINA 15

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK

IKALAWANG PAGSUSULIT: A. MARAMIHANG PAGPIPILIAN: Tukuyin kung ano o sino ang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot. _____1. Mula sa tunog ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran na pinaniniwalaang pinagmulan ng wika. A. Teoryang Bow-Wow C. Teoryang Pooh-Pooh B. Teoryang Dingdong D. Teoryang Yo-He-Ho _____2. Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. A. Teoryang Yum-Yum C. Teoryang La-La B. Teoryang Ta-Ta D. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay _____3. Nalikha dahil sa pwersang gamit. A. Teoryang Bow-Wow C. Teoryang Pooh-Pooh B. Teoryang Dingdong D. Teoryang Yo-He-Ho _____4. Mga pwersang may kinalaman sa romansa. A. Teoryang Yum-Yum C. Teoryang La-La B. Teoryang Ta-Ta D. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay _____5. Batay sa teoryang ito, nakalilikha ng tunog batay sa bugso ng damdamin gaya ng pagkatakot, sakit, labis na katuwaan o kalungkutan, at pagkabigla. A. Teoryang Bow-Wow C. Teoryang Pooh-Pooh B. Teoryang Dingdong D. Teoryang Yo-He-Ho _____6. Sinasabi sa teoryang ito na ang iniluwal ng pagkalam ng sikmura ng tao dala...


Similar Free PDFs