Ortograpiyang Filipino Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Mabisang Pagpapahayag PDF

Title Ortograpiyang Filipino Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Mabisang Pagpapahayag
Course Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Mabisang Pagpapahayag
Institution Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Pages 38
File Size 1.1 MB
File Type PDF
Total Downloads 165
Total Views 495

Summary

highlight your notes meaning every color: Purple– title Pink- subtopic, Mint Green – dates and figures. Brown- names yellow – key terms NOTE: - Additional info/based on my understandingARALIN 1: ORTOGRAPIYA AT PAGSASALIN Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-aaral sa Istandardisasyon ng Wika.Dr. Teresit...


Description



highlight your notes meaning every color:



Purple– title



Pink- subtopic,



Mint Green – dates and figures.



Brown- names



yellow – key terms

•NOTE: - Additional info/based on my understandingARALIN 1: ORTOGRAPIYA AT PAGSASALIN

Ortograpiyang Filipino: Isang Pag-aaral sa Istandardisasyon ng Wika. Dr. Teresita F. Fortunato (1991) Kanyang binigyan depinisyon ang tatlong mga susing salita.

Tatlong mga susing salita: 1. Ortograpiya 2. Filipino 3. Istandardisasyon

TATLONG MG A SUSING SALIT A MGA SALITA 1. ORTOGRAPIYA •

Tumutukoy sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa paraang pasulat. Sa madaling sabi, ito ang paraan ng pagbaybay, ispeling na ginagamit sa isang wika.



Kanyang idinagdag na ang bawat wika ay may sariling sistema ng paglalapat ng simbolo/letra/titik/karakter sa mga makahulugang tunog o ponema.

NOTE: Ang ortograpiya ng wikang Pambansa ng Pilipinas ay ang kabuan at yung pinaka tumpak ng mga kalakaran kung paano nilalapat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat. NOTE: Ibig sabihin sa bawat sinsalitang wika dito sa ortograpiya ay mayroong katumabas na simbolo o sa anyong pasulat



Kapag inugat natin ang salitang “ortograpiya,” malinaw na mula ito sa Espanyol na ortografía.

Na mula naman sa Latin na orthographia, na nabuo mula sa Griyego

NOTE: Hali: baybayin - sa bawat letra nito mayroon itong katumabas na simbolo na may kabuluhang tunog. NOTE: Ang Ortograpiya ay ang wastong pagsulat or wastong sulat.

ANG ORIHINAL AT PANGUNAHING TRABAHO NG ORTOGRAPIYA •

Ang paghanap ng mga simbolo na itinatapat sa mga tunog na ginagamit sa isang wika at ang pagbuo ng mga tuntunin kung paano gagamitin ang mga ito sa pagsulat. Sa ating panahon, nangangahulugan na ito ng isang sistemang estandardisado

NOTE: Istandardisado (standard) meaning yun na yung gagamitin. Mayroon na syang proklasmasyon para gamitin ang isang sistema ng pagsulat o para isalin sa paraang pasulat ang isang wika. Parang magseserve as a guide yung ortograpiya kung paano isusulat yung wika.

2. FILIPINO •

Walang iba kundi ang wikang pambansa na nililinang natin. Unang binanggit ang Filipino na wikang panlahat natin sa Konstitusyon ng 1973; pagkatapos ay sa Konstitusyon ng 1987

NOTE: Lingua Franca – wikang naiintindihan ng iba’t ibang grupo ng tao sa ating bansa na may kanyakanyang wika. So bale kapag ginamit mo yung Lingua Francang yun, ano man ang lenggwahe mo; nagkakaroon kayo ng pagkakaunawaan or nauunawaan mo yung gustong sabihin ng kausap mo. Ex: Ang Lingua Franca ng buong mundo is ingles.

NOTE: 1973 CONSTITUTION – transisyon ng “Pilipino” -฀“Filipino”. Nilalakad na dito yung paggamit ng “Filipino.” Na sya na mang pinagtitibay ng kasulukuyan na umiiral na KONSTITUSYONG 1987 – base na rin saligang batas section 6 “ The national language of the Philippines is “Filipino” NOTE: Dati kasi tagalog lang yung tinitidnan sa a-ba-ka-da (pure tagalog na may 20 titik). Wala rin dun yung 8 hiram na titik. Ibig sabihin walang katutubong letra pero ngayon meron na kaya “Filipino” na yung tawag instead na tagalog.

NOTE: Tagalog yung ginamit nila noon na pambansang wika kasi yung naging batayan kasi dun sa balarila na ginawa ni LOPE K. SANTOS (dating taga-pangulo ng KWF noong 1940) na nagsulong na alpabeto na abakada. So bale di pa kasama yung mga tunog na (C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z) so dahil dito itinuturing pa ‘tong tunog na ‘to as hiram na titik mula sa mga Espanyol at Ingles. .

3. ISTANDARDISASYON •

Kumakatawan sa proseso ng pagiging magkakaanyo, magkakahawig, o uniporme ng isang wika para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito.

NOTE: Pagkakaroon ng isang sinusunod na bagay(Guide) upang magkaroon ng maayos a paggamit tsaka para maiiwasan ang kalituhan. •

Kapag nababanggit ang mga salitang malawakang pagtanggap at paggamit, hindi maaaring hindi maiwasang pag-usapan ang mga isyu at / o suliranin ukol sa Ortograpiya.



Sa BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO ng Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyong 2013 ni Almario, mayroon siyang apat (4) na kataliwasan sa pangkalahatang tuntunin na nauukol sa kasong Kambal-Katinig.

NOTE: Kataliwasan ฀ taliwas (exception) ฀ di kasama

ATALIWASAN APAT NA KKATALIWASA ATALIWASA N 1. UNANG KATALIWASAN •

Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita.

Halimbawa:

NOTE: Dapat buo yung pagbabaybay. Lagyan mo lang ng consonant sa gitna ng dalawang patinig(vowel). Basta isulat mo sya kung paano sya basahin



2.

Ayon pa kay Almario (2013) na ganito rin naman ang dahilan sa baybay noon pa ng katutubong "siya" at "buwán." Kung nais bigkasin nang wala ang unang patinig, kailangang katawanin ang nawalang patinig ng simbolikong kudlit ('), gaya sa "s'ya" o "b'wan."

IKALAWANG KATALIWASAN •

Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita.

NOTE: Dapat kinokompleto o binubuo yung word. Ang kaiibahan lang nito sa unang kataliwasan is maraming consonant letters bago yung kambal na vowel letters. •

Aniya, ang pagpapanatili sa unang patinig ay isang paraan ng “pagpapaluwag” sa mga pantig, at upang matulungan ang mag-aaral (lalo na ang di-sanay sa Espanyol) sa pagpapantig ng salita.



Isipin, halimbawa, ang magiging kalituhan ng estudyante kung paano papantigin ang "induSTRYа" (industria) o "iMPLWeNSYa" (influencia) kapag inalis ang unang patinig na I at U at nagkumpulan ang mga katinig. Samantala, higit na magaan itong mapapantig sa anyong "indústriyá " (indus-tri-ya) o "impluwensiyá" (im-plu-wen-si-ya).

NOTE: Mahirap baybayin kung di kumpleto ang salita kasi nagkukumpolan yung mga consonant letters tsaka mahirap basahin.

3.

IKATLONG KATALIWASAN •

Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.



Ang H ay isang mahinang katinig kaya naglalaho ito kapag walang kasamang patinig(vowels), gaya sa naganap na paglalaho nito sa "perwisyo (perjuicio). Imposible sa gayon, ang anyong “kolehyo” o “rehyon" dahil magiging "koleyo" o "reyon” kapag hindi binigyan ng tanging bigkas ang H na walang kasunod na patinig.

NOTE: Dapat buo pa rin yung paglagay ng kada letra sa isang salita kasi kapag may h, nagiging silent h nalang ‘to. Ang kaiibahan lang nito sa dalawang kataliwasan is may H ‘to and usually pinapalitan ang “g” sa “h” kapag binaybay.

4.

IKAAPAT NA KATALIWASAN •

Kapag ang kambal-patinig ay nasa dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig, ang orihinal.



Ayon kay Almario (2013), sa mga naturang halimbawa, may lumitaw nang varyant na "ekonomya" at "pilosopya" (kung minsan, "pilusupya") ngunit malimit na ginagamit ito nang may pakahulugang iba sa orihinal na kahulugan ng mga ito bilang mga sangay ng karunungan. Ang "ekonomyá" (mabilis ang bigkas) ay matalik na kaugnay ng pagtitipid; ang "pilosopya," gaya sa "pamimilosopya," ay higit na ukol sa mapagmalabis na paggamit ng pangangatwiran.

NOTE: Kailangan pa rin buoin yung word. Ang kaibahan lang nito is kailangan mo lagyan ng diin yung dalawang vowel sound.

Para kay Kristina Gallego (2016) •

Sa kanyang pag-aaral na Isang Pagsusuri sa Korpus Ukol sa Pagbabago ng Wikang Filipino, 1923-2013



Lumalabas ang ilang mga indikasyon ng pagbabago sa Filipino katulad ng sa ortograpiya at pagbaybay, at aspektong leksikal at estruktural ng wika.



Aniya ang mga pagbabagong ipinapakita sa kanyang pag-aaral ay masasabing dulot ng natural na prosesong pinagdaraanan ng anumang wika (kagaya ng pagbabago ng tunog), o dala ng interaksyon ng Filipino sa ibang wika, partikular na sa wikang Ingles.

NOTE: Nagbabago ang wika, at masasabing dinamiko ito. (QUESTION: Namamatay ba ang wika?) ANSWER: Hindi namamatay ang wika, ‘di lang sya masyadong ginagamit. (QUESTION: Masasabi mo bang buhay at nagbabago ang wika?) ANSWER: Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago. Nagbabago ang wika dahil sa pagiging malikhain ng Pilipino kagaya ng Gay Language, salitang kalye o balbal na salita. Dahil rin sa technology kaya nagbabago ang isang wika.

Sa isinulat naman ni Tomas U. Santos •

The Varsitarian noong Pebrero 26, 2016; kanyang inilahad na sa manwal na inilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na “Pagpaplanong Wika at Filipino,"



Isinalaysay ang madugong kasaysayan kung paano humantong ang wikang Filipino sa wikang pambansa at ang kinabukasan ng ating wika. Ayon sa kanya, sa unang bahagi ng manwal pinagtuunan ng pansin ng may-akdang si Virgilio Almario, tagapangulo ng KWF at Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, ang rason kung “Bakit Filipino ang ‘Filipino'?'' na nagbigay ng pahayag na: "Nakakatawa ngunit totoo, ang pangunahing problema ng wikang ‘Filipino' ay identidad."

NOTE: Tagalog – dialect, ito yung kadalasan ginagamit na wika sa isang lugar kagaya ng Region 4A – puro tagalog ang wika nila dito. Pambansang wika noon base sa 1937 constitution na isinabatas ni Manuel L. Quezon (ama ng wikang Pambansa). Mas marami rin ang gumagamit nito. Ito rin ang sentro ng kalakalan kaya yung dialect nila yung gagamitin wika. Subalit sa dialect na ‘to kaya nagkakaroon ng kalituhan. NOTE: Pilipino – 1959; naging opisyal na tawaging “Pilipino” ang wikang Pambansa natin ayon kay Virgilio Almario (taga pangulo ng KWF). Para mahiwalay yung tatak na tagalog

NOTE: Constitution 1973 - Naging “Filipino” na ang national language natin. 1987- dineklara na “Filipino” ang ating Lingua Franca. •

Ani ni Santos, ibinigay na halimbawa ni Almario ang salitang "katarungan” na tinuturing na salin sa wikang Filipino ng Ingles na salitang justice. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, hindi ito mula sa Tagalog.

NOTE: Nagmula ang “katurangan” sa mga sebwano na may salitang ugat na “Tarong” na pinagbasehan nai Lope K. Santos sa salitang katarungan.



Ang saloobin ni Santos – "Para sa ating magaaral na tinuruan ng abakada nang nasa elementarya, marahil simpleng a-ba-ka-da lamang ang tingin natin sa ating alpabeto. Ngunit, ayon sa kasaysayan nito, napakayaman sa ideya ng pagkaFilipino ang kasalukuyang alpabeto."



Sa pagpapatuloy ni Santos sa kanyang panulat, kanyang binanggit ang pahayag ni Almario na - Nagsimula ang alpabeto sa 17 titik (Tagalog na nakabatay sa Baybayin; 3 patinig at 14 katinig) na naging 20 alpabeto (ito yung a-ba-ka-da 15 katinig 5 patinig) noong 1972 at naging 28 titik (23katinig at 5 patinig) noong 1987 hanggang sa ngayon. Ang walong titik (C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z) na idinagdag noong 1987 ang “kumakatawan sa mga tunog na wala noon sa abakada ngunit nasa mga wika ng nasa Filipinas."

NOTE: Filipinas - ito ay imunumungkahi palang ng grupo ni Almario pero di pa isinasabatas. Kailangan na masinsin ang pagisip ng pangalan ng bansa dahil maraming maaepektuhan kagaya ng pera

Espiritu, (2015) Isang Pagsusuri sa Umusbong na Tuldik-Patuldok sa Wikang ilokano at ang Ambag nito sa Ortograpiyang Filipino •

Kanyang ipinapakilala ang kahalagahan ng tuldik sa ortograpiyang Filipino. Sa kanyang pagbibigay kahulugan, ang tuldik o asento ay isang hudyat na dinaragdag sa isang titik upang mapalitan ang pagbigkas o malaman ang wastong pagkakabigkas sa isang salita.



Ang tuldik ay mahalaga sa ortograpiyang Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing gabay upang maging wasto ang paraan ng pagkakabigkas sa isang salita.

NOTE: Nagsisilbi itong guide nila kung paano bigkasin ang isang salita. Kapag walang tuldik, maiiba yung meaning. Diin ang nagpapakita ng lakas ng pagbigkas.

TULDIK 1. PAHILIS



Mabilis ang bigkas ng salita at natatapos na walang impit.

NOTE: Impit – preno, wala lumalabs na hangin kapag binigkas mo sya huli.

Pahilis -Mabilis pero may hangin na ilalabas. Pagbinigkas mo ‘to parang may “h” sya after ng tuldik.

Ex: Pasá – meaning Pasado (Pagbinigkas mo sya para syang “pasáh.” Parang may na tunog na “h” after ng tuldik) Hal. Pasá - Pasado, pása – Pagpasa ng bola, akó - sarili, pasó – expired na, bása – wet

2. PAIWA



Marahan ang bigkas ng salita at natatapos na may impit.

NOTE: Mabagal mo syang bibigkasin at parang may “oh” sya na sound after ng bigkasin yung letter na may paiwa Hal. Punò – tree akò – owning pasò – nalapnos

3. PAKUPYA (^)



Mabilis ang bigkas ng salita at natatapos na may impit.

NOTE: Mabilis tapos parang diin sa letter na may pakupya Hal. Pasâ – natamaan ka sa matigas na bagay, punô– full, pakô – type ng halaman (fern)

Hal. (2) Mula sa Florante at Laura na Isinulat ni Francisco Balagtas Sa Babasâ Nito – wet Sa Babása Nito – read

Sa papel naman ni Dr. Michael M. Coroza (2016) •

“Taksil daw ang Tagasalin?” Isang Pag-unawa sa Pagsasalin bilang Disiplina



"lampas sa pagiging lingguwistiko ang pagsasalin at mataas na kasanayang intelektuwal at karunungang pangkultura ang hinihingi nito sa sinumang naghahangad na maging tagasalin na walang pagsalang magtataksil sapagkat hindi kailanman makaiiwas sa mga pagtatakda ng paglikha o muling pag-akda.”

NOTE: Andronikos ang unang tagapagsalin ng odyssey ni homer nung 240 BC. Mahirap magsalin kasi kapag naggoogle translate ka, iba yung meaning nun pati na rin yung mga idioms, maiiba

ARALIN 2: BATAYANG KAALAMAN SA IINTERDISIPLINARYONG NTERDISIPLINARYONG PAGSULATT DULOG SA PAGBASA AT PAGSULA PAGBASA •

Pagtanggap ng kaalaman o impormasyon sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga salita at simbolo na nakalimbag sa mga pahina ng isang babasahin.

NOTE: Ang pagbabasa ay nakadadagdag ng kaalaman, napapalawak ang ating isipan, nakakapagpawala ng pagkabagot. Nakakaaliw ‘to at pampalipas oras. •

Ang pagbabasa ay ang pagkilala sa mga nakasulat na mga salita, ito ay ayon kay William Morris.



Ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat, sulatin, at ibang sasusulat na bagay, ayon sa Webster Dictionary

NOTE: Ang Kahalagahan ng pagbabasa: (1) Nagkakaroon ng input o bagong kaalaman (2) May bagong salitang natutunan (3) Malaman yung tamang pagbigkas ng salita (4) Malalim ang ating isipan at pananaw (5) Nagiging daan sa pagkakaroon ng komunikasyon (6) Bigay aliw. NOTE: 80% na kaalaman ng tao ay galling sa pagbabasa. Once nakainput na sya sa utak mo, mahirap na syang tanggalin. Sa pagbabasa maaari mong malibot ang buong daigdig kasi base sa binasa mo napapaliwanag nya yung kultura ng bansa o lugar.

PROSESO NG PAGBASA Ayon kay William S. Gray: PERSEPSYON - Kinikilala sa hakbang na ito ang mga simbolong nakalimbag. NOTE: Ang persepyon, ito yung nabasa mo lang pero di mo alam yung ibig sabihin o yung damdamin sa likod ng salitang iyon. Ito rin ay yung pananaw mo ukol sa isang bagay o particular na sitwasyon na maaaring tumukoy sa iyong pagunawa. Hal: Nagbabasa ka ng libro na wala ka pang alam sa kwento so nakabase ka dun sa larawan, sa paksa, o pamagat ng libro. Sa gayun, nagkakaroon ka ng idea kung anong magiging kwento ng libro

KOMPREHENSYON - Inuunawa ang mga kaisipang inihahatid ng mga nakalimbag na simbolo.

NOTE: Ang komprehensyon, naiintindihan mo na yung mga salita. Ito yung pagunawa mo dun sa binasa mo. Hal: Kapag tinanong ka about sa story na binasa mo tapos nasagot mo yung tanong at nauunawaan mo yung nilalaman ng libro ibig sabihin may komprehensyon ka.

REAKSYON (Aplikasyon) - Paglalapat at pagpapahalaga sa kaisipang ibinabahagi ng teksto. NOTE: Sa reaksyon, ito ay ang pagsanib ng mga kaisipan na nabasa mo upang magkaroon ng bagong pananaw at pagkaunawa sa iyong binasa. Nagkakaroon din ng koneksyon si reader sa karakter kasi nakakarelate ka or nararamdaman mo yung gustong ipahiwatig na emosyon ng libro.

ASIMILASYON (Integrasyon)- Pag-uugnay-ugnay ng mga bago at nagdaang karanasan sa pagbibigay-kahulugan sa teksto. NOTE: Ito raw yung “adaptation,” Nauugnay mo yung nabasa mo sa buhay mo at maaari mo ‘tong maapply sa buhay mo kasi maaari na naimpluwensyahan ka ng nabasa mong libro.

PAGSULAT •

Pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang (hal: MS word) ng mga salita, simbolo at larawan na may layuning magpahayag ng kaisipan ng may akda.



Ang pagsusulat ay ang pagsalin sa papel o sa ano mang, kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, larawan ng tao, o grupo ng tao sa layuning maipahiwatig ang kanyang kaisipan, ayon kay Mendoza at Romero.

NOTE: Ang pagsulat ay nakatutulong upang makilala mo yung mga letra na iyong sinusulat at mahahasa rin ang ating abilidad na makapag-isip tayo na ilalapat. NOTE: Kahalagahan ng Pagsulat (1) maipappahatid mo yung mensahe, at informasyon (2) Maiihayag mo yung damdamin mo.

1. TEORYANG LINGWISTIK •

Sinusuportahan ang paniniwala na ang isang mambabasa o manunulat ay ginagamit ang kanyang kaalaman sa kalikasan at istruktura ng wika sa paghahangad na mabigyang katuturan ang isang teksto

Halimbawa, paano mo sasagutin ang tanong na: "Ano ang sunod sa Ingles?" – tinatanong dito kung ang ng salitang “Ingles” "Bukas ba kayo bukas?" – Tinatanong kung open daw ba bukas NOTE: Bale sa teoryang ito, tinitidanan mo yung sense ng pangungusap. Tsaka nakabase madalas yung pagkakaintindi mo sa sentence kung ano yung alam mo na words as of now.

NOTE: Lingwistik - sertipikong pag-aaral sa wika NOTE: Dalubwika/Lingwista – taong nag-aaral ng wika

2. SIKOLINGWISTIKANG TEORYA •

Pinanghahawakan na ang mambabasa, o manunulat ay ginagamit ang kanilang kognitibong punsyunal na gawain ng pagbibigay tuon, pakikisangkot at motibasyon sa pagkakaroon ng interaksyon sa hangaring mabigyan ng katuturan ang isang teksto.

NOTE: Ang teoryang ito ay ang pag-aaral ng mga bagay na pangsikolohiya, nagpapahintulot sa mga tao upang makuha o magamit yung pagkaunawa nila dun sa wika. Pinag-aaralan din dito kung papaano yung isipan ng tao makakapagpahintulot ng mga naunawaan na wika at makalikha ulit another na wika. Punsyunal – function. Feel ko ang ibig sabihin nitong teoryang ito is nakabase yung pagintindi natin sa salita kung paano nagwowork yung utak mo.



Noong taong 1970, ang mga sikolingwistiko ay ginalugad ang dalawang aspeto ng pananaliksik sa wika at literasi. Ang pagtatangkang matugunan ang katanungan ukol dito ay nagresulta sa mga teorya ng surface structure (kung ano ang sinabi o isinulat at ang deep structure (kung ano ang ibig sabihin). ฀ayon ‘to kay Noam Chomsky

NOTE: Surface structure – nakikita mo na nakalimbag na salita at literal yung pagunawa mo sa salita. Deep Structure – parang komprehensyon, Ito yung malalim na pagkaunawa mo dun sa salita



Ang resulta ng pananaliksik ay nagbunga sa pinagmulang teorya ng kompleksidad (derivational theory of complexity) – isang teorya na pinakikilala, ang pagbasa at pagsulat bilang multidimensyunal at komplikadong proseso.

NOTE: Multidimensyonal- ito yung pagsulat ay hindi sya naghiwa-hiwalay kundi kaugnay ng iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. NOTE: Hal: pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa. Itong mga ‘to, hindi sila naghihiwalay kasi magkaugnay sila na gawaing pangkomunikasyon. Parang ang sinasabi lang dito is importante yung mga bagay na yun kasi kapag na...


Similar Free PDFs