Banghay Aralin sa Filipino: Elemento ng Tula PDF

Title Banghay Aralin sa Filipino: Elemento ng Tula
Author Rose Nice
Course Bachelor of Secondary Education
Institution University of Mindanao
Pages 10
File Size 491.5 KB
File Type PDF
Total Downloads 535
Total Views 932

Summary

Paaralan CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 10 Guro: MARIA NICE M. DERECHO Asignatura FILIPINOPetsa Enero 12, 2022 Markahan Ikalawang Markahan Sesyon 1 I. LAYUNIN a. Nalalaman ang mga elemento ng tula. b. Nasusuri ang iba't ibang elemento ng tula. c. Nakabubuo ng tula gamit ang mga elemento ng tula...


Description

1

HAYN SA NO

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman B. Pamantayan sa Pagganap C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto II. NILALAMAN KAGAMITANG PANTURO A. Sanggunian III.PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain

Paaralan

CARMEN NATIONAL HIGH SCHOOL

Baitang

Guro:

MARIA NICE M. DERECHO

Asignatura FILIPINO

Petsa

Enero 12, 2022

Markahan

10

Ikalawang Markahan

Sesyon 1 a. Nalalaman ang mga elemento ng tula. b. Nasusuri ang iba't ibang elemento ng tula. c. Nakabubuo ng tula gamit ang mga elemento ng tula. Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga bansang kanluranin Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media) Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10PB-Iic-d-72) Ikalawang Markahan;Modyul 3, Tula sa Inglatera Paksang-Aralin: Elemento ng Tula DLP, laptop, ppt, Tv Ikalawang Markahan , Modyul 2

B. Panalangin  Pagbati Guro

Mag-aaral

 Magandang

 Magandang

hapon sa lahat! 

hapon po mam.

Pagsusuri kung may lumiban sa klase Guro Mag-aaral  Sino ba ang wala ngayon sa klase?  Bigyan natin ng tatlong bagsak ang ating mga sarili dahil lahat kayo ay nandito at wala ni isa sa inyo na nahuli sa klase.

(Integrated WATCH Advocacy Program by commending students who were consistently are on

 Wala po ma’am, lahat po ay nandito po.  Opo, ma’am.

2 time and no tardiness and absences remarks)

 Okay! Sa pagsisimula ng ating klase/talakayan, nais ko lamang ipaalala na dapat 1 metrong distansya ang bawat isa, lahat ay nakasuot ng mask. At nais ko na makinig ang lahat. Kung maari ay iwasan natin ang pag-iingay lalo na’t may nagsasalita sa harapan. Naintindihan ba? (Manner)  Maari na ba tayong magsimula?

 Opo, ma’am, sige po.

 Paghahanda ng mga mag-aaral bago simulan ang bagong aralin.  Pagbabalik-aral Guro  Ano nga yong huling paksa na ating natalakay?  Mahusay! Ano ba itong mitolohiya?

B. Panlinang na Gawain

 Magaling! Talaga naman naintindihan ninyo kung ano itong mitolohiya.  Pagganyak Guro  Ngayon, handa na ba kayo sa bagong paksang ating itatalakay?

Mag-aaral  Tungkol po sa Mitolohiya po ma’am.  Ito po ay isang malaking uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kuwento ay mga Diyos at Diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

Mag-aaral  Opo, ma’am.

3

 Ngayon, lalaruin natin ang HULA-rawan. Pamilyar ba kayo sa larong ito?  Magaling! Sa larong ito, huhulaan ninyo ang . mabubuong salita gamit ang mga larawan sa pamamagitan ng pagbabawas o pagpapalit ng mga letra o pantig ng bawat salita. Nakuha ba?  Mayroon lamang kayong sampung segundo upang hulaan ang tamang sagot.  Handa na ba kayo?  Narito ang isang halimbawa. (Ipapakita ng guro ang isang halimbawang larawan).Pagkatapos ng sampung segundo ay mag bibigay na ng sagot ang mag-aaral.  Ano ba ang salitang mabubuo sa larawang ito? -sh +

-tter

g=n+o

 Opo, ma’am. Eto po ang laro na nasa Showtime po ma’am.  Opo, ma’am.

 Handa na po, ma’am.

 Filipino po, ma’am.

 Mahusay! Ngayon simulan na natin. Para sa unang bilang. Ano kaya ang salitang mabubuo? x=k

-se +

-ri

 Saknong po, ma’am

 Tama! Para naman sa ikalawang bilang, ano kaya ang mabubuong salita sa larawang ito? b=t +

-n  Tugma po, ma’am.

 Magaling! Para sa ikatlong

4

bilang, sa loob ng sampung segundoo, ano naman kaya ang mabubuong salita dito? -n+

c=k  Sukat po, ma’am.

 Tumpak! Para sa ika-apat na bilang naman. v=a +

r=l+

t=g+a  Eto po ay talinghaga po, ma’am.

 Magaling! At para sa huling bilang naman. -ip+a tulip

 Tula po, ma’am.

 Mahusay!  Ngayon, pamilyar ba kayo sa mga salitang pinabuo ko sa inyo?  Magaling! Tula at ang Elemento ng tula. Naalala pa ba ninyo ang kahulugan ng mga elemento ng tula? Ito ay naitalakay na noong nasa ikawalong taon pa kayo. (Naihahambing ang anyo at mga elemento ng tulang binasa sa iba pang anyo ng tula.) F8PB-IIi-j28 (Filipino 8) (Indicator 1: Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas.) 

 Opo, ma’am. Eto po ay tungkol sa tula at elemento ng tula po ma’am.

Paglalahad Guro

Mag-aaral

5

 Magaling! Tula at ang Elemento ng tula. Dahil ito ang paksang itatalakay natin sa araw na ito.  Sa pagtatapos ng klase , tayo ay inaasahang; malalaman ang mga elemento ng tula, masusuri ang iba't ibang elemento ng tula, makabubuo ng tula gamit ang mga elemento ng tula.  Nakuha ba?  Ang mga Elemento ng Tula ay ang mga sumusunod; 1. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. 2. Saknong- ay isang pangkat sa loob ng isang tula na may dlawa o maraming linya (taludtod) 3. Tugma- isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha na itong nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbibigay sat ula ng angkin nitong himig o indayog. 4. Kariktan- ito ay nagtataglay ng maririkit na salita na kung saan mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mambabasa.

 Opo, ma’am.

6

5. Talinghagamagandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula. 

Gawain “TULa-awit” Guro  Ngayon, pipili ang guro ng ilang mag-aaral na silang kakanta ng isang OPM na awit ni Moira na pinamagatang “Paubaya”. (Magpapakita ang guro ng bidyu ng awitin. (Perform selections of Afro-Latin Americans and popular music in appropriate pitch, rhythm, style and expression (Philippine Popular Music) (MU10AP-IIa-7) (MUSIC 10) (Indicator 1: Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas.)  Ang galing2x naman. Bigyan natin sila ng tatlong bagsak.  At ngayon pipili na naman ang guro ng ilang magaaral na silang magbabasa ng isang tulang pinamagatang “Ang Kalupi Ng Puso” ni: Jose Corazon de Jesus (Magpapakita ang guro ng kopya ng tula)



Analisis

Mag-aaral

(Indicator 2: Plan and delivers teaching strategies that are responsive to the special educational needs of learners in difficult circumstances, including: geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict, urban resettlement or disasters; child abuse and labor practices).

7

 Magaling! Bigyan din natin sila ng tatlong bagsak.  Ngayon, ano ba ang napansin ninyo sa istruktura ng awiting Paubaya at sa Tulang “Ang Kalupi Ng Puso” ni: Jose Corazon de Jesus.  Mahusay! Ano pa ang napansin ninyo?

 Tumpak! Maari nating tawagin ang isang kanta na malayang taludturan sahil wala itong sukat at ang tula naman ay may sukat talaga.



Abstraksiyon Guro

 Ano ang kahulugan ng tula?

 Magaling! Ang tula ay may mga elemento. Ano nga ulit ang elemento ng tula?

 Tumpak! Ngayon, batay sa mga elemento ng tulang natalakay natin, ilang saknong mayroon ang

 Pareho lamang po ang istrutura ng kanta at tula po ma’am.

 Pareho po sa bilang ng taludtod. Mayroon pong apat na taludtod sa isang saknong.

 Sa sukat po ng bawat pantig sa isang taludtod ma’am ay magkaiba po. Dahil ang kanta ay hindi pareho ang bilang ng pantig o sukat ng bawat taludtod samantalang ang tula naman ay may labindalawang pantig sa bawat taludtod.

Mag-aaral  Ang tula po ma’am ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking ali-iw.  Ang mga elemento ng tula po ma’am ay ang sukat, saknong, tugma, kariktan, talinghaga.

 Mayroon pong apat na saknong.

8

tulang Ang kalupi ng Puso ni: Jose Corazon de Jesus?  Magaling! Ilan ang sukat ng pantig?

 Labindalawa po ang sukat ng pantig ma’am.

 Mahusay! Mayroon bang tugma ang tula? Ano ito?

 Mayroon po ma’am. Ang tugma po mam ay “o” at “a” na makikita sa huling pantig po.

 Tama! Nakitaan ba ito ng kariktan? Magbigay ng isang halimbawa.

 Opo ma’am. Tulad po ng salita n amula sat ula na “siphayo” na ang ibig sabihin po mam ay “pighati”.

 Tumpak! Nakitaan ba ng matatalinghaga salita ang tula? Magbigay ng halimbawa.  Tama! Ngayon, ano ba ang kahalagahan ng mga elemento sa pagbuo ng isang tula?

 Opo ma’am. Tulad halimbawa ng salitan “Kalupi”.

(Objective 3: Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative thinking, as well as higher-order thinking skills)

 Napakahusay! Bigyan natin ng tatlong bagsak. Mayroon pa ba?

 Tunay na napakahalaga ng mga elemento ng tula ma’am sapagkat dito masusukat ang haba, ganda, istilo mensahe at kaayusan ng isang tula.

 Ito po ang magiging batayan ma’am sa kalalabasan ng mabubuong tula po.

 Ang galing galing naman talaga! Bigyan ng tatlong bagsak. Tunay ngang naunawaan ninyo ang ating paksang tinalakay.



Paglalapat (Larawan ko, itutula ko!) (Apply different media techniques

and

processes

to

9

communicate ideas, experience and stories showing the characteristics of the 21st century art (graphic software like photoshop, In design, etc.) (A10pr-IIb-e-3) (ARTS 10) (Indicator 1: Apply knowledge of content within and across curriculum teaching areas.) (Indicator 3: Selected, developed, organized and used appropriate teaching and learning resources, including ICT , to address learning goals.) -Gamit ang pencil sketch Application or picture art, nais ko na gumuhit kayo ng isang bagay na magrepresenta sa iyong dignidad bilang isang tao. Gawin lamang ito sa loob ng 10 minut0. (Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.) (Esp10MP-If-4-1) (ESP 10) (Objective 1: Applied knowledge of content within and across curriculum teaching areas.) -Pagkatapos maiguhit ang larawan, gawan ninyo ito ng tula. Dalawang saknong na mayroong apat na taludtod, at siguraduhing makikita sa inyong ginawa ang elemento ng tula. Gawin ito sa loob ng sampung minuto). Gawin ito sa powerpoint or word at ipapasa ito sa facebook messenger ng guro. Napakahusay 20 puntos Napakalalim at makahulugan ang mga salitang ginamit sa binuong tula. May sukat at tugma.

Mahusay 15 puntos Malalim at makahulugan ang tula. May mga sukat ngunit may bahagyang inkosistensi.

Di-gaanong mahusay 10 puntos Bahagyang may lalim ang binuong tula ngunit walang sukat at tugma.

IV. Pagtataya -Pagkatapos makaguhit ng larawan at makabuo ng tula ang magaaral, pipili ang guro ng mag-aaral na silang magprepresenta ng kanilang ginawa na may patulang paraan at paawit na paraan, sa pamamagitan ng pag bidyu ng kanilang sarili habang ginagawa ang gawain. Gumamit ng iba’t ibang video editor application (hal. Inshot, VivaVideo, capcut, KineMaster at iba pa). -Para naman sa mga hindi makapagpresenta ng kanilang tula, maari lamang na ibidyu ang sarili habang ginagawa ang pagtutula at ipapasa ito sa facebook messenger ng guro. (CHILD PROTECTION POLICY) GOAL #5: Ensure children’s high academic achievement and success. (Your school encourages and promotes cooperative and “hands on” learning (“learning by doing”). (Indicator 2: Planned and delivered teaching strategies that are responsive to the special educational needs of learners in difficult circumstances, including: geographic isolation; chronic illness; displacement due to armed conflict, urban

10

resettlement or disasters; child abuse and labor practices). Iprint ang inyong naiguhit na bagay at naigawang tula sa A4 size bond paper at papirmahan sa inyong mga magulang, pagkatapos ay magbibigay ako sa inyo ng isa-isang schedule para sa pagbibigay ng puna sa inyong performance sa klase kasama ang inyong magulang. CHILD PROTECTION POLICY) GOAL #7: Mobilize community support for education (Your school invites parents to discuss with your teachers the learning experiences and progress of their children.)

V. V. Kasunduan

Inihanda ni:

Maria Nice M. Derecho Guro sa Filipino 10

Siniyasat ni:

Dr. Reyden Lyn E. Piquero Master Teacher II...


Similar Free PDFs